Chapter 59
February’s POV
“It’s fine, Ate, ayos lang po talaga kami dito,” seryosong saad nina Aya at Cali. Hindi ko naman maiwasang mapatingin pa ulit sa kanila.
Ayaw ko naman kasing iwanan sila dito sa bahay lalo na’t gabi. Mamaya ay may sumalisi.
“Ate, ang kulit mo. Ayos lang po,” sabi pa ni Aya na napakamot sa kanyang ulo habang nakatingin sa akin. Party na kasi ngayon ni Mayor at sa isang bar gaganapin kaya lang hindi pa pupwede sina Aya at Cali dahil hindi pa sila nag-18.
“See you, Ate!” sabi nila na pinagsaraduhan pa ako ng pinto para lang paalisin. Hindi pa rin kasi ako mapakali hanggang ngayon. Napa-buntonghininga na lang ako bago nagtungo sa kotse.
Mayamaya lang ay nakarating na rin agad ako sa bar na pagdadaluhan ng party ni Mayor. Mukhang nirentahan nito ang buong lugar. Pinapasok din naman ako ng bouncer nang makita ang invitation ko.
I’m wearing a sleeveless satin mini slip dress and my fav pumps.
Habang naglalakad ay agad akong sinalubong ng ilang kilala. Pinagmasdan naman nila ang suot ko. Kumpara kasi ngayon, mas conservative akong tignan noon.
“Hey,” bati ko pa sa iilan.
“Wow, is that Febi?” Napapakaway pa sila sa akin. Malapad naman ang ngiti ko na kinawayan din sila pabalik. May mga ilang kakilala pa akong pinapaupo ako sa kanilang mga table.
“Hindi na muna. Hinahanap ko si Mayor, babatiin ko lang,” sabi ko at simple silang nginitian.
“Mukhang si Mayor ang tipo mo, Febi, ah?” natatawa nilang tanong kaya naman pinagkunutan ko sila ng noo.
“Mukhang gusto mo nga talagang makapag-asawa ng mayaman. Ayaw mo ba sa akin?” tanong pa ni Clarence na batchmate ko noon.
Hindi ko naman mapigilang mapangisi, hanggang ngayon ay mukha pa ring pera ang tingin ng mga ito sa akin. Napapailing na lang akong umalis sa tapat niya at nagtungo sa pwesto kung nasaan sina Isaac.
“Oh, Febilyn, nandito ka na pala, sa wakas, ha?” natatawang sambit sa akin ni Isaac. Inirapan ko lang siya. Napatingin naman ako sa katabi niya na nakatingin sa likod ko ngayon habang masama ang tingin.
Hindi ko tuloy mapigilang mapasulyap sa likuran ko. Nakita ko ang ilang lalaking nakasunod ang tingin sa akin. Pinagkunutan ko lang sila ng noo bago ko binalik ang tingin sa mga taong nasa harap ko ngayon.
Nasa akin na ang tingin ni Sapphire ngayon. Ito na naman ang tingin niya mula pababa hanggang sa taas. Mayamaya ay nagtagal ‘yon sa mga mata ko.
“Ano? Magtititigan na lang kayong dalawa?” natatawang tanong ni Mayor na kararating lang. Napatikhim naman ako at mapaiwas ng tingin kay Sapphire.
“Happy birthday, Mayor,” nakangiti kong saad sa kanya.
“Wow, buti at nakita mo pa ako,” natatawa niya namang sambit sa akin. Napairap naman ako. Parehas na parehas sila ni Isaac kung makapang-asar.
“Sama ka na sa couch namin,” sabi nila sa akin. Tumango naman ako dahil ‘yon ang plano. Wala rin naman kasi akong gaanong close na babae dito, sila lang naman ‘tong pinunta ko talaga rito.
Naupo naman kasi sa table nila. Bigatin din talaga itong si Mayor dahil mga kilalang tao ang nandito sa couch nila.
Pinakilala naman nila sa akin ang mga taong nandito. Sobrang lawak din kasi ng couch kaya maraming tao. Palipat-lipat din naman si Mayor para kausapin ang ilang kaibigan sa kabilang gawi.
“Hi, I’m Dixon,” sabi no’ng pamilyar na mukha at nakipagkamay pa sa akin.
“February...” sambit ko naman at tinaggap ang nakalahad na kamay niya. Ganoon din naman ang ilang babae ngunit mapapansin ang iritadong mga mukha nila habang nakatingin sa akin.
Katabi ko si Isaac habang katabi niya naman si Sapphire. Katapat ko ‘yong Dixon.
“Your gorgeous, February, I saw you last time in Piolo’s party. I never had a chance to talk with you, umuwi kasi kayo agad,” sabi niya sa akin.
