Chapter 71
February’s POV
“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.
“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.
“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.
“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.
“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.
“I’m done with my works there,” sabi niya naman.
“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kahit kailan ang mokong na ‘yan. Walang sabi-sabi pang kumuha ng lunch niya. Hindi ko na lang pinansin.
Pinakain na muna namin ang ilang trabahante.
“Damot pala ni Mr. De Silva,”cnatatawang sambit nila dahil nakahawak itong si Sapphire sa aking baywang. Siniko ko naman siya ngunit ayaw bumitaw. Ngumisi lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng trahabador namin.
“I’ll go na, I’ll get ready for the dinner later,” sabi ko sa kaniya. Pupunta kasi ang pamilya niya sa bahay namin mamayang dinner. Ang sabi ko nga kay Sapphire kami na lang ang pupunta sa kanila ngunit mapilit ang mga ito, pag-uusapan na rin kasi ang magaganap na kasal. Kasama sina Aling Sally dahil ito lang naman ang isa sa gumagabay sa aming magkakapatid. Saka kasama ko rin siyang magluluto.
“I’ll come with you. I’m done with my works,” sabi niya naman.
“Fine, sa palengke muna tayo,” sabi ko sa kanya. May mga ilang bibilhin pa kasi kami doon.
Nagtungo naman kami na kami sa palengke, may ilang bumabati sa amin. Well, sino bang hindi makakakilala kay Architect, ‘di ba?
Nang matapos kaming mamamalengke ay bumalik na rin kami sa bahay. Pinagkunutan ko naman ng noo si Cali at Aya nang makita kong nandito na sila sa bahay.
“Tapos na ang klase, Ate,” sabi nila sa akin.
“Lokohin niyo na ang lelang niyo pero hindi niyo ako maloloko,” sabi ko sa kanila.
Pinaningkitan ko pa sila ng mga mata. Diretso lang naman ang tingin nila sa akin, memoryado ko na ang mga ito kaya alam kong hindi sila nagsisinungaling.
“We’ll help, Ate!” sabay pa nilang saad. Napatango naman ako dahil dito.
Napatingin naman ako sa cellphone nang makitang may tumatawag. Si Sapphire na ang sumagot dahil abala ako sa paghihiwa.
Napatingin naman ako sa kaniya nang ilayo niya sa tenga niya ang cellphone at napailing na lang. Pinatay niya pa ‘yon.
“Spam call,” sabi niya kaya napatawa ako nang mahina. Paniguradong ang Tita niya ‘yon.
“Siraulo ka, tawagan mo ulit. Mamaya sabihin pinatayan ko,” sabi ko sa kaniya.
“It’s okay, she already call me kanina, malapit na raw siya,” sabi niya kaya natigilan ako.
“Akala ko ba dinner?” nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya.
“Mas nauna siyang magbyahe, excited,” natatawang saad ni Sapphire. Nang malaman ni Tita Dina na nagkabalikan kami ni Sapphire, halos araw-araw na akong tinatawagan nito.
Paminsan-minsan ay nagtutungo rin dito at dito pa talaga tumatambay sa bahay. Ayos lang naman sa akin ‘yon lalo na’t Cali and Aya is really enjoying her company.
Maski si Sapphire ay tumulong na rin sa paghihiwa dahil wala naman siyang ginagawa. Nakatunganga lang dito sa isang tabi. Maya-maya lang ay dumating na nga si Tita Dina.
“Tita!” nakangiting sambit ni Aya na lumapit pa dito.
“Aya, look oh, may bago akong biling damit para sa’yo!” nakangiti nitong sambit.
“Talaga, Tita? Thank you po!” saad naman ni Aya. Nagkakasundo talaga ang dalawang ito pagdating sa mga damit.
Hindi ko naman pinagbabawalan si Aya dahil maski ako ay gustong spoil-in ang mga ito, saka walang makakapigil kay Tita Dina. Sinubukan ko na ‘yon ngunit walang nangyari.
Inayos lang din naman sa labas ang lamesa dahil maski si Donya Emilya ay sasama rin pala.
