Chapter 70
February’s POV
“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.
Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.
Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.
Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.
“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.
“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.
“Oh… Do you want anything?” tanong niya pa ulit. Umaakto na para bang walang nangyari noong nakaraan. Umiling lang ako sa kanya at sumunod kay Isaac. Hindi ko kayang makipagplastikan dito.
Nagkakatuwaan lang ang lahat habang ako naman ay atat na atat ng umuwi, hindi natutuwa para bang may mangyayaring hindi maganda. Agad naman akong napailing sa aking naiisip.
“How about you, Febi? Hindi ko na nakikita pang umaaligid si Mr. De Silva, ah? Basted na ba?” tanong ni Architect Lopez na kasama namin sa table.
“Nasa ibang bansa, may business trip,” sabi ko naman. Nagsitanguan naman sila dahil dito, nakakatext ko naman si Sapphire ngunit madalang lang ngayon dahil abala siya sa kaniyang trabaho habang ako naman ay abala rin sa akin.
“Baka mamaya may iba ng chix si Mr. De Silva do’n,” natatawang sambit pa ni Architect Lopez na tila ba pinaparinggan ako. Napailing na lang ako. Hindi naman ganoong klaseng tao si Sapphire, busy lang siguro talaga sa trabaho.
Hindi naman ako nagsalita, wala rin ako sa wisyo para makipagtalo pa.
“May I call on the attention of Ms. February Jane Castro?” tanong ng mc na nasa taas. Napatingin naman ako doon at napakunot ang noo. Lahat sila’y nakatingin sa akin kaya dahan dahan akong naglakad patungo sa harap. Magtatanong na sana ako ng tinawag niya si Jigs.
“Welcome to the engagement of Ms. Castro and Mr. De Vera,” saad ng mc. Natigilan naman ang lahat. Maski ako na nandito sa taas.
Tila ba nasusian ang aking mga labi dahil dito. Ngiting-ngiti na pumalakpak si Donya Ligaya, naging blanko naman ang ekspresiyon ng mukha ko lalo na nang pumalakpak ang lahat. Marami ang nagulat. Gulat na gulat ang mukha nina Isaac at ng ilang kaibigan namin. Bakas naman ang galit sa mukha nina Cali at Aya dahil mukhang alam na nila ang nangyayari.
Natigilan naman ako nang makita ang isang lalaking nakatayo sa isang gilid. Madilim ang ekspresiyon ng mukha niya at matalim ang tingin ng kulay esmeralda niyang mga mata. Natigilan naman ako ng dahil dito. Sigurado na ako sa kaniya e. Pero mas lalo ko lang nasigurado ang gagawing desisyon nang sabihin nilang engage ako kay Jigs.
Siya lang ‘yong taong naisip ko, siya lang ‘yong nag-iisang taong gusto kong makasama habang buhay, taong kasamang dadaan sa altar. Siya lang ang gusto ko.
“May we hear your words, Ms. Castro?” tanong sa akin ng mc ngunit wala kahit isa sa kanila ang atensiyon ko kung hindi sa taong unti-unti ng naglalakad paalis.
Mabilis akong bumaba at tumakbo palayo, hindi na pinansin ang tawag pa nila. Ayaw kong magwala lalo na’t kahit paano’y may respeto pa rin naman ako kay Donya Ligaya na halatang siya ang may pakana ng lahat. Ayaw kong ipahiya sila sa lahat ng nandito.
Lumabas ako at hinanap si Sapphire ngunit mabilis na pagharurot ng motor ang nakita ko.
“Febi!”sigaw ni Jigs na siyang humahabol sa akin.
“Do you know this?” seryosong tanong ko. Napaawang naman ang labi niya dahil sa tanong ko.
“I’m fucking asking you if you fucking know this,” seryoso kong saad. Unti-unti naman siyang tumango.
“Putangina, naengage ako ng hindi ko alam?” natatawa kong tanong.
“Sana naman ininform niyo ako para aware ako, hindi ba?” Walang kabuluhan akong tumawa.
