Chapter 7
Nakatulala pa din ako ngayon habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.
Kasal na ako.
Paulit-ulit ang salitang iyan sa utak ko. Paulit-ulit hanggang nag-sink in na sa akin na kasal na agad ako sa lalaking mahal ko pero hindi naman ako mahal.
Ang sakit lang isipin na iyan agad ang unang pumasok sa utak ko pag-gising palang sa umaga pero dedma lang, kasi hindi ko na nga masyadong i-stress ang sarili ko. Noong nakaraang araw lang kinasal ako, last week lang Ms. Serena Xhen pa ang pangalan ko. Ngayon ay iba na ang last name ko, Mrs. Serena Xhen Yan na asawa ng isang Devon Lorenzo Yan.
Dalawang araw na ang lumipas, dalawang araw na rin akong kasama si Renzo sa iisang bahay. Sa dalawang araw ay wala kaming kibuan dalawa na para bang hindi kami bagong kasal.
Nag-usap naman kaming dalawa pero isang beses lang iyon, noong kakalipat lang naming dalawa sa bahay na binigay ng parents ni Renzo. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay walang kibo na naman si Renzo sa akin kaya hindi na din ako nagtangkang makipag-usap sa kanya.
"We can't deny now that we are husband and wife legally, sa mata ng mga magulang natin at sa mga taong nakakaalam na kasal na tayo. As I told you before we are both good in acting so there's nothing to worry about, right?" he said sarcastically with a straight face.
Naibuka ko ang aking bibig pero walang boses ang lumabas sa akin bibig. Napaupo siya sa sofa habang ako nakatayo sa harapan niya. Nakatitig lang ako sa kanya at siya sa akin.
"I just want to clarify this, I don't want anyone to know that we are married." Emphasizing the word 'anyone'. "Alam kong sa madaling panahon kakalat na ang balita at hindi na natin matatago pa. Ang ayoko ko lang na ipagsasabi mo." Tumayo siya sa kinauupuan at unti-unting lumapit. "Are we clear, wife?" Napatigil ako sa paghinga ng naramdaman ko ang labi niya sa may leeg ko.
He was so close that I can smell him so well and that moment made me crazy.
"Have I told you that we well consummate this marriage? I know you also want this, you want me the way I want you." He started kissing and caressing every part of me, we ended up making love all night long.
Hindi niya kailangang ulit-ulitin na sabihin sa akin ang mga salitang sinabi niya na parang sirang plaka. Inaasahan ko na din naman talaga ang sasabihin niya sa akin, hindi na ako umaasa na sasabihin niyang gagawa kami ng paraan para ayusin namin ang relasyon namin. Kailangan niya lang ako minsan para sa kama niya, and I'm totally fine with that.
Napalingon ako sa side table ng maalala ko kung anong oras na ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong seven-thirty na ng umaga.
Napatayo ako at nagmamadaling maligo dahil paniguradong late na ako sa first subject ko. Hindi ko naman akalaing matagal na pala akong nakatitig lang sa kisame at nag-iisip.
Napadesisyunan namin ni Renzo na magkahiwalay kami ng kwarto, sabi niya sa akin na mas maayos na hiwalay kami para may privacy kaming dalawa. Pero hindi pwede malaman ng pamilya namin na hiwalay kami kaya pag dumadating ang tagalinis na pinadala ni Mom na pumunta dito kada dalawa beses sa isang linggo ay hindi namin pinapayagan na pumasok rito sa kwarto ko.
Kaya bago ako umaalis ay sinisigurado kong sarado ang pinto ng kwarto ko dahil pagnalaman ng tagalinis ay paniguradong isusumbong kaming dalawa ni Renzo sa parehong pamilya namin.
Tumayo na ako at nagmamadaling dumeretso sa banyo para maghanda ng sarili. Gusto kong sampalin ang sarili ko, sinabihan ko na ng ilang beses ang sarili kong wag masyadong mag-isip ng mga bagay-bagay dahil hindi maganda ang nagiging resulta. Parang ngayon lang late na ako sa klase ko kahit ang aga ko namang nagising kanina.
Paniguradong nakaalis na si Renzo at nandoon na iyon sa campus, kahit ganoon iyon ay ni minsan hindi ko siya nakitang ma-late sa klase namin kaya naman hindi na ako nagtataka bakit parati siyang nangunguna sa batch namin.
"MS. XHEN you are late." agad kong narinig ang pagalit na boses ng professor ko. Nararamdaman ko ang mga tingin ng mga classmates ko sa akin lalo na ang tingin ni Renzo na hindi kalayuan sa kinakatayuan ko ngayon.
"I'm sorry Maam." Paghingi ko ng paumanhin sa Professor ko, buti na lang ito ang unang beses kong malate sa klase niya.
"I accept your apology since this is your first time to be late in my class but please be sure not to be late next time Ms. Xhen." Tumango lang ako at deretso-deretsong naglakad sa usual na upuan ko. Hindi na ako nabigla ng 'Xhen' pa rin ang gamit kong apelyido, hindi pa nga kasi anunsiyo sa lahat na kasal na ako kay Renzo.