Kinagabihan naman ay dumating na sila. Napanguso naman ako nang makita kong medyo marami ang mga ito, mabuti na lang talaga ay marami rin ang niluto namin. Maski ang ilang pinsan niya ay nagtungo dito.
“Magandang umaga ho,” bati ko sa mga ito at ngumiti. Sa totoo lang ay parang manlalambot ang tuhod ko sa kaba.
Binati rin naman nila ako pabalik. Napatingin naman ako sa isang lalaking tahimik lang sa isang tabi. Si Don Felipe, ni hindi ito makatingin ng diretso sa akin. Maski si Sapphire ay tanong nang tanong sa akin kung ayos lang papuntahin ang Daddy niya.
Ito ang unang kita ko sa kaniya pagkatapos niyang humingi ng tawad sa amin nang tuluyan niya ng nalinis ang pangalan niya. Natatandaan ko pa rin kung paano siyang lumuhod no’n, guilty’ng-guilty sa nangyari.
Ayos naman na ako, napatawad ko na ito, hindi ko rin naman tatanggapin si Sapphire kung may galit pa rito sa puso ko. Kina Cali at Aya lang talaga ako nag-aalala ngunit mukhang normal naman ang mga ito, masayang bumabati sa mga nandito. Nang si Don Felipe na ang bumati ay ngumiti rin sila ngunit mas tipid nga lang.
Napa-buntonghininga naman ako dahil do’n, atleast ayos naman for now.
“Upo po kayo.” Natawa naman ako kay Tita na para bang kami ang kamag-anak niya.
“Tita, stop being weird,” natatawang saad ng mga pamangkin niya. Pinandilatan niya lang ang mga ito ng mata. Napailing na lang ako sa kanila.
Umupo na rin naman kami. Pinagmamasdan ko naman ang reaksiyon nila, kinakabahang hindi nila magustuhan ang luto namin ngunit kusa na lang kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong nasasarapan ang mga ito.
Nagkatinginan naman kami nina Aling Sally at nina Aya at sabay l-sabay pang napangiti. Naging maayos naman ang dinner na naganap.
“Ako na pong bahala riyan, Tita,” sabi ko dahil nagliligpit sila. Imbis na magpaawat ay tinulungan pa ako ng Mommy ni Sapphire. Dalawa kaming naghugas ng pinggan.
“Thank you for giving my son a chance again, Febi...” nakangiti niyang sambit sa akin.
“I’ve never see him smile this way before simula noong maghiwalay kayo,” sabi niya sa akin. Ako rin, Tita.
“Ako nga dapat ang magthank you sa inyo, Tita,” nakangiti kong saad. Mayamaya lang ay nasa tabi na namin si Tita Dina.
“Ano ba ‘yan? Nagdadrama nanaman ata kayong dalawa?” natatawa niyang sambit sa amin. Mas lalo namang gumaan ang atmospera kasama sila. Dumagdag pa si Aya na siyang talaga namang mas kasundo pa ata nila kaysa sa akin.
Hindi ko na lang mapigilang mapangiti dahil dito. I’m thankful that I took the risk.
Balak nilang dito pa matulog ngunit maliit lang ang bahay kaya nahiya naman kami.
“Ayos lang kahit sa banig kami!” sabi ng ilang pinsan niya. Napaawang naman ang labi ko, hindi naman kasi sanay ang mga ito ng ganoon at siguradong sasakit ang mga likod nila.
“Kahit sa kwarto na lang po kayo, kami na lang ang sa banig,” suhestiyon naman ni Aya. Napangiti naman ako sa kaniya.
“Sina Lola na lang ang matutulog doon, I want to try this din e!” sabi ng isa sa mga pinsan niya. Kaniya-kaniya naman silang hilamos at balak na nga talaga nilang matulog dito dahil may kaniya-kaniya na silang damit na dala. Akala mo’y magsisibakasiyon dito.
Tinulungan naman nina Aya at Cali ang mga ito na maglatag. Nakatayo lang naman ako sa hamba ng pinto habang tinitignan sila ng nakangiti.
Lumabas naman ako ng bahay at nagtungo sa duyan. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Sobrang nakakaoverwhelm ang mga nangyayari.
“February…” Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Nakita ko namang nakatayo rito si Don Felipe.
