Chapter 57

February’s POV

Paunat-unat pa ako ng bumangon sa pagkakahiga. Nagliligpit-ligpit naman na ang mga kapatid ko.

“Good morning!” bati ko sa kanila. Binati lang din ako ng mga ito pabalik.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa bintana. Nandito pa rin naman ang farm kaya lang hindi ko alam kung sino na ang mga nagtatanim, hindi ko rin kasi naitanong kay Isaac.

Napaawang naman ang mga labi ko nang makita kung sino ang padating ngayon sa bahay. Nakapants lang ito at walang saplot na pang-itaas. May dala-dala itong mga kahoy. Lumagpas naman siya sa bahay namin at nagtungo sa bahay niya.

Pinanood ko lang siya habang nagsisibak ng kahoy. Hindi ko mapigilang mapatitig dito, hindi ko alam kung normal pa ba ito.

“Ate, what are you doing? Wala ka ng pinupunasan,” sabi sa akin ni Cali.

“Oo na, Cali. Lumayas ka na riyan,” sabi ko naman na tinulak pa siya ng mahina. Sumilip pa siya sandali sa labas bago niya ako nilubayan. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

Napakunot naman ang noo ko sa kaniya pero hindi ko na siya pinansin pa, masiyado na akong abala sa morning abs na nasa tapat ko ngayon.

Wow, Febi, kailan ka pa nahilig sa abs?

Pawisan na rin ito, sinubukan niya pang punasan ang mukha gamit ang likod ng kanyang palad. Nakita ko ang pagsulyap niya sa pwesto ko kaya dali-dali ako kunwaring nagpunas ng bintana.

Nakita ko ang pagngiti niya sa akin bago sinimulan ulit na magsibak ng kahoy. Sa sobrang kapal ko, nanatili pa rin akong nakasilip sa bintana. Matagal pa bago niya ulit ako tinignan. Napatalikod naman na ako dahil ilang beses na ako nitong nahuhuli.

Tumulong na lang ako sa paglilinis ng suluk-sulukan ng bahay na hindi namin nalinis nitong nakaraan.

“Ate! Nandito si Kuya Zeal, hinahanap ka,” sabi ni Aya sa akin.

Sa hindi ko malamang dahilan bakit ba sinilip ko pa ang mukha ko at ang damit ko kung maayos ba ito.

Lumabas naman ako para tignan siya. Wala pa ring pang-itaas ang lolo mo’t pawis na pawis pa rin habang buhat ang ilang kahoy. Pero bakit parang ang bango bango pa rin nito? Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok habang nakatingin sa katawan nito, mas maganda pala ng malapitan.

“Isaac asked me to help you. Here.” Pang-aagaw niya ng atensiyon ko na tinaas pa ang ilang kahoy na nakapulos. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Iniwasan ng mapatingin sa katawan nito.

Hindi na dito nakatira si Isaac pero madalas pa rin naman siyang magawa para linisin ang bahay.

“Ah, ganoon ba? Salamat pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ‘yon,” sabi ko naman at ngumiti pa sa kanya.

“It’s fine, sinabay ko lang din naman para sa akin,” sabi niya.

“Okay? Thanks,” sabi ko na lang. Aalis na sana siya ngunit kinakalabit ako ni Aya. Pinagkunutan ko naman siya ng noo. Sumesenyas pa ito na pakainin ko ng almusal dito sa bahay.

“If you have free time. You can join us with our breakfast, Kuya,” sambit ni Cali sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kapatid. Hindi naman kasi ito usually nag-aaya ng kahit na sino, maski ang ilang naging boyfriend ko. Wala itong pakialam kung umalis man ng hindi ng kumakain.

“Hmm, yeah, sure,” sabi naman ni Sapphire na hindi tumanggi sa kapatid ko. Hinayaan ko na lang. Sabay-sabay naman na kaming kumain, nakakapanibagong makita si Cali na madaldal habang kausap si Sapphire. Expected ko naman na ‘yon kay Aya.

Pinapanood ko lang silang tatlo na nakangiti. Hindi ko naman din kasi makakalimutan na naging close din ang tatlong ‘to, laging iniispoil ni Sapphire.

“Next time, punta ulit tayo ng perya. Kami naman ang magtitreat sa’yo, Kuya,” nakangiting sambit ni Aya.

“Yeah, sige ba,” hindi ko maiwasang pagmasdan bawat sulok ng mukha ni Sapphire. Nakangiti ito ngayon, base sa kaniyang mukha. He was genuinely happy.

Natapos na rin naman kaming kumain parang ako pa ang bisita dahil ako itong pinakatahimik sa aming apat.

