Chapter 21-Jealous
[Vida's Point of View]
"Oh? Vida. Bakit ang agap mo yata umuwi? Wala pang alas-singko a?"
“Maagap kaming pinauwi ng adviser namin, may meeting daw kasi sila,” pagsisinungaling ko. Hindi pwedeng sabihin ko kay Lola ang totoo, sermon ang aabutin ko kapag nalaman n'ya. Joke lang 'yong sinabi ko kanina kay Dion.
Tss. Nasali na naman sa usapan ang gonggong.
"Sakto, nagluluto ako ng sopas. Maya-maya luto na rin 'yon. Magpalit ka na muna ng damit doon, baka matuyuan ka ng pawis," aniya.
Sumunod naman agad ako at nagtungo sa aking kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama sabay pikit ng mata.
Ang daming nangyari ngayon. Nakakapagod. Nakakainis. Hindi ko talaga pwedeng makasama ng matagal si Dion kasi hindi ako lalayuan ng kamalasan.
Katulad na lang kanina nang pumunta ako sa school nila. Mabuti na lang nando'n si Kuya Vincent para ipagtanggol ako sa mga malditang 'yon.
Mamaya pag-uwi n'ya dapat na magpasalamat ako.
“Oops may isa pa!” Biglang pumasok sa isip ko ang isa pang kamalasan na dulot sa akin kanina ni Dion. “Nang dahil sa kan'ya, hindi ako nakapasok sa klase ko. Kaya nga maagap pa lang nakauwi na ako e.”
Pero teka...'yong about sa sinasabi n'ya sa'kin na favor. What if seryoso talaga s'ya na lalayuan na n'ya ako? What if pumayag ako na sumama sa kan'ya?
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang call history. Hinanap ko ang number n'ya na sadya kong tinandaan para kung sakaling tumawag ulit s'ya, atleast alam ko na s'ya 'yon. Ayaw ko naman iadd sa contacts ko, kasi importanteng tao lang naman ang mga naroon. Maoop s'ya kapag sinama ko number n'ya.
"Dapat ko ba s'yang tawagan? Ano naman sasabihin ko?" tanong ko sa aking sarili.
Pumikit ako at saka nag-isip.
Kung ito lang naman ang magiging solusyon para layuan na nga ako ni Dion, gagawin ko na lang. Tutal ilang oras na lang naman bago magalas-otso.
"Tama, alas-otso ako dapat umuwi—arghh!" Bigla kong nabitawan ang cellphone ko at sakto talagang tumama sa aking mukha. "Aray shuta."
Agad kong kinuha ang phone ko at laking gulat ko nang makita na nagriring na pala ito. Aksidente yatang nadutdot sa mukha ko pagkahulog.
Mabilis ko 'yong pinatay. Mabuti na lang hindi n'ya pa nasasagot, dahil kung nasagot n'ya agad—shuta talaga.
"Nagbago na isip ko, hindi na ako sasama sa kan'ya. Hindi na talaga."
"Vida! Nasa'n ka na? Luto na ang sopas!" sigaw ni Lola mula sa kusina. Kaya nagdali-dali naman akong nagpalit ng damit. Naalala ko pinagmamadali nga pala ako ni Lola.
"Sandali na lang, La!" sagot ko pabalik sa kan'ya. Binilisan ko na ang kilos ko para matulungan ko si Lola sa pagprepare ng kakainan namin.
Dinala ko ang phone ko at hindi ko na namalayang naipatong ko pala sa lamesa.
"Woaah, ang sarap mo talaga magluto, Lola Clarita," pagpuri ko sa sopas na nakahain sa harapan namin.
"Sus, binubola mo lang ako."
"E? True naman talaga, La. Kelan pa kita binola?" Totoo naman talaga ang sarap-sarap n'ya magluto.
Payak kaming natawa at nagpatuloy sa pagkain.
Actually, busog pa talaga ako. Dahil nga sa dami ng nakain ko kanina doon sa cafe na pinuntahan namin ni Dion. Pero keri pa naman. Kailangan kong kumain kasi baka magtanong si Lola hindi pa naman ako gano'n kagaling sa pagsisinungaling.
"Ahh, apo?"
"Hmm? Bakit, La?" kaagad kong tugon.
“Hindi ba may sasabihin ka sa akin? Mukhang nakakalimutan mo na yata,” sambit niya na mukhang matagal ng sabik sa ipagtatapat ko. Sa sobrang dami ba namang nangyari nitong mga nakaraan, nakalimutan ko na tuloy sabihin kay Lola. “'Yong sinabi mo sa akin na good news na pinaalam sa'yo ni Vincent.”
