Chapter 9

Binalibag ko ang pinto ng bumaba ako ng kotse at dumiretso akong pumasok ng bahay ng hindi siya pinapansin. Kanina habang nasa kotse kami ay ni walang usap na nangyari, ni wala man lang siya sinabi sa akin. Buong durasyon ng biyahe namin ay nakatingin lang ako sa labas, ni hindi ako nagtangkang tumingin sa dako niya kanina.

Ngayon alam kong nakasunod lang siya sa ako pero wala akong pakialam dahil galit ako sa kanya, ayoko siyang kausapin o makaharap man lang ngayon.

Na-drain ang lahat ng enerhiya ko sa araw na ito, sa lahat ng nangyari sa akin. Gusgustuhin ko na lang matulog at wag na muna siyang harapin. Nakakapagod lang talaga.

"What the hell was that about?" dumagundong ang boses niya sa kabahayan dahil walang kaingay-ingay ang paligid, kakapasok niya lang sa bahay habang ako ay papanhik na sana sa hagdanan ng magsalita siya. Didiretso na sana ako sa kwarto para makapagpahinga.

Hindi ko siya pinansin dahil wala akong ganang magsalita at humakbang muli ako papanhik ng marinig ko muling nagsalita si Renzo.

"Answer me." sambit niyang muli pero hindi ko pa rin siya binigyang pansin, nakakatatlong hakbang na ako sa hagdanan at desidido akong hindi ko siya iimikin.

I don't want to talk to him right now dahil baka magkaroon ng world war two sa pagitan naming dalawa. Galit ako at alam kong ganoon din siya dahil sa tono ng boses niya, though hindi ko maintindihan bakit siya nagagalit ngayon.

Ayokong magsigawan kami na parang tanga kaya mas mabuti ng wag kaming mag-usap ngayon. Pang-apat ko na sana na hakbang ng di ko mapansin na mabilis siyang nakalapit at agad niyang nahawakn ang braso ko para pigilan ako.

Agad akong napalingon sa kanya at napatingi. His face was emotionless as always, hindi niya pinapakita ang nararamdaman niya kaya minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip niya o ang nararamdaman niya sa lahat ng ito.

"Pakiusap bukas na lang tayong mag-usap." Nakahawak pa rin siya sa braso ko at ayaw niya talagang bitawan ang kamay ko kahit tinatanggal ko na.

"Answer me now." Matigas niyang sambit na kinabuntong hininga ko.

Ano bang gusto niyang marinig sa akin?

"Ikaw pa talaga ang nagtatanong ngayon?" I said in a mocking tone. Seryoso ba ang lalaking ito? siya pa ang may ganang magtanong sa akin niyan?

"Why don't you ask yourself instead? I'm sure you can definitely answer it." Binalikwas ko muli ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya, siguradong namumula na ang braso ko ngayon.

"Binabaliktad mo ako." Bakas ang pagkalito sa boses nito.

"Hindi mo alam? Ang tali-talino mo tapos hindi mo alam o sadyang wala ka lang talagang pakialam sa akin." Pinatatag ko ang boses ko dahil ayaokog ipakita na nasasaktan ako ng sobra.

"Wala ka lang ba talang konsiderasyon sa akin Renzo? Ngayong araw na ito wala ka bang narinig man lang? Ni hindi mo man lang magawang magtanong kung ok lang ba ako?" Puno ng hinanakit kong sabi sa kanya. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang magmakaawa sa kanya dahil pakiramdam ko ito na lang parati ang ginagawa ko, ang magmakaawa para maintindihan at mahalin.

"You're obviously okay because you're with that guy." He said in a sarcastic tone.

"Ngayon ko lang naisip na ang babaw mo pa lang mag-isip Renzo." Napa-iling na lang ako dahil gusto kong ipukpok ang ulo niya sa pader.

"Sige sabihin mo na nga sa akin bakit kasama mo ang lalaking iyon?" tanong niya sa akin, wala akong magawa kundi sumagot dahil hindi niya din binibitawan ang braso ko.

