Chapter 22-That Strange Feelings and Her
[Vida’s Point of View]
“Dapat pala hindi ko ‘yon ginawa. Bakit ba gano’n ang sinabi ko sa kan’ya?”
Napaupo ako sa upuan sa waiting shed. Marami pa namang sasakyan ang dumadaan pero mas pinili ko na lang kanina na maglakad. At ngayon nagsisisi na ako dahil biglang bumuhos ang ulan. Malas ko pa kasi wala akong dalang payong o kahit sombrero man lang. Malay ko ba naman na uulan, ang tirik na tirik kaya kanina ang araw.
Pero hindi ‘yan ang mas inaalala ko. Ang mas pinagsisisihan ko ngayon ay ang mga nasabi ko sa kay Dion. Ngayon lang ako tinablan ng hiya at napagtanto ang mga pinagsasabi ko.
Hindi totoo na may gagawin pa akong speech, sa katunayan nga kaninang umaga nagdecide ako na kahit hanggang alas-dyes na ulit ako umuwi para mabilis ko ng matapos ang painting ko. Pero biglang nagbago ang lahat dahil sa strange feeling na nadama ko kanina. Naiinis ako na parang ewan. At ang dahilan niyon ay dahil sa kasukalam-suklam na nasaksihan ko.
*Flashback
“Vida, kumusta?” nakangiting pagsalubong sa akin ni Manang Felicita.
“Hello, Manang. Mabuti naman ako. Ikaw?”
“Okay lang din. Parang matagal ka bago ulit nakabalik a?” Tinulungan n’ya sa pagbitbit ng bag kong dala. Ayaw ko na sanang magpatulong pero nagpumilit talaga s’ya.
“Ah, nabusy lang ako sa school activities at pati na rin sa Lola Clarita ko.”
“Clarita?” napakamot s’ya sa batok. “Parang familiar. Parang narinig ko na ang pangalang ‘yan.”
“Talaga? Baka kilala n’yo si Lola,” tugon ko.
“Baka. Pero possible rin na sa pinapanood ko lang. Makakalimutin rin kasi ako.”
Hinatid n’ya ako hanggang sa second floor dahil maglilinis pa raw s’ya ng banyo kaya hindi na n’ya ako maihahatid sa taas. Nagpasalamat pa rin ako.
Pagdating ko sa 3rd floor, napansin ko na bukas ang pintuan ng kwarto na tinutuluyan ni Dion pansamantala na katabi lang ng room n’ya na pinipinturahan ko.
Shuta, magkikita na naman kami.
Nang tuluyan akong nakarating sa tapat ng kwartong iyon, laking gulat ko nang makita ko ang gonggong na yakap-yakap ni Cindy.
Nakatalikod sa Dion at si ang mukha lang ni Cindy ang nakikita ko na nakaharap sa direksyon ko. Kaagad akong nagtago sa likod ng pintuan at sinilip lamang sila.
May kung ano na naramdaman habang pinapanood sila. Biglang umusbong ang pagkainis ko lalo na nang makita ko ang ekspresyon ni Cindy, na mukhang sayang-saya sa pagkakayakap kay Dion. Parang gusto ko s’ya hampasin ng baseball bat.
Nang hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, kagyat na akong umalis at dahan-dahang dumiretso sa katabi nitong kwarto. Mahirap na baka makita pa nila ako.
Sinigurado ko na nakalock ang pintuan para hindi nila mapansin na nandito na ako at nagpipaint na.
Pero to be honest, sa halos 2 oras ako na naroon, walang akong natapos. Ang balak ko pa mandin ay tapusin na ang isang wall para bukas isang wall naman. Kaso hindi ko nagawa, dahil maya’t-maya lang ang pagtayo at paglakad ko, hindi ako mapakali. Idinadait ko rin ang tainga ko sa dingding, umaasa na maririnig ko ang usapan nila Dion kahit pa naapakaimposible. Sa kapal ba naman ng pader na nasa pagitan namin.
“Shutaa!”
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Iniiwasan ko na talagang magmura, pero sunod-sunod ang paglabas ng bad words sa bibig ko. Hindi ko mapigilan.
“Ano bang ikinakagalit mo, Vida? Dahil ba nakita mo silang magkayakap? E ano naman?”
Pumikit ako at pilit na pinakalma ang sarili.
Kailangan ko makapag-isip ng maayos.