“Don Felipe!” gulat kong sambit sa kaniya.
“Salamat, ha?” sambit niya sa akin. Ilang beses na ata akong nakarinig ng pagpapasalamat nila sa akin.
“Para saan po?” tanong ko naman.
“Sa pagmamahal sa anak ko at sa pagtanggap sa akin dito,” sabi niya at ngumiti pa sa akin. Makikita ko namang totoong ngiti ang pinapakita nito.
“Pasensiya ka na rin... sa nagawa ko noon...” mahinang saad niya.
“Napatawad ko na po kayo, Don Felipe. Tapos na po ‘yon,” sambit ko naman na tumingin sa kawalan.
“Sa totoo lang natakot lang talaga ako para sa anak ko…” sambit niya kaya napakunot ako ng noo sa kanya.
“I felt inlove with your mom, kauna-unahang pagkakataon na nagmahal ako. She’s my first love. Akala ko ako rin, masiyado akong nakampante dahil mayaman ako, walang panama ang mga taong nandito. Pero masiyado pala akong naging mayabang. Hindi pala lahat ng tao sa pera kumakapit. Hindi pala lahat ng tao mabibili ng pera at isa ang nanay mo roon,” saad niya. Nakatingin lang naman ako sa kanya habang nagkukwento siya.
“Natakot lang ako na baka katulad ko, hindi niya rin magawang kalimutan ang nararamdaman niya para sa’yo. Na baka tulad ko, mabaliwala lang din siya, na makahanap ka rin ng taong mas mabuti ang kalooban kaysa sa kaniya. Pero higit siguro sa lahat, hindi ko pa rin matanggap ‘yong nangyari no’ng nakaraan,” sambit niya pa.
“Alam kong walang kapatawaran ang perwisyong nagawa ko sa inyo, hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa inyo,” saad niya.
“Mabuti ho sigurong patawarin niyo muna ang sarili niyo, Don Felipe,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Katulad nga ng sinabi ko ako napatawad ko na siya.
“May tanong po ako Don Felipe,” sambit ko sa kanya. Tumango naman siya.
“Mahal niyo po ba si Tita Tere?”vtanong ko. Ngumiti siya at tumango. Siguradong-sigurado sa kanyang sagot.
“Hindi lang ho pala kayo dapat sa akin humingi ng tawad,” sabi ko at napailing pa. Tinuro ko naman ang dibdib niya.
“Diyan po. Tanungin niyo po ‘yan kung mahal niyo pa rin ba talaga ang Mama ko o napupuno lang talaga kayo ng galit,” sambit ko pa. Medyo nagulat naman siya sa aking tinuran at unti-unting ngumiti.
“May isa pa ho akong tanong, Don Felipe,” sambit ko.
“May kinalaman ho ba kayo sa sunog na nangyari noon?” tanong ko. Napaawang naman ang labi niya. Dahan-fahan itong umiling.
“No’ng araw na ‘yon, gusto kong komprontahin ang Mama mo at tanungin kung bakit ba hindi ako ngunit ang Papa mo ang nakausap ko. Nakita kong mabait nga talaga ito. Maayos na nakipag-usap sa akin hanggang sa mabalitaan naming may sunog daw. Mabilis itong tumakbo roon, malaki na ang apoy nang makarating kami, nakita kong nailigtas ka niya ngunit hindi pa nakontento at nagpumilit pa rin na pumasok para lang sa Mama mo. Nang maapulahan na ang sunog, nakita na lang silang nakaratay na dalawa,” sambit niya.
Unti-unti na lang pumatak ang mga luha ko ng dahil sa kwento niya. Mas lalo kong nasiguradong wala siyang kinalaman sa nangyaring sunog noon dahil ako ang may pakana. Para bang isang panaginip na nagsibalikan sa akin ang aking mga alaala kung paano ako naglalaro ng apoy habang ang Mama ko’y abala sa pananahi ng mga damit na ipapasuot niya sa akin.
Para bang unti-unti kong naalala ang mga memorya ko kasama sila. Mas lalo pang lumakas ang iyak ko kaya nataranta si Don Felipe, hindi alam ang gagawin.