“Bye, Kuya, come eat with us na lang kapag wala kang kasama,” nakangiti pang saad nina Aya. Hindi ko naman mapigilang paningkitan sila ng mga mata ngunit malapad lang ang ngiti nilang parehas habang nagliligpit.

“Aalis ka na niyan, Ate?” tanong nila sa akin. Tumango naman ako.

“Iiwan ko muna kayo dito, ah, kunin niyo yung perang nilagay ko sa taas ng tv. Mamasiyal kayo kung gusto niyo,” sabi ko sa kanila. Parehas naman silang tumango. Nagtungo naman na ako sa loob para makapag-ayos.

With my cashual lace top na nakapaloob sa aking blazer and my usual pants. Sinuklayan ko lang sandali ang buhok ko hanggang sa mapagpasiyahan ng umalis.

Nagpaalam naman na ako kina Aya at Cali na abala sa mga ginawa nila ngayon. Nagtungo naman na ako sa kotse ko.

“Hello, Isaac?” tawag ko sa kaibigan mula sa kabilang linya.

“Oh, Febi?” tanong niya naman.

“Nasaan ka na?”tanong ko sa kaniya.

“Nandito na,” sambit nito.

“Huwag mo akong pinagloloko, ah. Kapag hindi lang kita nadatnan, humanda ka sa akin,” banta ko pa sa kanya kaya tinawanan lang ako ng siraulo.

“Oo na, oo na!” sambit niya na pa. Siya kasi itong magpapakilala sa akin sa architect na kakilala niya. Ang sabi niya pa’y pinakamagaling daw na architect ang ipakikilala niya sa akin. Hindi ako naniniwala sa siraulong ‘yon dahil hindi naman ganoon kalaki ang budget ko para sa bahay namin.

Nagtungo na ako sa restaurant na sinasabi niya. Pagkapasok ko ay binati agad ako ng ilang staff. Nginitian ko lang sila at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob.

Nilibot ko naman ang paningin ngunit wala akong Isaac na nakita. Paupo na sana ako nang makita si Sapphire na nakaupo sa isang gilid habang nakaharap sa kaniyang laptop. Napaupo naman agad ako sa pwestong uupuan ko at agad na tinawagan si Isaac dahil kinutuban dito.

“Hello!” inis na sambit ko ngunit mas lalo pang nairita sa kaniya nang marinig ang tawa nito.

“Ano?” natatawa niya pang tanong.

“Nasaan ka na?” tanong ko sa kanya.

“Papunta na. Don’t worry, nandiyan naman na si Architect. Huwag mo ng paghintayin pa, ha? Busy ‘yan!” natatawa niya pang saad. Mas lalo ko tuloy napatunayan ang hinuha ko.

“He’s wearing a black longsleeve saka pants din daw na black at higit sa lahat, gwapo!” sabi niya pa.

Bago pa ako makaangal ay binabaan na ako nito ng tawag. Ang gagong ‘yon talaga, humanda talaga siya sa akin pagpunta niya dito.

Inayos ko naman muna ang sarili ko bago ko napagpasiyahan na magtungo kay Sapphire. Hindi ko sigurado kung siya ba ang tinutukoy ni Isaac ngunit base sa deskripsiyon nito, si Sapphire lang naman ang gwapo rito. Charaught.

Nilapitan ko naman siya. Agad siyang lumingon sa akin. Tumikhim pa muna ako bago nagsalita.

“Good morning, Archi—Mr. De Silva, ikaw ba ang architect na tinutukoy ni Isaac?” tanong ko sa kanya.

“Ah, yeah,” sabi niya naman at tumango. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito babatiin. Ang siraulong Isaac na ‘yon, hindi ko naman akalain na tototohanin niya ang sinasabing kukunin ang pinakathe best na Architect sa pilipinas.

Walang’ya, wala akong ganoon kalaking pera para bayaran ‘to.

“What do you want to eat, Ms. Castro?” tanong niya sa akin. Wow, parang hindi ko siya kasabay kumain kani-kanina lang.

“Coffee na lang, Mr. De Silva.” Napakapormal naman ng usapan naming dalawa. Nagtanong tanong na rin ako sa kanya kahit na hindi ko sigurado kung gugustuhin ko bang kuhanin ito bilang architect ng ipagagawa kong bahay.

Mayamaya ay dumating na ang hinihintay naming si Isaac, pagkadating pa lang nito ay masama na agad ang tingin ko sa kanya.

“Good morning, Zeal. Good morning, Febi.” Walang kapormal pormal na saad nito.

“Wow, good morning, Engineer, ha?” nakataas kilay na sambit ko sa kaniya.

“Hehe, sorry late,” sabi niya nang natatawa bago umupo sa tabi ko. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya ngunit walang paki si Tanga at pasimple pang nakikihigop sa kape ko. Hinampas ko ang kamay niya dahil dito. Nakatingin lang naman sa amin si Sapphire.

