Chapter 8-Ignored

[Dion's Point of View]

"What should I do?" I asked myself, thinking that I'll be given an answer.

I'm still waiting for the result. What if hindi s'ya makapasa? No. That's impossible. I know Vida has a good personality, malaki ang chance na makakapasa s'ya.

"Bunso!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni ate.

"What happened? Kamusta ang result ate?"

"Hey, easy. Easy peasy lemon square hahaha. Easy ka lang Cole. Napaghahalataan ka sa kinikilos mo kanina. Mommy wouldn't be happy is she'll know it," aniya.

"Why not?"

"Of course, after what happened to you? After your last heartbreak? You think hahayaan n'ya na masaktan ka ulit?"pabalik n'yang tanong.

"Atee."

"Kiddin'. Well, ito na result," iniabot n'ya sakin ang napakaliit na card. "She passed, bunso. 'Wag ka na magworry, welcome na welcome na s'ya dito sa bahay."

I heaved a sigh in relief.

"Thank you, Ate Sab."

"For what?" tanong n'ya.

I just smiled to her kaya pabiro n'ya akong pinisil sa ilong. "I have to go. Puntahan mo na rin doon si Vida para makapagsimula na kayo." I nodded at her.

I'm so happy na nakapasa si Vida sa test ng pamilya. Gan'to kasi talaga ang ginagawa namin kapag may bagong tao na pupunta dito sa bahay, especially ang mga guests at katulong para na rin sa safety ng bawat isa. At pagwelcome na rin sa pagdating nila.

"Ate Sab, wait!" I immediately called her when something pop up on my mind.

"Why?"

"How about last night?" I asked.

"Last night? What do you mean?"

"Ate, 'yong sinabi mo sa'kin. How about that? Did she passed?"

She then chuckled at me. "Hindi pa sa ngayon, Cole. Marami pang araw na pupunta s'ya dito sa bahay. And habang nandito s'ya, saka ko s'ya kikilalanin ng husto. Don't hurry."

"Alright."

"Basta. Hangga't wala pa akong sinasabi na pasado na s'ya, you're still not allowed to court her."

"Hahaha, I promise ate."

"Okay. Mark your words."

Right after thay conversation with Ate Sab, dumiretso na ako sa kinaroroonan ni Vida. Naabutan ko s'yang nagkukutingting na naman ng cellphone n'ya. How I wish it's not her boyfriend.

"Hi?" Yet she didn't respond.

"Halika na sa room ko." Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon n'ya at doon ko narealize ang nasabi ko. Oh, baka kung ano ang isipin n'ya sa'kin.

"Ah—I mean simulan mo na ang pagpaint sa room... ko." I tried my best para hindi iyon magmukhang bastos sa pandinig.

"'Kay." Tumayo na s'ya kaya I waited for her para sabay na kami papunta roon.

Mabilis naman kaming nakarating sa room ko. I opened the light at inayos ang lamesa na paglalagyan n'ya ng mga gagamitin n'ya since wala na ditong ibang kagamitan kasi inilipat muna sa kabilang room.

"What are you doing?"

"Hindi ba obvious? Hinahanda ko mga gamit ko,"aniya habang hinahalungkat ang bag n'ya.

"No need. Namili na ako ng mga paint. Wait, kukunin ko lang sandali," magkasalubong ang kilay nitong tumingin sa akin. Ano na naman kaya ang problema n'ya sa'kin?

Kinuha ko ang mga paint na binili ko. Iba't-ibang kulay talaga ang pinili ko kahapon para naman marami s'yang pagpilian.

"Here," nilapag ko sa sahig lahat ng pintura.

Hindi ito makapaniwalang tumitig sa akin at sa mga pintura. "Ano yan?"

"Huh? Pam-paint."

"E gonggong ka talaga no? Pampaint naman 'yan ng dingding. Pa'no ko 'yan magagamit?"

"What? Dingding naman talaga pipinturahan mo diba? So, what's wrong?"

Nakakatakot s'ya tumitig. What have I done wrong?

"Hindi ko 'yan gagamitin. Ito na lang gamit ko, bayaran n'yo na lang ako ng exta kasi baka kulangin. Bibili pa ako bukas."

"Okay," binuhat ko isa-isa ang pintura pabalik sa lalagyan nito. May isa na lang natitira kaya naisipan ko na tanungin ulit s'ya baka kasi nahihiya lang s'ya na gamitin. But I still got the same amswer from her.

"Gagawa na ako ng outline," she said, her eyes fixed on the wall. Who is she talking? Ako ba?

"Sabi ko gagawa na ako ng outline," pag-ulit n'ya. Ako ba talaga ang kinakausap n'ya?

"Go, make your outline. I'll just sit here. Panoorin kita," I said at umupo malapit sa kan'ya.

"Bingi ka ba? Sabi ko gagawa ako ng outline. Meaning kailangan mo ng umalis."

"Why? Is it necessary?"

"Syempre. Hindi ako makakapagfocus 'pag may nakatingin sa akin."

"But I am not looking at you, but rather at your work."

She stuttered but I didn't mean it tho. I just want to tell her that I want to stay and watch her do the painting.

After that, hindi na n'ya ako inimikan. Nagkibit-balikat ako at umayos ng upo sa upuan na dinala ko dito kanina bago pa man s'ya dumating.

