Chapter 7-Family Dinner

[Faye's Point of View]

Ngayong araw ko ihahatid si Vida sa bahay ng bagong client n'ya, si Mr. Bruce Camero. Actually, no'ng isang araw pa ako excited, mas excited pa kay Vida.

Walang kaalam-alam si Vida na anak ni Mr. Camero ang bagong crush ko. Nakilala ko s'ya matagal na panahon na noong minsan silang dumalaw sa bahay kasi high school friend yata ni Papa si Mr. Camero. Siguro nasa grade 7 pa lang ako no'n. Nagkausap pa nga kami, at doon nagsimula ang paghanga ko sa kan'ya. Kaso ilang months lang din nagtagal kasi hindi na kami nagkita at ilang taon na rin naman medyo nakalimot ako sa kan'ya lalo na no'ng magkaroon na ako ng boyfriends. Huwaw boyfriends hahaha.

Pero ngayong magkikita na uli kami, feeling ko bumalik ang paghanga ko sa kan'ya. At hindi pa 'to alam ni Vida, sasabihin ko na lang 'pag nakahanap ako ng magandang tyempo. Baka asarin ako e.

"Vida! Bilisan mo naman!" sigaw ko dito mula sa baba. Halos 30 minutes na s'yang nagbibihis, hindi pa rin s'ya tapos?

Wala akong natanggap na response kaya naisipan ko na umakyat na lang ulit sa ikalawang palapag. Pumasok ako sa loob at tinanong si Lola Clarita kung nasaan na ba si Vida, pero hindi naman daw n'ya alam baka raw nasa kwarto pa nagbibihis.

"Vida? Ang tagal mo naman. Mag-aalas kwatro na o. Baka gabihin na tayo ng uwi mamaya," pagkatok ko sa pintuan.

Ilang segundo pa at hindi pa rin s'ya sumasagot kaya pumasok na lang ako since hindi naman pala nakalock.

"Ba't ba ang tagal mo—E?!" Agad ko s'yang ginising nang maabutan ko na humihilik na ito sa kasarapan ng tulog. Kaya naman pala ang tagal nakatulog na pala tss.

"Faye, 5 minutes pa please," aniya habang nakapikit pa ang mga mata.

"Vida, diba ngayon ka na magsisimula magpaint? 'Wag mo sirain reputasyon mo, nangako ka na kaya sa client mo."

"Aghhh hindi naman ako nagpromise, Faye. Maiintindihan nila ako."

"Ano? Hindi ka ba nahihiya?" patuloy ako sa paghila sa kumot n'ya na patuloy n'ya ring tinatabon sa kan'yang sarili. "Vida, isa! Bibilang ako ng tatlo kapag hindi ka pa rin bumangon d'yan, hindi kita kakausapin ng isang linggo."

"Whatever, biatch!" pareho kaming natawa sa sinabi n'ya.

But after no'n nanatili pa rin s'yang nakahiga kaya gumawa na ako ng way para tuluyang magising ang diwa n'ya—kiniliti ko s'ya ng kiniliti at nagpupumiglas s'ya para makawala sa akin. At success! Tuluyan din s'yang bumangon at dali-daling nagbihis.

Actually, kagagaling lang namin sa school. Alas-tres kami pinauwi kasi nagkaroon ng biglaang meeting ang mga teachers. Una, dumiretso muna ako sa bahay para magbihis saka ako pumunta dito sa apartment nila Vida para ihatid s'ya doon kila Mr. Camero.

"Pagod ka ba?" tanong ko kay Vida na inaayos na ngayon ang kan'yang bag.

"Oo. Nanghihina nga katawan ko. Pano ba naman kasi, pinagbunot kami ng damo sa likod ng classroom namin. Kaya ayon."

"Aww, kawawa ka naman."

"Talaga."

"Hahahaha."

Matapos ang napakabagal n'yang kilos, 4:30 na kami tuluyang nakalabas ng pintuan. Nakasalubong pa namin si Kuya Vincent at nagtanong kung saan daw si Vida pupunta. S'ya lang talaga ang tinanong, hindi yata ako napansin. May nafifeel talaga akong kakaiba dito sa Vincent na 'to e. Lalo na mga titig n'ya kay Vida tss. Hindi s'ya mapagkakatiwalaan. Hindi ko s'ya bet para sa bestfriend ko.

"Faye! Ano na? Ihahatid mo pa ba ako o hindi?"

"Ah hahaha. Sorry naman."

"May iniisip ka? Ano 'yon?"

"Wala. Suot mo na helmet mo."

"Kanina ko pa suot, Faye." Lumingon ako sa kan'ya at tama nga s'ya nakasuot na s'ya ng helmet. Ano ba nawawala na'ko sa sarili ko.

