Chapter 62

February’s POV

It’s Sunday at patungo na sana ako sa supetmarket kaya lang kung minamalas ka nga naman talaga, nasiraan pa ata ako.

“Fuck,” bulong ko pa na napasabunot sa sarili dahil malakas ang ulan. This is why I hate the rain, it was always blocking my ways. Nakakairita. Pakiramdam ko ay ang malas-malas ng araw kapag umuulan.

Lagi na lang palpak ang plano, Laging may mali sa araw, at higit sa lahat lagi ko na lang naalala ang mga nangyari noon.

Sa supermarket na rin sana ako bibili ng payong. Iritado pa ako ng may bumubusina sa likod ko. Napapikit naman ako para kumalma.

Hindi pa nagpaawat ang may-ari ng kotse at kinatok pa ako.

“Ms. Castro, what happened?” tanong sa akin ni Sapphire na siyang lumabas pa sa kaniyang kotse. Pinili ko naman na hindi bulyawan ito.

“Nasiraan,” sambit ko.

“Where are you supposed to go? I can drop you off,” sambit niya.

“Hindi na, maghihintay na lang ako rito,” sambit ko.

“Alright,” hindi niya na ako pinilit pa at bumalik na sa kotse niya. Kaunting kembot lang naman ay sasama na sana ako rito, hindi pa namilit.

Tumawag naman ako ng mekanikong pupwedeng pumunta rito kaya lang kung talagang minamalas ka nga naman ay hindi raw sila makakapunta dito ngayon dahil malakas daw ang ulan at accident prone ang lugar. Hindi ko mapigilang mapairap.

Lumabas naman na ako sa kotse ko kahit walang kahit na anong payong. Iritado pa ako habang pinapakinggan ang pagbagsak ng ulan, napakaingay.

Sinubukan kong maghanap ng masasakyan ngunit wala ni isang dumadaan dito. Sa bagay madalang naman kasi talaga ang sasakyan dito, hanggang ngayon.

Sa sobrang iritasiyon ko ay naglakad na lang ako pauwi kahit na lamig na lamig na at basang basa na dahil sa ulan. Hindi ko alam kung mas lalo lang ba ako nitong pinagtitripan dahil mas lalo pang lumakas ng lumabas ako ng kotse ko.

Iniwan ko na lang doon ang kotse ko, hindi naman siguro ‘yon nanakawin. Medyo malayo pa naman ang nadrive ko. Ginaw na ginaw naman ako nang makarating ako sa bahay.

“Ate! Nagpaulan ka? Anong nangyari?” tanong nila sa akin.

“Nasira ang kotse ko, hindi ako nakapuntang supermarket but don’t worry about it. Ako na ang bahala bukas,” sambit ko na lang at ngumiti. Tumango naman sila sa akin.

Kinagabihan, pabahing-bahing na ako at ang bigat na ng pakiramdam ngunit pinili ko pa ring kumilos.

“Ate, sisipunin ka na niyan, uminom ka na ng gamot,” sabi nila sa akin.

“Wala lang ‘yan,” sambit ko naman at umiling pa. Nakatingin lang naman sila sa akin habang kumakain.

“Kumain na lang kayo, huwag niyo akong intindihin,” sambit ko naman. Parehas naman silang napatango na lang sa akin.

Naayos naman na ang kotse ko nang tumila ang ulan kanina, pinaglalaruan lang talaga ako.

Mabigat naman ang mga mata ng nakatulog ako. Nagising na lang ako nang maaga dahil sa alarm ko. Mas lalo pang dumoble ang bigat ng nararamdaman ngunit mas pinilo ko pa ring ipagluto sina Aya at Cali.

Ginising ko naman na ang mga ito, payapa lang kaming kumain ngunit parehas silang napapatingin sa akin.

“What’s wrong with you two? Dalian niyo na’t malelate na kayo sa school,” sambit ko sa kanila. Parehas namang nakatingin lang ang mga ito sa akin bago sila tumango.

“Is there something wrong ba, Ate? Uminom ka na ng gamot?” tanong ni Aya.

“Sipon lang ‘to, huwag na kayong mag-aalala,” sabi ko at tumango.

Mayamaya lang naman ay nagsialisan na ang mga ito ngunit nandoon pa rin ang pag-aalinlangan nila habang nakatingin sa akin. Natatawa ko na lang na inilingan ang mga ito. Nagtungo naman na rin ako sa banyo para maligo. Init na init kasi ako.

Nang makarating ako sa clinic ay medyo late na rin dahil sobrang bagal kong kumilos.

“Good morning, Doc,” bati nila sa akin.

