Chapter 53
Sapphire’s POV
“Hoy, Insan, sino nanaman tinitignan mo diyan?” natatawang tanong sa akin ng pinsan kong si Franco.
“Huwag mong sabihing may natitipuhan ka rito?” Humagalpak pa siya ng tawa kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Agad naman siyang umarteng parang zinizipper ang kanyang bibig.
Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito at nanatili ang tingin sa babaeng patuloy pa rin ang pagngiti sa mga bisita kahit na mukha naman na ‘tong naiirita.
Hindi ko alam kung bakit ba patuloy ko pa rin itong tinitignan kahit naiinis ako sa ngiti nito na halata namang hindi tunay.
“Ayos lang po... sige po, ako na po ang bahala riyan...” sabi niya na kinuha ang iniuutos ng mga pinsan kong tarantado. Alam ko naman na pare-parehas kaming walang magawa dahil napilitan lang kming sumama kay Lola rito sa probinsiya, inimbita kasi siya ng may-ari nitong bahay.
“Pre, nag-eenjoy ba kayo?” tanong ni Denis na siyang apo ni Donya Ligaya. Kinausap niya pa ang mga pinsan kong hindi alam ang gagawin dahil gusto ng magsi-uwi sa kani-kanilang bahay.
Nang padaan na sa akin ang babaeng may kayumangging balat na kasingkulay ng kaniyang bilugan na mga mata. Bagkunwari akong nasagi ang baso at sinadyang itapon ‘yon sa kaniya. Nakita ko ang pagpigil niya ng inis, napangisi naman ako dahil dito.
“Oh, sorry, my bad,” sabi ko na binigyan pa siya ng mapang-asar na tingin.
“It’s fine, Sir...” sabi niya at ngumiti pa sa akin ng malapad ngunit halata namang hindi siya natutuwa. Imbis na siya ang mapikon, ako ang nainis dahil dito. Walang sabi-sabi siyang umalis sa harapan ko.
Nakailang balik pa ulit ako sa probinsiya niya ngunit hindi ko na siya nakita pa sa kahit anong party ni Donya Ligaya.
“Saan ka pupunta, Zeal?” tanong ni Lola sa akin.
“Papahangin lang, La…” sabi ko naman. Tumango naman si Lola sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako napadpad, gusto ko lang makahanap ng payapang lugar. Habang umaakyat ako sa bundok, mas lalong lumalakas ang tugtog. Sinundan ko ‘yon hanggang sa tuluyan ko ng makita ang babaeng sumasabay sa ritmo ng kanta habang ang buhok niya’y ganoon din.
Hindi ko maiwasang mamangha habang pinapanood siya ngunit mas lalo pa akong naging interesado nang marinig ang hikbi niya habang sumasayaw. Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha nito. Siya ‘yong babae na ngiti nang ngiti kahit iritadog-iritado na!
Agad akong napatago nang mapatingin siya sa gawi ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa. Gusto ko siyang aluhin kaya lang baka mapagkamalan akong stalker nito kaya umalis na lang ako.
“Oh, Insan, sasama ka nanaman kay Lola?” tanong sa akin ng pinsan ko. Napatango naman ako sa kanya.
“Aba, napapadalas ka ata roon, ah. Ano? May nahanap ka na bang chix?” natatawa niya pang saad. Hindi ko siya pinansin at nagtungo na kung nasaan si Lola.
“La, mamasyal lang ho ako,” paalam ko kay Lola nang makarating kami. Pinaningkitan niya naman ako ng mata tila ba nagtataka sa akin dahil karaniwan naman ay hindi ko gusto ang magsight seeing ngunit eto ako ngayon, kung saan-saan na naman tutungo.
Palabas na sana ako sa kanto kung saan ang daan patungo dito kina Donya Ligaya kaya lang ay laking gulat ko na lang nang makita ang isang babaeng nagmamadali sa pagmamaneho dahil ata maulan. Gulat naman ako ng makita kung sino ‘yon. Siya na naman. Nataranta pa ako ng makita ko siyang naout of balance.
Imbis na pag-aksayahan niya pa ako ng oras, sa itlog pa ito na basag-basag nagfocus. Lumabas naman ako ng kotse at tinignan siya. May sugat ito sa tuhod at sa gilid ng kaniyang kamay ngunit hindi niya ‘yon inalintana.
“Hey, let’s treat your wound first,” seryoso kong saad sa kaniya.
Napatitig pa ito sa akin. Akala ko’y namukhaan na ako nito ngunit mukhang hindi talaga ako kilala. Sinubukan ko pang asarin ito nang makita ko ang pikon na itsura niya. Hindi ko na naiwasang pang matawa nang iritado niya akong tinignan.