"'Kay. Let's go," sabay paharurot ko ng motor.

[Vida's Point of View]

Mabilis ang patakbo ni Faye sa motor kaya naman mabilis din kaming nakarating. Pero hindi ko gusto 'yong ginawa n'ya, parang nalalaglag ang puso ko sa sobrang kaba lalo na 'pag nagoovertake s'ya sa ibang sasakyan. Nawala talaga ang antok sa katawan ko.

Halos hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa mangyayari ngayon kaya ayon buong klase tulog ako. Nagsinungaling lang ako kay Faye na pinaggamas kami pero ang totoo tulog lang talaga ako maghapon.

"Alis na," sabi ko kay Faye.

"Huh? Papaalisin mo agad ako?" At mukhang ayaw n'ya pa talaga umalis ha?

"At anong gusto mo? Hihintayin mo 'ko dito sa labas hanggang sa matapos ako?"

"Pwede." Pabiro ko s'yang kinurot sa braso. "Joke lang. Aalis na rin ako 'pagkapasok mo sa loob ng bahay nila. Ihello mo ako kay Tito ha?"

"Tito?"

"Tito Bruce. Char hahaha. Aalis na ako. Galingan mo ha?"

"Mm. Mag-ingat ka pauwi. Tawagan na lang kita mamaya."

"Dapat lang. 'Wag kang tokis," may paturo pa nito sa akin.

"Oo na."

Imbes na ako ang hintayin n'ya na makapasok sa loob ako na ang naghintay na makaalis s'ya bago ako nagdoorbell.

"Hello po," bati ko kay Manang Felicita. S'ya kasi nagbukas ng gate.

"Hi, Vadi—este Vida," malawak itong ngumiti sa akin. Nginitian ko rin naman s'ya pabalik.

"Halika na sa loob. Kanina ka pa nila hinihintay."

"Po? Sinong nila?" Hindi naman n'ya ako sinagot bagkus nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad.

Woy kinakabahan ako. Sinong nila ba ang tinutukoy ni Manang? Mukhang marami a. Pero sabagay kung ang tinutukoy n'ya ay sina Mr. Bruce at Dion the gonggong, 'nila' nga naman 'yon kasi more than one is many. Jusko, Vida talino mo talaga.

Dinala ako ni Manang Felicita doon sa third floor. Nagtaka pa nga ako kasi diba sa may second floor naman 'yong room na pipinturahan ko.

"Pumasok ka na roon sa loob, Vida," tinuro n'ya sakin ang kwarto sa pinakadulo.

"Po? Sa loob? Hindi n'yo ba ako sasamahan?" medyo naguguluhan kong tanong. Ano ba gagawin ko don?

"Sige na. Babalik na ako sa baba." Tinapik n'ya pa ang balikat ko pagkadaan n'ya sa akin. Shuta kinakabahan ako dito a. What if may mangyayaring hindi maganda pagkapasok ko sa loob? What if mga aswang pala sila? Jusko ayaw ko mamatay sa paraan na kinakatay ako. 'Wag mo naman ako pabayaan, Lord.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan sa pinakadulong kwarto. Parang nanghihina ang tuhod ko shuta.

Pipihitin ko na sana ang doorknob pero bigla itong nagbukas. Kaya ang nangyari, nadala ako sa babaeng nagbukas nito. Shookt. Muntik na akong matumba mabuti na lang hinawakan ako nong babae ako sa cocomelon n'ya bumagsak ang mukha ko. Waah ang laki.

Agad nama akong kumilos para makawala sa kan'ya. Grabe nakakahiya!

"So-sorry. Hindi ko sinasadya." Hindi ako makatingin sa mukha ng babae. Shuta, baka mommy 'to ni Dion.

"Ikaw 'yong hinire na artist ni Dad?" tumango-tango ako habang nasa sahig pa rin ang tingin. "Come in."

Anak pala ni Mr. Camero. S'ya yata 'yong nakita ko doon sa family picture nila noon.

"Dad, she's here."

Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at bumulaga sa aking paningin sila Mr. Bruce, Dion at ang isang may edad na babae. Baka s'ya ang asawa ni Mr. Bruce. Nakaupo silang lahat sa malaking lamesa na puno ng pagkain sa hapag-kainan.

Luh, may birthdayhan yata a. Di naman nila ako ininform, di sana nagsuot ako ng maganda-gandang damit.

"Sit down, Ija," sabi ng asawa ni Mr. Camero. Pero di pa din ako sure kung asawa n'ya nga.

"Ah, 'wag na po. Baka po kasi kulangin na ako sa oras," tugon ko.

"Sige na. Join us here. Later ka na lang magpinta." Base sa pananalita n'ya, mukhang ang bait-bait n'ya. Feeling ko itong anak na babae lang ni Mr. Camero ang medyo mataray halata kasi sa boses. Judgemental who?