“Good morning...” namamaos kong saad. Nagtataka namam nila akong tinignan ngunit nagpatuloy lang ako sa pagpasok.

Nakacheck na ako ng ilang pasyente nang lapitan ako ni Paula at kapain.

“Gaga ka! Ang taas ng lagnat mo! Umuwi ka muna, Febi!” sambit niya sa akin.

“Huh? Wala lang ‘yan,” sabi ko naman sa namamaos na tinig.

“Anong wala? Umuwi ka na. Tignan mo nga ang itsura mo ngayon,” sabi pa niya sa akin.

“Ihahatid kita, halika na.” Napilit pa ako nito na umuwi.

“Hindi na, kaya ko pa naman. Ikaw na muna ang bahala,” sambit ko. Napatango naman siya ngunit nandito pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Imbis na tuluyang umuwi ay nagtungo pa ako sa supermarket para bilhin ang mga kailangan ko. Nagulat naman ako nang makita si Sapphire na siyang nandito rin. Napaawang din ang mga labi niya sa akin.

“Day off?” tanong niya sa akin ngunit tinignan ang suot ko. Umiling naman ako. Ramdam ko naman ang ginaw bago ko siya iwan doon.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng mga kailangan namin sa bahay nang tila ba umiikot ang paningin ko at unti-unti itong napalitan ng dilim. Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising na lang ako na nasa bahay na ako, napatingin pa ako sa may esmeraldang mga mata na siyang seryosong-seryoso ang mukha habang nilalagyan ang ulo ko ng towel na may mainit na tubig.

“What are you doing here?” mahina ang boses na tanong ko. Gustuhin ko man siyang pagalitan ngunit hindi ko magawa dahil wala akong lakas para gawin ‘yon. Seryoso rin ito sa ginagawa.

“Ang tigas talaga ng ulo mo,” bulong-bulong niya pa. Wala naman akong magawa kung hindi ang pakinggan ito, hindi ko naman na namalayan ang sarili ko na umiiyak.

“What’s wrong? Why are you crying?” tanong niya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na niyayakap na ito.

Hindi ko lang kasi maiwasang maalala si Lola kapag ganitong may sakit ako. Lagi ay naiinis pa ako noon kapag sinermonan niya ako kahit na may sakit na nga ako, but now? I miss it so much, ‘yong mga panahong aalagaan nila ako kapag sobrang sama ng pakiramdam ko.

Walong taon na ang nakalipas ngunit ang mga pangyayaring ‘yon ay nasa alaala ko pa rin. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nakatulog na ulit ako sa pag-iyak. Nagising na lang ako nang makitang wala na si Sapphire sa tabi ko. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko ngunit sa tingin ko naman ay makakatayo na ako.

Lalabas na sana ako nang makaramdam nanaman nang hilo. Mabuti na lang ay nakasandal ako sa pader.

“What are you doing, Febi? Get back to bed.” May pader bang nagsasalita? Walang sabi-sabi ako nitong binuhat at dinala ulit sa kama.

“Stay here, matatapos na ang niluluto ko, kumain ka muna saka uminom ng gamot,” sambit niya sa akin.

“Stay here, okay?” ulit na paalala niya pa. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Napanguso naman akong napatango. Ramdam ko naman ang sakit ng ulo ko. Napaubo pa ako habang nakapikit.

Mayamaya lang ay bumalik ito na may dala dala ng porridge.

“You should eat na para may laman ‘yang tiyan mo bago ka kumain,” sambit niya na naupo pa sa tabi ko. Tinititigan ko lang naman siya at maya-maya pa ay napangiti habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito.

“Febi, come on, eat,” sabi niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Humagikhik naman ako habang pinagmamasdan siya. Sa hindi ko malamang dahilan. Parang gusto ko itong pikunin kaya naman hindi ako gumalaw.

Aalis kaya ito at iiwanan na ako kung sakali? Hindi ko alam.

“Febi,” seryoso niyang sambit ngunit tumatawa lang akong hinawakan ang mukha nito.

“Are you scared, Daddy?” maharot kong saad sa kanya.

“Shut up, Febi. Kumain ka na,” utos niya na kinuha pa ang porridge at pinapanganga ako. Hindi ko naman tuloy mapigilang mapangiti habang tinitignan ang mukha niyang iritadong iritado sa akin ngayon.

“Eat, February Jane,” seryosong-seryoso na saad niya na tinapat pa ang kutsara sa akin. Hindi ko naman tuloy maiwasang mapanguso at sumubo na lang ngunit wala naman ang malasahan.

