Chapter 24-What Friends Do?

[Vida's Point of View]

Nagising ako dahil sa ingay ng mga sasakyan sa labas. Ang sikat ng araw ay tumatama na sa mukha ko kaya kinuha ko ang unan para ipantakip. Sigurado ako na alas-nuwebe na ng umaga.

Sabado naman ngayayon, wala akong dapat ipag-alala kahit late na ako nagising kasi walang pasok. May performance lang kami sa HOPE at kailangan naming magchoreo ng sayaw. 'Yon nga lang individual, tapos hindi pa ako magaling sumayaw. Hays.

Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa table lamp bago pinaningkit ang mga mata para maaninag ko ang screen. Sabi ko na nga, tama talaga ang hula kong oras.

Ilang sandali pa, saka ako nagkaroon ng gana na bumangon. Dumiretso ako papunta sa cr para makapaghilamos.

Mukhang ang sarap na maligo, malamig ang tubig.

Kinuha ko ang toothbrush at saka nilagyan ng toothpaste bago ikinuskos sa aking ngipin, taas at baba. Nakatingin ako sa salamin habang pinapanood ang sarili ko. Pero bigla akong natigilan nang biglang magrehistro sa akin ang mga nangyari kagabi dahil sa suot-suot kong damit.

"Waaaah!!" Hindi ko napigilang tumili dahil sa naalala ko ang nangyari kagabi. Agad kong hinubad ang sweater na suot-suot ko.

"Vida??" si Lola mula sa labas ng banyo. "Vida?! Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"La? Ayos lang ako! May—may nakita lang akong ipis!"

"Jusko naman, Vida. Pinakaba mo naman ako. Hala, bilisan mo d'yan at kanina ka pa hinihintay ng Kuya Vincent mo."

Si Kuya Vincent nandito? Shuta.

"Sige, La. Susunod ako."

Napahilamos ako ng mukha at sinampal-sampal ang sarili.

Nanariwa sa ‘king isip ang lahat ng nangyari mula sa pagharang sa akin ni Dion, sa pagyakap n’ya at pagyakap ko, sa pagkabit n’ya sa ‘kin ng seatbelt, sa pagbigay n’ya sa ‘kin ng noodles at pagkain ko, sa pagbili n’ya sa ‘kin ng sweater, sa pag-uusap namin, sa pagkuha n’ya sa’kin ng picture at sinabihan pa ako ng hokage, at sa lahat ng mga nasabi naming sa isa’t-isa lalo na sa mga salitang huli kong binitawan.

“Argghh!” Sa iilang oras na nakasama ko s’ya ang daming nangyari na sobra ko ng pinagsisisihan. Sana sumakay na lang ako ng tricycle at hindi na naglakad pa. Katangahan ko kasi.

Paano na ‘yan ngayon? Baka isipin n’ya na okay na kami-na friends na kami.

“Kainis ka talaga, Vida!!” pagsisi ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa salamin.

Tinatamad pa sana ako maligo pero ginawa ko na dahil pakiramdam ko nakadikit pa rin sa akin ang amoy ng Dion the gonggong na ‘yon.

…

Matapos kong magbihis kaagad akong nagpunta sa sala at nadatnan ko roon si Kuya Vincent na tinugtog ang gitara n’ya. Biglang napalitan ng ngiti sa labi ang nakabusangot kong mukha.

“Hi, Kuya.”

Tumingala s’ya sa akin saka itinabi ang gitara.

“Can we talk?” aniya.

“Sure. About saan ba, Kuya?” Naupo ako sa sofa katapat ng kan’yang inuupuan.

“I saw you yesternight with Dion. Hinatid ka n’ya, diba?” Naiilang naman akong tumango. “…Nag-aalala ako na baka ginugulo ka n’ya. Do you want me to help?”

‘Di ko inexpect na sasabihin n’ya ‘yon. Nakita n’ya pala kami kagabi. Gosh, nakakahiya.

