Chapter 54

February’s POV

“You’re really going back, Febi?” tanong ni Isaac sa kabilang linya.

“Hmm, yeah. We’re already packing,” sambit ko naman pabalik.

“Sige na, ibaba ko na. See you soon,” sambit ko sa kanya.

“Alright, see you, Febilyn,” natatawa niya pang saad bago ako pinatayan ng tawag.

Nilagay ko naman na ang natitirang gamit namin sa truck na magdadala nito pabalik sa probinsiya kung saan ako lumaki.

Simula kasi ng mawala si Lola, lumipat kami sa Conception, Tarlac pagkatapos malaman kung sino nga ba talagang pumatay sa kanila.

Napag-alaman naming hindi ang Daddy ni Sapphire ngunit si governor mismo. Ang witness na nakakita ay kasabwat na bumaril. Hindi raw kasi nagsalita sina Lola, tikom pa rin ang bibig kahit na pinakitaan na raw ng pera. Sa takot na siraan sila nina Lola, tatakutin lang sana ng mga ito sina Lolo kaya lang ay naglaban kaya wala silang nagawa kung hindi ang barilin.

Parang sobrang dali lang para sa mga ito ang gumawa ng masana. Walang awa nilang pinatay ang Lolo’t Lola ko. They were in prison naman na. Hindi ko na kailangan pang maghiganti dahil sigurado akong hindi ‘yon gugustuhin nina Lola.

“Ate…” Natauhan naman ako sa tawag ni Aya.

“Oo, ito na, teka lang,” sabi ko at tumango.

Bumalik din naman sa pagiging masigla si Aya kaya lang ‘yon naman ang kinatahimik ni Cali. ‘Yon din ang naging dahilan kung bakit kinailangan naming lumipat. Humanap ng Psychologist dahil hindi na ito nagsasalita, natrauma dahil sa nangyari.

Umayos rin naman siya isang taon ang makalipas ngunit tahimik pa rin hanggang ngayon.

“Cali, let’s go, hindi ka pa ba babangon diyan?” tanong ko sa kanya.

“Hmm, I’m already here, Ate.” Napatingin naman ako nang makita ang kapatid na nasa likod ko lang pala. Mas matangkad na ito sa akin. Well, varsity ito rito sa school nila.

It’s been eight years since then. Parang dati lang ay binubuhat ko pa ito.

Kinuha niya naman ang bitbit ko at nagsimulang maglakad palabas ng pinagtutuluyan namin. Nakasunod din naman si Aya na malapad ang ngiti.

“I’m excited to meet our classmate in elem, Cali!” nakangiting sambit na Aya dito. Bumibisita rin naman kami sa probinsiya namin kaya lang ay kapag fiesta’ng patay o ‘di kaya’y birthday nina Lola.

“Yeah…” Ang sagot lang naman ng kaniyang kapatid.

Pumasok naman na ang mga ito sa kotse ko, bago pa ako makapasok sa loob ng kotse ay agad ko ng nakita si Darren na siyang kalalabas lang ng bahay nila.

“Hey, you’ll go na?” tanong niya sa akin, ang mama nito ang siyang naging doctor ni Cali at siyang nag-impluwensiya sa akin na maging psychiatrist. Unti-unti ko ring minahal ang trabahong ito na nakatulong din sa akin na maalis ang anxiety ko. Hindi madali no’ng una lalo na’t naalala ko ang lahat ng nangyari sa akin but they help me get through that. Maliit lang ang bayan na ito subalit ang hospital at ang lugar ay talaga namang makakatulong sa iyong mental health. Ganoon din ang mga taong nakasalamuha namin.

“Yeah, how about you? You’ll stay here pa rin?” tanong ko sa kaniya. He’s a good friend, hindi ko akalain na makikita ko rin siya rito. Dito kasi nakatira ang Mommy niya habang ang Daddy niya naman ay sa province namin. Pabalik-balik siya.

“No, I’ll stay here for a while, wala pang kasama si Mommy e. Take care always, Febs,” sabi niya na ngumiti sa akin.

“Yeah, kayo rin nina Tita. Alis na kami!” sabi ko at kumaway pa sa kaniya.

“Bye, Kuya! See you soon!” nakangiti ng malapad na sambit ni Aya. Nakapagpaalam naman naman ako kay Tita Flora, ang Mommy niya.

Sumakay naman na rin ako sa kotse ko at nagsimula ng magmaneho. Nakasunod naman na sa aming ang truck, lulan-lulan ang aming mga gamit.

We’ll stay there for good, gusto kasi nilang doon na manirahan. May pera na rin naman kami pampagawa ng bahay. May ipon na rin para sa clinic na ipinagawa ko. Gusto ko rin naman din kasi roon, it was my hometown at lahat ng alaala ko kasama sina Lola ay nandoon.