Tumango naman ako. “Oo, La. Limot ko lang. Dapat matagal mo na 'tong alam.”
Sumubo lang ako ng ilan pang kutsara ng sopas at uminom ng tubig bago ako nagsimulang magkwento sa kan'ya. “Actually, about 'to kay Papa, Lola.”
Nakita ko kung paano nagbago ang kan'yang ekspresyon mula sa pagiging masaya sa pagkadismaya na mukha. Nag-alinlangan tuloy ako at kinabahan kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko.
“Ano naman ang tungkol sa Papa mo?”
“Ahh... tumawag daw kasi ang Mama ni Kuya Vincent sa kan'ya. Binalita raw ni Tita Graciel na pwede raw akong sumama kay Kuya Vincent papuntang Davao para magkita kami ni Papa.”
Nito lang kasi, naassigned ang parents ni Kuya Vincent sa village na tinitirhan nila papa bilang nurses. At nakwento pa sa'kin ni Kuya na mukhang close na ang parents niya sa mga tao roon pati na rin kay papa dahil nga sa alam na nila ang tungkol sa amin dito.
“Hindi ako papayag.”
“La? Bakit naman? Namimiss ko na si Papa,” giit ko. Pero mukhang hindi n'ya lang ako pinakinggan.
“Nandito na tayo, Vida. Hindi mo na kailangan pang bumalik roon. Kung namimiss ka rin ng Papa mo, s'ya ang gagawa ng paraan para makita ka n'ya.”
Mukhang sumama yata ang loob sa akin ni Lola. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang hinanakit n'ya kay Papa.
Bigla akong nabalik sa wisyo ko nang nagring ang aking cellphone. Pati si Lola natuon rin ang atens'yon n'ya roon sa nakapatong kong phone malapit lang sa kan'ya. Pinalipat-lipat n'ya ang tingin sa akin at sa katabi ng kan'yang pinggan.
Bigla akong kinabahan. Paano kung si Dion 'yon? Shuta.
Agad kong dinakma ang phone ko pero huli na dahil naunahan ako ni Lola na kuhanin iyon. Mas lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko.
"La, sino yan?" Kabado kong tanong.
"Hindi nakaregister ang number."
"La, patingin ako. 'Wag mo 'yan sasagutin baka scammer yan," babala ko sa kan'ya. Sana talaga hindi n'ya maisipan na pindutin ang answer button.
"Hello?"
Pero hindi s'ya nakinig at sinagot talaga ang tawag. Napapikit na lang ako saka nagtabon ng mukha. Jusko, help me.
Nakinig si Lola mula sa kabilang linya, at ako naghihintay lang sa mga susunod n'yang sasabihin.
"Si Vida?" aniya.
Tumayo ako sa upuan ko. Si Dion nga talaga ang tumatawag.
"Ahh. Sige, salamat. Sasabihin ko na lang sa kan'ya." Nakangiti siyang iniabot sa akin ang cellphone.
"Sino daw, La?" mausisa kong tanong.
"Nakasimot raw ng ID mo." Agad naman akong napaisip. Oo nga, wala nga akong nahubad na ID kanina. Shuta talaga, puro kamalasan ang nangyari sa'kin ngayon. Pero ang mahalaga, hindi si Dion ang tumawag.
"Pa'no raw n'ya ibibigay ang ID ko, Lola?"
"Pupuntahan ka raw n'ya bukas sa school."
"Kilala n'ya ako? Lalaki o babae?"
"Siguro. Lalaki s'ya," sabay tayo nito. "Sige na. Ikaw na lang mag-imis at maghugas ng pinagkainan natin. Maglilista lang ako ng mga tela na ipapaorder ko bukas kay Junjun."
"Sure, La. Ako na ang bahala dito," nakangiti kong sagot sa kan'ya. Saka ito naglakad papunta sa kan'yang kwarto.
Dahil sa pagtawag ng lalaking nakasimot ng ID ko, nawala sa isip ni Lola ang napag-usapan namin. Mabuti na 'yon kasi mukhang hindi s'ya nasiyahan sa balitang sinabi ko. 'Yong good news naging bad news.
Kung sino man 'yong lalaking 'yon, baka s'ya na ang swerte ko.
[Dion's Point of View]
I can't focus writing my piece. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kahapon. I still can't believe na nakasama ko si Vida sa pagkain. Even if it's just a few hours that we're together, sapat na 'yon para hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. What more kung pumayag s'ya na samahan ako magstroll.
