Chapter 56

February’s POV

“Good morning, Wor—“ Natigilan naman ako nang makita kung sino ang nasa bombahan namin.

“What the heck?” bulong ko pa at sinubukan pang tuktukin ang sarili habang tinitignan ang taong may esmeraldang mga mata na basang basa ngayon.

“Why, Ate?” tanong ng kalalabas lang na sina Cali at Aya. Pare-parehas naman tuloy kaming nagulat, ganoon din si Sapphire na prenteng-prenteng naliligo dito sa labas.

“What are you—Oh fuck, sorry!” mabilis niyang sambit ngunit hindi rin naman umalis sa may bombahan.

“Kuya Zeal?” tanong ni Aya sa kaniya.

“Ikaw nga!” nakangiti nitong sambit na kumaway-kaway pa kay Sapphire na nakatingin sa kaniya. Hindi nga pala nagkita ang mga ito kagabi.

“Anong ginagawa mo rito?” hindi ko maiwasang itanong.

“I’m living there.” Turo niya sa katabing bahay namin. Hanggang ngayon pala ay dito pa rin siya nakatira.

“Wait, what?” naguguluhan kong tanong, hindi naman nabanggit sa akin ni Isaac na rito ito nakatira, ah? Well, pinipili ko pa lang hindi malaman. Hindi na rin naman ako nakikibalita dito.

“I’ll go now. Sorry about that, thanks for letting me use your poso,” sabi niya pa bago lumabas para umalis. May bitbit pa itong timba sa magkabilaang kamay, hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya habang papalayo. Hindi ko maitatangging mas lalo pa itong gumwapo.

“Ate, tumutulo na laway mo,” sabi ni Aya sa akin kaya sinubukan ko namang punasan ‘yon ngunit wala naman. Sinamaan ko naman agad ng tingin ang kapatid ngunit tinawanan niya lang ako.

“I’m just kidding, Ate,” sabi niya naman na pumasok na sa loob. Napailing na lang akong sumunod sa kanya.

Nagluto naman na kami ng breakfast.

“Ate, alis po muna ako,” sabi ni Cali kaya agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata.

“Where are you going again, Cali?” hindi ko maiwasang itanong sa kaniya.

“Diyan lang po, makikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko,” sabi niya pa ngunit hindi ako naniniwala.

Paniguradong hahanap na naman ito ng pagkakakitaan. Magpapart time katulad ng ginagawa niya sa tinitirhan namin nitong nakaraang taon.

He’s always acting as a Kuya. Simula ng tumapak ng high school, hindi na humihingi pa sa akin ng pera. Hindi niya naman na kailangan ‘yon gawin ngayon dahil kahit paano’y talaga namang nakakaluwag na kami, gustong-gusto ko na silang spoil-in ni Aya kaya lang ay lagi itong tumatanggi at kay Aya ko na lang daw ibigay o ‘di naman kaya ay para sa sarili ko.

“Iiwan mo na ba kami?” hindi ko maiwasang itanong sa kaniya kaya pinagkunutan niya ako ng noo.

“Of course not, what are you talking about, Ate?” tanong niya pa na napasimangot.

“Umaakto ka kasi laging parang hindi mo na ako kailangan,” sabi ko pa sa kanya.

“Here we go again.” Narinig kong bulong niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako dito o ano.

“I’ll come back later, Ate, bye,” sabi niya na hinalikan pa ako sa noo. Wala naman na akong nagawa dahil dito. Napatingin naman ako kay Aya na pinapanood lang ang kambal niya na umalis. Mayamaya ay ngumiti ito sa akin.

“Magtetext naman siya, Ate,” sabi niya na pinapanatag ako. Napatango na lang ako dito.

“By the way, do you want to come with me later? Bibisitahin ko ang clinic,” sabi ko sa kanya.

“Hindi na po, Ate. Baka susubukan ko po munang mag-exam para sa scholarship sa schools dito,” sabi niya sa akin. Napatango naman ako. Parehas sila ni Cali na parang ayaw nagpapabigat sa akin gayong wala naman sa isip ko ‘yon. Itong si Aya, nagtitinda sa school niya ng mga pagkain kaya no’ng nakaraan, pinatawag ako ng principal nila dahil hindi raw ‘yon pupwede. Noong tinanong ko naman si Aya kung kulang ba ang binibigay ko, agad naman siyang umiling. Gusto niya lang din daw makatulong.

Kaya ko naman ng ako lang, ang isipin na lang nila ay ang pag-aaral nila. Pakiramdam ko tuloy ay alam ko na ang nararamdaman nina Lola kapag ganito rin ako.

Mayamaya lang ay nagpaalam na rin ito. Naiwan na ako sa bahay, sinubukan ko namang tawagan si Isaac para tanungin kung anong ginagawa ni Sapphire dito.

“Aba, Febi, ikaw lang ba ang pupwedeng tumira diyan, ha?” tanong niya sa akin.

