Chapter 6
Serena's POV
Malapit na ang turno kong maglakad sa aisle at nenerbiyos na ako na sobra. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na kaya ko ito at dapat nakangiti ako habang naglalakad papunta sa altar kahit na kulang na lang ata ay atakihin ako sa puso.
"Relax Darling." I looked at Dad's smiling face, kinuha niya ang isang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. I looked at the crowd, some people are having the wow look habang nakatingin sa akin at ang iba naman ay nakangiti na nakatingin sa akin.
Engrande ang kasal namin ni Devon pero mga importanteng tao lang ang invited which are some relatives, family friends, business partners and big investors. Walang media ang invited at dapat hindi makaalam dahil ayaw ipalam na ang dalawang tagapagmana ng pinaka-successful group of companies in asia ay memerge.
Alam naming imposibleng di kumalat ang balita na kasal na kami pero mas maganda na na konti lang ang nakakaalam ng tungkol dito.
Dad told me not to reveal anything for now since one month from now ay ipapaalam na ikinasal na kami at ang pagme-merge ng dalawang pinakamalaking companya hindi lang sa bansa pati sa asya ay iisa na.
Habanh naglalakad ako ay napansin ko ang bestfriend kong abot ang ngiti sa tenga na parang tuwang-tuwa siya para sa akin. Ngumiti na lang ako rito kahit hindi masyadong pansin dahil sa veil ko.
Pinilit kong ngumiti na parang ang saya-saya ko din kahit na nakatatak sa utak ko ang sinabi ni Renzo kanina. This marriage is just pure business and no feeling attached. I will always stay as his sex partner and he can never love me the way I love him.
Pinipigil ko ang luhang nagbabadyang umagos. I can't ruin my face right now, not in the middle of this huge crowd.
Napatingin ako kay Renzo na nakatingin pala sa akin. Hindi ko na rin magawang ialis ang tingin ko sa kanya, unti-unting pumorma ang isang ngiti sa mukha niya na parang ang saya-saya niya habang hinihintay niya ako. Iyong tinging parang ako na ang pinakamagandang babae sa mga mata niya. Napuno ng saya ang puso ko ng konti at nawala sa isip ko kahit papaano ang sinabi niya kanina.
Siguro kung ang mga tao ang nakatingin sa amin ngayon ay mapapansin na masayang-masaya si Renzo na ikasal sa akin but I know him better than anyone else. Alam kong nagkukunwari lang siya at parte ito ng palabas niya. Naalala ko ang sinabi niya kanina, na magaling siyang umarte at gagwin niyang makatotohanan ang lahat.
Ang galing niyang umarte na pati ako ay nadadala na rin sa kanya. Sana totoo na lang ang mga pinapakita niya sa akin. Pero sabi nga nila mas magandang harapin ang katotohan kesa magpaloko sa kasinungalingan.
Nakatitig na ako sa mukha ng lalaking mahal ko na hindi ako kayang mahalin. Kinuha na niya ang kamay ko at may sinabi pa sa kanya si Dad pero hindi ko na yun napansin dahil nawawala na ako sa aking sarili.
"Are you okay?" He looked at me again. He just said those words with sincerity but I still know that this is part of his act. Simpleng tango na lang ang ginawa ko at humarap na agad ako kay father.
"I, Devon Lorenzo Yan, take you Serena Xhen to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And here I pledge to you my faithfulness."
Habang nakatitig ako sa kanya pakiramdam ko totoo ang lahat ng mga sinasambit niya na walang halong kasinungalingan. Alam kong nagbubulagbulagan lang ako pero kahit ngayon lang papabayaan ko ang sarili ko sa kasinungalingan ito kahit sandali lang.
Kinuha niya ang aking mga kamay ng may halong pag-iingat at sinuot na sa akin ang sing-sing na nagsisimbolong kasal na nga kami.
"I, Serena Xhen take you Devon Lorenzo Yan to be my wedded husband. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us part. And here I pledge to you my faithfulness."
Kinuha ko na rin ang kanyang kaliwang kamay at isinuot rin ang sing-sing sa daliri niya. Naramdaman ko ang intensidad ng titig niya sa akin.
"You may now kiss the bride." Nakangiting saad ng Pari sa amin, ng mapatingin ako kay Renzo ay ang lalo paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko napansin ang pagdapo ng labi ni Renzo sa akin at ang sarili kong tinutugon na pala ang halik niya.
Napansin ko na lang ang ilang pumalakpak at ang iba naman ay nag-cheer sa amin. At ang isa doon ang bestfriend ko, narinig ko pang sabi niya na "more" daw.
"Let me see more of your beautiful smile." Bumulong siya sa may tenga ko na bigla kong kinailing ng ulo dahil nakiliti ako. Ang lakas kasi ng kiliti ko sa may tenga at alam kong alam ni Renzo iyon. Dahil magalaw ako ay na out balance ako buti na lang nahawakan niya ako sa magkabilang braso.