"You're crazy, Dion," I said to myself.
"Yes, you're crazy for real." I turned my back to Cindy. I forgot that she's here since this early morning. “I'm here kanina pa, yet you keep ignoring me," her voice sounds crying but not.
"I told you, marami akong ginagawa. Bumalik ka na lang muna sa kabilang bahay—"
"But mommy is not there. Ano'ng gagawin ko do'n mag-isa? Boredom surrounds me!" Her face looks really upset.
I took off my gaze from Cindy and stared to my pencil and notebook. Biglang may pumasok na idea sa isip ko. "Cindy."
"What?"
"Come here. Sit down beside me," tugon ko. She lifted her eyebrow but a mark of excitement is already visible to her face.
"And what are we going to do, Cole?"
"Just come here. Alisin natin ang pagka-inip mo. I know you'll have fun with this," then I smiled. Pati ako naiexcite rin sa idea na naisip ko.
When it really comes to Vida, ang dami-dami kong naiisip na magaganda at creative na bagay.
"Okay," Cindy responded. She even brushed her hair using her fingers before sitting next to me. "So, ano na ang gagawin natin?"
"Wait for me. Kukuha lang ako ng mga materials na gagamitin natin," then I stood up.
"Materials? For what?"
"Let's make an explosion box. You're good at making it, right?"
Her forehead wrinkled at hindi agad nakaimik. Mukhang nag-iisip s'ya kung ano ba ang binabalak ko. "Not really. But... if it's for you, then I'll try my best." I don't know if I am just hallucinating or what, but I saw her cheeks turned red after she said that. Pero hindi ko na 'yon pinuna.
Agad akong pumunta sa kwarto at naghanap ng mga materials like colored papers, etc. I searched for it pero wala naman akong nahanap. So, I went to Ate Sab's room. But I wasn't able to enter because it is locked.
"Cindy, let's go. Wala akong nahanap na pwede natin gamitin."
"A-are you sure? Sa'n tayo bibili?" agad s'yang lumapit sa akin.
"Sa tindahan."
I've never been like this to Cindy. 'Yong ako mismo ang mang-aakit sa kan'ya, because usually s'ya talaga ang namimilit sa akin. Kaya siguro gan'yan ang ekspresyon n'ya. She was surprised to my behavior.
Ganito yata talaga kapag in love.
We went to the nearest store of school supplies and bought the materials we needed. Si Cindy ang pumili ng halos lahat na binili namin, since s'ya naman ang babae.
After that, diretso kaming umuwi sa bahay at kaagad na sinimulan ang paggawa ng explosion box.
I am the one who cuts the colored papers, tape, and others. S'ya naman ang nagdidikit at mismong nagdedesign sa box.
...
“We’re finish! Yayy!” tuwang-tuwa si Cindy nang tingnan na naming ang result.
“This is so good. Ang galing mo talaga gumawa,” I complimented her.
“Well. But may ambag ka rin naman sa paggawa nitong explosion box, so yeah. It became more beautiful because we worked together.” I agreed to Cindy.
“Did you have fun?”
“Definitely yes. Thanks a lot, Cole. Thank you for making this day special. I really thought hindi na ako lalayuan ng boredom,” she said smiling.
Ngumiti rin naman ako pabalik. “It’s okay. Nag-enjoy rin naman ako. Isa pa, I learned a lot from you especially from making this diy box.”
She can’t look back at me.
“Anyway, hindi pa d’yan nagtatapos ang activity natin.”
“Really?” I nodded.
“What is it?” she asked with excitement in her voice. Para s’yang bata na mabibigyan ng lollipop.
Ilang segundo muna akong hindi umimik. Naimamagine ko na ang magiging reaksyon ni Cindy kapag sinabi ko na ang susunod n’yang gagawin.
I took the small red explosion box with a silver on top of it from the table and handed it to her. “You have to give this to…Vida and say the words you needed to say. Apologize to her.”
She can’t believe looking at me. Kung kanina ang saya-saya n’ya, ngayon mukha naman s’yang bata a inagawan ng lollipop.
“D*mnit! You fooled me, Cole. I thought this explosion is for you, and now you’re going to say that I should give this to that girl?”