"Dion, " pagtawag sa kan'ya nong may edad na babae. Sinenyasan s'ya nito.

"Mom," sumenyas din s'ya pabalik dito. Confirmed, asawa nga ni Mr. Camero. Pero wait, bakit ba sila nagsisenyasan? Saka walang ibang nagsasalita. Kinakabahan na ako sobra. Trabaho ang pinunta ko dito hindi dinner.

Tumayo si Dion at hinila ang bangko na katabi lang n'ya. Gusto n'ya ba ako doong paupuin? Shuta, kung wala lang family n'ya dito hindi talaga ako tatabi sa gonggong na 'to. Kaso wala ako choice kaya umupo na lang ako.

"Ahh, I think naiilang si Vida sa atin. You guys should talk to her," si Mr. Camero.

"Dion, why don't you talk to your—I mean to Vida? Vida, right?" tanong ng kapatid ni Dion. Nahihiya naman akong tumango. Makahulugan s'yang nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa kapatid n'ya.

Ano bang nangyayari? Puro sila senyasan, may binabalak ba sila sa'kin?

"Ahh, V-Vida. M-may gusto ka bang kainin dito? What do you want?" mautal-utal na tanong ni Dion the gonggong.

Nagulat ako dahil biglang humagikgik ang Mom and Dad n'ya pati na rin 'yong Sabrina. Ano ba trip nila?

"Sorry, Vida. We're just happy seeing our Dion like this. He is so cute."

Ngumiti na lang ako since wala naman akong maisagot. Tumingin ako sa relo ko, 5:30 na pala. Baka gabing-gabi na ako nito makauwi.

Maya-maya, nilagyan na ako ng pagkain ni Mrs. Camero sa plate ko kasi mukhang nahihiya pa daw ako sa kanila. Mas lalo nga akong nahiya dahil sa ginawa n'ya pero oks na rin 'yon atleast naligtas n'ya ako. Kung ako pa siguro ang kumuha, baka makita pa nilang nanginginig ang kamay ko.

"Ilang taon ka na pala, Vida?" tanong ni Mrs. Resores.

"S-seventeen po."

"Uhh, isang taon lang pala ang tanda sa'yo ni Dion... Ibig-sabihin, grade 11 ka na ngayon?"

"Yes po."

"My son is also a grade 11 student. He's supposed to be a graduating student now kaso tumigil kasi s'ya ng isang taon for some reason."

"Ahh," kunyareng namamanghang tanong ko.

"Which school are you in, Vida?" pagsingit ni Mr. Camero.

"Sa Hiraya Manyari po, Sir."

"Ohh, that's nice. Maganda ang school na 'yan, nakafocus talaga sa acads ang mga estudyante," aniya.

"Kaya nga po." Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Lalo pa at katabi ko si Dion na naging pepe sa sandaling ito, at ang ate n'ya na hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Humaba pa ang usapan namin ng Mommy at Daddy ni Dion. Tanong sila ng tanong about sa'kin at lahat ng sagot ko irirelate sa anak nila. Paminsan-minsan ding sumasabat si Sabrina, kaya mas lalo akobg hindi mapakali sa kinauupuan ko. Nahotseat ako shuta.

After 30 minutes, finally natapos rin ang dinner. At diko maitatanggi na nabusog talaga ako dahil ang sasarap ng putahe.

Nang tumingin ulit ako sa orasan, lagpas 6 pm na at madilim na sa labas. Napansin yata ako nong Sabrina kaya siguro lumapit s'ya sa'kin. Si Mr. and Mrs. Camero kasi umalis agad pagkatapos namin kumain, kaya kami na lang ang naiwan dito.

Si Dion may kinuha lang daw saglit tapos pupunta na kami sa room n'ya para masimulan ko na ang pagpinta.

"I'm Sabrina, only sister of Cole. You can call me Ate Sab," pagabot n'ya ng kamay sa akin.

Sasagutin ko rin sana s'ya katulad ng sinagot ko kay Dion nang nagpakilala s'ya sakin kaso nakakabastos naman kung 'yon din ang sasabihin ko.

Kaya nakangiti kong tinanggap ang kamay ng babae. "I'm Vida Resores po."

"Yeah, nice to meet you."

"Nice to meet you rin po."

"Congrats, you passed."

"Passed?"

"Yeah passed. Welcome to the family."

"Huh?" Gusto ko pa sanang magtanong kaso tumalikod na s'ya sakin.

Kinikilabutan ako sa Sabrina na 'yon. Kinikilabutan ako sa pamilyang Camero. Naiwan akong magulo ang isip dahil sa mga huling sinabi ni Ate Sab at mas lalo pang nagulo nang dumating na si Dion sa harapan ko.