Tumayo na ako ng maayos habang siya ay nakahawak pa rin sa akin incase matumba ako muli. Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti ng pilit.
Bigla akong napatingin sa kanya ng marinig kong tumawa siya ng mahina. Nanliit ang mga mata ko, bakit siya natawa?
"Are you laughing at me?" Tinaasan ko siya ng kilay pero tumaas lang ang gilid ng labi niya.
"Halika na." Hinawakan niya ako sa may bewang, nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito.
Ano nga ulit ang sinabi niya? Halikan na? Kakahalik niya lang sa akin kanina tapos halik ulit?
"Sabi ko tara na, they are waiting for us." Natatawa niyang sabi sabay iling habanag nakatingin sa akin. Parang tumaas ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
"Don't you worry, we will do it later." Bigla na naman akong napakislot, hindi dahil sa nakiliti ako kundi dahil sa sinabi niya. Ginaya na maglakad sa aisle palabas ng simbahan.
NAKANGITI AKO sa mga taong nag-eenjoy ngayon sa reception ng kasal namin ni Renzo. Pagod na pagod na ako sa kaka-welcome ng mga bisita at gustong gusto ko ng magpahinga sa kung saan walang nakapaligid na tao sa akin. Nangangalay na din ang pisngi ko dahil sa kakangiti mabuti na lang at nakaalalay sa akin si Renzo kanina pa.
I'm grateful na nandyan siya sa tabi ko kahit na napipilitan lang siya. Hindi kasi matapos-tapos ang pakikipag-usap sa amin ng iba't ibang mga bisita lalo na ang mga relatives namin. Sa mga tanong na pinupukol sa amin ay si Renzo ang sumasagot habang ako naman miminsan lang magsalita lalo na pag-business ang pinag-uusapan. Napagod na kasi talaga ako at napansin niya rin yata ang paulit-ulit kong paghikab.
I excused myself to go to the bathroom, nagtanong pa sa akin si Renzo kung mag-papasama pa ba daw ba ako sa kanya pero sinabi kong hindi na at kaya ko naman pumunta mag-isa.
He looked so concerned but I know that this is still part of the act as my good and loving husband.
Nagpunta na ako sa banyo at diretsong pumasok sa isang cubicle para ilabas ang kanina ko pa pinipigilang ihi.
"Devon is so hot with his white tuxedo."
"Yeah, but sad to say he is now married."
Bigla kong narinig ang pag-uusap ng dalawang babae sa labas. Hindi siguro alam ng mga ito na nandito ako sa isa sa mga cubicle kaya patuloy akong nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
"I didn't expect that's his wife, Serena Xhen right?"
"Yeah, ang pagkakaalam ko hindi siya ganoon kaganda based on what others said."
"Yeah, iyan rin ang alam ko but did you saw her earlier? She is beautiful kaya siguro pumayag rin si Devon na magpakasal sa kanya."
"I thought their marriage was arranged because of their business pero iba ang nakikita ko maybe they love each other."
Patuloy parin akong nakikinig sa pag-uusap ng mga babae hanggang sa umalis na ang mga ito kaya lumabas na rin ako ng cubicle. Sana kung totoo nga ang mga narinig ko na mahal nga niya ako kaya iyon ang dahilan kung bakit nagpakasal kami.
Tumingin ako sa salamin at napadako naman ang tingin ko sa sing-sing na nasa daliri ko ngayon na nagsisimbolong kasal na nga kami. Pakiramdam ko itong mga nangyayari sa buhay ko ay naging isang cliché love story kung saan napilitang magpakasal ang lalaki sa isang babae na mahal na mahal siya. Isang one sided love but in the end they still live happilly ever after.
In love stories parati iyong nangyayari sa mga bida. Despite the fact that the other doesn't love the other but they still make it through. Na sila parin sa huli, na nagiging masaya parin sila.
But that is just stories, a fantasy and fiction not reality. Iba sa totoong buhay dahil kahit anong pilit o kahit anong gawin mo para lang mahalin ka ng taong mahal mo kung ayaw naman talaga sayo ay wala kang magagawa. Your efforts will be wasted.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Mommy sa akin. Fight for him, fight for that love.
Ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya dahil baka isang araw gumising na lang siya at mahal na niya ako, pero parang wala namang nangyayari dahil naggalit lang siya lalo sa akin. There is no chance that he'll love me the way I love him.
Unti-unti ng tumulo ang mga luha kong pinipigilan ko kanina pa. Iyong iyak na ito dahil na sa halo-halo kong nararamdaman at naiisip, pakiramdam ko naiipon itong nararamdaman ko at kailangan ko lang ilabas, itong stress at pagod sa lahat na lumalamon sa akin ngayon.
Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata at inayos ang aking mukha dahil magtatanong na naman sila mamaya kung anong nangyari sa akin. Nanatili ako sa cubicle ng ilang minuto para huminga at pahupain ang nararamdaman ko.
