Chapter 61
February’s POV
“Hey!” Nagulat naman ako nang makita si Darren sa harap ng clinic. Medyo nagulat naman ako sa pagbisita nito.
“Febi!” nakangiti niyang sambit na kumaway pa sa akin, palabas na kasi sana ako para maglunch, wala namang balak sumabay sa akin sina Paula at Leah dahil may date daw sila kasama sina Samuel. Ang babaitang ‘yon.
“Anong ginagawa mo rito?” nakangiti kong tanong.
“Bawal na ba akong pumunta rito?” natatawa niyang tanong.
“Hindi naman. Hindi mo lang kasi nasabi na pupunta ka pala,” natatawang saad ko naman.
“Well, I just want to see how are you doing and there’s a news na nagkakamabutihan na raw kayo ng ‘yong ex,” sambit niya na nginisian ako.
“Sinong ex?” tanong ko sa kanya.
“Sino ba ang ex na hindi mo pa rin nakakalimutan hanggang ngayon? Edi ang first love mo!” natatawa niyang saad.
“Kanino mo naman ‘yan nabalitaan?” tanong ko na napakunot ang noo.
“Kay Aya,” sambit niya. Ang Aya talagang ‘yon, fake news, nag-uusap lang naman kami ni Sapphire patungkol sa bahay pero hindi kami nakakapag-usap tungkol sa aming dalawa.
“So how are you feeling? Tuluyan na bang bumalik ang nararamdaman mo para sa kanya?” tanong niya pa sa akin. Napairap naman ako sa kanya dahil dito.
“Oh shut up, Darren, isa ka pa,” naiiling kong saad.
Sinubukan din akong ligawan ni Darren no’n kaya lang ay hindi ko talaga ito gusto at kalaunan naman ay huminto na rin ang nararamdaman niya para sa akin, pawang magkaibigan na lang kung anong relasiyon namin ngayon.
Saka niya lang din kasi nalaman kung ano talaga siya. He’s attracted with boys at may boyfriend ito na foreigner. Pero kahit na ganoon, hindi pa naman siya tuluyang naglalaladlad. Ang Mommy niya lang ang nakakalam. Hindi alam ng Daddy niya.
“Let’s eat muna, gutom na gutom na ako kanina pa. Sobrang nakakapagod,” sambit ko.
“Yeah, sure, basta treat mo,” sabi niya pa. Sus, mamaya lang kapag nandoon na kami, siya na itong magbabayad.
Nagtungo naman kami sa kainan malapit lang dito sa amin. Gamit-gamit ang kotse niya. Mayamaya lang ay nakarating kami sa restaurant.
“The fuck are you saying? Talaga bang pag-uusapan namin ang sex life niyo ng jowa mo, Darren?” natatawa kong saad habang pinagbubuksan niya ako ng pinto.
“I’m fucking virgin kaya tigil-tigilan mo ako sa mga pinagsasabi mo. ‘Yong birhen kong pag-iisip, shemay ka,” sambit ko na napailing pa sa kanya. Natatawa naman din niya akong pinagbuksan ng pinto ng restaurant. Napakagentleman talaga nito.
“I’m just saying, para naman magkaroon ka naman ng ideya—“ Tinakpan ko na ang tenga ko dah sa kaniya. Humagalpak lang siya ng tawa dahil sa akin.
“Nyenye,” sambit ko pa na inirapan siya.
Nagulat naman ako nang hawakan niya ako sa bewang kaya pinagkunutan ko siya ng noo.
“Your ex is here,” bulong niya sa akin at napatingin pa sa isang gawi restaurant. Nakita ko namang nandoon nga si Sapphire kasama sina Isaac habang kumakain. Nakatingin ito sa amin at masama ang tingin.
“Let’s make him jealous,” natatawa niya pang saad.
“Oh, shut up, he won’t be jealous. He already moved on,” sabi ko naman. Hindi ko inalis ang pagkakahawak ni Darren sa bewang ko. Somehow, I wanted to see if he’s going to be jealous kahit na alam ko rin namang malabo.
Ang gagong si Darren talaga namang sa harap pa nila dumaan at huminto pa roon para batiin si Isaac. Nakita kong nagpipigil na ito ng tawa sa isang tabi kaya pinagkunutan ko siya ng noo.
“Oh, Zeal, pare,” sambit niya pa nilingon si Sapphire na madilim lang ang mukha habang nagpapatuloy sa pagkain.
Hindi naman siya pinapansin. Isnabero ang Architect niyo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o ano.
Natatawa namang napakibit na lang ng balikat si Darren dahil dito.
