Chapter 58

February’s POV

Papunta na ako sa trabaho ko with my usual attire. Naayos ko na kasi ang kung anong mga dapat na ayusin sa clinic.

Habang papasok ako ay binati agad ako ng ilang empleyado.

“Good morning, Doctora,” bati nila sa akin. Binati ko lang din naman sila pabalik.

Hindi ko naman maiwasan pang mapangiti ng malapad nang makita ko ang office ko. Naiayos ko na ito at handang handa ng gamitin.

Nagsimula naman na ako sa mga dapat kong gawin, umaga pa lang ay nagdagsaan na ang ilang pasyente. Naging abala ako sa umagang ‘yon.

Ang iba kasi ay galing pa sa ibang lugar. Ang iba naman ay ang mga naging pasyente ko sa probinsiyang pinagtirahan namin noon.

Saka lang kami nagkaroon ng bakante nang magtatanghali na. Inalis ko naman ang blazer ko dahil balak kong kumain sa labas. I’m now wearing a velvet sando that show a little peak of my boobs and maong pants with my white heels.

Habang inaayos ko ang damit, hindi ko maiwasang mapasilip sa tapat. Nandito kasi ata sina Mayor, mukhang pinag-aaralan ang lugar. Hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap sa isang lalaking may esmeraldang mga mata. Seryosong-seryoso kasi ito habang may kausap.

“Sino ‘yan, Doc?” tanong ni Leah sa akin.

“Ayy, pucha ka!” gulat kong sambit.

“Sorry, Doc!” sabi niya naman na napakamot pa sa kaniyang ulo. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako rito o ano.

Sumulyap pa ako ng isa pang beses bago ko pa napagpasiyahan ng lumabas.

“Leah, let’s eat muna. Sama ka na sa akin. My treat,” sabi ko sa aking assistant dito sa clinic at ngumiti.

“Sure, Doc,” sabi niya naman na excited na tumango.

“How about me, Febi?” tanong naman ng psychologist na si Paula. Kasama ko ito sa clinic na pinagpapasukan ko noon sa dating pinagtutuluyan namin, siya na rin ‘tong naging kaibigan ko roon. Sumama siya sa akin dito, wala na rin naman kasi siyang pamilya roon.

“Wow, Paula, mas mapera ka pa sa akin ngayon,” natatawa kong sambit sa kaniya.

“Wala nga, ang hirap talaga kapag palipat-lipat ka ng lugar. Ang ganda kasi dito! Hindi ko mapigilang gumastos,” natatawa niyang saad. Nakakainggit din ito minsan. She’s living her life in the fullest.

Lumabas na rin naman kami ng clinic. Nagkukwentuhan lang kaming tatlo habang naglalakad.

Pasakay na sana ako sa kotse ko kaya lang ay tinawag ako ni Felix.

“Doctora!” sigaw niya pa. Napailing na lang ako dito. Parang hindi talaga mayor kung umasta ito. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago tumungo doon.

“Magandang tanghali, Mayor,” bati ko rito. Kasama ko pa rin sina Paula at Leah.

“Si Paula po at Leah, Mayor,” pagpapakilala ko sa dalawa.

“Si Felix, ang mayor ng bayan na ‘to,” sambit ko naman sila. Binati naman nila si Mayor. Tumango lang naman ‘tong si Felix.

“Maglulunch na kayo? Ang dami niyong client, ah,” sabi niya sa akin. Imbis na siya ang tignan ko, hindi ko maiwasang mapatingin kay Sapphire na siyang abala pa rin hanggang ngayon samantalang ‘tong si Mayor ay panay lang ang pakikipagkwentuhan. Joke, kahit naman na ganito si Felix, maasahan naman siya bilang Mayor ng bayan.

Saka niya lang ako ng mapansin nang mapatingin siya sa gawi namin. Huminto naman siya sa pakikipag-usap sa tauhan ni Mayor bago lumapit sa amin.

“Oh, nandito na pala si Zeal,” natatawang saad ni Mayor. Wala namang kaekspre-ekspresiyon ang mukha ni Zeal habang nakatingin sa amin.

“Ang gwaping naman niyan, Ghorl, knows mo ba ‘yan?” pabulong na tanong sa akin ni Paula, napailing na lang ako rito.

“Mayor, sino ‘yan? ‘Yan na ba ang magiging first lady ng bayan natin?” natatawang tanong ng isang lalaki na kakarating lang. Hindi ko alam kung anong trip nila at dito pa talaga kami nag-uusap sa gitna ng arawan.

“Go back to work, Samuel,” seryosong sambit naman ni Sapphire.

“Sungit naman, Mr. De Silva. Pahinga lang saglit, lapit na lunch oh. Balak mo ba talagang tapusin ang pagpaplano ng isang araw lang?” tanong pa nito.

“Teka, parang kilala kita!” pinaningkitan pa ako ng mga mata nito. Samuel? It’s one of his best bud!