“Do you really want to live there?” hindi ko maiwasang itanong kay Cali. Paulit-ulit ko na ata itong naitanong sa kaniya kaya kita ko agad ang hindi maipintang mukha nito.

“I’m fine, Ate. It’s been 8 years. I’m already fine, I told you,” sabi niya na nakasimangot.

“Aba, ang sungit!” sambit ko sa kanya na pinaningkitan siya ng mga mata.

“Ang kulit mo kasi, Ate,” sabi niya naman. Hindi ko lang naman kasi maiwasang mag-alala dito kahit alam ko naman na ayos na ayos na ito.

“Are you tired na, Ate? Want me to drive?” tanong pa niya nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe.

“Aba, hindi ka pa disiotso, Cali, tigil-tigilan mo ako,” sabi ko sa kaniya. Nanahimik naman siya dahil dito.

Malayo-layo pa ang babyahein kaya kumain na muna kami bago pa ulit magpatuloy.

“Ate, someone’s calling you!” sabi ni Aya sa akin at sinagot na ang tawag.

“Hello...” bati ko.

“Uuwi ka na talaga, Febi? Totoo ba na dito na kayo titira?” tanong nito. Napatawa naman ako ng mahina nang mapagtanto kong si Piolo ito.

“Oo, malakas ka sa akin,” natatawa kong saad.

“So you’re in tonight, ha?” excited niyang saad. Engagement party niya na mamayang gabi

“Oo,” sambit ko na napatawa ng mahina.

“Yes! See you!” masaya nitong sambit.

“’Yan lang ba ang itinawag mo? Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?” tanong ko pa sa kanya.

“Hehe, kumusta ka, Febi?” natatawa niya pang tanong. Napailing na lang ako dahil dito.

“Sige na, ibaba ko na ‘to, see you later!” sambit ko.

“Seems like they were more excited than us,” humahagikhik na saad ni Aya.

“No, they’re not excited as you,” naiiling ko namang saad dahil siya ‘tong araw-araw akong kinukulit na bumalik dito sa probinsiya namin kaya lang ay wala pa naman kaming ipon.

Tanghali naman na nang makarating kami sa bahay nina Lola. Ang bahay na lang ata ni Lola ang naiiba rito, nga nakasemento na kasi ang sa mga kapitbahay o ‘di naman kaya ay wala na dahil nagsilipatan na.

Napatingin naman ako sa paligid ng bahay. Wala pa rin naman nagbago dito, malinis pa rin tulad ng dati dahil nililinisan daw ito ni Isaac. Ngayon lang ulit kami matutulog dito sa loob ng walong taon. Pagnagpupunta kasi kami dito, madalas ay umuuwi na rin agad, minsan lang namin silipin ang bahay.

Tumulong naman na si Cali sa pagbaba ng ilang gamit namin. Maglilipat na naman kami nito kapag napagawa na ang bahay na paglilipatan namin. Ang clinic pa lang kasi ang pinauna kong gawin upang makasimula na agad akong makapagtrabaho kapag lumipat na kami.

Kaming dalawa namin ni Aya ay naglinis na sa loob dahil puno ito ng alikabok, sa labas lang naman kasi ang malinis. Pagod na pagod kami ng matapos. Hapon na ng matapos kami sa mga ginagawa. Hindi ko tuloy maiwasang makatulog ng mahimbing ng magawa na ang mga dapat gawin.

Gabi na ng nagising ako, natataranta naman akong bumangon. Nakita ko naman na nakaluto na si Cali at Aya.

“Let’s eat na, Ate. Kanina pa tawag ng tawag si Kuya Piolo, hinihintay na tayo,” sabi nila sa akin. Napatango naman ako dahil dito. Hinihintay na pala kami pero pachill chill lang ang mga ito at hindi pa nagtungo sa banyo.

Mayamaya lang din naman ay nakabihis na sila. Nag-ayos na rin ako. Rinig ko naman na ilang beses pang nagring ang cellphone ko. Hindi ko ‘yon pinapansin dahil mas lalo lang akong matataranta.

“Ate, ang tagal mo,” sabi ni Aya na siyang nasa hamba ng pinto habang pinaglalaruan ang heels na suot niya.

“Ito na,” sabi ko na lang at nagmadali na sa paglalakad. Nagawa ko pang sagutin ang tawag ni Isaac nang naglalakad.

“Ito na! Papunta na! I’m sorry, okay? I just woke up!” hindi ko maiwasang sambit. Pinatayan niya naman ako ng tawag kaya napasimangot ako sa lalaking ‘to.

Nagmaneho naman na ako ng kotse ko hanggang sa makarating sa bahay nina Donya Ligaya.

Sinalubong naman kami ni Jigs nang makarating sa bahay nila. Simula kasi ng mawala sina Lola, si Donya Ligaya ang sumalo sa scholarship ko. Pinag-aral niya ako kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Nagtutungo rin sina Jigs sa amin. Binibisita kaming magkakapatid.

