Chapter 25-Butterflies in the Stomach
[Vida's Point of View]
"Congrats, Vida!" Mahigpit akong niyakap ni Faye, kaya't gayundin ang ginawa ko.
"Tama na, 'di ako makahinga," pabiro kong sabi sa kan'ya. Pero kumalas din naman ito at mahinang pinisil ang aking pisnge. Hindi na rin naman ako gumanti.
“Galing mo talaga, dear. Talented ka na nga, matalino pa. Sana lahat talaga!”
Sinamaan ko s'ya ng tingin. “Chamba lang 'yon, Faye,” pagkontra ko sa sinabi n'ya.
“Asus!" sabay tawa niya. Sakto namang lumapit sa amin si Lola Clarita na katatapos lang pumirma ng card ko. "Lola, may pablow-out ba si Vida mamaya?" tanong ni Faye. Tinapik ko naman s'ya.
Nakita kong ngumisi lang si Lola at inilipat ang tingin sa akin. "Hindi mo ba titingnan ang card mo Vida?"
Umiling ako. Mas gusto ko na 'wag na lang tingnan iyon dahil hindi naman kapani-paniwala. Akala ko talaga hindi na ako papasok sa honors, kasi naman lagi kaya akong tulog sa klase at may minsan pang late ako magpasa ng assignments at projects. Feeling ko napakaimposible talaga na naging top 5 ako.
"O, sige. Mauna na ako sa inyo ni Faye. Mamimili pa ako ng pansahog mamaya sa pansit."
"La?" pagkwestyon ko sa kan'ya.
"Yehey! May pablow-out nga si Lola. Pupunta ako mamaya," ngiting-ngiting sabi ni Faye.
Hindi na ako umimik at nakitawa na lang sa kan'ya.
Si Lola, 'yong mukha n'ya ang sarap pagmasdan. Iyong mukha na proud. Ang sarap sa pakiramdam. Parang mas ginagahan ako na pagbutihin pa ang pag-aaral ko ngayon. Kung gano'n lang naman palagi ang magiging kapalit, ang kasiyahan ni Lola, bakit hindi?
Matapos ang awarding, pinauwi na rin kami agad ng mga teachers. Kaya naman nagsabay na kami ni Faye at dumiretso kami sa bahay nila. Alam naman na iyon ni Lola dahil bago s'ya umalis ipinagpaalam na ako ng kaibigan ko. Kaya wala na akong dapat ipag-alala.
"Congrats, Vida!!" Pareho akong binati ng Mama at Papa ni Faye. Nagthankyou naman ako sa kanila.
"Ipagluluto kita, Vida. Ano'ng gusto mo?" Agad akong nagtaas ng tingin kay Tita at umiling-iling.
"Naku, 'wag na Tita. Magluluto daw mamaya si Lola ng pansit para sa 'kin. At isasama ko po si Faye, magpapadala ako sa kan'ya," sagot ko.
"Ahh hahaha. Sige sige."
"Psst. Faye, bakit hindi mo gayahin si Vida? Kahit ang daming ginagawa, nakakasama pa rin sa top," pagsingit ng Tito . Napalingon naman ako sa bestfriend ko.
Ramdam ko ang pagkadismaya sa mukha n'ya. Ayaw ko ng gano'n, sana hindi nila kinukumpara ang anak nila sa kahit na sino.
Hindi kami parehas na umimik ni Faye.
Lumipas ang ilang minutos at nagdesisyon kami na manood muna ng movie. Romcom ang pinanood namin, kaya panay kaming tawang dalawa. Pero hindi ako gano'n kafocus dahil minamatyagan ko pa rin si Faye.
Alam kong disappointed s'ya sa sarili n'ya kasi hindi s'ya nakasama sa honors at mayroon pa s'yang line of 7 na grade sa isang subject.
Pakiramdam ko peke lang ang mga tawa n'ya na pinakita sa 'kin.
Ilang oras ang nakalipas at natapos namin ang movie. Nang makahanap ako ng chance, kinausap ko si Faye ng masinsinan.