“For your information, Sir! Ikaw ‘tong bigla na lang sumulpot sa daan! Manggagantsong ‘to,” imbis na maasar ay hindi ko maiwasang mamangha sa pikon na pikon na itsura nito. Hindi ko na tuloy mapigilan pang matawa.
February... that’s her name. Hanggang sa maggabi ay hindi ko pa rin maiwasang maisip ang pagkikita naming dalawa.
“Ano na naman ba ‘yang naisip mo, Zeal? Doon ka titira? Sigurado ka ba riyan?” tanong ni Lola sa akin. Tumango naman ako dahil dito. Siguradong sigurado.
Habang inaayos namin ang bahay na pagtitirahan ko. Hindi ko maiwasang mapatingin kay February na siyang may kasamang lalaki, hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanila sa gilid ng mga mata ko.
Boyfriend niya ba ‘to? Bakit sobrang dikit naman nila masiyado. Nang lingunin niya ako ay nakangiti pa akong kumaway.
Sa unang araw ko’y maaga pa lang, tulog na ang mga tao sa paligid, payapa na ang baryo. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kalangitan na siyang ang ganda-gandang pagmasdan. Napatingin pa ako ng makita kong may text galing kay Mommy, hindi ko na ‘yon binuksan pa. Ibibilin lang panigurado ang bahay namin. Hindi naman mawawala.
Pagkagising ko pa lang ay gising na agad siya, nagtatanim sa gilid, wala naman kasi itong gadget na mamahalin pero masaya siya sa kung anong meron siya.
Sobrang bait din ng pamilya niya. Ang sarap sa pakiramdam habang kumakain kasama ang mga ito. Ganito pala ‘yong normal na pagkain ng pamilya na kahit kailan hindi ko naranasan.
Sa pagtira ko rito, ‘yong interes ko sa kaniya napalitan ng paghanga. She’s really kind and hard working. Halos lahat ng kapit bahay niya kasundo niya. Ang mga kapatid na talaga namang alagang-alaga niya. Maski ako’y tinutulungan nitong magtanim.
I never knew planting was fun not until I met her. She’s a good listener. Hindi lang ‘yon, she’s very understanding.
‘Yong mga rants ko tungkol sa pamilya ko, pinapakinggan niya, pero hindi lang siya basta nakikinig. Hindi ka niya basta-basta na lang kakampihan, itatama ka niya kung alam niyang may mali ka.
“Kasi alam mo? Kapag nadiligan ng nadiligan ‘yan? Yumayabong nang yumayabong. Pahirap nang pahirap patulin,” sabi niya na nginitian pa ako. How can this girl be this openminded?
“Baka akala mo lang sila itong lumalayo sa’yo pero ang totoo? Ikaw ang humahakbang hanggang sa tuluyan ng humaba ang distansiya niyo,” sabi niya na napakibit pa ng balikat.
Simula ng araw na ‘yon, hindi ko makalimutan pa ang sinabi niya. Pagkatapos naming mag-usap, hindi ko akalaing tatawagan ko agad si Mommy.
“Hello, My…” bungad ko.
“Zeal? Napatawag ka? May problema ba, hijo?” tanong niya sa akin.
“Nothing, Mom. How are you?” tanong ko. It was awkward at first pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasanay ka na.
And this girl, dancing with me right now, with her favourite place, taught me how to forgive. Hindi ko maiwasang mapangiti habang kasabay siyang sumasabay sa ritmo ng kanta.
“Come on, Febi, dance with me...” anyaya ko sa kanya nang napalitan ang kanta ng mga sweet songs.
“Nababaliw ka na ba?” natatawa niya pang tanong ngunit hindi ako nagpatinag.
While dancing with her, mas lalo ko lang napagtanto na unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Hindi mawala-wala ang ngiti mula sa mga labi ko habang nakatingin sa kanya.
Sometimes I get jealous with her friendship with Isaac, they said girls and boys can’t be friends but with them it’s possible. I easily got jealous sa dami ng mga pinagsamahan nila ngunit wala namang kahit anong romance na namamagitan sa mga ito kaya inalis ko na lang sa isipan kung ano.
Ang dami kong naranasan kasama ang mga ito, ang umakyat sa bukuhan gayong wala naman akong kaalam alam tungkol dito, ang mamalengke na kahit kailan hindi ako natuwang gawin. But with her, lahat ng ‘yon masaya.
It was fun living here, ‘yong mga normal na araw nagiging espesiyal.
Maski ang mga bagay na kailanman hindi ko naranasan, masayang subukan. Katulad na lang ng fiesta nila dito sa baryo. Wala atang araw na hindi ako naging masaya habang nakatira ako dito.
I just hate it when she’s trying to push me with someone. Hindi niya ba napapansin na siya itong gusto ko? Hindi ko siya kailanman irereto sa kahit na sinong kaibigan ko.