“Bakit hindi mo sinabi?” tanong ko pa sa kaniya.

“Ayaw mong makarinig ng balita tungkol sa kanya, Febi, hindi ba?” natatawang tanong niya pa. Hindi naman sa ayaw ko, hindi lang siguro talaga ako interesado noon.

“Kahit na pa! Sana sinabi mo pa rin,” sambit ko na napasimangot pa sa kanya.

“Wow, ano bang problema mo, Febilyn? Move on ka naman na sa kaniya, ‘di ba? Hehe, enjoy!” tumatawa pa niyang saad.

“Engot ka talaga!” malakas ko pang sigaw, nagulat pa ng may magsalita sa likod ko.

“Is there a problem?” tanong niya sa akin.

“Ahh, wala...” Napahawak pa ako sa dibdib dahil dito.

“Here, sobra ang pagkain na nailuto ko,” sambit niya na iniabot lang ang pinggan sa akin. Hindi pa ako nakakapagreklamo ay umalis na ito. Hindi ko naman tuloy maiwasang sulyapan pa ulit siya.

Tapos na akong kumain, pero sige, kakainin ko ulit para hindi masayang.

‘Para nga ba talaga hindi masayang, Febi?’

Pagkatapos kong kainin ‘yon, nagligpit-ligpit na ulit ako. Napatangin naman ako sa bahay, hindi ko maiwasang maalala sina Lola. Kung gaano kabuhay na buhay ang bahay na ito. Ang maliliit na sina Cali at Aya. Masaya naman ako ngayon kasama sila ngunit hindi ko lang talaga maiwasang maisip sina Lola.

Napa-buntonghininga na lang ako at pumasok na ulit sa loob para mag-ayos na. Bibisitahin ko ang clinic at kukuha na rin ng business permit sa munisipyo.

Bago pa ako tuluyang makapag-ayos hindi ko maiwasang mapatingin sa bahay ng kapitbahay kong si Sapphire. Palabas na ito at mukhang handa ng pumasok sa kaniyang trabaho. Himdi ko alam kung uuwi na siya sa kanila o magtatrabaho.

He was wearing a grey slacks with white rubber shoes and a dark blue long sleeve na siyang mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Napatingin naman siya sa gawi. Nagkunwari lang akong napatingin sa kaniya at umalis na sa pwesto ko.

Naligo naman na ako at nang matapos ay nagbihis na rin.

I’m wearing a white blouse giving a sneak peek of my cleavage with a pencil skirt above my knee. Sinuklayan ko lang sandali ang buhok na hanggang sa leeg at chineck na ang buong bahay bago ako umalis.

Sumakay naman na ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa may clinic. Pagkarating ko roon, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa akin na nga talaga ito.

Pumasok naman na ako sa loob, may mga nagtatrabaho pa rin dito para sa interior ng clinic. Napangiti ako habang pinagmamasdan ‘yon. It’s finally my own clinic.

Nang matapos ako sa pagsilip sa lugar, nagtungo na ako sa munisipyo para kunin ang business permit.

“Hello, Mayor,” natatawa kong bati habang nasa kotse.

“Hello, Febi, wow, anong kailangan mo, ha?” natatawa nitong tanong.

“I’ll go there right now, busy ka? Kain tayo, treat ko,” sabi ko sa kaniya.

“I’m actually in a meeting right now but I think I have time, tuloy ka na lang. Tapos na siguro kami pagdating mo,” sabi niya.

“Ganoon ba? Thanks, Felix!” sambit ko. ‘Yong anak ni Mayor dati, siya na itong mayor ngayon.

May balita pa rin naman ako kahit paano sa probinsiya kaya alam ko rin ang ilang nangyayari.

Mayamaya ay nakarating naman na ako sa munisipyo.

“Ms. Castro?” tanong sa akin ng secretary ni Mayor. Tumango naman ako.

“Tuloy po kayo, Miss,” sabi niya at ngumiti sa akin.

“Thanks,” sabi ko naman na nginitian siya pabalik.

“Mayor!”malakas ko pang sambit dahil akala ko’y tapos na ang meeting ngunit agad akong napatutop sa aking bibig nang makita ko ang lalaking prenteng prenteng nakaupo sa upuan ni Mayor.

Agad naman akong nagtaka nang makita ko si Sapphire na nandito. Mukhang may dinidiscuss siya kay Mayor.

“Oh… sorry about that,” mahinang sambit ko. Lumapit pa ako kay Mayor at nakipagbeso rito. Hindi ko kasi ito nakita sa party kahapon. Nakatingin naman sa akin ngayon si Sapphire na siyang tinitignan pa ako mula ulo hanggang paa. Bahagya naman akong naconscious ng dahil dito.

“Tuloy ka lang, Febi, paalis na rin naman si Mr. De Silva,” sabi ni Felix.