"Ey, aym proud of yah! Ya know?" ginawa kong astig ang boses ko at nagsuot pa ako ng props na shades para matawa s'ya. At success naman kahit pa pinipigilan n'ya ang sarili n'ya na hindi magpahalata.
"Ano'ng sinasabi mo d'yan?" patay-malisya nitong tanong.
"Sabi ko, proud ako sa'yo." Natahimik kaming pareho sandali. "Okay lang kahit walang medal at certificate. Okay lang kahit 'di kasali sa honor. Ang mahalaga, ginawa mo ang best mo."
Bigla s'yang nagtakip ng mukha saka ako nakarinig ng mga hikbi. Kagyat akong kinabahan at hinimas ang kan'yang likod.
"Faye? Ba't ka umiiyak?" alalang tanong ko.
"Ikaw kasi. Ang sakit mo. Alam mo naman na kaya nga ako hindi napasama sa top kasi 'di ko ginawa ang best ko. Natatawa ako sa'yo shet ka."
"So, ano ba sasabihin ko, huh? Alam mong 'di ako magaling sa words-words. Gusto lang naman kita icheer in a nice way." Hinampas n'ya ako ng unan kaya gumanti ako. Hanggang sa nagpalitan na kami ng paluan ng unan.
Inaamin ko na ang saya ko nang mga oras na 'yon. Quality time talaga ang love language ko. Rare lang itong mangyari sa amin ni Faye, pero sa tuwing nagkakaroon kami ng ganitong bonding, the best talaga. Palaging tumatatak sa isip ko.
"Uhh, Tito, Tita. Mauna na kami ni Faye, para matulungan rin namin si Lola Clarita sa pagluluto," pagputol ko sa eksena.
Pumayag naman sila agad. Actually, hinatid pa nga kami ni Tito papunta sa apartment para daw hindi na mag-aksaya ng pamasahe.
Akala ko hindi pa nakakapagluto si Lola pero pagkarating namin doon, nakahanda na ang lahat sa lamesa at may kasama pang maliit na cake. Naroon rin ang Tita ni Kuya Vincent kaya nagkantahan kami sa videoke matapos kumain.
Super happy na sana ako kaso nga lang wala si Kuya Vincent. May practice pa kasi s'ya kaya hindi s'ya nakaabot.
Nang sumapit ang alas-syete ng gabi, saka umalis sila Tita at Faye.
"Vida? May inaantay ka bang bisita?" tanong ni Lola pagkapasok n'ya ng pintuan. Galing kasi s'ya labas.
"Huh? Wala naman, La." Hindi ko alam kung ano ang rason pero bigla akong kinabahan.
"Kanina pa may nagpapauli-uli roon sa labas. Panay rin ang tingin rito, baka kako kaibigan mo," aniya.
Kaya naman agad akong tumingin sa labas pero wala naman akong nakita. Nagpaalam ako kay Lola na titingnan ko roon mismo dahil baka kung sino iyon at pinagmamatyagan lang kami.
Nagpalinga-linga ako sa kaliwa at kanan na bahagi ng daan paglabas ko ng gate. Wala namang ibang dumadaan na tumitingin rito, karamihan pati nakagawian na talagang maglakad na minsan ko na ring nakikita.
Pero laking gulat ko nang pagharap ko muli sa kaliwang banda ay katabi ko na pala ang isang gonggong—Shuta! Ba't nandito ang Dion na 'to.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog.
Hilig n'ya talaga manggulat! Kung may sakit siguro ako sa puso matagal na akong natigok.
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” Ako na ang nagsimulang magsalita since hindi pa rin s'ya umimik. Mukha kaming timang dito kung magtitinginan lang kami.
“Well, I just want to congratulate you,” aniya. Abot-tainga pa ang ngiti nito.
Paano n’ya naman nalaman?
“Icongratulate saan?” tanong ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
“I heard that you belong to the top of your class. So, I decided to buy this and give it to you and your Lola as well.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi n’ya. Shuta, ano’ng ibibigay kay Lola?
