Chapter 55

February’s POV

Saka ko lang napagtanto na kaibigan nga rin pala ni Donya Ligaya si Donya Emilya kaya hindi malabong tumungo siya dito.

“Hoy!” Nagising lang ako sa pag-iisip nang kuhanin ni Isaac ang atensiyon ko.

“What?” tanong ko naman at pinagkunutan pa siya ng noo.

“Para kang nakakita ng multo riyan sa itsura mo,” natatawa niyang sambit. Inirapan ko lang siya at napakibit ng balikat, napakaoa pa talaga nito.

Hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa kaniya. Marami na kasing nagbago sa hubog ng pangangatawan nito. Mas lalo pa siyang tumangkad. Napangiti naman ako habang tinitignan siya, mukhang maayos na rin ito.

“Oh, si Zeal? Akala ko ba hindi mo na ‘yan gusto?” nakangising tanong ni Isaac sa akin.

“Oh bakit? Ano bang problema? Bawal na ba itong tignan?” tanong ko na sinamaan siya ng tingin. Madalas pa rin niya itong inaasar sa akin ngunit agad ko siyang binibitin sa ere kapag magkukwento na siya ng tungkol dito.

“Sus! Ang sabihin mo gwapong-gwapo ka sa kaniya,” natatawa niyang saad.

“Alam mo ikaw, masiyado kang maissue no?” sambit ko na tinulak siya.

Hindi pa rin ako tinatantanan nito sa pagngisi kaya iniwan ko na siya at nagpunta sa gawi nila Piolo na siyang kasama ang mga kaibigan nila.

“Febi!” bati ng mga kaibigan niya.

“What’s up?” nakangiti kong bati.

“Hey... still pretty, ha?” nakangising sambit ni Tasha sa akin.

“Oh… thanks,” sabi ko at nginitian din siya pabalik.

Naupo naman na ako kasama nila, hinanap naman ng mga mata ko sina Cali at Aya. Nakikipagkwentuhan na ang mga ito sa kani-kanilang kaibigan.

Ang iba’y nag-asawa na rin ngunit marami rami pa naman sa amin ang bachelors pa rin hanggang ngayon.

“So how’s your life, Febi? I can see that you’re pretty good now,” sabi ni Tasha na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman maiwasang mainsulto sa paraan ng tingin nito.

“Nakapag-asawa ka ba ng mayaman?” natatawa niya pang tanong. Napaawang naman ang mga labi ng mga kasama namin dahil sa biglaang tanong niya.

“Just kidding!” biglang bawi niya nang makitang siya lang ang natawa sa tanong niya.

“Wala nga e, may mairereto ka ba?” sabi ko naman at ngumisi rin sa kanya. Siya naman ang nagulat sa tanong ko.

“Ako, Febi. Pwedeng-pwede,” nakangising sambit ng isa sa mga kaibigan namin.

“Mayaman ka ba?” sabay-sabay nilang tanong. Napatawa naman kaming lahat dahil dito.

Kahit na nakikipag-usap na ako sa mga ito, napapatitig pa rin ako kay Sapphire. Pinagmamasdan ang lahat ng nagbago sa mukha niya. Seryosong-seryoso lang ang mukha ngayon habang nakikipag-usap sa pamilyar na mukha.

Hindi pa rin ako nakikita nito o baka wala lang siyang paki kahit na nakita niya na ako. Well, ikaw lang naman ‘tong parang tangang nakatitig sa kaniya ngayon. Hindi ko lang kasi mapigilan ikumpara ang mga nagbago sa kanya.

“Cr lang ako,” sabi ko at ngumiti pa sa kanila. Nagsitanguan naman sila sa akin.

Nagtungo naman na ako sa cr. Ang dami kasing masiyadong bisita nina Piolo, sa sobrang dami ba naman kasi ng kaibigan nito, akala ko nga’y mayor na ito ngayon.

Pagkalabas ko ng cr, hindi ko mapigilang kalkalin sa bag kung saan ko nilagay ang hand sanitizer ko. Pabalik na sana ako sa loob ng cr ngunit nalaglag na ang bag sa babae.

“Sorry! Sorry,” agad kong sambit at mabilisan kong pinulot ang mga gamit. Nakatayo lang naman ang nakabunggo ko sa hamba ng daan. Agad napaawang ang mga labi ko nang makita kung sino ito.

Bakas din ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin ngunit agad din ‘yon napalitan ng seryosong mukha niya.

“S-sorry...” Nagkandautal utal pa ako ngayong nakaharap ako sa kaniya. Wow, Febi.

“It’s fine,” sambit niya at tumango bago pumasok sa loob ng cr. Para akong hihimatayin. Ramdam ko pa ang panlalambot ng tuhod ko dahil lang sa kapiranggot na boses nito.