“You’re finally back...” nakangiti niyang sambit sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik.

“Let’s go inside. Kanina pa tawag nang tawag ang kapatid mo,” sabi ko sa kaniya. Tahimik lang naman na nakasunod sa amin sina Aya at Cali. Siguro’y naninibago rin ngunit mayamaya lang ay ang ingay na ni Aya nang makita ang ilang kakilala.

“Hello, Ate!” nakangiti niyang bati.

“Dalaga ka na, ang ganda-ganda mo,” sabi pa sa kanya ni Ate Daisy.

“Hindi naman po, Ate,” sambit ni Aya. Palakaibigan ang batang ‘to kaya magaling makipagsocialize.

Samantalang ang kapatid niya naman ay tahimik lang kapag maraming tao tulad ng ganito. Hindi ka kakausapin kung hindi mo siya papansinin.

“Febi!” Napatingin naman ako sa tumatawag nang makita ko sina Piolo. Napangisi naman ako ng makita ko ang mga ito.

“Congrats!” sambit ko habang nakangiti kay Ana Marie na siyang nakangiti ng malapad sa akin. Napangisi pa ako nang makita ang pagkakahawak ni Piolo sa bewang nito.

“Grabe! Sana all!” natatawa kong sambit habang tinitignan sila. Napatawa naman sila ng mahina dahil sa akin.

“Wala ka pa rin bang boyfriend hanggang ngayon, Febi? Hindi ka ata nakamove on sa boyfriend mong kano,” natatawa nilang saad sa akin. Ang huling boyfriend ko kasi ay americano’ng psychiatrist din kaya lang ay isang taon lang kami at nakipaghiwalay din ako. Simula noon ay hindi na ako nagkaroon pa ng nobyo. Baka hindi lang kasi talaga para sa akin.

Natatawa naman akong napakibit ng balikat dahil dito. Masaya naman akong inaalagaan sina Aya at Cali. Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon.

“Well, imposible namang walang nanliligaw diyan. Ang ganda-ganda, successful pa ang lola mo,” natatawang sambit sa akin ni Nora.

“Balita ko sa’yo ang clinic sa bayan,” sabi pa nila. Tumango naman ako.

“Oh? Seryoso ba? Akala ko hindi totoo,” gulat nilang sambit. Napatawa naman ako sa mga reaksiyon ng mga ito. Si Isaac, Jigs at Darren lang kasi ang nakakaalam na akin ‘yon pwera na lang kung pinagkalat na ng mga ito.

“So you’ll really stay here for good?” tanong pa nila. Ngumiti naman ako at tumango.

“Akala ko’y pinagloloko lang ako nitong si Piolo!” sabi naman ni Ana Marie. Maayos na ito kung makitungo ngayon. Lahat naman kasi ng tao nagbabago, hindi porket ganoon na siya noon, mananatili na lang na ganoon ang pag-uugali niya.

“O siya siya, enjoy our engagement party,” nakangiting sambit nila sa akin. Tumango naman ako at kumaway.

“Ate, I’ll stay there for a while,” sabi ni Cali na tinuro ang grupo ng kalalakihan na mukhang sina Inigo. Napatango naman ako sa kanya.

“Have you eaten?” tanong sa akin ni Jigs.

“Oo, kanina lang. Nagluto sina Cali at Aya e. Masiyado kaming napagod sa byahe kaya nakatulog,” sabi ko naman na napakibit ng balikat.

“Kung ako na lang kasi sanang pinagmaneho mo,” sabi niya naman. Sinasuggest niya kasi na siya na lang ang magmaneho ngunit hindi ako pumayag. Kaya ko naman kasi. May kumausap sa kaniya kaya nagpaalam na muna ako.

Agad ko rin namang nakita si Isaac na pakaway-kaway sa akin.

“Hey!” bati niya. Kita ko naman na kasama rin nito ang nobya niya. Binati ko agad ‘yon.

“Hey!” sabi ko naman kay Isaac. Agad na tumama sa kaniya ang bag ko kaya agad niya akong pinagkunutan ng noo.

“What was that?” natatawa niyang tanong.

“Tatawag-tawag papatayan mo rin naman pala ako,” sabi ko na inirapan siya. Magsasalita pa sana ulit ako ngunit agad na natigilan nang makita kung sino ang nasa malayo.

For how many years, ngayon ko lang ulit ito nakita, with his emerald eyes na nakatingin ngayon sa kausap niya. Kahit sino atang kausap nito’y malulunod sa mga mata niya. Mas lalo pang nadepina ang laki ng katawan nito. Pinaglalaruan nito ang hawak na wine habang nakatingin sa kausap niya.

Nakamove on naman na ako rito kaya wala ng problema, matagal na ‘yon. May sari-sarili na kaming buhay.