Chapter 60
February’s POV
Bago pa niya maidampi ang mga labi sa akin ay tuluyan na itong nawalan ng malay at bumagsak ang ulo sa aking balikat.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso.
‘Wow, Febi! Talaga bang nag-eexpect kang hahalikan ka nito?’
Maski ngayong bagsak siya sa akin, hindi ko maiwasang matakot na baka marinig nito ang tibok ng puso.
“Wow! Para akong nanood ng teleserye, Febilyn, ah?” tuwang-tuwa na saad ni Isaac na siyang bumalik na ngayon. Napapikit naman ako ng mariin dahil mukhang hindi nanaman ako tatatantanan nito.
Maski sina Mayor ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa akin. Parang gusto ko na lang kainin ng lupa sa sobrang hiya. Hanggang ngayon ay nakasandal pa rin si Sapphire, tulog na tulog na.
“What happened?” baguguluhang tanong ni Claire nang makita niyang bagsak na si Sapphire.
“’Yan, bagsak na,” natatawang saad ni Isaac ngunit nakatingin sa akin ngayon.
“I’ll take him home na lang, gusto ko na rin namang umuwi,” sabi ni Claire. Tinignan ko naman sina Isaac tila sinasabing iuwi nila ito ngunit pare-parehas silang napakibit ng balikat.
“No, it’s fine, I can take him home,” seryosong saad ko naman kay Claire. Agad niya naman akong pinagkunutan ng noo. Aangal pa sana ito ngunit nagsalita na ang dalawa.
“Hayaan mo na, Claire, ihahatid niya ‘yan ng buo,” natatawang sabi ng mga ito ngunit sinamaan ko muna sila ng tingin bago tinayo si Sapphire. Mabuti na lang ay naisipan nilang tulungan akong dalhin ito sa kotse.
Marami ang napapatingin sa gawi ko, nagtatanong kung iuuwi ko na ba ito. Panay tango lang ang naisagot ko dahil abala sa pag-alalay kay Sapphire.
Nang makarating kami sa kotse ay nagising ito ngunit lasing na lasing pa rin.
“Hmm, who are you? Where are you taking me?” lasing nitong saad na tinakpan pa ang kanyang katawan.
“Don’t ever dare to touch me,” sabi niya pa na halos hindi na maibuka ang mga mata. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa kacute-an nito.
Mayamaya ay pumikit nanaman siya at nang nagmulagat ay nakatitig sa akin.
“You look stunning tonight...” sambit niya. Napailing na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Mayamaya ay nakatulog nakapikit nanaman ito.
Hindi ko na lang siya pinansan hanggang sa magmaneho patungo sa ibang way pauwi sa amin. Nang makarating kami doon ay hirap ko rin siyang dinala patungo sa bahay niya. Pagewang-gewang kami at hindi ko na namalayan na nagasgasan ako sa sementong nasa gilid. Hindi ko ‘yon ininda pa at nagpatuloy sa pagpunta dito sa bahay niya.
Nang makarating kami dito, sinubukan kong hanapin ang susi sa bulsa niya ngunit wala akong nakita. Sinubukan ko namang maghanap sa mga paso niya dahil ganoon siya magtago dati. Laking pasasalamat ko na lang nang makitang nandito.
Pinasok ko naman siya sa loob at hirap na hirap ko pa siyang inakyat sa kama niya. Halos mapatili ako nang pati ako sumama dito. Mahigpit pa niya akong niyakap ngunit lasing na lasing din naman. Akala ata’y unan niya ako.
Sinubukan ko siyang itulak ngunit hindi ako makawala dito. Pakiramdam ko’y sasabog na ang puso sa sobrang bilis ng pagtibok. Para tambol na walang sawang inihahampas.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha niya habang yakap-yakap ako. Hindi ko rin malaman sa sarili kung bakit hinahawakan ko ang kanyang mukha ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kanya. Ngayong nasa malapitan na siya, mas lalo ko lang napagtanto na ang dami na talagang nagbago dito.
“Hmm...” Ungol niya pa nang sinubukan kong umalis ngunit hindi na ako nagpaawat at tinulak na siya para tuluyan akong makaalis. Tulog na tulog naman na siya ngayon kaya nakawala rin ako. Napatitig pa ako sa mukha niya, he trying to find something to hug hanggang sa inabot ko ang unan sa gilid.