“I can wait naman outside, hintayin ko na lang kayong matapos,” sabi ko na ngumiti pa.

“No, Febi, paalis na si Mr. De Silva.”sabi pa ni Felix habang nakangisi. Pinapanood ko naman ang ekspresiyon ni Sapphire. Galit ito, sigurado ako. Mukhang nagagalit dahil pinapaalis ni Felix.

“No, it’s fine, Felix, I can wait naman,” sabi ko na ngumiti pa sa kanya.

“Fine. You can just sit there, Febs,” sabi niya na tinuro ang sofa niya dito. Pinapanood ko naman silang dalawa ni Sapphire or should I say si Sapphire. Salubong kasi ang kilay nito habang nagsasalita.

I think siya ang kinuhang architect at town planner ni Mayor. Nabalitaan ko kasi na effective bilang isang town planner si Sapphire at pinakamahal pang architect dito sa pilipinas.

Nangalumbaba naman ako habang tinititigan siya. Wow, Febi, ang dami mong oras, ha?

“Ang tagal naman, Pre? Akala ko ba tapos na?” tanong pa ni Mayor na mukhang naiinip na. Hindi siya pinansin ni Sapphire at nagpatuloy sa pagsasalita.

Hindi ko naman na napigilang mapatawa ng mahina. Parehas tuloy silang napatingin sa akin. Mukha kasing pinipikon na lang din ni Sapphire si Mayor dahil sa pagpapaalis nito sa kanya.

“Kunin ko na lang ang business permit ng clinic ko, Mayor. Next time na lang tayo lumabas,” sabi ko sa kaniya.

“Awwe, we’re already done naman na, isama na lang din natin si Mr. De Silva’ng kumain tutal mukhang ‘yon naman ang gus—“ Hindi niya pa natutuloy ang sasabihin ng mapa”aray” na siya.

“Mayor ka ba talaga, Felix? Sure na ‘yan?” natatawa kong tanong. Inirapan niya naman ako.

“It’s fine with me, let’s have a lunch. My thank you for giving me some breakfast earlier,” sabi ko kay Sapphire at nginitian pa siya.

“Yeah, sure,” sabi niya naman na tumango. Hindi pa rin niya maiwasang mapatingin sa suot ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Lumabas naman na kaming tatlo, sumakay na sila sa kanya-kanya nilang kotse. May kotse ako pero ibang level talaga ang mga ito.

Napakamot naman ako sa aking batok nang makitang mukhang mabubutas ang bulsa ko sa gustong kainan ng mga ito.

Pagkapasok pa lang namin ay agad ng nakapila ang mga staff. Hindi ko alam kung dahil ba may kasama kaming Mayor o dahil sa kasama naming always talk of the town. Sino bang hindi makakakilala sa mga gwapong ‘to?

Naupo na rin naman kami pagkatapos. Agad naman akong kinausap ni Mayor.

“Kumusta ka na, Febi?” tanong niya. Napatawa naman ako rito. Para naman kasing hindi kami nag-uusap dalawa kung makatanong ito samantalang lagi ngang naroon sa probinsiyang pinagtutuluyan namin dahil nandoon ang kaniyang pinakamamahal.

“I mean kumusta pala kayo ni Darren?” natatawa niya pang tanong kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

“We’re fine, para namang hindi kayo nag-uusap ni Darren,” naiiling kong saad sa kanya.

“Hindi ba siya susunod dito?” tanong niya pa.

“Hmm, sasamahan niya ang Mommy niya roon, baka bibisita na lang dito,” sabi ko. Napatango naman siya sa akin habang nakangisi.

“Susunod din ‘yon panigurado,” sabi niya pa sa akin.

“Future Mrs. Dizon,” natatawa niya pang biro sa akin. Sasawayin ko na sana ito sa mapang-asar niyang pinagsasabi kaya lang ay dumating na ang order namin.

Napatingin naman ako kay Sapphire na siyang tahimik lang sa isang tabi. Kung pag-aaralan ko ang mukha nito, he look so upset. Napansin niya naman ang tingin ko sa kaniya, hindi niya inalis ang mga mata sa akin kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. Hindi naman sa gusto ko siya pero nakakailang lang kasi ang tingin nito.

“How about you, Sapphire? How’s life?” tanong ko na para bang magkaibigan kami. Well, pupwede naman ‘yon.

“I’m doing good,” simple niyang sambit na napakibit pa ng balikat. Natango naman ako at ngumiti pa. Good to know.

Nagkukwentuhan lang kami ni Felix habang kumakain habang si Sapphire naman ay tahimik lang sa isang tabi.

Nang matapos kaming kumain, imbis na ako ang magbayad ay si Sapphire na ang bumunot ng pera kaya kinantiyawan siya ni Mayor.

“Have a nice day a head, Ms. Castro.” Bakit pakiramdam ko ay sinadya niyang diinan ang pagkasabi ng ‘Ms. Castro’?