“Oh… Thanks for that, Dixon,” sabi ko naman at ngumiti sa kaniya.
“You look familiar...” hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya.
“Ah, yeah, baka napanood mo lang pelikula ko,” proud na saad niya. Saka ko lang napagtanto na kasama siya sa pelikulang pinapanood ni Aya at ‘yong sinasabihan ko pa sa utak ko na hindi magaling umarte pero ayos na nadala na lang sa kagwapuhan.
“Ang galing kong umarte no?” natatawa niya pang sambit. Hindi ko naman alam kung dapat ko ba itong purihin o ano.
“I don’t really watch that much kaya hindi ko alam,” sabi ko na lang na ngumiti sa kanya. Totoo rin naman ‘yon.
“Oh… too bad,” sabi niya ng natatawa.
“But you’ll watch it na, right? I’m there,” sabi niya pa ngunit nawala na ang atensiyon ko sa kanya. Nandito na sa katabi ni Isaac.
“Pre, masiyado pang maaga para maglasing ka,” natatawang sambit ni Isaac sa kanya. Tuloy tuloy lang naman ‘to sa pagtungga ng alak.
“Oo nga, Zeal, don’t drink too much,” sabi pa no’ng isang babaeng pahaplos-haplos pa kay Sapphire. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil do’n.
Nangalumbaba pa para tignan ang mukha nito. Hindi ko siya kailanman nakitang naglasing, pero alam ko naman na nakikiparty siya noon. Hindi ko maiwasang panoorin ang ekspresiyon nito. Napatigil lang ako nang makita ang mga mata niyang nasa akin ngayon.
Hindi ko talaga kayang tagalan ang mga mata nito dahil para akong malulunod. Agad akong nag-iwas ng tingin at kinausap na lang ‘tong si Dixon kahit hindi naman na ako interesado sa pinagsasabi niya. Ayaw ko lang kasi talagang mapatingin pa ulit kay Sapphire.
Palihim ko pa siyang sinusulyapan, hindi naman na niya ako nilingon pa ngunit patuloy lang ‘to sa pagtungga nang alak na iniinom.
“Febi!” Kumakaway pa si Piolo mula sa kabilang table.
“Do’n muna ako,” paalam ko sa mga nandito pa. Kita ko pang nalungkot si Dixon dahil ang dami niyang kwento tungkol sa pagshoshoot niya ngunit hindi ko ‘yon pinansin.
“Hey!” nakangisi kong bati sa mga ito. Malalapad naman ang ngiti nila sa akin. Nandito rin si Ana Marie kasama sina Nora. Umupo naman ako sa couch nila. Katapat lang ‘to ng couch namin ngunit ang nasa gitna nga lang ay ang dance floor.
Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ngunit hindi ko maiwasang ibalik ang tingin sa couch na pinanggalingan ko. Hindi ko maiwasang mairita habang nakikitang may humahaplos sa braso ni Sapphire na tila wala namang pakialam doon. If he’s mine, puputulin ko isa-isa ang mga daliring humahaplos sa kaniya ngayon.
“Shot naman, Febi,” sabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Piolo. Naghiyawan naman sila habang pinupuno ang baso ko. Halos masuka ako sa sobrang dami no’n, mataas naman ang tolerance ko pagdating sa alak kaya lang ay hindi ko talaga magawang gustuhin ang lasa nito.
“Body shot! Body shot!” Hiyawan nila. Nauna pa sina Ana Marie at Piolo. Lahat sila’y nagsihiyawan nang sa leeg ilagay ni Ana Marie iyon.
“Si Febi naman!” malakas na saad nila. Sa hindi ko malamang dahilan, napatingin naman ako sa couch namin kanina. Nakita kong nangangalumbaba si Sapphire habang tumutungga pa rin nang alak ngunit nasa akin na ang tingin nito. Madilim ang mukha nito at tila anytime ay manlalapa ng tao sa sobrang sama kung makatingin.
“Oh, pass muna,” natatawa kong saad at tumungga na lang ulit ng baso ng alak dahil ‘yon ang parusa.
“Napakakj naman, Febi!” sigawan nila at nagreklamo pa.
“Huwag niyo ng pilitin,” natatawa naman pagkampi sa akin nina Ana Marie at Piolo.
Nagtagal pa ako rito sa table nila bago pa napagpasiyahan na bumalik couch kung nasaan ako nakapwesto kanina dahil nagsiyaya na ang mga ito sa dancefloor ngunit wala akong balak sumayaw ngayon.
Naiwan tuloy kami nitong kaibigan ni Piolo kaya lang ay hindi ako kumportableng kasama ito dahil sa kaniyang tingin.
Naupo naman ako sa tabi ni Isaac, napatingin pa ako sa katabi niyang lasing na lasing na.