“Stop being adorable or this is what you get,” hindi ko mapigilang sambitin. Sa hindi ko malamang dahilan, hinalikan ko ito sa pisngi bago ako tuluyang umalis sa kama niya. Hindi pa naman ako lasing. Matino pa naman ang pag-iisip ko.
Ngunit bago pa ako makaalis ay nagmulagat ito at umupo saka ako sinukahan. Ang gagong ‘to! Bumalik pa agad siya sa pagkakahiga. Napangiwi naman ako dahil dito. Gusto ko siyanh sigawan ngunit hindi ko magawa lalo na’t nang makita ko ang payapang mukha nito habang natutulog.
Inalis ko naman ang sapatos nito. Hindi ko naman na pinagtangkaang alisin ang pang-ibabang pants nito ngunit pinalitan ko ang polo niya nang mas kumportable damit.
Iritado naman akong lumabas at uuwi na sana nang maisipan kong silipin ang cellphone ko.
Cali:
We already lock the doors, Ate, sleep ka na lang kina Aling Sally. Sleep na po kami.
“Shit,” sambit ko pa at napakamot sa ulo nang maalala kong hindi ko rin pala dala ang susi.
Napabalik naman tuloy ako dito sa bahay ni Sapphire kahit kapitbahay lang namin ito, ayaw ko rin namang matulog sa labas no.
Nangalkal pa ako sa damit niya nang pupwedeng ipamalit dahil nga nasukahan ako ng peste. Nagtungo naman ako sa cr dito sa labas. Laking pasasalamat ko na lang na may tubig dito sa cr niya.
Sa hindi ko namang malamang dahilan, bakit nga ba dito pa rin siya tumitira gayong ang yaman yaman niya na? Kung tutuusin ay pupwede naman siyang magpagawa ng sarili niyang bahay dito kung gusto niya talaga.
Pupwede rin siyang maghotel na lang araw-araw. Sgurado akong hindi naman maaubos ang pera niya.
Nang matapos akong maghilamos suot-suot ang damit niya at boxer short niya. Pumasok na ako sa loob ng bahay nito. Bakit naman ako mahihiya? Siya itong dapat mahiya sa akin gayong ako ‘tong pinerwisiyo niya.
Kasiyang-kasiya naman ako sa sofa niya kaya dito ako natulog. Hindi ko pa maiwasang maamoy ang t-shirt niyang ang bango bango naman talaga. Ni hindi pa ako makatulog sa pag-iisip.
Hindi ko pa maiwasang isipin ang mga alaala ko kasama siya noon. Napasulyap pa ako sa kaniya. Payapang-payapa itong natutulog. Napangiti na lang ako dahil ang amo ng mukha niya. Nakatulog na lang din ako sa pag-iisip ng kung ano ano.
Nagising naman ako nang marinig ko na ang tilaok ng mga manok mula sa kapitbahay namin.
Tumayo naman na ako dito sa sofa. Iiwan ko na sana ito kaya lang ay naalala kong paniguradong may hang over siya pagkatapos. Napabuntonghininga na lang ako na tumayo at naghanap ng pupwedeng ipakain sa kaniya ngunit napakunot lang ako ng noo nang makitang panay noodles lang ang meron siya dito.
Laking pasasalamat ko na lang nang makitang meron sa mini ref niya.
Nagsimula naman na akong magluto habang pakanta kanta pa. Sinasabayan ko ng kaunting sayaw.
I heard someone chuckle. Napatingin naman tuloy ako sa likod ko. Nakita kong umiinom ng tubig si Sapphire habang gulo-gulo pa rin ang buhok nito.
“Good morning, Ms. Castro, what are you doing in your architect’s house?” tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.
“Did something happened?” nag-aalinlangang tanong niya.
“Oh, do you want me to remind you what happened, Mr. De Silva? You fucking puke at me! You filthy animal!” sambit ko.
Napaawang naman ang kaniyang labi at agad kong nakita ang pamumula ng kaniyang tenga. Nilagay ko naman na ang soup sa kanyang lamesa at hindi na siya nilingon pa. Nagtungo na ako pauwi sa bahay namin.
Napatingin naman sina Aya at Cali sa akin, nakita ko pa ang parehas na pagngisi nila nang makita kung saan ako galing.
“What was that, Ate? Galing ka kina Kuya Zeal?” tanong pa ni Aya sa obvious. Pinaningkitan pa niya ako ng mga mata habang natatawa.
“Nako, tigil-tigilan niyo nga akong magkapatid,” sabi ko naman sa kanila ngunit parehas lang silang napangisi at nagkibit ng balikat.