"Dahil wala ka at andoon siya." Sinigawan ko siya. Kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Wala ka sa tabi ko para sabihing magiging okay rin ang lahat. Wala ka sa tabi ko pero nandoon siya para sa akin ang dapat na ikaw gumagawa. Nasaan ka? nasa kandungan ng ibang babae. Siguro akala mo hindi ko kayo nakitang naglalampungan sa loob comfort room sa lahat pa ng lugar yan pa pinili mo. Napaka-cheap niyo naman." Patuloy na bumubuhos ang aking mga luha. Nakatingin lang siya sa akin at hindi makapagsalita.

"Ngayon, Anong karapatan mong magalit sa akin Renzo?" Binalikwas ko ulit ang brasong hawak-hawak niya kaya ngayon nabitawan na niya ang braso ko. "Oh Renzo isang pagkakataon ko lang pinilit ang sarili ko sayo at iyon ay ang inalay ko ang katawan ko sayo. And this whole marriage thing? Don't blame me that we got married because I didn't knew that our parents agreed to this and I never planned to force you to marry me."

Binalik ko na ang atensyon sa pagpanhik sa hagdanan pagkatapos ay hinila niya ako. Akala ko mahuhulog ako sa hagdan pero na hulog ako sa braso niya at mabilis niyang nilapat ang labi sa labi ko. Napansin ko na lang na tumutugon na pala ako sa halik niya.

Pinantay niya ang pagkakatayo namin, lumayo siya ng kaunti sa akin pero nakahawak ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Pinahid niya ang iilang luha sa aking pisngi at pagkatapos ay muli niya akong hinalikan ng buong alab, it's was not the kiss we've usually shared. The kiss was so gentle that I felt like he was comforting me.

"Don't cry again. I hate to see you cry." Ginamit niya ang hinlalaki niya sa pagpahid ng luhang nasa pisngi ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko siyang makita, ayokong makita ang emosyon na nasa mukha niya. I dont wan't him to pity me, ayokong makita iyan sa kanya. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa mga mata ko.

Huminga ako ng malalim, nilayo ko ang sarili ko sa kanya kasi pagmalapit ako sa kanya nawawala ako sa katinuan at hindi ako nakakapag-isip ng tama. Kailangan kong mapag-isa at mag-isip.

"Gusto ko ng magpahinga. Mauna na ako sayo." Pumanhik na ako pero nakakadalawang hakbang palang ako ay bigla akong natumba mabuti na lang may dalawang braso ang nakapulot sa akin kundi matutumba ako or worse nahulog sa hagdanan.

"You okay?" That simple question he asked flatters my heart. I hate how he can easily manipulate my heart. Bigla kong naalala na isang responsibilidad lang ako sa kanya at wala ng iba.

"I'm okay." Tumayo ako ng tuwid pero naramdaman ko na lang na binuhat na niya ako sa matipuno niyang braso. "Ibaba mo ako, I can handle myself."

"You can handle yourself, right." He said in a sarcastic tone.

"Ang lapit-lapit na lang ng kwarto ko bakit kailangan mo pa akong buhatin." Hindi na niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbuhat sa akin na parang unan lang ang bigat ko.

Nakarating na kami sa kwarto ko, inihiga niya ako sa kama na parang batang mababali kung hindi ako pag-iingatan.

Why is he acting like this?

Hindi ko alam kung bakit biglang ganito siya umakto samantalang kanina lang parang wala siyang pakialam sa akin. May saltik na ba ang lalaking ito?

"Rest for a while, gigisingin kita mamaya for dinner." Kinumutan niya ako habang ako ay nakatitig lang sa kanya.

Mukha din ata akong may saltik na kasi heto ako bumibilis na naman ang tibok ng puso ko na para bang hindi ako umiyak kanina. Jusko po, itong puso ko sobrang rupok.

Kahit masama ang loob ko ay ito nakatitig na naman ako sa mukha niya, humahanga sa kapogian niya. How crazy can I be?

"Rest now." Narinig kong sabi niyang muli.

"Wag ka ng maghanda, ako dapat iyong maghahanda mamaya." Tatayo sana ako ng pinahiga niya ulit ako. Asawa parin kami kahit sa papel lang kaya kailangan ko parin siyang pagsilbihan tulad ng simpleng paghahanda ng pagkain. Tsaka hindi rin ata siya marunong magluto.