“Hindi masarap! Walang lasa!” sigaw ko pa sa kanya. Akala ko’y sisigawan din ako nito pabalik at aalis na dahil hindi niya naman tungkulin na alagaan ako ngunit nanatili pa rin siya sa pwesto niya habang nakatingin sa akin.

Napa-buntonghininga pa siya na tinikman ang luto niya, ni wala man lang itong katakot-takot na mahawaan ng sakit.

“It taste good naman,” sabi niya na napanguso pa.

“Hindi nga masarap!” inis kong sigaw sa kaniya. Nagawa ko pa talagang sumigaw ganitong may sakit ako.

“Fine, what do you want to eat? I’ll let our cook know,” sabi niya.

“Hmm.” Sinubukan ko pang mag-isip habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang naman ito sa akin, hinihintay ang sagot ko.

“Wala,” sabi ko dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom.

“You should eat, Febi, iinom ka pa ng gamot,” nag-aalala niyang saad. Sinubukan niya pang itapat sa akin ang kutsara ngunit agad akong umiling.

“Febi, paano ka gagaling kung hindi ka kakain?” tanong niya na napanguso pa habang tinitignan ako ngayon.

“Isa na lang,” sabi niya pa na pinanganga ako. Sinubo ko naman ‘yon. Ngumiti naman siya dahil dito. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa ngiti niya. Ngayong bumalik ako rito sa amin, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti nang para bang totoong-totoo.

“Isa pa, Febi, last na,” sabi niya pa sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Isa na lang, promise,” sabi niya pa. Sumubo naman ako kahit ayaw talaga ng panlasa ko.

“Isa pa,” sabi niya na kumuha pa ulit.

“Sinungaling,” sambit ko na sinamaan pa siya ng tingin. Napanguso naman siya dahil dito.

“Do you want some apple? Orange? Or what?” tanong niya pa.

“Apple,” sabi ko naman na ngumiti pa. Noong may sakit ako noon, hindi ko maiwasang maalala na binibilhan ako ni Lolo nang apple dahil ‘yon ang request ko. Kahit isa lang ‘yon, pakiramdam ko ay gagaling na agad ako, para bang mas epektibo pa ‘yon sa ibang gamot.

“Alright,” sambit naman ni Sapphire na siyang nagbalat ng apple. Nakatitig lang naman ako sa kanya habang ginagawa niya ‘yon, seryosong-seryoso pa rin ang mukha.

Nang matapos ay hinarap niya na ulit ako at sinusubuan na ng mansanas na siyang kanyang binalatan. Kumain naman ako habang nakangiti.

Hindi naman ako lasing ngunit bakit parang nalalasing ako sa tingin niya.

“Ang gwapo mo no?” sambit ko pa na hinawakan ang pisngi nito.

“Ayaw mo lang atang kumain,” masungit niyang saad. Siya na nga itong pinupuri, siya pa itong masungit.

Napanguso ako at tatalikod na sana kaya lang ay sinenyasan pa niya akong kumain ng isa pa.

“Ayaw ko na,” sabi ko naman tatalikod na sana ngunit hinarap naman niya ako sa kanya.

“Come on, Febi, I thought you like it?” tanong niya. Napanguso naman ako. Iniiwasan ko na mapatingin sa kaniya ngunit hindi ko magawa.

Napahagikhik nanaman tuloy ako habang pinagmamasdan siya.

“Ang kapal kapal ng kilay mo no?” sabi ko na hinawakan pa ito. Ang kilay kasi nito’y isa sa pinakamagandang parte ng mukha niya.

“Matangos ang ilong,” sambit ko pa na papikit pikit habang nakangiti.

‘Hindi ka naman lasing, Febi, pero bakit ang harot-harot mo?’

“Your eyes. Kapag tinitignan ko ‘yan, para akong malulunod. Parang hirap-hirap makaahon,” sabi ko na nilapit pa ang mukha sa kaniya.

“Febi, tigil tigilan mo ako, ayaw mo lang kumain,” sambit niya na nag-iwas pa ng tingin. Kitang-kita ko pa ang pamumula ng tainga nito kaya napangisi ako.

“February Jane, eat, iinom ka pa ng gamot.” Wala na ata akong narinig mula rito kung hindi ang kumain. Hindi ko naman ‘yon pinansin at hinarap pa ulit sa akin ang kanyang mukha.

“Your lips… ang pula pula, parang—“ Hindi ko ‘yon tinapos at hinawakan pa ang mga labi nito. Lumayo naman siya sa akin na para bang napapaso. Hindi ko naman maiwasang mapanguso at sinamaan siya ng tingin. Para namang pinandidirian ako nito.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa naging reaksiyon niya kaya napangiti na lang ako sa sarili at tinigilan na ang kahibangan.