“Uhh hahaha,” medyo kinakabahan kong tawa. “Hindi na kailangan, Kuya Vincent. Nag-usap na kami na…uhh na lalayuan n’ya na ako.” Shuta, another kasinungalingan na naman.

“Really?”

“Yup. At hindi na n’ya ako guguluhin kahit kailan,” nakangiti kong sambit.

“’Kay. That’s good to hear.” Tumayo s'ya at binitbit ang gitara. "Uhh, anyway bago ko makalimutan..." Tumigil s'ya sandali at may kung anong kinuha doon sa lagayan ng kan'yang gitara. "Here's your ID. I forgot to give it you yesterday, kaya ngayon ko lang naibigay," sabay abot n'ya sa 'kin

Nasurpresa naman ako. "Ikaw pala ang nakapulot, Kuya?" taka kong tanong.

"Ahh nope. Actually, hindi ko pa nakikilala kung sino ang nakasimot ng ID mo. I just found it on my desk at may kasamang sulat na nagsasabing ako na lang daw ang magbigay sa'yo," seryoso niyang sabi.

"E?" Akala ko pa naman s'ya na. "So possible na baka classmate mo lang din ang nakapulot. Hindi ko akalain haha." Pareho kaming natawa.

"Don't worry, kapag bumalik ka ulit sa school, sasamahan na kita mula pa lang do'n sa gate. Ako na rin ang maghahatid sa'yo palabas. I won't let anyone talk shits about you again, Vida."

Feeling ko tinamaan ako ng kilig sa huling sentence na sinabi n'ya. Shuta baka nagbablush na ako, 'wag naman.

"Anyway, I have to go. Kelangan pa naming magpractice. Ininvite ako ni Kapitan Romualdez na magperform sa darating na fiesta sa Barangay Dos." Isinisilid na n'ya ang kan'yang gitara sa lalagyan nito.

"Woooww. Kelan? Manonood ako." Nakakaexcite.

"Ohh, I forgot the exact date. Siguro by the end of this month. I'll just tell you tomorrow, itatanong ko pa ulit kay Kap," sabay ngiti nito at sukbit ng kan'yang gitara.

"Sige."

Pinanood ko pa s'ya na makababa ng hagdan hanggang sa makalabas s'ya ng gate.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mamalayan ko na kanina pa pala ako nakangiti. Pero bigla ring nawala nang maalala ko na naman si Dion the gonggong.

"Tsk. Pasira talaga ng moment."

Bumalik ako roon sa loob at kinain ang toasted pandesal with palaman na hinanda para sa 'kin ni Lola. Kapagka quarter to 10 kasi umaalis na siya papunta doon sa shop or minsan mas maagap. Nakasanayan ko na rin ang pandesal na palagi n'yang iniiwan para sa 'kin lalo na 'pag ganitong walang pasok sa school kasi late ako gumigising. 'Pag may pasok naman sabay kaming kumakain.

...

"Faye, hindi mo ba ulit ako ihahatid?" Kavideo call ko ngayon ang bestfriend ko para itanong kung maihahatid n'ya ba ako kila Sir Camero.

"Hala, hindi ako sure. Birthday kasi bukas ni Angela, 'yong friend ko na mahilig ako ibully no'ng elem tayo?" natatawa niyang tanong.

"Ah oo. Naalala ko s'ya."

"Minessage kasi ako ng Ate n'ya na tulungan ko raw s'yang isurprise si Angela since matagal na kaming hindi nagkikita. Para daw mas bongga 'yong surpresa. Kaya ayon hindi ko na natanggihan," paliwanag n'ya.

"Ahh, okay okay. Naiintindihan ko, magcocommute na lang ulit ako," sabi ko ng may panghihinayang.

"Woy, sorry talaga dear a? Bawi ako next time."

Tumango-tango naman ako at sinabi na wala naman iyong problema. Kaso nga lang may kaunting disappointment pa rin. Pero ayos lang 'yon, nasabi ko nga hindi lang naman ang kaibigan ni Faye. Marami akong kahati sa kan'ya.