“Gusto mong malaman ‘yong sagot ko? Tangina, hindi kita gusto! Kahit gaano ka pa katagal na nasa tabi ko. Siya pa rin ‘yong nandito, siya pa rin ‘yong mahal ko!” hindi ko mapigilang mapasigaw. Magsasalita pa sana ako ng tumama na ang sampal sa akin. Agad kong nakita si Donya Ligaya na siyang nandito sa tapat ko ngayon.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganiyan ang apo ko! Kung hindi kita pinulot noon ay paniguradong basura pa rin hanggang ngayon,”vgalit na galit niyang sambit sa akin.
“Alam ko na ho ‘yan, Donya Ligaya, ilang ulit niyo na ho bang pinamukha na kayo ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon?” natatawa kong tanong kaya mas lalo pa siyang nagalit.
“Bumalik ka sa loob! Huwag mong pahiyain ang pamilya namin!”bgalit na galit niyang sigaw sa akin.
“Sabihin na po natin na sa inyo nga ho galing ang lahat ng meron ako, pero wala naman po ata kayong karapatang diktahan kung anong gusto kong gawin. Wala po kayong karapatang pakialaman ang future ko. Taos puso po akong magpapasalamat sa inyo hanggang sa libingan ko pero hindi ko ho hahayaan ang sarili ko na magpaalipin sa inyo,” seryosong saad ko habang nakatingin sa kanya.
“Lilinawin ko lang po, hindi po ako magpapakasal sa apo niyo,” sambit ko. Parehas lang silang napaawang ang mga labi at tila ba nasusian ang mga ito. Ngayon lang kasi ako sumagot sa tagal ng panahon na pagsusumbat niya.
“Now, if you may excuse me po,” sambit ko na mabilis nananakbo at sumakay sa kotse ko. Sinubukan ko namang tawagan si Sapphire ngunit hindi ito sumasagot. Paulit-ulit lang akong tumatawag at nagmamaneho kahit hindi ko naman alam kung nasaan siya.
May naisip naman akong lugar na pwedeng puntahan nito, ‘yong lugar kung saan ako madalas kapag masama ang loob ko.
Dire-diretso lang ang pagmamaneho ko patungo doon.
Nakita ko naman ang motor na nandito ngunit kung minamalas ka nga naman talaga, ang lakas nanaman ng ulan, inalis ko ang pumps na suot at nagtungo doon. Nakakairita dahil lagi na lang ay parang pinipigilan ako ng kalangitan.
“Hey! Why can’t you answer my call?” tanong ko sa kanya. Umiinom ito ngayon. Nakatingin lang ito sa kawalan, hindi rin ata nararamdaman ang ulan.
“Hey!” malakas kong sigaw sa kaniya. Saka lang siya napatingin sa akin sa pangatlong tawag ko.
“What are you doing here?” galit na sambit niya at tumayo habang nakatingin sa akin.
“Do you really love him? Why didn’t you—“ Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. I grab him and taste what inside his mouth. Saka lang siya nakapagsalita nang huminto ang halik. Gulat na gulat pa rin ito hanggang ngayon habang nakatingin sa akin.
“I thought you were—" Hinalikan ko pa ulit siya ng isang beses para patahimikin ito.
“Hindi mo pa rin ba alam ang sagot?”vtanong ko at ngumiti sa kaniya nang huminto ‘yon. Natulala naman siya sa akin habang nakaawang pa rin ang mga labi.
“What the fuck is that? Pinapaasa mo ba ako?” But this time, hindi na ako ang humalik sa kaniya. He was the one who kiss me.
“Kasi kung oo, umaasa talaga ako,” bulong niya na niyakap ako ng mahigpit.
“What about that engagement?” mahinang bulong niya na tila ba nanghihina nang maalala iyon.
“I don’t know about that but one thing I’m sure about is my feeling for you...” mahina kong bulong.
“I love you, Archi ko,” bulong ko sa kaniya. Napatingin ako sa kanya nang hindi siya magsalita.
“Can you repeat that?” tanong niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
“I love you sabi,”=sabi ko naman na natatawa siyang inirapan.
“Fuck, tayo na ba? Tayo na ba ulit?” bulong na tanong niya habang nakatingin sa akin.