Wow, Febi, ano ba naman ‘yan? Ang lakas ng loob mong sabihing wala lang ‘to. Well, may mga araw lang naman na naalala ko siya pero madalas ay wala lang pero bakit ngayong nasa harap ko na siya para nanamang nanlalambot ang puso ko.

Nakalabas na siya’t lahat-lahat ay nandito pa rin ako, pinagsasabihan ang sarili sa katangahan ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at wari’y naghahanap sa bag ko.

“What are you looking for?” tanong niya. Parang wala lang ang presensiya ko sa kaniya.

“Ah, hand sanitizer,” seryoso ko ring saad nang tuluyan ng kumalma.

“It’s in your hand,” sabi niya na tinuro pa ang kamay ko bago ako tinalikuran. Napakagat naman ako ng madiin sa aking labi. Napakatanga mo talaga, Febi.

Bumalik na rin ako ng makapag-ayos.

Nagsimula naman na rin na ipakilala nina Donya Ligaya ang dalawa. Napangiti pa ako nang makita ko si Aling Ruby na siyang may kausap ngayon. Donyang-donya na rin ang itsura nito, sa wakas ay matutupad niya na ang pangarap na maipakasal ang anak sa mayaman.

Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina. Nagkakatuwaan ang mga ito, napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila, ang tagal ko rin pa lang hindi nakasama ang mga ito pero parang wala lang ‘yon, para bang nagbalik lang kami sa pagiging high school.

Nakikitawanan lang ako sa kanila. Nang hindi ko maiwasang ilibot ang tingin at hanapin nanaman si Sapphire ngunit laking gulat ko nang makitang nakatingin ang mga esmeralda niyang mata sa akin.

Napaawang naman ang mga labi ko dahil doon ngunit agad ko ring iniwas ang tingin na para bang wala akong nakita. Ayaw ko ng maulit pa kung ano man ang nangyari noon.

“How about you, Doctora? Hindi ko akalain na magiging psychiatrist ka,” sabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Piolo.

“Pero kita mo nga naman ngayon, halos sa lahat ng lugar, hinahanap ka dahil magaling ka raw,” sabi pa nila sa akin.

“Hindi naman,” natatawa kong saad.

“Bakit hindi mo tinuloy ang nursing, Girl?” tanong nanan ni Yassy sa akin.

“Ang plano kasi magnunurse ako sa abroad kaya lang ay wala akong pag-iiwanan sa mga kapatid ko, ayaw ko namang iwan ulit sila,” simpleng sagot ko at ngumiti.

“Grabe, ang hirap mo namang ligawan, Febi, dalawa ang kahati,” sambit ng isa sa tropa ni Piolo. Napatawa na lang ako ng mahina roon. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit hindi kami nagtatagal ng mga naging boyfriend ko, hindi ko maiwanan ang mga kapatid ko. Laging nasa utak ay ang umuwi.

“Hey, what’s up?” malakas na sigaw ni Isaac kaya nginiwian ko siya. Nakita ko namang katabi niya si Sapphire ngayon.

“Good evening, Mr. De Silva,” sabay-sabay na bati nila kay Sapphire. Kita ko pa ang pagpapacute nina Tasha sa kaniya. Nakita naman ni Tasha ang pagtingin ko sa kaniya kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay.

“Zeal, have you eaten?” tanong niya pa na tumayo pang lumapit kay Sapphire. Napakibit naman ako ng balikat doon, expected ko na rin naman na may girlfriend ito.

Bakit naman din kasi siya mananatiling single, hindi ba?

“Febi, you know Mr. De Silva, right?” tanong pa sa akin ni Yassy. Hindi ko alam kung may gustong ipahiwatig ngunit matamis ko lang siyang nginitian.

“Ah, oo naman. Good evening ho, Architect,” sambit ko at ngumiti pa sa kanya na pagkatamis tamis. Para bang wala lang. He was just looking at me.

Lahat naman sila ay natigilan dahil sa pagbati ko. Napakunot naman ako ng noo dahil doon. Bakit? Hindi ba ay tuluyan na siyang naging architect?

“Hindi ba ay architect na si Sapphire?” bulong na tanong ko pa kay Isaac ngunit mukhang narinig niya rin ito.

“He doesn’t like it when someone’s calling him architect,” bulong niya pabalik. Huh? Bakit naman? Anong gusto niyang itawag sa kaniya? Boss?

“Ahh, hehe, Good evening, Mr. De Silva,” sabi ko na lang at ngumiti pa sa kanya.

“A pleasant evening to you too, Ms. Castro, or are you married?” tanong niya pa.