“Febi!” malakas niyang sambit nang mapagtanto kung sino ako.

“Grabe, mas lalo kang gumanda!” hindi niya mapigilang sambitin.

“Let’s go, Mr. Del Rosario. Let’s go back to work,” seryosong sambit ni Sapphire na tumalikod na.

“Luh, may period ata ang koya mo, siya sige na nga,” natatawa nitong sambit.

“Sa’yo ‘yang clinic diyan sa tapat?” tanong niya. Tumango naman ako.

“Wow!” sabi niya nang nakangiti sa akin.

“Here’s our business card, if ever you’ll need check up!” sabi ni Paula at ngumiti pa kay Samuel. Pinaningkitan ko ‘to ng mga mata. Tinawanan niya lang naman ako.

“Number mo, Miss, hindi pwedeng kunin?” malanding tanong naman ni Samuel.

“Pwedeng-pwede.” Napailing na lang ako kay Paula dahil dito.

“How about you, Febi? Kunin ko number mo,” malakas nitong saad.

“Yeah, sure,” sabi ko naman at tumango.

“Wow, it’s still your phone?” tanong niya na medyo nagtaka pa sa akin.

“Ah, oo,” natatawa ko na lang saad dahil gumagana pa rin naman ito hanggang ngayon, although kaunting kembot na lang ay malapit na ring matuluyan. Bigay ito nina Lola at hindi ko naman magawang itapon.

Mas gusto ko kasi ito. Mas madaling makatext, wala ng pasikot -sikot pa. Saka wala na rin akong oras niyon para magliwaliw pa. Trabaho lang nang trabaho para sa kinabukasan naming tatlo.

“Mayor, alis na kami!” sabi ko at nagpaalam na sa kanila. Tumango lang naman sila sa akin.

“Teka pala. Nakalimutan ko tuloy kung ano ang sasabihin ko,” natatawang sambit ni Mayor na napakamot pa sa kanyang ulo.

“Here’s an invitation para sa party sa susunod na linggo. Hope you can go,” sabi niya na nag-abot ng birthday invitation niya.

“Sure, Mayor,” sabi ko at tumango. Tuluyan naman na akong umalis.

Nagtungo lang din kami sa malapit na kainan. Nagtagal lang kami doon para magpahinga sandali at kwentuhan na rin. Nang paalis na kami ay siya namang dating ng team ni Mayor. Kakain na rin ang mga ito.

Nakasalubong ko pa si Sapphire. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Well, confident naman na ako pagdating sa katawan ko ngunit hindi ko talaga mapigilang maconscious kapag siya na itong tumitingin sa akin.

Hindi ko naman na siya binati pa, hindi naman kami close para magbatian pa. Nang makasakay kami sa kotse, agad akong kinukulit ng dalawa.

“What’s with you and that esmerald eyes, Doc? Bakit parang may something? Type mo ‘yon no?!” natatawang tanong nito. Kung alam mo lang, Paula.

“May thing ka talaga sa mga may lahi no?” natatawa pa nitong tanong. Napailing na lang ako sa kanya.

“Tigil-tigilan mo nga ako, Paula, wala na akong panahon para riyan,” sabi ko na nailing pa sa kaniya.

“Sus, plano mo na bang tumandang dalaga, Febi?” tanong niya sa akin.

“Hindi pero hindi pa sa ngayon,” sambit ko naman. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapakibit ng balikat.

Pagkarating namin sa office ay may iilan ng pasyente. Naging abala naman na ako sa hapon na ‘yon.

“Doc! Nawawala si Lolo James!” sambit nila sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko dahil do’n. Pinakiusapan kasi ako ng apo nito na iiwan muna rito ngayong hapon lang dahil walang magbabantay sa kanila. Hindi naman ako makatanggi lalo na ng makita ko ang Lolo niya.

“Jusme naman, Leah, ‘di ba ang sabi ko’y huwag mong hahayaang lumabas ng kwarto?” hindi ko maiwasang itanong.

“Pasensiya na po, Doc, may mga pasyente pa po kasi akong iginiya patungo sa office niyo, hindi ko po namalayan na wala na siya sa kwartong pinag-iwanan ko,” sambit niya sa akin. Wala naman na akong magagawa doon, wala namang mangyayari kung pagagalitan ko pa ito lalo na’t ginagawa niya lang din naman ang trabaho niya.

Ako na mismo ang lumabas ng office para hanapin ito. Ako rin naman kasi ang pinagbilinan sa matanda. May dementia kasi ito kaya dinala ng apo niya sa clinic.

“Lolo James?” sigaw ko. Lumabas na rin sina Leah para maghanap. Naiwan naman doon si Paula at ang iba pang kasama namin sa clinic.

Sumisigaw lang kami dito para hanapin siya. Sinubukan ko namang maglakad pa ng medyo malayo. Sigaw lang ako ng sigaw habang hinahanap ito.