She's using a pencil to outline she's going to paint. Ang galing n'ya magdrawing, halatang gamay nya na talaga.

I took my earphones at isinuksok sa magkabila kong tenga. Magsusulat na lang din ako ng tula habang pinapanood s'ya.

Maya-maya, napansin ko na panay ang bura nya sa mga nauna n'yang drinawing. She looks so disgusted.

"What's wrong?" Pero hindi n'ya ako sinagot. "Vida."

"Ano?!" inis n'yang tugon.

"A-ahh sorry. Mukha kasing ano—uhh may maitutulong ba ako?"

"Meron. Malaking tulong sa'kin kapag umalis ka dito. Hindi ako makapagfocus."

"Really?" She didn't answer me again. "Okay, aalis na ako. Basta if you need something, just call me."

Baka nga kelangan ko muna s'yang iwan. Gano'n din naman ako minsan, kapag may tao sa paligid ko habang gumagawa ako ng tula, nawawalan din ako ng focus. I'm so distracted. Sana pala naisip ko 'yon kanina pa, para sana kahit papaano natapos n'ya na yong outline.

Pupunta na lang muna ako sa kitchen para magluto ng pwede nyang kainin mamaya.

[Vida's Point of View]

"Argh, kainis. Kung kanina pa sana s'ya umalis, di sana malapit ko ng matapos ang outline."

Sandali akong naupo sa sahig. Medyo nakakaramdam na ako ng antok at sa totoo lang talaga, gusto ko ng magpahinga.

Tumayo ako at nagjumping jacks ng isang minuto para naman mabawasan ang pagka-antok ko. Kapag nakita ako ni Mr. Camero na patigil-tigil baka matanggal agad ako sa trabaho kong 'to.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Lola. Kapag ganitong gabi na kasi hindi na 'yon mapakali hangga't wala pa ako sa loob ng bahay.

Ilang segundo lang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi nakaregistered ang number. Pero familiar ang number. Sino kaya 'to?

Sinagot ko ang tawag at agad na hinimigan ang boses.

"Oy, Kuya vincent? Akala ko kung sino na naman ang tumawag, hindi ko pa kasi nasisave number mo."

"Ah, it's okay."

"Napatawag ka, Kuya?"

"Lola Clarita is here. Nakiusap s'ya sa'kin na tawagan ka, nag-aalala daw s'ya sa'yo. Wait, I'll give her my phone," aniya. Naghintay naman ako at magsalita si Lola. Sabi ko na nag-aalala na 'yon, hindi kasi s'ya sanay na wala ako ng gabi.

"Vida?"

"La? Ayos ka lang?" nakangiting tanong ko.

"O-oo naman, ayos na ayos," rinig ko ang pagkautal n'ya.

"We? Nagdeny ka pa. 'Wag ka na mag-alala sa'kin, La. Super okay ako dito. Maya-maya uuwi na rin ako, at saka susunduin naman ako ni Faye kaya kumalma ka na d'yan."

"Pa'no ako kakalma, Vida? Pareho kayong babae ni Faye," biglang pagtaas ng boses n'ya.

"Lola, ang boses mo. Baka highblood ka na naman, easyhan mo lang sabe. Wala ka bang tiwala sa'min ni Faye? Promise Lola, uuwi kami d'yan ng safe—buong-buo, walang labis walang kulang," pangungumbinsi ko sa kan'ya. Hindi pwede sa kan'ya ang sobra mag-isip makakasama lang 'yon sa kondisyon n'ya.

Sinigurado ko muna na kalmado na si Lola bago ko muling kinausap si Kuya Vincent.

"Kuya, ikaw na muna bahala kay Lola ha?"

"Yeah, don't worry about her. Dito na muna ako sa inyo habang wala ka pa. I already talked to Tita at pinayagan n'ya naman ako, para na rin may kakwentohan si Lola at malibang s'ya kahit paano." May laman na kasiguraduhan ang bawat salitang binitawan n'ya kaya napanatag ako.

"Salamat talaga, Kuya Vincent." Hindi ko alam kung anong nagawa ko o naibigay kong tulong sa kanya, pero ang dami na n'yang nagawa para saakin at kay Lola.

Last year, nang lumipat kami sa apartment nila, hindi pa naman s'ya ganoon. Ang supla-suplado nya pa nga sa akin, parang palaging may regla. Pero nang tumagal ayon, doon ko nalaman na ang bait-bait nya at palagi nya kaming tinutulungan kahit wala kaming maibigay na kapalit. Nito lang din namang mga nakaraang buwan, parang mas naging close kami sa isa't-isa.

"Sige na, Kuya Vincent. Babye na. Tatapusin ko na ginagawa ko dito para makauwi na'ko agad."

"Mm. Take care," aniya mula sa kabilang linya.

Ilalapag ko na sana ang phone ko sa lamesa pero napansin ko na may dumapong kung ano sa screen nito. Kaya naman, hinipan ko muna bago ko tuluyang nilapag.

Kelangan ko na matapos ngayong gabi ang outline sa unang wall na ito para after 4 days, magsisimula na akong magpaint. Kung maliit lang sana ang room baka isang araw tapos ko na ang outline, kaso ang laki e. Kasing laki ng sama ng loob ko kay Dion. Malaking-malaki.