Hindi na rin naman ako makapagfocus sa pagpipaint ko, mas mabuti siguro na umuwi na muna ako sa apartment. Bukas na lang ulit, baka sakaling mahimasmasan na ako. Kailangan ko na muna ng pahinga baka nasosobrahan na ako sa dami ng gawain.
Inayos ko ang mga gamit ko at isinilid sa aking bag. Pwede ko naman sana itong iiwan dito, pero mas gusto ko na may binibitbit. Feeling ko hindi ako nakakapaglakad ng maayos kapag walang dalang bag.
Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Dion na paakyat na dito. Agad akong nagpanic. Ano ba dapat ang magiging reaksyon ko?
Wala na akong oras para mag-isip ng dapat gawin kaya nag-go with the flow na lang ako. Iisipin ko na lang na on-the-spot ito na recitation.
"Vida?"
Hindi ko s'ya pinansin at nagdire-diretso lang sa paghakbang. Pero may kung ano sa akin at tinutulak ako na kausapin s'ya. Kaya gano'n ang ginawa ko. Huminga ako ng malalim bago s'ya hinarap.
"Hindi ako magiging harsh sa'yo ngayon, Dion..." Hinayaan ko ang sarili ko na sabihin ang nais ko iparating sa kan'ya. Pero sa totoo lang, hindi ako halos makapaniwala sa nagawa ko nang tuluyan akong makalabas ng bahay.
Kinukwest'yon ko ang sarili kung bakit gano'n na lang ang inis na naramdaman ko ng makita ko silang magkayap. At kung bakit binabaan ko ang pride ko para lang kausapin si Dion. Wala rin akong clue, kung sa'n nanggaling ang mga salitang binitawan ko sa kan'ya.
Naguguluhan ako.
...
At kahit hanggang ngayon, gulong-gulo ako.
Nang tumingin ako sa paligid ay tumila na pala ang ulan kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon para magpatuloy sa paglalakad. Baka biglang bumuhos ulit ang ulan, tiyak mababasa ako.
[Cindy's Point of View]
"Saan na ba kasi s'ya pumunta?" asar kong hinagis ang remote sa lamesa dahilan para matamaan ang flower base at matumba. And it shattered.
"Cindy?" Mama Fely asked in confusion.
"Sorry. Just clean it. I'll search for Cole."
Mabilis akong lumabas and just ignored Mama Fely who still calls my name.
I glared then opened my phone.
"Where are you, Cole?"
I've been waiting for him kanina pa. Did he chase, Vida?
What the heck is happening between them? Are they a thing?
I dialed Cole's number, pero hindi naman s'ya sumasagot ko. At dahil sa inis ko, dali-dali akong bumalik sa loob ng bahay at kinuha ang explosion box na ginawa namin kanina.
"You're a trash!" I threw the box in the floor and stepped on it a few times.
I already accept the truth na hindi mapapasakin si Cole, pero hindi ako makakapayag na mapunta s'ya sa babaeng 'yon.
I know for the first time na nagkita kami, she is not the best for him. Hindi ko s'ya ka-level. Kung may magkaka girlfriend man si Cole, I'll make sure na may maipagmamalaki s'ya. Unlike that trash Vida.
Kailangan ko na ipaglayo sila. I have to do my best.
They are not good for each other.
I messaged Nadine, my new friend, na nakilala ko lang somewhere. I want to relax.
"Hi? Can you take me to the nearest bar here?"
"Bar? Are you kidding me?" she laughed.
She gets into my nerves kaya pinatay ko na lang.
I don't even need you. Kaya kong pumunta mag-isa.
Though, binabalot ako ng kahihiyan, nagpunta ulit ako sa paradahan ng tricycle para lang makapunta sa bar at makapag-relax. Kailangan ko panindigan ang sinabi ko, of course.
Kinailangan ko maghintay do'n dahil minsang nakwento sa akin ni Mama Fely na kapag umuulan daw talaga, madalang ang tricycle. And that's their stupidity. Dapat mas maraming sasakyan na dumadaan because what about those people na naabutan ng ulan? Pa'no kung wala silang dalang payong or sasakyan? They're out of mindset.
Hirap kasi 'pag walang car e, kairita.
Tomorrow, I'll start my plan to take Cole away from Vida. And no one can stop me from doing it.
Kung hindi magiging kami, then I'll do my part para mailayo s'ya sa basurang 'yon.