“Kain muna tayo, Ate,” sabi nila sa akin kaya tumango lang ako sa kanila. Nakaluto na si Aya.
Hanggang sa pagkain ay nandoon pa rin ang tingin nila na tila ba inaasar ako kay Sapphire hindi ko tuloy mapigilang mapailing sa mga ito.
Nang matapos kaming kumain ay tatlo naman kaming naglaba nang mga damit namin, day off ko ngayon habang sila naman ay wala pa ring mga pasok ngunit next week na magsisimula ang mga klase nito.
Si Cali ang nagbobomba sa poso habang kaming dalawa naman ni Aya ang nagbabanlaw. Ganito rin naman kami noon, mas madali kasing matapos kapag tulungan at natatanong-tanong ko rin sila ng mga bagay bagay kapag ganito.
Open naman kasi ang dalawa sa akin. Kami-kami na nga lang ang magkakapamilya, lalayo pa ba ang loob namin sa isa’t isa?
“Oh, siya siya, ako ng bahalang magsampay, alam kong kanina pa kayo nagmamadali riyan sa kaniya-kaniya niyong lakad,” sambit ko sa kanila. Napanguso naman ang mga ito at napatango.
Si Cali kasi nakahanap ng part time malapit sa school na pagpapasukan niya habang si Aya naman ay nahilig sa pagbebenta ng mga damit, kina Aling Ruby naman ang pagpapasukan niya.
Binabawalan ko ang mga ito ngunit ayaw talagang magpaawat kaya hinayaan ko na lang. Nagsialisan naman na sila habang naiwan akong nagsasampay dito sa gilid ng bahay namin.
“Ay puke ng ina mo!” gulat na saad ko at napahawak pa sa puso dahil sa nakatayo rito sa gilid ko. Ni hindi nito magawang matuwa dahil nakatingin lang siya sa akin ngayon.
“Hey, here’s your clutch and your pumps,” sambit niya. Napatingin tuloy ako sa tsinelas na suot ko. It’s his slipper. Maski ang damit niya’y suot-suot ko pa rin.
“Uhh, thanks,” awkward na saad ko dahil naalala ko ang paghampas ko dito ng sandok.
“I’ll give your clothes back na lang kapag nalabhan ko na, pasensiya na,” sambit ko naman. Tumango naman ito. Akala ko’y aalis na siya ngunit nananatili pa rin siyang nasa gilid ko habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
“Hmm, did I do something to you?” paputol putol na tanong niya.
“Except when I puke at you,” sabi niya na napaiwas pa ng tingin.
“Why? Can’t you remember the things that you did with the women you bedded, Architect?” tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Agad naman kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Well, marami rin kasi akong nabalitaan na nalink sa kaniya. Sikat na sikat kaya ‘tong si Sapphire, isa sa mga hottest bachelors in town.
Maski nga sa hospital na pinagtatrabahuan ko sa amin. Maraming tumitingin ng men’s magazine para lang sa kaniya.
“What? No, of course not. ‘Cause I swear, I’ve never ever drunk that way before except—“ Pinutol niya na ang sasabihin ngunit nakatingin pa rin ako sa kanya, hinihintay ang eksplenasiyon nito. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy.
“I’ve never been drunk that way and I can control myself,” sabi niya pa.
“But you didn’t last night,” sabi ko naman na napakibit ng balikat.
“So I had done something to you? What it is? Fuck, I’m sorry,” frustrated na saad niya mukhang wala talagang matandaan.
“Did I fucking harass you? Did I fucking touch you? Fuck, what I have been done?” hindi niya mapigilang itanong.
“You didn’t, okay? Relax your ass and go back to your home. Wala kang kahit na anong ginawa sa akin, okay?” sabi ko pa na napailing sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin kong pinagtangkaan ako nitong halikan at pumikit naman ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin na ako itong may ginawa sa kaniya. I fucking kiss him!
“Really?” sabi niya na nakahinga ng maluwag.
“I didn’t tried to kiss you or something like that, right?” tanong niya pa. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya.
“You didn’t,” sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin.
“Alright, I’ll go now,” paalam niya pa na tila nakahinga ng maluwag samantalang ako naman itong naiwan na tila hindi makahinga lalo na nang maisip ang paghalik ko sa kanya. Wow, Febi, ni hindi mo magawang maguilty samantalang mukhang ayaw nitong gawan ka ng masama.