“What did you do, Dad?” malakas na sigaw ni Sapphire sa Daddy niya. Galit na galit ito kaya agad ko siyang niyakap.
“Walang kasalanan ng Daddy mo,”=sabi ko na pahikbi hikbi pa.
“It’s my fault, ako ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay namin noon,” humahagulgol kong saad.
“Is that what you told her, Dad?” galit na sigaw ni Sapphire sa Daddy niya.
“N-no ..” Natataranta ito dahil sa pag-iyak ko.
“No, Sapphire, it’s not that. I remember what happened now,” sabi ko pa. Umiyak pa ako sa kanyang dibdib.
“A-ako ‘yong dahilan kung bakit nasunog ang bahay namin...” Iyak ko pa ulit. Ulit-ulit na saad ko.
“Shh...” sambit niya na hinaplos ang buhok ko. I feel really bad for my Mom and Dad, ni hindi ko man lang sila madalas kausapin dahil wala akong matandaang alaala na kasama sila gayong mahal na mahal nila ako. Mahal na mahal ko rin sila.
Epilogue
Sapphire’s POV
“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.
Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.
“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.
“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.
“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatanggap pa ng malutong na sampal. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang silang pagsalitaan ako ng kung ano. Maski si Tita ay hindi na rin natutuwa sa inaasta ko, hindi na rin naman ako natutuwa sa sarili ko.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa cellphone ko nang makita ang update tungkol kay Febi. She’s getting there, she’s moving forward. Para bang unti-unti akong sinampal ng katotohanang kailangan ko na ring humakbang upang makabangon. Paano kung bumalik siya at makita niya akong ganito?
Using that as my motivation, parang unti-unti akong nakabangon ngunit alam ko sa sarili kong lugmok na lugmok pa rin. I tried really hard to move on pero saan ako nadala ng pagmomove on ko? Sa pagsilip ng mga litrato naming dalawa.
“Bro, umuwi si Febi sa kanila, bibisita sa puntod ng Lola niya.”##, k sabi sa akin ng kaibigan kong si Samuel. For 2 years, I saw her, mas lalo pang humaba ang buhok nito, mas lalo pang gumanda. Fuck, paano ako makakamove on kung ganitong siya pa rin ng siya ang naalala ko?
Sa loob ng walong taon, hindi ako kailanman humintong magtanong tungkol sa kaniya lalo na’t nang makasama ko si Isaac. Nang magkaboyfriend ito, akala ko huli na talaga. Inabala ang sarili sa trabaho, hindi ko binigyan ang sariling makapag-isip pa, baka mamaya ay puntahan ko siya roon.
“Hindi ka nga mamamatay sa alak, mamamatay ka naman sa sobrang pagtatrabaho mo,” sabi sa akin ni Tita. Hindi ako nagsalita. Lagi niyang pinapaalalang kalimutan ko na siya ngunit alam niyang hindi ‘yon madali dahil hindi niya rin nagawa.
“It’s Piolo’s party, hindi ka ba pupunta?” tanong sa akin ni Isaac.
Nandito ako ngayon sa site, inaabala ang sarili sa trabaho.
“Pupunta,” simpleng sambit ko. Napakibit naman siya ng balikat.
Then I saw her… I saw her again... she cut her long hair into a short na bagay na bagay naman sa kaniya. Lahat naman ata’y bagay sa kaniya. Ang mga labi nito’y mas lalo pang namula, morena pa rin ang kulay ng kaniyang kutis, ang mga mata’y kulay tsokolate.
“It’s fine,” sambit ko na para bang wala lang siya sa akin ngunit ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso. Dire-diretso lang akong naglakad papasok sa loob ng cr para pakiramdaman ang sarili.
Ang laki-laki pa rin pala talaga ng epekto niya sa akin. Akala ko’y ayos na ako, ayos? Kailan ka ba naging ayos, Sapphire.
Hindi ko maiwasang sundan siya ng aking mga mata. Gustong kabisaduhin ang lahat sa kanya.
“Pre, matunaw ‘yan.” Tuwang-tuwa na pang-aasar ni Isaac, akala mo’y hindi ako sinapak noon dahil sa bestfriend niya.