“Hmm?” Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Niyakap ko lang din siya pabalik. I can hear his hearbeat, mas lalo pa itong lumakas ngayon. Hindi ko maiwasang mapangiti ng dahil dito.
“Fuck, you’re in my arms again,” mahinang bulong niya.
“Are you sure about this? ‘Cause I won’t ever let you go again. I will never let you leave me again,” sambit niya na lumayo pa sa akin ng kaunti.
“Hmm? Yes,” natatawa kong sagot. Wala na rin naman akong balak pang lumayo kanya.
“I love you, My February...” bulong niya na niyakap ulit ako ng mahigpit. Nanatili lang kaming ganoon na dalawa. Ni hindi iniinda ang malakas na ulan.
“I wish I can have your height,” sambit niya.
“Iniinsulto mo ba ako?” natatawa kong tanong sa kanya.
“No, I just want to hear your heartbeat when we’re hugging each other,” sambit niya na nakangiti.
“Sus, hindi kasing lakas ng iyo,” sabi ko pa kahit ang totoo’y halos ganito rin kalakas ang pintig nito ngayon.
Mayamaya ay nahiga kami sa damuhan habang dinadama ang ulan.
“You know what? Simula noong iwan mo ako? I started to hate the rain,” sambit niya.
“Naisip ko na kung hindi ba umulan no’ng araw na ‘yon, hindi ba magiging gloomy ang pakiramdam mo at hindi mo ba ako iiwan,” saad niya.
“Same here. Starting that day, I hated how the rain stop me from everything. I started to see things I should hate about it, just look how ugly the city is kapag umuulan. Maputik, mga stranded na sasakyan, walang kuryente madalas and the list goes on. Ang daming bagay na hindi ko nakita no’ng kabataan ko,” mahinang sambit ko.
“But you know what? I’m starting to love the rain again,” bulong ko habang nakatingin sa kanya.
“If it didn’t rain that day, hindi ako magkakasakit at hindi mo ako makikita sa supermarket. Hindi mo siguro ako aalagaan at hindi mo ako liligawan,” natatawa kong sambit. Napatingin naman siya sa akin at natawa.
“Kung alam mo lang,” bulong niya.
Parehas lang kaming tulala habang nakatingin sa ulan na bumabagsak sa amin. Nag-usap pa kami na akala mo’y nasa kama lang at walang ulan.
“I really thought I’ll lost you forever...” bulong niya. Tila ba nabato balani ang kanyang mga mata sa akin.
“I’ve finished all my works that supposed to be a week longer just to see you but then I saw you being engage with another man,” sambit niya na napasimangot.
“Hindi rin alam ang tungkol doon,” sabi ko naman at napanguso.
“But it’s fine naman na? Tayo na,” natatawa ko pang saad sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na.
“I was supposed to answer you in your birthday, you ruined everything!” reklamo ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin dahil dito.
“So you really did plan to answer me? Akala ko’y nabigla ka lang dahil nakita mo akong umalis,” sabi niya sa akin.
“You think I’ll give you my yes that easily? When I saw you leaving kanina, I just thought ‘Ah. That guy who I really want to marry’,” natatawa kong saad. Nakatitig lang naman siya sa akin. Para akong malulunod nanaman sa esmeralda niyang mga mata. Kumibot ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Sus, ikaw pala ‘tong patay na patay sa akin,” natatawa kong sambit.
“Shut up, if I know, crush mo pa rin talaga ako,” natatawa kong sambit sa kaniya.
“Medyo.” Mas lalo naman tuloy akong napatawa sa sagot nito.
“Remember the first time I brought you here?” natatawa kong tanong at naupo habang nakatingin sa kaniya.
“Of course, I remember everything about you,” bulong niya na nginitian ako.
“Let’s dance?” natatawa kong yaya sa kanya. Naglahad pa ako ng kamay. Nakangiti niya namang tinaggap ito. Para lang kaming tangang dalawa na sumasayaw sa ritmo ng ulan. Nang makasandal ako sa kanya, sinabayan ko lang ang ritmo ng tibok ng kanyang puso.
That was the day when I started to love the rain again.