Chapter 69
February’s POV
Pagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.
“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.
“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.
“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang ‘oo’. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang pinangako ko.
Hanggang sa matapos naman ang party ay magkasama kami ni Sapphire. Hindi na rin namin nakita pa si Fiona, wala na rin naman siya sa cr.
Pagkatapos ng araw na ‘yon, nagtungo si Sapphire sa ibang bansa para sundin ang request ng Lola niya. Wala kasing pwedeng mag-asikaso kung hindi siya lang. It’s been a boring days dahil wala siya. Mas lalo ko lang tuloy napagtatanto kung gaano ako na sanay na kasama siya.
Napangiti ako pagkalabas ko ng clinic at may naghihintay sa akin. Akala ko si Sapphire na ito ngunit agad na napakunot ang noo ko nang makitang si Jigs ito.
“Febi...” nakangiti niyang sambit.
“Oh, Jigs, akala ko nasa manila ka?” tanong ko at ngumiti pa nang tipid. I tried really hard not to sound disappointed.
“Kauuwi ko lang at pinapasundo ka ni Lola para roon na magdinner sa bahay,” sabi niya sa akin at ngumiti.
“Oh... okay,” sambit ko naman at tumango. Ayaw ko naman kasing tanggian ang Lola nito na siyang nagpaaral sa akin. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanila.
Nagpaalam na muna ako sa mga kapatid ko at nagtungo na sa bahay nina Donya Ligaya. Mayamaya lang ay nakarating na agad kami doon. Lumabas naman na ako ng kotse ko. Kasabay kong pumasok si Jigs sa loob.
“Nandito na pala sila e,” nakangiting sambit ni Donya Ligaya. Nandito ang buong pamilya nila maski sina Denis na hindi naman na namamalagi rito, pati na rin sina Piolo at Ana Marie. Agad na ngumiti ang dalawa nang makita ako. Tipid lang naman akong ngumiti. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito samantalang halata namang may family gathering sila.
“Upo ka, Febi...” pag-aanyaya nila. Tumango naman ako. Tahimik lang naman ako habang nasa tapat ng hapag.
Mayamaya ay nagsimula naman na kaming kumain. Hindi ako kumportable habang kumakain, hindi naman kasi kami kailanman nagsabay ng mga ito sa hapag. Madalas lang na si Donya Ligaya ang nagbabayad ng tuition ko pero hindi niya ako kailanman tinuring na bisita niya kapag nabibisita kami rito.
“Kain ka lang, Febi,” nakangiting sambit ni Jigs na pinaglalagay pa ako ng pagkain sa pinggan.
“Thanks,” saad ko na lang.
Nag-uusap-usap lang sila hanggang sa akin nabaling ang atensiyon ni Donya Ligaya.
“Ano itong nabalitaan ko na napapalapit ka raw kay Zeal, Febi?” tanong sa akin ni Donya Ligaya. Napaawang naman ang labi ko dahil dito.
“Nanliligaw sa’yo?” tanong naman ni Denis. Hindi ko naman alam kung tatango ba ako, hindi rin naman kailanman sinikreto ni Sapphire iyon kaya tumango na lang ako.
“Lumayo-layo ka kay De Silva, Febi. Hindi ko ‘yon gusto para sa’yo. Hindi kita pinag-aral para lang mapunta ka do’n,” sambit naman ni Donya Ligaya. Parang nasusian naman ang aking mga labi dahil dito.
Hindi ko rin naman gustong sumagot lalo na’t siya nga itong nagpaaral sa akin, wala rin ako rito sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa kanya.
“Lola—“ Pinutol na agad ni Donya Ligaya ang sasabihin ni Piolo. Isang tao naman ang inaasahan kong magsalita para sa akin. Isang taong tinuturing kong kaibigan ngunit wala akong narinig na salita kay Jigs at tahimik lang niya akong pinaglalagay ng pagkain.
“Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot si Jigs? Kay Jigs mo na lang ibaling ‘yang atensiyon mo ng matuwa naman ako sa’yo!” sambit pa nito. Mas lalo naman akong hindi nakapagsalita nang dahil dito.