“Gusto mo ba?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya sa tanong ko ngunit mayamaya lang ay natatawa itong nalusutan ang tanong ko.
Hindi rin nito napapansin na may mga taong palihim na nagkakagusto sa kaniya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa babaeng ‘to?
“Good morning, Mom…” bati ko kay Mommy nang makabalik ako ng manila. Nagulat naman ito nang makitang nasa bahay ako. As usual wala na naman ang Daddy.
Hindi ko siya maiwasang ikwento kay Mommy kahit kadalasan ay tahimik lang naman kaming dalawang kumain. Because of her, I got to know other side of my Mom.
“Nakakainis na ugali niya, My? Siguro ‘yong hindi siya marunong humindi,” sabi ko na napasimangot pa nang maalala ang pag-alis nila ni Noel bago ako umalis.
Ang plano kong maagang umuwi ay napalitan ng hapon na. Nakakainis dahil gusto ko siyang makita kahit nagtatampo ako sa kaniya.
“Luh, Pre, sino ‘yan?” agad ko namang sinamaan ang tingin si Samuel dahil nakasilip ‘to sa cellphone ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil dito, natatawa tuloy siyang napataas ng kamay bago umalis sa harapan ko na napapahagalpak pa ng tawa.
“Pre! May chix na si Zeal!” sigaw pa niya sa mga tropa kong napailing na rin naman sa kanya.
Kahit ayaw kong ngumiti dahil nakatingin ang mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ang reply nito.
“Pre, Halika na, bar na!” nakangising sambit sa akin nina Owen.
“Pass muna ako, Pre, may lakad pa ako,” sabi ko na tinakasan pa sila.
‘Yong Friday night na wala kaming ginawa kung hindi ang magparty. Napalitan ng pagbabyahe. Kada linggo, hinihintay kong magbiyernes.
“Is that her?” Nagulat naman ako ng makita si Mommy na nakatayo sa may pintuan. Napatango naman, napangiti pa ako habang inaalala ang mukha ni Febi. Malapit na kasi ang birthday nito.
“She’s pretty… kailan mo ‘yan dadalhin dito, ha?” natatawa niyang tanong.
“Mom... we’re just friends,” hindi ko mapigilang sambitin at napanguso pa.
“Oh... hina mo naman, Nak,” natatawang sambit ni Mommy sa akin. Napatawa nanan ako ng mahina dahil dito.
“Oh, Sapphire, easy ka lang,” natatawang saad ni Isaac sa akin ngunit hindi ko magawamg kumalma lalo na’t nakikita kong nag-uusap silang dalawa.
Iritado naman na akong umahon at dire-diretsong nagtungo sa cottage, kita ko pa ang titig niya sa akin. Nakakairita dahil hindi ko magawang magalit kapag nakatitig na ang kayumangging mga mata nito.
“Hey, Zeal, why do you look upset?” tanong ni Fiona sa akin. Hindi ko naman pinansin ang tanong nito. Hindi ko pa rin kasi magawang kalimutan ang away naming dalawa ni Febi.
Kahit na ayaw ko ng pumunta dinadala pa rin ako ng kotse ko sa lugar kung nasaan siya.
“Hayaan mo lang muna, Pre, huhupa rin ‘yan,” sabi pa ni Isaac sa akin. Napatango na lang ako, para tuloy akong ninja na patago-tago kapag alam kong nandiyan na siya. I’m really guilty for what I have done.
When I tried to court her, it was one of the happiest thing I’ve done in my life kahit na sobrang hirap dahil sa sobrang daming pinapagawa ng Lolo niya.
“Pre, ipastol mo raw ‘yong kambing sa kabilang bukid,” sabi ni Isaac sa akin.
“Gago ka talaga,” sabi ko na napailing sa kaniya. Well, isa rin sa nakukuhanan ko ng impormasiyon ‘yang si Isaac.
Kasama ko rin sa paghaharana kay Febi, I’ve never know courting was fun not until I met her. Sobrang worth it lahat ng ‘yon nang sagutin niya ako.
“Try to close your eyes to know how calming the sound of the rain,” nakangiti niya pang sambit sa akin. When the thing beneath her nose kissed me, it was the best feeling ever.
She’s mine, she’s finally mine.
“’Yan, nagmamadali ka na naman bang umalis, Pre?” natatawang saad sa akin ni Samuel.
“Oo, busy ako,” sabi ko pa na sumakay na sa kotse ko.
“Pakilala mo na kami sa chix mo, Pre!” sigaw pa niya sa akin.
“Yeah,” sabi ko naman pabalik. Plano ko naman talaga na ipakilala silang lahat kaya lang ay hindi pa ngayon dahil wala pa ata itong balak magtungo ng manila.