"As much as I want you staring at me like that kailangan kong maghanda ng hapunan natin. You my wife need to rest, I know how to cook. Don't worry hindi kita papakainin ng hindi masarap." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon?

He kissed my forehead sayang at hindi sa lips. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalabas siya ng pinto pero bago niya isara ang pinto ay tumingin muna uli siya sa akin at kumindat. Dahil doon namula nga ang pisngi ko. Umiling-iling ko lang ang ulo ko dahil may saltik na nga kami pareho.

Was he being sweet to me?

Devon's POV

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa mukha ni Serena, tinanggal ko ang nakatabing na iilang buhok sa mukha niya. Her curls are all over the place, her face looks so angelic when asleep but she turn into a sex goddess when in bed with me.

Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya para kumain o hayaang matulog na lang. Naalala ko kung paano siya umiyak kanina. I don't want to see her like that, crying because of me. Mas maayos para sa akin na sampalin at sigaw-sigawan niya ako kesa ang umiyak siya sa harap ko.

Kanina gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Ang laki kong gago.

Nakita niya pala ako kanina sa loob ng comfort room kasama si Heidi. It's been two days and I feel damn frustrated dahil hindi siya mawala sa isipan ko at sa sistema ko. My mind is messed up because of this beauty in front of me.

Gustong nasa tabi ko lang siya parati, gusto kong ako lang ang meorn siya. Gusto kong protektahan siya sa lahat, at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Dahil sa hindi ko na alam ang dapat kong gawin ay nilabas ko ang frustation ko ng mag-aya si Heidi sa akin kanina. When I was kissing Heidi all I could ever think of was kissing the luscious lips of Serena. Damn that! Heidi was no Serena, ni hindi ko magawang maikompara ang dalawa dahil mas malayong maganda sa panlabas at panloob si Serena. Heidi was nothing at all.

Kaya naman ay iniwan ko kaagad si Heidi at nagpalamig ako sa football area. Doon ako nagpalipas ng oras at nag-iisip kung kelan nagsimula ang lahat ng nakakalitong nararamdaman ko.

Nang medyo dumilim na ay dumeritso na ako sa parking lot at doon ko nakita si Serena na niyakap ng ibang lalaki. The same guy she always hang out with.

Hindi ko alam ang nangyari sa akin ng biglang nag-init ang ulo ng makita ko sila. Niyakap nong lalaki si Serena at hinayaan niya lang ang lalaking iyon. Hindi ko alam paano ko napigilan ang sarili ko na wag sila sugurin at bugbugin ang lalaking yumakap sa kanya.

Noong maglakad na sila palapit sa akin at nakita kong umiiyak si Serena ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. The guy was hugging her because she was crying. When she looked at me, I knew immediately that I was the reason why she cried.

Nakita ko din ang kotse niya kanina, flat ang dalawang likurang gulong. Alam kong mahal na mahal niya ang kotse niyang ito kasi regalo pa iyon sa kanya ng parents niya.

Muli kong naalala ang mga sinabi ko kanina sa lalaking iyon. I was never the careless one, hindi ko talaga alam kung anong sumaping espiritu sa akin para isiwalat na kasal na kami ni Serena. Ang laman lang ng utak ko kanina ay galit sa lalaking kinukuha ang akin.

At ang malala pa ay pinipili ni Serena ang lalaking iyon kumpara sa akin na asawa na niya. Kung hindi ko pa siya pinilit ay hindi talaga siya sasama sa akin pauwi. Ni hindi niya ako kinibo ng nasa sasakyan na kaming dalawa.

Mas gusto niya ba sa lalaking iyon kesa sa akin? Ayaw na ba niya sa akin? Nanghihinayang ba siyang hindi niya nakasama ang lalaking iyon?

I felt really bad when she cried the second time at the stairway. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader ng sunod-sunod kong nakita ang mga luha niya. She was crying so hard and all I wanted was to kiss those tears away and hug her tightly.

Pinaglandas ko ang kamay ko sa pisngi niya ng bigla niyang hinuli ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit, sinisik sa may mukha niya at muling natulog.

So adorable.

"Baby, wake up now. Dinner is ready." Ginamit ko ang isa kong kamay para gisingin siya pero hindi talaga magising kaya ginawa ko ang pinaka epektibo na pampagising.