“Hindi porket may narating ka na, pupwede mo na akong talikuran. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mo mararating ‘yang kung anong meron ka ngayon,” sambit niya pa. Napakagat naman ako ng labi dahil dito. Hindi ko naman ako nainform na hindi kainan ang napuntahan ko, paliguan ata ito, masiyado akong nasasabon ni Donya Ligaya.
Tahimik lang ang lahat. Walang nagtangkang magsalita, lahat naman ‘yon ang tingin. Wala rin naman akong pakialam kung ipagkalat ni Donya Ligaya na wala akong mararating kung hindi lang dahil sa kaniya. Part of it is true dahil wala akong pera na pampaaral. Naiisip ko minsan na baka kung saan na lang kami pulutin kung hindi dahil sa tulong niya.
Malaking-malaki ang utang na loob ko kaya hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya na magsabi ng kung ano-anong masasakit na salita para sa akin. Tinanggap ko ‘yon lahat. Inimbita ata ako para lang ipamukha sa akin ang lahat.
Tahimik lang ako ng palabas na kami ni Jigs.
“Febi, are you okay?” tanong niya sa akin nang makalabas kami. Hindi ako nagsalita. Mukha ba akong sanay na makarinig ng mga salitang ‘yon?
“Una na ako,” sambit ko na hindi na siya hinintay pang magsalita. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagmamaneho. Napansin ko naman ang kotse niyang nakasunod sa akin.
Nang makarating na sa may high way, bumaba na ako nang maipark ko ang aking sasakyan.
“Febi...” tawag niya sa akin nang makababa ako.
“Huwag na muna tayo mag-usap, Jigs. Masiyado na akong pagod sa araw na ‘to, huwag na natin pang dagdagan,” sambit ko at tipid na nginitian siya.
“Galit ka ba? Pasensiya na sa mga nasabi sa’yo ni Lola,” sambit niya pa sa akin na hinawakan ako sa braso.
“Ayos lang, totoo rin naman ‘yo,” sabi ko at tipid na nginitian siya. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa aking braso, magtutuloy-tuloy na sana ako sa paglalakad paalis kaya lang ay nagsalita ulit siya.
“O baka naman galit ka dahil pinagbabawalan ka ni Lola na idate si Zeal,” sambit niya. Tumigil naman ako sa paglalakad dahil dito.
“Edi tama ako?” Tumawa pa ito ng walang kabuluhan.
“Sabihin mo nga, Febi, nahulog ka na? Gusto mo na ulit siya?” tanong niya sa akin.
“Oo,” matapang kong sagot at tumango.
“Gusto ko siya. Gustong gusto. Hindi nga lang ata gusto,” sambit ko. Napaawang naman ang kaniyang mga labi dahil dito.
“Ano naman sa’yo ‘yon, Jigs? Simula’t sapul ay magkaibigan lang naman tayo kaya bakit hindi mo magawang ipaunawa ‘yon sa Lola mo?” hindi ko mapigilang itanong at napailing pa.
“Dahil simula’t sapul hindi naman kaibigan ang tingin ko sa’yo, Febi,” seryoso niyang saad habang nakatingin sa akin. May hula na ako doon ngunit hindi ko pa rin maiwasang magulat sa pag-amin niya. Akala ko’y magkaibigan lang kami dahil ‘yon lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.
“Gusto na kita bago pa ako lumuwas ng manila! May usapan kami ni Lola na kapag nakagraduate ako, pupwede na kitang ligawan pero anong ginawa mo? Bago pa ako makauwi, kayo na. Huli na, pero pinakawalan ka niya, Febi!” malakas nitong sigaw.
“Pinakawalan ka niya dahil sa walang hiya niyang ama! Hindi mo na ba natatandaan ang ginawa ng pamilya niya sa’yo, Febi?!” tanong niya pa.
“Sinira nila ang buhay niyo! Ang pamilya mo! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon siya pa rin. Nandito ako, nandito ako sa tabi mo no’ng mga panahong kailangan mo ng kasangga! Nandito ako no’ng iniwan ka na lang niyang mag-isa! Febi, pansinin mo naman ako!” sambit niya pa.
“I’m sorry, Jigs, pero wala e, siya pa rin pala talaga…” mahina kong bulong.