Jusko, ‘wag na ‘wag mo ‘yon gagawin Dion. Malilintikan ka talaga!
Iniabot n’ya sa akin ang dala nitong paperbag na kaagad ko namang tinanggap para matapos na kaagad ang aming usapan. Tiningnan ko ang laman ng loob nito at may nakita akong dalawang kahon.
Sinulyapan ko muna sandali si Dion para makita ko ang reaksyon ng mukha n’ya saka ko tuluyang inalis sa paperbag ang kahon para malaman kung ano ba iyon.
Shutaa? Hopia? Hopia lang naman pala amp.
“I hope you like it.”
Inirapan ko s’ya saka binalik ang kahon ng hopia sa loob ng paper bag. Akala ko naman kung ano na.
“Hindi naman ako kumakain nito kaya kay Kuya Vincent ko na lang ibibigay,” tugon ko dahilan para mangunot ang noo n’ya.
“Wait, what? Ba’t mo naman sa kan’ya ibibigay? I bought that for you and your Lola. Kung hindi mo naman gusto, you can give it all to her.”
“Allergy s’ya sa hopia,” pagsisinungaling ko. Actually, isa ‘to sa fav ni Lola.
“Sige na. Pwede ka ng umalis, magpipinaw pa ako ng mga damit,” sabi ko saka tumalikod.
"Hey, wait!" Natigilan ako at hinintay ko s'yang magsalita muli. "Uhh—nothing. Aalis na 'ko. Thank you for accepting my simple gift."
Dahil sa sinabi n'ya, agad akong humarap at ibinalik sa kan'ya ang paper bag.
"Whatt?" gulat niyang tanong.
"Ang yabang mo. Simple gift na ano? Porket hopia lang sasabihin mo na simple? Mahangin ka rin pala e no."
"O-Of course not," depensa niya sa sarili.
"Ano'ng hindi? Arogante ka talaga. Imbes na gift lang sinabi mo nilagyan mo pa ng simple. Ano'ng meaning no'n ha?"
"It means nothing," dahilan nito.
Nothing. Nothing. Engot mo Dion.
"M'Kay. I'm leaving."
Naglakad na ako papasok sa gate at tuloy-tuloy na pumunta sa loob. Muli ko s'yang sinilip sa bintana at nakita ko na hindi pa s'ya umaalis.
Baka makita s'ya ni Lola Clarita.
"Sino'ng sinisilip mo, Vida?"
"Ay tae ka!"
Halos malaglag ang puso ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Lola sa aking likuran.
"Lola, 'wag mo naman ako gulatin."
"Tinanong lang kita kung sino ang sinisilip mo."
"Wala naman, La. M-May dumi lang ang bintana hehe," medyo utal kong sabi.
"Talaga?" Kinakabahan akong tumango-tango. "Sino pala 'yong nasa labas? Nakita mo ba?"
"H-ha? Ahh, wala naman akong nakita Lola. Baka napadaan lang 'yon."
Tinitigan ako n'ya ako na parang may pagdududa kaya umiwas ako ng tingin. "O, sige. Papasok na ako sa k'warto. Ikaw na lang ang bahalang magsara n'yang bintana at pintuan. Siguraduhin mo na nakalock ang lahat," tugon ni Lola saka umalis.
Ako naman, nanatili sa pwesto ko. Kainis. Ba't ba hindi pa umaalis ang gonggong na 'yon?
Kinuha ko ang cellphone ko at nagcompose ng text message para isend kay Dion. Hindi pwedeng makita s'ya ni Lola.
Medyo nanginginig pa ang kamay ko sa pagpindot ng send button pero success naman.
Naghintay ako ng ilang segundo habang pinagmamasdan si Dion sa labas mula rito sa bintana. Nakasandal s'ya sa kan'yang kotse habang ang tutok sa kan'yang cellphone. Pero mukhang hindi n'ya pa nababasa ang text ko dahil hindi pa naman n'ya nasisee. Ano bang ginagawa n'ya? Naglalaro yata ang gonggong.