Nakaupo na ako ng nararamdaman ko pa rin ang mga tingin sa akin, mga kakaibang tingin pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin at nakinig na lang ako sa klase na hindi ko nasimulan, mabuti na lang nag-advance read ako kaya medyo alam ko na ang leksyon.
"WHAT'S WITH this people?" Iritang-irita na sabi si Rezzy, alam ko dahil halatang halata sa boses niya. Gusto kong matawa dahil siya talaga ang affected at hindi ako.
Kanina hindi lang nito pinapansin ang mga tingin sa amin at mga pinagsasabi tungkol sa akin. Alam ko naman ako ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon. Gossips and rumors spread all over the campus, about me and Renzo being married.
Habang naglalakad kami sa hallway ay walang tigil ang tingin, titig, salita tungkol sa akin kesyo malandi daw ako, mataas ang pangarap dahil sa lahat ng lalaking pinili ko raw gawan ng kasinungalingan na asawa ko ay si Renzo pa, at ito pa hindi naman daw totoo kasi ang pangit ko daw at hindi daw ako papasa sa standard ni Renzo para maging asawa niya ako.
Nagawa kong hindi pansinin ang bawat pasaring nila sa akin pero si Rezzy napuno na ata sa kanila at ang bawat titingin sa amin ng masama ay iirapan o kaya sisinghalan niya. Kilala rin kasi sa campus si Rezzy lalo na at napakaganda niya, pero pag nagalit ay balahura ang ugali.
Pero kahit ganyan si Rezzy ay nagpapasalamat ako na nandyan siya. Parati siyang nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay at kulang na lang pasalangin niya ang mga nam-bubully sa akin kung hindi ko siya pipigilan. Mabuti na lang may isa akong kaibigan na katulad niya.
"Alam mo S may naisip akong idea para tumigil na iyang mga inggeterang mga palaka." Nakikinig lang ako sa kanya habang pinipilit na wag matawa sa facial expression niya.
"Wag na pabayaan na lang natin sila." Naglalakad na kami papunta sa cafeteria para makakain na dahil gutom na gutom na ako. Inaya ko na siya dito kahit alam kong marami akong maririnig na kung ano-ano sa palagid tungkol sa akin.
"No! Let's make a banner saying 'we are newlywed' with matching pictures niyo ni Devon noong kasal niyo! Tignan lang natin kung may masasabi pa sila sayo!" Natawa na talaga ako sa suggestion ni Rezzy.
"Ewan ko sayo Rezzy, gutom lang yan!" Umiling-iling na lang ako habang tumatawa na.
Nang malapit na kaming makapasok ay naharang kami ng grupo ni Heidi the octopus.
"What do we have here? The famous whore with her bitch beastfriend." Nakataas ang kilay nito at sinukat kami ng tingin. Kung gaano ka taas ang kilay nito ay mas mataas ang kilay ng ni Rezzy ng marinig ang sinabi ni Heidi sa amin.
"Whore? Bitch? Beast? Are you describing yourself? Those words suited you and your minions the most." Mababakas sa mga mukha ng mga ito ang galit at pagkabigla. Mali talaga ang binangga ni Heidi, hindi niya mapipigilan si Rezzy sa bibig niyan pag nagsimula lalo na ininsulto siya.
Maglalakad na nasa kami palayo ng lumapit si Rezzy sa mga ito at bumulong kuno pero naririnig naman ng lahat.
"Do you want hear a good news?" Kinuha ni Rezzy ang kaliwang kamay ko at pinakita sa mga ito. "Do I have to voice it out for you witches or you bitches intelligent enough?" At talga winasiwas niya ang kamay ko na may singsing sa harap ni Heidi.
"What the- you are such a liar." Tumingin sa akin si Heidi ng mukhang hindi ma-spelling ang pagmumukha.
"Am I really a liar? Believe what you want to believe in." Mahinahon kong sagot pero gusto kong tumawa ng malakas ng makita ko ang nabiglang mukha ni Heidi at ang mga minions niya sa sagot ko. That's a first and damn that felt good.
Nauna na kaming pumasok since maraming nakapansin sa maliit na stunt na ginawa ni Heidi. Rezzy was smiling widely at nahahawaan na rin ata ako. That really felt good!
"I am so proud of you S!" Ngiting-ngiti na sabi ni Rezzy sa akin.
"Ano bang ginawa ko?" Pagmaang-maangan ko sa kanya, nakakaumay din iyong pananahimik ko.
"You defended yourself kahit hindi naman talaga defend iyon pero parang ganoon na din! Have you seen Heidi's face when she saw your diamond ring?" Rezzy never stopped giggling even when people started looking at us.
"I did nothing, sinagot ko lang siya para makausad na tayo at makakain na." Sagot ko, sabay kalam ng tiyan ko.