Ibinaba ko na ang cellphone ko pero makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman itong tumunog.

"Hays. Ano pa kaya sasabihin ni Faye— Shuta. Si Dion?" Akala ko si Faye uli ang tumatawag peri nagulat ako nang numero ni Dion ang nasa screen ng phone ko.

Argh. Ano na naman kaya ang kailangan n'ya?

Kahit pa labag sa loob ko, sinagot ko na lang ang tawag n'ya.

"Vida? Goodmorning," bungad niyang salita. Lamig ng boses n'ya a.

Hindi ako sumagot at hinintay lang s'ya na magsalita ulit.

“Are you ready?” Kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong n’ya.

“Ready saan?”

He chuckled. Mas lalo akong nainis. Ano naman kaya ang binabalak nitong gonggong na ‘to?

“Uhh, I mean kung prepared ka na ba sa pagpunta sa bahay. Because I’ll pick you up.”

Shuta?

“Sunduin mo mukha mo. Kaya ko pumunta mag-isa. Hindi ko tatanggapin offer mo.” Muntik ko na sanang iend ang call nang magsalita s’ya muli.

“I thought we’re already friends.” May bahid ng pag-aalala sa boses n’ya. Natahimik naman ako.

Bakit ba kasi ako basta-basta kung magdesisyon? Tanga mo talaga, Vida.

“Well, if you don’t want, then I’ll just go home. I won’t force you anyway.” Napaawang ang bibig ko at dali-daling sumilip sa bintana. Nakita ko ang kotse ni Dion na nakapark sa harapan ng bahay.

Shet. Nandito na pala s’ya. “Arghhh!”

Muli ko s’yang kinausap sa cellphone. “Baliw ka talaga, Dion. Bakit mo ako pinuntahan? Nang-aasar ka ba?” Pilit kong pinapakalma ang sarili.

“Nope. Pinuntahan kita dito dahil gusto ko na samahan kita papunta sa bahay. Because that’s what friends do, right?”

Gonggong. Parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan. Hindi naman lahat ng magkaibigan ay close. At saka dito sa Pilipinas, kapag sinusundo ka ng friend mo na guy, issue na agad. Hindi n’ya ba ‘yon naiisip? Paano kung mapansin s’ya ng mga kapitbahay namin? Ilang beses na kaya n’ya akong naihatid. Tsk.

What if makita s’ya ni Tita Virginia at sabihin n’ya kay Lola at kay Kuya Vincent? Gossh, no!

“Dion? Hoy! Umalis ka na. Bilisan mo. Susunod na lang ako agad. Please lang.”

“Oh? Okay. I’ll just wait you there.” Hindi ko inalis ang paningin ko sa kotse n’ya at inoobserbahan lang sa maaari n’yang gawin. ‘Wag sana s’yang lumabas ng kotse dahil baka makita s’ya ni Tita. Dahil sa pagkakaalam ko, wala s’yang gig ngayon. Singer din kasi s’ya. Para ngang doon nagmana si Kuya Vincent e, kasi nakwento n’ya ng minsan na hindi raw magaling kumanta ang magulang n’ya.

…

Nang masigurado ko na nakaalis na si Dion, saka ako nakahinga ng maluwag. Inaamin ko na kinabahan ako kanina nang makita ko s’ya sa labas. Baka kasi malaman ‘yon ni Kuya Vincent at magalit s’ya sa’kin dahil nagsinungaling ako sa kan’ya. Ayaw ko na layuan n’ya ako kung sakaling makarating sa kan’ya. Maganda na ‘yong friendship namin, kagaya kay Faye. At ayaw ko na masira ‘yon dahil lang kay Dion. Dahil sino ba naman s’ya diba? Isa lang s’yang gonggong na umaasa na gusto ko talaga s’ya maging kaibigan.

Sana alam n’ya na hindi pa rin mawala ang hate ko sa kan’ya sa kabila ng mga kabutihang nagawa n’ya sa ‘kin. Hate na hate ko talaga s’ya at hindi kailanman magbabago ‘yon.