“Ah, hindi pa po,” sabi ko at alanganing ngumiti sa kanya. Parang nawalan naman ng hininga ang mga kasama ko, lahat sila’y tahimik lang.

Alam kong kumalat sa buong bayan ang nangyari noon, akala ko nga’y kailanman ay hindi na tatapak pa rito si Sapphire pero ilang taon na rin naman kasi ang lumipas at humupa na ang lahat.

“Oh, ayan na pala sina Piolo eh!” pambabasag nila sa katahimikan. Nakahinga rin naman ako ng maluwag ng makita na ang mga ito.

Umalis na rin naman na sina Sapphire at kasama pa rin si Isaac hanggang ngayon. Napakibit na lang ako ng balikat, hindi ko alam kung sino pa ba ang bestfriend niya sa aming dalawa.

“Kuha lang akong wine,”sl sambit ko kanila. Panay lang naman ang tango ng mga ito dahil abala sa pagkukwentuhan.

Habang kumukuha naman ako ng wine, halos mapatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa akin.

“Tita...” Napaawang pa ang labi ko nang makita ko ang Tita Dina na nasa harapan ko ngayon.

“Febi…” nakangiti niyang sambit habang pinagmamasdan ako. Noong pang-apat na taon ng mawala si Lolo’t Lola, nasa sementeryo sila ng Mommy ni Sapphire. Nagkalinawan naman kami at as of now, maayos na ang tungo sa isa’t isa.

Kailanman ay hindi ko sila sinisi sa pangyayari kina Lolo’t Lola, wala naman kasi silang kasalanan.

“I miss you, Febi!” nakangiti niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit.

“Hala, Tita, namiss ko rin po kayo,” sabi ko naman na binalik ang yakap niya. Nakipagbeso pa ito sa akin.

“Ang ganda-ganda mo pa lalo. Ano ba ‘yan? Mas lalo lang tuloy akong nagmumukhang matanda!” sabi niya pa at napanguso.

“Nako, Tita, ang ganda-ganda mo pa rin,” hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya. Nakakausap ko ito sa telepono dahil paminsan-minsan ay pinupuntahan niya kami sa bahay. Well, hindi pa rin kasi nakakapag-asawa, kinareer na talaga ang buhay dalaga.

Napatingin naman ako sa gilid na table nang makita ko si Tita Tere na nakatingin lang sa amin habang nakangiti.

“Inggit ‘yan,” natatawang bulong ni Tita Dina sa akin.

Hindi ko alam pero mukhang hanggang ngayon ay naguguilty pa rin si Tita sa ginawa ng asawa niya. Hindi ko alam kung galit pa rin ako sa Daddy ni Sapphire hanggang ngayon. Hindi ko sigurado.

Lumapit naman kami sa upuan nila kahit na medyo kinakabahan dahil kausap ni Sapphire ang Lola niya.

“Hi, Tita,” malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

“Febi…” Hindi ko alam kung malungkot ito sa ngiti niya o ano.

“How are you po? Have you been well?” tanong ko pa at ngumiti.

“Ayos naman, Febi. Ikaw? Ang galing-galing mo raw na therapist,” sabi niya pa sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil dito.

“Hindi naman po,” nahihiya kong pagtanggi.

Bahagya pa akong nahiya dahil nakita ko ang tingin ng mga matatanda sa akin at maski ang tingin ni Sapphire. Nakita ko pang nakatingin si Donya Emilya sa akin. Lumapit naman ako para magmano sa kanilang dalawa ni Donya Ligaya.

“Kumusta ka na, Febi? Balita ko’y dinadagsa ang clinic niyo dahil sa’yo,” sabi niya sa akin. Nahiya naman ako dahil hanggang dito’y abot iyon, paniguradong isa lang sa mga kaibigan ko ang nagpakalat.

“Oo nga, Emilya e, kaya proud na proud si Jigs diyan. Kulang na lang ay alukin niya ng kasal. Hindi naman kasi ako naghahangad ng mayaman para sa apo ko, ayos na sa akin ang tulad ni Febi. Mabait, matalino, maganda pa,” sabi ng matanda. Para talagang nag-iba ang ihip ng hangin pagkatapos mawala nina Lola.

Hindi ko naman tuloy maiwasang magulat sa pinagsasabi ni Donya Ligaya. Kahit kailan ay wala sa isip ko ang makipagrelasiyon kay Jigs. Magkaibigan lang kami ng apo niya. Pero malaki talaga ang pasasalamat ko kay Donya Ligaya dahil kung hindi dahil sa kaniya siguradong wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

“I’m too tired to have a party, La, I’ll go home now,” dire-diretso lang na umalis si Sapphire. Sinundan ko lang naman ito ng tingin.