“Hmm, sorry about that, Mr. De Silva,” sambit ko na lang. Mukha kasing seryosong-seryoso ito. Umakbay pa sa akin si Isaac habang nakangisi kaya palihim kong kinurot ang tagiliran niya.

“Aray! Grabe ka naman, Febi!” sigaw nito kaya may mga napatingin pa sa akin. Kahit kailan ay isip bata pa rin talaga ito. Hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin kaya napanguso siyang umayos ng pwesto.

“Umayos ka, Isaac,” bulong ko.

“Pucha ka, anong ipambabayad ko riyan kay Architect? Baka wala na akong ipampagawa ng bahay, ibigay ko na lang sa kaniya,” bulong ko pa ulit.

“May discount daw kapag ex.” Humahagalpak pa siya ng tawa kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nanggigil ko naman siyang kinurot ulit, patawa-tawa pa siyang umaaray. Mayamaya ay tumigil na ito ngunit hindi pa rin naalis ang masama kong tingin sa kanya.

“Grabe, bakit parang gusto niyo akong pataying dalawa?” natatawang tanong ni Isaac sa aming dalawa ni Sapphire na nakasimangot na sa kanya. Mukhang napipikon na rin si Sapphire dahil hindi pa rin nagsisimula ang meeting.

“She’s worried that it will take a lot for you to design her house, Zeal,” sambit ni Isaac na nagseryoso na ngayon.

“Don’t worry about it,” sabi niya naman na napakibit pa ng balikat. Napaawang naman ang labi ko dahil dito. Seryoso ba ‘yan? Nakita ko ang mga design nito noong nakaraang taon, at siya itong pinakamabentang Architect. Ang pagkakaalam ang firm niya ngayon ay galing sa sarili niyang bulsa.

Hindi ko nga alam kung paano ito nakuha ni Mayor na maging town planner ng bayan namin.

Mag-aalinlangan pa sana ako ngunit nagawa pa akong isales talk ng dalawa.

“I’m just like any other Architect, Miss, you can pay me how much are you willing to pay them,” sabi niya na tumango pa.

“Beside magkaibigan naman kayo,” sabi pa ni Isaac.

“Wow, hindi naman ako nainform na may discount pala kapag magkaibigan. So libre na ba sa akin ang talent fee mo, Isaac?” biro ko sa kanya. Tinawanan niya lang naman ako.

“Hindi, may discount daw talaga kapag ex ni Mr. De Silva,” sabi niya pa kaya nginiwian ko siya. Ang gagong ‘to, hindi pa rin humihinto sa kapang-aasar sa akin.

“I can assure you that I can make the design that you want for your house, Ms. Castro,” sabi ni Sapphire dahil nga nag-aalinlangan pa rin ako hanggang ngayon. Hindi naman ‘yon ang inaalala ko, alam ko namang kayang kaya niya ‘yon gawin. I’m just thinking about the extra fees.

Nakumbinsi rin naman ako ni Isaac, ang sabi niya’y pinilit niya na nga si Sapphire, tatanggian ko pa raw, saka mabait din naman daw si Sapphire sa ibang mga client niya kaya nga raw mabenta. Sa huli’y napaniwala rin ako nito.

“Oh paano? Iwan ko muna kayo? Tapos na ako dito, saka na lang ulit tayo magkita kita! Busy ako!” sabi ni Isaac na kumaway-kaway pa sa akin. Ang timawang ‘yon, pakanta-kanta pa nang umalis. Naiwan tuloy kami ni Sapphire na nakatingin lang sa kanya.

“So what’s the design that you want for your house?” Pagbabasag niya sa katahimikan naming dalawa.

“Here’s my flashdrive, nandiyan ‘yong ilang visual na gusto ko para sa bahay,” sambit ko. Napatango naman si Sapphire sa akin. Lumapit pa ako sa kaniya para lang ipakita ang nasa loob ng flashdrive. Magkatabi na kami ngayon. Pinapakita ko naman sa kanya kung ano ang gusto ko, tinetake down notes niya naman ang mga ‘yon.

Magkatabi na kami habang nag-uusap saka ko lang ‘yon napagtanto nang tinuturo ko pa ang nasa screen ng laptop niya at patango-tango naman siya habang nakatitig lang sa akin.

Ito na naman ako. Parang malulunod nanaman sa esmeralda niyang mga mata. Ang hirap-hirap pang bumitaw ng tingin kapag ganitong nakatitig na ako sa kanya.

Agad akong napaiwas ng tingin lalo na nang marinig ko ang malakas na tibok ng puso. Wow, Febi, akala ko ba tuluyan mo ng nakalimutan ang nararamdaman?