It was fun being with her, kahit na ‘yong mga date lang namin sa bukid habang nag-aaral, wala akong reklamo, masaya na ako na kasama ko siya. Masaya na ako na naririnig ang mga kwento nito.
Wala siyang kaarte-arte sa katawan na kahit sa cellphone lang kami magmovie date, ayos na. Kahit napakaingay nga lang manood.
Napatingin naman ako sa kaniya habang kumukuha siya ng litrato naming dalawa at ginawa niya ‘yong wallpaper, hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Hindi ko alam kung dahil ba hulog na hulog lang ako rito o ano.
When she visited me in Manila, it was the bestest birthday I had. Habang pinagmamasdan ko siyang kausap si Mommy at Tita, hindi ko maiwasang mapangiti. She’s one of the reason why I have a good relationship with my Mom now. She’s the best gift that I had received in my life.
“I love you, Love..” bulong ko sa kaniya. I sincerely do…
When the party came and she’s just there looking at me, hindi ko alam ang gagawin ko lalo na’t ng malaman na nagseselos ito. Kailanmam hindi pa siya nagselos sa kahit na sino.
I just want to hug her and let her know how much I love her. I don’t want her to feel insecure to something like that. I’m so proud that I have a girlfriend like her. Gusto ko siyang ipagmalaki sa lahat. Mahal na mahal ko siya.
“Ano ‘tong sinasabi nila na nagdala ka raw ng babae sa party mo, Zeal?” seryosong tanong ni Daddy na mukhang umuwi para lang tanungin ako.
“Yes, Dad,” sambit ko naman at tumango.
“Ito ba?” tanong niya na nilapag pa ang litrato ni Febi sa harapan ko. Tumango naman ako ng walang pag-aalinlangan.
“Hiwalayan mo ‘yan,” diretsahang sambit niya.
“No, Dad. I won’t do that,” seryoso ko ring sambit. Nagulat naman ako nang pagtaasan ako nito ng kamay.
“Sinusuway mo ba ako?” tanong niya pa.
Araw-araw ata naming pinagtatalunan ‘yon ni Daddy na hindi ko na sigurado kung anong dahilan.
Sinubukan ko pang pumunta sa probinsiya ngunit laging may mga nakaharang na body guard nito, hindi ako pinapapasok.
“You’ll come with me, right?” tanong ni Fiona sa akin. Napatango na lang ako. Nakarating kami sa pronvince ngunit hindi naman ako nakapunta sa bahay ni Febi dahil laging nakadikit sa akin si Fiona.
“Zeal, halika na, sagot kita,” sabi sa akin ni Tita. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ulit siya.
Ramdam ko ang paghalik niya sa akin sa noo, hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad dahil dito. She’s really the sweetest. Bitin na bitin ang oras kapag siya ‘tong kasama ko.
“Hey, Archi!” masigla niyang sambit ng tuluyan ng sagutin ang tawag. Hindi ko alam kung anong mali sa kanya gayong mukha naman siyang masaya.
Hinintay ko siyang dumating sa gitna nang malamig na ulan, ngunit walang Febi na nagpakita, nakailang tawag pa ako ngunit walang sumagot, sinubukan kong tawagan si Isaac. Doon ko nalaman na wala na ang Lolo’t Lola nito.
Galit na galit ako kay Daddy, gusto ko mang intindihin ito ngunit tama na, mali na.
“Shut up, Dad! Ano pa nga bang magagawa mg sorry mo? Nangyari na ang lahat!” galit na galit kong sigaw bago ako lumabas ng bahay.
Nagtungo pa rin ako sa kaniya kahit alam kong malabo na. Marami akong naririnig na kung ano pero alam kong kailangan niya ako. Alam kong wala na pero hindi ko kayang sumuko hangga’t hindi pa nanggagaling mismo sa bunganga niya.
Akala ko handa na akong marinig ‘yon ngunit ang sakit sakit pa rin pala.
“Parang awa mo na, Sapphire... tama na… pagod na pagod na ako... pakawalan mo na ako...” Unti unti akong natutunaw sa mga salitang binibitawan nito.
Mahal ko siya pero ano nga bang magagawa ko ngayong nakikita ko siyang nagmamakaawa sa akin ngayon? Handa akong palayain siya kung ‘yon ang ikasasaya niya.
“I love you, My February…” bulong ko na hinalikan siya sa noo. Nanginginig pa ang boses, ito na siguro ‘yong huling beses kong sasabihin ito sa kanya.
“I love you too, Architect...” bulong niya pabalik. Parang gripong umapaw ang luha mula sa mga mata ko, huling beses kong maririnig ito mula sa kaniya. Huling beses.