I'll just let myself be happy for now, ayokong mag-isip ng mga bagay bagay. Kahit mali at kasinungalin ang lahat ng ito, kahit ngayon lang, asawa muna ako ng isang Devon Lorenzo Yan.
Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin bago ako ako lumabas sa banyop, medyo maaga ng konti ang mata ko pero mapapansin lang pagka tinigan ako ng matagal, wala naman sigurong makakapansin. Napatigil ako ng mapansin ko ang isang malaking bulto sa aking unahan pagkalabas ko ng banyo, isang lalaki. Hindi kasi masyadong maaninag ng ilaw dahil natatabunan ang parteng iyon.
Alam kong nakatingin siya sa akin dahil nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatitig. The intensity of the way he looked at me that makes my heart skip a beat. I know its him, wala ng ibang magpapabilis ng tibok ng puso ko kundi siya lang.
Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nagkatitigan pa din kami. Naramdaman ko na lang ang paglalandas ng kamay niya sa mukha ko then suddenly I was in his arms. Niyakap niya ako ng mahigpit pero siniguro naman niyang nakakahinga pa ako.
Pinabayaan ko na rin ang sarili kong dumantay sa malapad niyang dibdib. I feel so safe in his arms na kahit tumigil ang oras ay hindi ako kakawala sa kanya. I can feel the warmth in his arms. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin then he looked at me once again.
"Let's go, they are waiting for us." he offered his hand, tumago ako at kinuha ko ang kamay ni Renzo kahit na nalito ako sa kilos niya ngayon.
Nakaupo kami ngayon sa table namin. We just sat there silently looking at the crowd whose busy talking to one another. Tumingin ako kay Renzo, naalala ko ang ginawa niyang pagyakap sa akin kanina. Gusto kong malaman kung para saan ang yakap na iyon pero tinikom ko na lang ang bibig ko.
"Would you care for a dance my wife?" Napatingin ako sa kanya at sa kamay niya na nakalahad sa harapan ko. Napatingin naman ako kina Mom at Dad na nakangiti ngayon na nakatingin pala kanina. Siguro kaya niya ako inaya dahil nakatingin sa amin ang pareho naming parents.
First dance nga pala kami, nakatingin pa rin ako sa kamay niya na nakalahad. Tumaas naman ang tingin ko sa mukha niya na naghihintay na abutin ko ang kamay ko sa kanya. Tumango na ako at nakangiting kinuha ang kamay niya.
Nagpunta na kami sa gitna, napatayo lang ako sa gitna na parang di alam ang gagawin kaya naman kinuha ni Renzo ang dalawa kong kamay at pinulupot sa leeg niya habang ang dalawa niyang kamay ay pinosisyon niya sa bewang ko.
Nagsimula na kaming sumayaw, sakto naman dahil slow love song ang sumunod na kanta. Dinantay ko ang ulo ko sa dibdib niya, ayoko siyang tignan ngayon dahil baka iba na naman ang ekspresyon na makita ko ngayon sa mukha niya.
Bawat galaw namin ay sumusunod lang sa ritmo ng slow love song, nakasara ang mga mata ko at nag-enjoy lang sa pakiramdam na andito ako ngayon sa bisig niya.
Naramdaman ko ang pagdantay ng isa niyang kamay sa buhok ko at ang paghalik niya din doon. He continued to danced me and it felt like I was actually safe in his arms.
Binuka ko ang mga mata ko at napatingin sa kanya, napatitig sa mapanghinotismo niyang mga mata. God, I love staring at those eyes. Pakiramdam ko nalulunod ako sa titig niya. Sa tinging binibigay niya sa akin lalo akong nalulubog sa nararamdaman ko para sa kanya.
Sa klase ng tingin niya sa akin ay pakiramdam ko may nararamdaman din siya sa akin kahit kaunti lang. Maybe I am just seeing things but still there is a certain portion in my heart hoping.
Siguro hanggang pangarap na lang ang inaasam ko pero hindi ko mapigilang hilingin na mahalin niya rin ako. I can only dream.
Pinagpatuloy namin ang pagsasayaw habang nakayakap ako sa kanya na mas lalo niya pang hinigpitan.
Lumapit siya sa may tenga ko, naramdaman ko ang paghinga niya doon na kinakikiliti ko.
"I haven't told you how breathtakingly beautiful you are today, Wife."
Totoo ba ang narinig ko? He just spoke those words. Alam kung sobrang pula ng mukha ko na parang kamatis. Naramdaman ko na lang na nakatitig na pala ako sa nakangiti niyang mukha.
"Thanks." Nakangiti kong sambit sa kanya, ang sarap pakinggan ng sinabi niya, minsan ko lang kasi siya marinig na magbigay ng compliment sa akin.
He then suddenly captured my lips, I was tad surprised but then I answered his kiss back not minding the people staring and gawking at us. There is one thing I know, this is the sweetest kiss we have shared.