“Tara, pakilala kita,” nakangisi niyang sambit na para bang may pinaplanong masama. Napailing na lang ako sa kaniya dahil dito.
Akala ko ‘yon na ang huli kong kita sa kaniya ngayong taon, kontento na ako roon ngunit nagulat na lang ako nang makita ko sila sa bahay nila.
“Good morning, Wor—“ Gulat naman akong napatingin dito. Madalas akong nandito sa bahay kapag may project ako rito ngunit hindi ko sila kailanman nakitang tumira dito.
Napaawang pa ang mga labi ko dahil sa gulat ngunit agad ko ‘yon tinikom. Hindi ko alam na dito na pala sila titira.
“Tangina mo, bakit hindi mo sinabi sa aking sa kaniya ang clinic na ‘yon?” tanong ko kay Isaac.
“Tangina mo rin, hehe. Para surprise,” natatawa nitong saad.
“She’s going to live here?”vtanong ko pa ulit.
“Oo. Bakit? Akala ko ba moved on ka na?”vnatatawa niya pang tanong.
“Naghahanap nga ng architect niya,” sambit niya pa.
“I’m free…” mahina kong saad kaya napatawa ito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Akala ko ba’y marami kang trabaho?”btanong niya pa. Hindi ko na lang ‘to pinansin.
Gusto ko mang ilayo ang sarili ko sa kaniya, hindi ko magawa. Nagsibak ng kahoy kahit na may gas naman ako. I just want to interact with her. Kahit sibil lang ba.
Ang hirap-hirap niya ng abutin noon ngunit mas lalo naman ngayon. Ilang beses ko pang sinubukang kausapin siya, nagagawa pa nitong ngumiti sa akin na para bang wala na akong epekto sa kanya. Sabagay, oo nga naman, 8 years na ang nakalipas ngunit ako itong siya pa rin ang gusto.
Sa isang lakad niya lang ang dami ng nagkakagusto sa kanya. Hindi ko pa maiwasang mairita habang pinagmamasdan ang mga lalaking pinagpipyestahan ang katawan niya. I want to fucking grab her and tell all of them that she’s mine, she’s fucking mine. But no... she’s not mine... hindi na siya sa akin.
Hindi ko na lang maiwasang uminom ng uminom, para bang nagbabalik na naman ako sa dati.
Then I woke up early seeing her in my shirts, para akong binuhas ng malamig na tubig at kinabahan na baka may nagawa ako sa kaniya, na baka natakot ko siya. Fuck, alcohol.
“Fuck,” natataranta kong saad nang bigla na lang ‘tong bumagsak habang bumibili ng mga stock nila sa bahay.
Dali-dali ko siyang binuhat patungo sa bahay nila. Mabuti na lang at natawagan ko ang mga kapatid niya. Ang sarap-sarap niyang alagaan, hindi ko pa maiwasang pagmasdan ang oayapang mukha niya habang natutulog.
Nang magising siya’y para akong mapapaso sa tingin nito. Hindi ko pa alam ang gagawin ng hawakan niya ako, nakakainis dahil ang laki-laki ng epekto niya sa akin.
When I saw her with Jigs and Darren, gusto kong magpuyos sa galit ngunit wala naman akong karapatan. Saka ko lang napagtanto na gusto ko ulit sumubok, gusto ko ulit na ligawan siya dahil hindi ko kayang makita ang mga nakaaligid na lalaki sa kanya.
“Luh, ano ‘yang nginingiti mo riyan, Zeal?” natatawang tanong sa akin ni Samuel at Isaac. Napasilip pa sila sa phone ko kaya agad kong tinago. Litrato iyon ni Febi habang kinakain ang niluto ko.
I was really happy, maski no’ng dalhin ko siya sa lugar na madalas ko ring puntahan, seeing her smile makes me smile.
“Sir? Didiretso na po agad kayo sa party? Hindi ba kayo magpapahinga?” tanong ng driver ko. Kalalapag lang ng sinasakyan ko ngunit gusto ko na agad siyang makita.
“Opo, Manong,” sambit ko naman. Kinuha ko na ang motor ko at nagtungo na sa bahay nina Piolo.