“Kain muna kami,” paalam niya. Si Isaac lang ang tumango samantalang dire-diretso lang na kumain si Sapphire. Mukhang walang pakiaalam. Hindi ko alam kung dapat ba akong madisappoint dito o ano.
Tumatawa pang umupo si Darren sa upuan na nasa likod lang nina Isaac.. Tuwang-tuwa na nakapang-asar ito kahit wala namang epekto ‘yon kay Sapphire.
“Galit na galit?” natatawa niya pang sambit. Inirapan ko naman siya. Ni wala ngang epekto ‘yon.
“Dahil diyan ililibre na kita,” sambit niya na umorder pa. Kitang kita ko naman sa pwesto ko ang likod ni Sapphire.
“Taray naman ng fafa mo, Girl. Suplado,” natatawang saad ni Darren sa akin. Hindi ko maiwasang mapailing sa kanya dahil dito.
“Sabi ko naman sa’yo, wala lang ‘yon,” sabi ko na napailing pa.
“Disappointed ka, Girl?” natatawa niyang tanong. Hindi ko rin naman alam ang sagot do’n. Siguro? I like him and I know that.
Kumain na lang kami habang nagkukwentuhan.
“Uuwi ka na rin agad niyan?” tanong ko.
“No, I’ll be staying in a hotel later,” sambit niya.
“Want to sleep over?” tanong niya pa. Umiling naman ako sa kanya. May pasok na rin kasi sina Aya at Cali. Kailangan kong maagang magising para lang ayusin ang mga pangangailangan ng mga ito.
Nagsimula naman na kaming kumain at nagkwentuhan lang. Nakita ko pa ang pagtayo ni Sapphire at dire-diretso ng lumabas. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dito habang pinagmamasdan siyang umalis.
Nang matapos kaming kumain ni Darren ay inihatid na rin naman niya ako sa clinic, tutungo na ito sa bahay ng kanyang ama. Mukhang may irereto nanaman ang Daddy niya kaya kahit loko loko ay problemado rin ang Lolo mo.
“Bye, ingat, ha?” sabi ko at ngumiti pa sa kaniyang kumaway-kaway. Tumango naman siya at binalik lang din ang ngiti sa akin.
Pumasok naman na ako sa loob ng clinic, nagtrabaho lang ako buong maghapon at gabi nanamang uuwi. May street light naman na doon, mukhang naayos na rin.
Palabas na sana ako ngunit agad akong napakunot ng noo nang may makitang nasa harap ng clinic. Nakasandal pa ito sa kotse niya.
Hindi ko alam kung ako ang hinihintay ni Sapphire ngunit nang makita ako’y agad dumeretso ng tayo ito.
“Good evening, Ms. Castro,” bati niya.
“Good evening?” nagtataka kong bati pabalik.
“What’s going on?” tanong ko.
“Hmm, can we have a meeting tonight?” tanong niya. Napakunot naman ako ng noo dahil biglaan naman ito kung mapameeting.
“I have something to discuss with you…” sabi niya pa.
“Huh? Hindi ba pupwedeng ipagpabukas ‘yan?” hindi ko maiwasang itanong.
“But yeah, sure, I have free time naman, sandali lang naman ‘yan, hindi ba?” tanong ko. Tumango naman siya.
Nakasunod lang naman ako sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa may restaurant. Pumasok naman na kami sa loob.
Habang naglalakad papasok ay tinetext ko si Aya at Cali na medyo malelate akong uuwi kaya kumain na sila.
Napatingin naman ako kay Sapphire nang huminto ito kaya nabangga ako sa likod niya. Nakasimangot pa ‘tong tumikhim bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
“Let’s eat first,” sambit niya. Nagtataka ko naman siyang tinignan at napakibit na lang ng balikat.
Tahimik ko lang naman na hinihintay ang order namin. Tahimik lang din ang kasama ko na malalim ang iniisip.
Payapa rin kaming kumain habang hinihintay ko siyang simulan ang ididiscuss niya.
“Date ba ‘to o meeting?” natatawa kong tanong sa kanya.
“If I ask you to have a date with me, papayag ka ba?” seryosong tanong niya naman pabalik. Napaawang naman ang labi ko dahil dito.
Laking pasasalamat ko na lang nang makarecieve nang tawag mula kay Darren.
“Hello, Darren?” patanong na bati ko. Narinig ko naman ang hikbi nito mula sa kabilang linya.
“What? What the heck happened?” tanong ko.
“Fuck, Febi. My Dad already know,”vsambit niya.
“Oh, need a hand? I’ll go there right now,” sambit ko sa kanya na pinatay pa ang tawag.
“I’m really sorry, Mr. De Silva. Something came up, hope you understand,” sambit ko na tumayo na. Nakatingin lang naman ito sa akin. Hinintay ko lang itong tumango bago umalis. Saka lang naman siya tumango nang wala na siyang choice.