“Febi, wake up! Sa tingin mo ba gugustuhin ng Lola’t Lolo mo na gawin mo nabnaman ang pagkakamali mo noon? Sa tingin mo gusgustuhin nilang makita kang nahuhulog nanaman sa kanya? Kasi sigurado akong hindi ‘yon ang gusto nilang mangyari!” sigaw niya pa ulit. Natigilan naman ako. Hindi ko talaga maiwasang manghina kapag si Lolo’t Lola na ang pinag-uusapan.
Pagkakamali? Mali ko ba talagang minahal ko si Sapphire noon? Kasalanan ko ba talaga kung anong nangyari sa kanila noon? Ngayong iisipin ko, hindi ko nanaman maiwasang sisihin ang aking sarili.
“And what about Cali? Aya? Sa tingin mo kumportable silang makita ‘yong mga taong naging dahilan kung bakit namatay ang Lola’t Lolo mo?! Febi, think about it! Huwag puro sarili mo lang ang iniisip mo,” sambit niya pa na napailing sa akin. Naiwan lang ako doon na tulala. Para bang ‘yong kasiguraduhan kong sasagutin ko si Sapphire. Lahat ng ‘yon gumuho.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang naglalakad pauwi sa bahay. Imbis na dumeretso sa loob, umupo naman ako sa duyan na laging pinag-uupuan nina Lolo’t Lola.
Napatingin pa ako sa kawalan, hindi na alam ang gagawin, uunahin ko ba ang kasiyahan ko? O ang kasiyahan ng ibang tao? Kasi hindi ko na talaga alam pa.
"What's with the deep thoughts, Ate?" Nagulat naman ako ng may mag salita mula sa likod ko. Nilingon ko naman si Cali na nakatingin lang sa akin.
"Wala naman," sabi ko at ngumiti lang sa kanya.
"You told us not to be a liar but look at you lying to me right now," sambit niya na naupo pa sa tabi ko.
"Wala 'to,” natatawa kong saad.
“Is it about Kuya Zeal?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita. Partly yes.
"Do you know what will Nanang at Tatang said if they're here?" tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya. Pinagkunutan ko naman siya ng noo dahil dito.
"Sundin mo lang 'to,” sabi niya na tinuro pa ang kanyang puso. Hindi ko naman na maiwasang mapatulo pa ang luha dahil sa kanya. Bakit nga ba hindi ko ‘yon inalala?
"What if they'll hate me?" tanong ko naman. Naalala ang sinabi ni Jigs kanina. They will probably hate me dahil ang pamilya nina Sapphire ang sumira sa pamilya namin at ginagawa ko nanaman.
"Hate you for what, Ate? Did you ever heard Nanang at Tatang say a words when Kuya courted you? When his father tried to ruin us? They told you to follow this, right?" tanong pa niya na tinuro ang puso.
"They didn't say anything because they want you to be happy. Lalo na ngayon, Ate, they will probably happy na makita ka ulit na masaya. You deserve that lalo na't ilang taon ka ring naghirap para lang sa amin ni Cali. Kitang-kita namin ‘yong saya sa mga mata mo kasama si Kuya Zeal.” Napatingin naman ako kay Aya na nandito rin pala sa gilid ko.
"Hindi ka nila kailanman sisisihin. You're pretty strong, alam nilang alam mong gumawa ng sarili mong desisyon. Nakaagapay lang sila sa'yo, Ate, at simula’t sapul suportado nila ang mga desisyon mo," sambit naman ni Aya.
"What about you? Hindi ba kayo nagagalit? Hindi niyo ba gustong isisi sa papa niya ang lahat?" hindi ko maiwasang itanong.
"Noon. Noon 'yon, Ate. Noong mga panahong nagkaisip kami at sila ang sinisisi sa pangyayari but now? I don't think so. Hindi naman sila ang pumatay kina Nanang at Tatang. Ayaw din naman siguro nina Tatang na mabuhay tayong may galit," sabi naman ni Aya. Hindi naman nagsalita si Cali.
"But no matter what your decision is, nandito lang kami, we'll support you till the end. Lalo na’t simula ng mangyari ‘yon, you never smile the same way as before. Ngayon na lang ulit," sabi naman ni Cali. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa kanilang dalawa at yakapin sila ng mahigpit.
"I love you both,” bulong ko.
“We love you, Ate,” sabi naman nila na niyakap ako pabalik.
I’m really lucky to have a family like them. A family that will support me from everything.