“Welcome to the engagement of Ms. Castro and—“ Para akong nabingi habang pinagmamasdan siya sa taas na naeengage kay Jigs. Hindi ko alam ang nararamdaman, para bang unti-unting nagunaw ang mundo ko.
Nakita ko pa ang mga mata niyang napatingin sa akin.
What’s with the look in your eyes, Febi? Mahal mo ba ako? Kasi kung mahal mo ako handa akong guluhin ang engagement party na ‘to o naguguilty ka dahil pinahintulutan mo akong ligawan ka? Hindi mo kailangan makonsensiya kung dahil lang do’n. No’ng niligawan kita, handa akong makatanggap ng rejection galing sa’yo pero ang sakit pala. Ang sakit nanaman pala.
But then... nagpakita ka na naman.
Akala ko nabitawan ko na naman siya ngunit hindi ako mapaniwala ng sagutin niya ako. I’ll never let her go again, hindi na mauulit pa ‘yon.
And now, she’s walking in the aisle while looking at me. Humahagulgol ito ng iyak habang papalapit sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Lahat ng nanonood, masaya habang pinagmamasdan siya, nandito si Jigs na humingi ng tawad sa kanya, si Donya Ligaya, si Fiona, ang mga kaibigan ko. Lahat sila’y masasaksihan kung paano ko pakasalan ang babaeng pinakamamahal ko.
I’m marrying the most beautiful girl I’ve ever seen. I’m finally marrying her…
You’re not leaving me again, My February…
February’s POV
“Isa, Architect!” sigaw ko kay Sapphire nang walang ako niyang binuhos sa akin ang tubig na sobrang lamig.
Naghagikhikan naman ang mga anak namin kaya pinaningkitan ko sila ng mga mata. Halos mangatal naman ako sa lamig kaya natatawa akong niyakap ni Sapphire.
Nandito nanaman kami at naliligo sa ulan kasama ang mga anak namin, si Tita Dina at si Aya. Tawa naman kami ng tawa habang parang mga batang nakikihabulan kina Dylan at Zeigh.
Nang mapagod ay nagsihiga sa damuhan. Tawa pa rin kami ng tawa kahit na nakahiga na. Madalas na nandito si Tita sa amin, may sarili na rin siyang kwarto dito, malaki ang bahay at masaya naman kami na maraming nakatira dito. Halos hindi na nga umuwi si Tita sa sarili niyang bahay, uuwi lang kapag kasama kami.
Masaya ako na makita rin siyang masaya habang nandito.
“Tita, pasok ka na sa loob, malamig na,”vnatatawa kong saad dahil nagkakaedad na rin ito.
“Sus, lamig lang ‘yan, si Dina ako,” natatawang sambit niya napailing na lang ako sa kaniya dahil hindi rin naman ito magpaawat.
Mayamaya ay nagsipasukan na sila sa loob dahil nga lumalamig na rin habang kaming dalawa naman ni Sapphire ay nanatili pa rin dito. Nagkatinginan pa kami at maya-maya ay napangiti na lang sa isa’t isa.
“Mommy loves Daddy!” malakas na sigaw ni Zeigh na nandito pa pala sa gitna namin. Napatawa naman ako sa kanya at pinanggigilan ang pisngi niya.
“Mommy loves you, Zeigh,” sambit ko na pinanggigilan ang pisngi nito.
“Mommy, me too!” Tumatakbong bumalik si Dylan na tila nakita na nandito pa kami. Nilapit pa nito ang mukha para mahalikan. Natatawa ko naman silang pinghahalikan.
“What about me, My?” sabi naman ni Sapphire na nakataas ang kilay.
“Mommy kiss Daddy!” sigaw ni Zeigh. Natatawa ko namang hahalikan sana sa pisngi si Sapphire ngunit tumama ito sa kaniyang mga labi.
“I love you…” bulong niya sa akin.
“I wuv you!” sabay na sigaw ni Zeigh at Dylan.
“I love you, Three,” malapad na ngiting sambit ko.
Naalala ko ang iritasiyon kapag umuulan but look at me enjoying every drops of it. Funny how I love the rain again…