“Lolo James!” sigaw ko nang makitang nakaupo ito sa may gilid na upuan habang kumakain lang sa isang tabi. Napaawang naman ang labi ko nang makita kung sino ang katabi niya.

Nandito pa rin pala sila sa area na ‘to. Mukhang nagpapahinga na nga lang ngayon.

“Mahal na mahal ko si Mary e, kaya lang ay mukhang wala ‘tong balak na sagutin ako. May ibang natitipuhan,” pagkukwento niya pa kay Sapphire na siyang patango tango lang. Inabutan niya pa ng inumin ang matanda.

“Hindi mo man lang ba ako papayuhan, Arnel?” tanong pa nito. Kita ko ang pagtataka kay Sapphire, siguro’y nawiwierduhan din ngunit kinausap pa rin naman ang matanda. Mukhang nagbalik sa pagkabinata si Lolo James.

“Maybe she’s not the one or if they’re not together pa, court her po,” sambit nito. Napaawang naman ang labi ng matanda dito.

“Kailan ka pa naging englishero, Arnel? Teka, hindi ikaw si Arnel! Hindi ikaw!” susubukan niya pa sanang batuhin ito ngunit agad na akong humarang.

Pinakalma ko naman ito. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni Sapphire, mukhang hindi niya inaasahan ang biglaang pagwawala ng matanda.

Dumating naman na ang mga kasamahan ko at binalik na nila si Lolo sa clinic.

Napatingin naman ako kay Sapphire na nakatingin sa matanda at maya-maya ay napabalik ang tingin sa akin.

“Sorry about that, Sapphire—I mean Mr. De Silva,” sabi ko at alanganing napangiti sa kanya.

“Is your job always that hard?” tanong niya na napatingin pa sa pinagdalhan sa matanda.

“Hmm, hindi naman.” Inexplain ko naman sa kaniya kung anong sakit ni Lolo James. Nakikinig lang naman siya sa akin. Minsan mahirap pero madalas nakakataba ng puso kapag may natulungan ka.

“Balik na ako, salamat at pasensiya na talaga,” sabi ko pa sa kaniya.

“No problem, Ms. Castro,” sabi niya naman na tumango pa sa akin. Napansin ko naman na siya na lang ang kumakain, mukhang pati sa pagbebreak ay huli ito.

Nang makabalik ako ay pinatulog na nila si Lolo James. Bumalik na rin naman ako sa trabaho. Hindi ko naman na namalayan pa ang oras dahil sa pag-aaral ng mga kaso ng mga pasyente rito kanina.

“Alis na ako, Doctora,” paalam ni Paula na siyang pinakahuling magpapaalam sa akin ngayon. Tumango naman ako.

“Hindi mo pa rin titigilan ‘yan?” tanong niya pa. Simple lang akong tumango dahil hindi maiwan ng mga mata ko ang inaaral.

Natapos ako anong oras na, nakita ko ang mga tawag mula kina Aya at Cali. Napainat pa ako na nagligpit at tuluyan ng lumabas. Nagdrive lang ako patungo sa bahay habang kausap sina Cali.

“Pauwi na ako, Cali,” sambit ko.

“You’re late again, Ate. Madilim sa kalsada,” seryoso niyang sambit.

“Opo, Kuya Cali,” natatawa kong saad.

“Kumain na ba kayo?” tanong ko pa.

“No, we’re waiting for you,” sambit niya naman.

“Sana hindi niyo na ako hinintay, pauwi na ako. Patayin ko na muna,” sabi ko pa bago pinatay ang tawag.

Nakabili naman na ako ng pagkain para sa kanilang dalawa. Habang patungo sa bahay, hindi ko maiwasang kabahan dahil katulad nga ng sabi ni Cali ay madilim nga talaga dito dahil walang mga street light sa gilid. Ang ilaw lang galing sa kotse ko ang liwanag na makikita.

Hindi ko naman inexpect na ganito nga talagang nakakatakot pauwi, ngayon lang kasi ako ginabi galing sa trabaho. Mas lalo pa kasi kumonti ang tao sa lugar namin kaya siguro hindi na sila nag-aksaya pang maglagay ng street light dito.

Napatingin naman ako sa kotseng napa-U turn nang makita atang may kotseng patungo sa way niya, agad ko namang napagtanto kung kaninong kotse ‘yon. Kotse ni Sapphire.

Mayamaya ay pinark lang namin ang kotse sa gilid ng kalsada, maglalakad pa pilapil para makarating sa mismong bahay. Lumabas naman na ako sa kotse ko. Kung hindi lang si Sapphire ang lumabas, siguro’y nagtatatakbo na ako ngayon.

Tahimik lang siyang naglakad patungo sa pilapil. Nakasunod lang naman ako rito. Hindi nagtatanong ng kung ano.