Bumuntong-hininga ako at naupo muna sa upuan. Bigla akong nauhaw kaya pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbalik ko, sumilip ako sa bintana, pero nagulat ako nang makita na wala roon ang sasakyan ni Dion.
Agad akong bumaba ng hagdan. Dahan-dahan lang ang paglakad ko dahil ayoko na magcause ng kahit na anong ingay. Baka kasi lumabas si Tita at makita n'ya ako.
Marahan kong binuksan ang gate at saka lumabas. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala na talaga si Dion.
"Bwesit ka talaga!" naiinis kong bulong patungkol sa kan'ya.
Pero hindi ba dapat matuwa ako kasi umalis na s'ya? Ano pang ikinasasama ng loob mo Vida?
Mas lalo lang akong nairita dahil sa sarili kong naisip.
Sa puntong ito, hindi ko na inaalala pa kung magsanhi ako ng ingay, bigla kasing nawala sa isip ko.
Muli kong kinuha ang phone ko para icheck kung nakapagreply na ba si Dion, kaso wala naman akong nabasa.
"Ang kapal ng mukha n'ya para hindi ako replyan," naiiling kong sabi.
Pero ilang saglit lang ay dinapuan naman ako ng hiya, dahilan para magisip ulit ako ng kung anu-ano.
Tumigil ka na, Vida. Ano naman ngayon kung hindi ka n'ya nireplyan? —Shuta nakakatanggal angas 'yon.
Mukhang hindi na yata maayos ang lagay ko. Kailangan ko na magpahinga at tumigil na sa pag-iisip ng mga walang kapararakang bagay.
Pumasok na ako sa kwarto ko at kaagad na humiga. Gusto ko na magpahinga pero hindi ako makatulog. Pinipilit kong ipikit ang mga mata ko pero sumasakit lang lalo.
Naisipan ko na bumangon at buksan ulit ang cellphone ko.
Chineck ko ang text ko kay Dion at hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin pala nasiseen. Gonggong, ang kapal talaga ng mukha.
Biglang pumasok sa isip ko na idelete na lang ang message pero huli na dahil naseen na ng gonggong. Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis.
Paano na 'to ngayon? Nabasa na n'ya yong text ko shuta.
Kung ididelete ko na naman, wala na ring silbi. "Arghhh!"
Binato ko ang cellphone ko sa kama dahil hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Pero dali-dali ko rin namang kinuha pabalik, mukha yatang nalakasan ko ng pagbato.
"Pot—Basag?" Nabasag ang tempered glass? Sana nga tempered glass lang.
Ano na ba 'tong pinaggagawa ko? Epekto talaga 'to ng kamalasan na dulot sa 'kin ni Dion.
Bumalik na ako sa pagkakahiga at itinabi ang cellphone sa aking desk. At kung kailan antok na antok ako, saka naman ito sunod-sunod na tumunog.
Mga mensahe mula kay Dion.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya sumandal ako sa wall. Binasa ko ang replies n'ya at hindi ko alam kung bakit parang nakiliti ako sa tiyan sa kahuli-hulihang message n'ya para sa'kin.
"Pray before you sleep. Sweet dreams, Vida."
Agad kong inoff ang phone ko at nagkulubong ng kumot.
Shuta, 'yon ba 'yong butterflies in the stomach?
"No! Fvcking no! Kay Kuya Vincent ko lang dapat 'yon maramdaman hindi sa kan'ya." Tinakpan ko ang bibig ko after kong mapagtanto na ang lakas pala ng pagkakasabi ko niyon. Baka nagising na mga kapitbahay ko nito.
At dahil sa nawala na naman ang antok ko, sinulit ko na lang ang oras na 'yon para makapagsketch. Dahil doon, medyo nakalimot ako tungkol kay Dion. 'Yon nga lang, hindi ko na namalayan ang oras at umaga na nang makaramdam ako ng antok.