“What’s wrong with him?” hindi ko maiwasang itanong.
“Ask him,” natatawa namang saad ni Isaac kaya napairap ako sa kaniya.
“Sayaw tayo!” pagyaya ni Isaac sa mga nandito sa couch. Napabuntonghininga naman ako doon. Ayaw ko ngang sumayaw kaya nandito ako ngayon saka naman ‘to magyayaya.
Nagsitayuan naman ang marami. Nanatili pa si Dixon at ‘yong babaeng haplos ng haplos kay Sapphire, pitikin ko ang kamay nito e.
“Dixon, Claire, sayaw muna tayo!” sambit pa ni Isaac. Ni hindi man lang ako inaya nito.
“How about Zeal? Maiiwan siya dito,” sabi niyong Claire.
“It’s fine, hayaan mo siya, gustong magpakalasing,” sabi pa ni Isaac na napilit pa ‘yong Claire dahil si Mayor na mismo ang nag-aya.
Naiwan kaming dalawa ni Sapphire na nandito sa couch. Hindi pa rin ito gumagalaw sa pwesto niya at tungga pa rin nang tungga ng alak. Hindi ko naman malaman sa sarili ko kung bakit hindi ako umaalis at nananatili pa rin na nandito gayong kanina’y mabilis lang akong nakapagdesisyon na lumisan sa upuan ko.
Hindi ko mapigilang mangalumbaba habang nakatingin kay Sapphire. Pulang-pula na ang mukha nito at mukhang lasing na lasing na rin.
“Don’t you think you already drink too much?” hindi ko mapigilang sambitin. Namungay naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Inagaw ko pa ang alak na hawak-hawak niya at nilayo sa kanya. Hindi naman siya nagtangkang agawin ‘yon. Nangalumbaba rin siya at parang ako itong nalalasing dahil lang sa kanyang maamong mukha. I think he’s really drunk now.
Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya, para akong nahihipnotismo nito.
“Don’t you think you’re too much?” he asked. Ang boses nito’y namamaos na rin. Malakas ang tugtog ngunit sapat na ‘yon para marinig ko ang boses niya.
Parang kami lang dalawa ang nandito ngayon. Siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Hindi ko pa mapigilang mapatingin sa mga labi nitong mapupula.
‘Are you sure siya ang lasing, Febi? Hindi ikaw?’
“If you’re still mine? Fuck, I’ll let you fucking wear everything you want but expect my hands all over you. I’m willing to punch every guy who wants to lay their hands in your body,” lasing na saad nito. Napaawang naman ang mga labi ko sa kanya.
“I felt like if I’ll touch you right now, I’ll fucking burn into ashes,” sambit niya pa. Lasing na ito ngunit talaga nga namang magagawa ka ring lasingin sa pamamagitan lang ng kanyang mga kataga.
“You know what? I’m fucking okay, ayos na ako e. Maayos na ‘yong buhay ko, hindi man ganoon kasaya pero masaya na ako. Kontento na, but you came back, Hindi ko nanaman magawang makuntento. Mahal na naman kita,” Pulang-pula ang mukha niya ang habang sinasabi ang mga katagang ‘yon. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso. Alam kong lasing na talaga ito. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang mga katagang ‘yon.
Ano bang malay ko kung may ex pa pala ito, hindi ba? Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang isipin na para talaga sa akin ‘yon. He was still looking at me, dalawang kamay na ngayon ang gamit habang nangangalumbaba.
“No, let me repeat that, mahal pa rin kita. Hindi naman ata nawala,” sabi niya na nakatitig lang sa akin. Hindi inaalis ang mga mata sa aking mga mata na para bang mawawala ako sa paningin niya. Napaawang naman ang mga labi ko sa tinuturan nito.
Hindi ko mapigilang kabahan habang nakatingin sa kanya. Ang mga mata niya’y tila’y nagsasabi lang ng totoo.
“You’re too much!” sabi niya pa na sinakop ang espasiyong namamagitan sa aming dalawa.
“Why did you show up again?” bulong niya habang nakatingin pa rin sa akin.
“Mahal pa rin kita…” pabulong na saad niya. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa akin ngunit hindi ko magawang umalis dito at itulak siya. Parang ako mismo’y tuluyan na ring nahihipnotismo sa lalaking ito.
Ang puso’y para bang nakikipagrakrakan sa sobrang lakas. Para bang ito na lang din ang naririnig kaysa sa napakalakas na musika ng bar. Sa hindi ko pa malamang dahilan ay pinikit ko pa ang mga mata sa unti-unting paglapit ng mukha nito sa akin.
Sino nga ba talaga ang niloloko ko? Gusto ko rin ito. Gusto ko na naman ito.