Umalis naman na agad ako at nagtungo kung nasaan si Darren ngayon. Kilala ko ang Daddy ni Darren, nanakit ito, kaya nga sila naghiwalay ng Mommy ni Darren dahil hindi niya na nakayanan pa ang pang-aabuso ng asawa.
Nagtungo naman na ako sa bahay ni Darren. Agad ko siyang nakitang bubog saradong nakaupo lang sa labas ng villa nila. He was silently crying out there.
“Fuck!” hindi ko mapigilang mapahilamos ng mukha habang pinagmamasdan siya ngayon. Niyakap ko naman ito.
Mayamaya ay kumalma siya ngunit wala ang palabirong awra mula sa mukha nito.
“William is calling,” sambit ko nang magring ang cellphone niya.
“Don’t tell him anything. I don’t want to worry him,” saad niya sa akin na napapahid pa sa luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata.
“Why?” tanong naman ng lalaking nasa gilid lang pala namin. Ang boyfriend ni Darren. Maskulado ito at halos parehas sila ng pangangatawan ni Darren.
“Who the fuck did that to you?” galit nitong sambit.
“Muffin, stop. Let’s just go. I don’t want to stya here,” sambit ni Darren na niyakap pa ang boyfriend niya.
Para namang nanlambot ang boyfriend niya dahil dito.
“Let’s go, ihahatid ko kayo sa hotel sa malapit,” sambit ko sa kanila na pinasakay sa kotse ko. Parehas naman silang tumango dahil nga parehas walang kotseng dala.
Kita ko ang galit mula sa mga mata ni William habang ginagamot niya si Darren. Hindi ko mapigilang maawa sa kalagayan ni Darren, tito is really too much.
“I’ll fucking sue your Dad, Darren,” sambit ni William.
“No, don’t. I don’t want to that, Wil. He’s still my Dad,” sambit naman ni Darren na napailing pa. Napa-buntonghininga naman si William dahil dito at pinagpatuloy na lang ang paggamot kay Darren.
“Don’t ever make me anxious like that, I’m so worried about yo—“ Bago pa maituloy ni William ang sasabihin niya ay hinalikan na siya sa labi ni Darren. This jerk! He’s making my car unholy. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila at dineretso na lang ang tingin sa kalsada.
Nang makarating kami sa tapat ng hotel ay pinaalis ko na agad ang dalawa. Kung wala lang problema si Darren ay kanina ko pa ‘to sinigawan. Mga malalandi.
Hindi ko tuloy alam kung natatawa ako o ano nang palayasin ko sila sa kotse ko.
“Thanks, Febs,” sabi niya na kumaway pa sa akin. Tumango lang naman ako sa mga ito.
Habang pabalik naman sa bahay hindi ko maiwasang maisip na ang swerte rin ni Darren dahil natagpuan niya ‘yong other half na matagal niyang hinahanap noon. I’m really happy for him. Wala na siyang dapat pang itago ngayon. He can live freely like he wanted to.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung kaya ko rin bang sumugal ulit katulad ng ginawa nito. Habang iniisip ko ‘yon ay isang tao lang ang nasa isip ko. Gusto kong tumaya ulit sa kaniya, hindi ko nga lang alam kung kakayanin ko ba. At marami na rin akong dapat pang isipin ngayon, sina Aya at Cali, sila na lang ang meron ako, paano kung maulit pa ulit ang nangyari noon? Kakayanin ko ba?
Nang makababa ako sa kotse ko, naglakad na ako sa may pilipil kahit na madilim. Pagkarating ko sa bahay ay halos atakihin ako sa puso nang makita kong nakatayo sa gilid si Sapphire.
“So you’re already done with your date, ha?” sambit niya ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang mapatingin ako sa kanya.
Naglahad naman siya ng kamay, tinitigan ko lang ang flashdrive na nasa palad niya.
“Check it if you already have free time,” sambit niya sa akin. Napatango naman ako dahil dito. Umalis na rin agad siya sa tapat ko. Sinundan ko lang siya ng tingin.
“He’s waiting for you kanina pa, Ate,” sabi ni Aya.
“Just for this?” hindi ko maiwasang itanong.
“No, he’s waiting for you to come home. He’s worried,” sambit naman ni Cali na napakibit pa ng balikat bago pumasok sa loob. Napanguso naman ako habang nakasulyap pa rin kay Sapphire na pabalik na sa bahay niya.
Hindi ko mapigilang maguluhan sa nararamdaman. Natatakot ako at the same time gusto kong sumugal. Pero paano ako susugal kung hindi rin naman ako sigurado sa kaniyang nararamdaman?