“Cindy? What are you saying? I didn’t fool you. I just did that, para mag-enjoy ka sa paggawa nito. You think, matatapos natin ‘tong gawin kung sinabi ko kaagad that we’ll give this to Vida? Of course not, right?” Lumapit ako sa kan’ya para hawakan s’ya sa magkabilang balikat. “I just wanted to fix the issue. Gusto ko na makapanghingi ka na ng tawad sa nagawa mo sa kan’ya. Because what you did…is just unacceptable.” Her eyes welled. I didn’t shout nor said badwords to her, pero mukhang maiiyak na s’ya. And I expected it to happen. Pareho lang kami ni Cindy, masyadong sensitive.
“Nabigla lang naman, Cole. I didn’t mean it.”
“I know. Kaya nga, you should tell it to her. You have to tell that you didn’t mean to be rude and throw those words to her.” Cindy bit her lower lip and shut her eyes. She wiped her teary eyes using the back of her hand then hug me. Nagulat pa ako sa ginawa n’ya but I just let her.
“If you say so. Then, I’ll do it.”
She stayed hugging me for seconds, but I didn’t do it back. Hinintay ko lang na kumalas s’ya sa pagkakayakap sa’kin bago ko ulit s’ya kinausap.
“Maya-maya, darating na si Vida. You have to wait for her and give this explosion box. This will make her think that you are sincere to your words,” I said.
“What if she ignores me? Pa’no kung hindi n’ya ako patawarin?”
“That’s impossible. Vida is kind, I know it. She will forgive you,” nakangiti kong sabi. Sa kabila ng mga sinasabi at ginagawa sa akin ni Vida, I know may nakatagong kabutihan sa puso n’ya. Just knowing how she takes care and love her Lola, masasabi ko na talagang mabuti s’yang tao. And my guts also knew it.
Bumaba kami sa 1st floor ni Cindy at naghanda muna ng meryenda habang hinihintay na dumating si Vida.
“Mama Fely!” Patakbong lumapit si Cindy kay Manang para yakapin ito. They’re really close to each other. Though may pagkakataon at pag-uugali siya na hindi ko nagugustuhan, her loving side is what I like to her.
“Akala ko kanina ka pa nakaalis?” takang tanong ni Manang sa kan’ya.
“E? May ginawa kasi kaming box, Mama. That’s why hindi mo ako napansin,” nakangisi namang sagot ni Cindy habang nakapulupot pa rin ang braso kay Manang papalapit sa kinauupuan ko.
“Kailan pa kayo nagkaayos?”
Payak akong natawa same with Cindy.
“Mama, you know na hindi ako kayang tiisin ni Cole.
“Ah, Dion. Pwede mo ba akong tulungan dalhin sa kusina ang mga pinamili ko?” asked MAnang.
“Sure.” I helped her to get the groceries while Cindy stayed in the living room and continued watching the movie we were watching earlier.
“Wala pa ba si Vida?”
“Si Vida? Kanina pa s’ya dumating,” aniya. I stilled.
“Is that true, Manang?” How did it happen? Hindi ko man lang napansin na naroon na pala s’ya habang magkatabi naman ang kinaroroonan namin ni Cindy sa room ko na pinagpipaintan n’ya.
“Oo, kanina pa s’yang 4:30 pm dumating dahil wala raw ang teacher nila sa last subject.”
I looked at my watch. Quarter to 6 na.
Nagpaalam ako kay Manang Felicita na pupunta na ako sa taas after ko s’yang tulungan. Pero paakyat pa lang ako ng hagdan, I already saw Vida with her bag. Mukhang paalis na s’ya.
"Vida?"
Nakakunot ang noo n'ya at mukhang wala sa mood. Maybe because she saw me again. But she can't do anything about it, dahil hindi naman s'ya sumama sa'kin kahapon.
Dire-diretso s'yang naglakad at nilagpasan lang ako.
"Vida, wait." I held her wrist to stop her pero agad ko namang binitawan dahil alam ko na baka lumala ulit ang sitwasyon at magalit s'ya ng husto sa akin.
"Nagpaalam na ako kay Sir Bruce. Gagawa pa ako ng speech para bukas kaya hindi na ako pwede pa magtagal," she said with calm voice.
"Ahh, I see. B-bye," I forced a smile to her.
I watched her walk away from me. Pero hindi pa man s'ya nakakalayo, ay bigla s'yang nagsalita.
"Hindi ako magiging harsh sa'yo ngayon, Dion. Nakikiusap na ako na layuan mo na ako kung pwede. Ayoko na maging dahilan ng ikakasira ng relasyon ng iba. Inaamin ko na hate na hate kita. Pero sa ngayon, binabaan ko na ang pride ko para sabihin sa'yo na tuluyan mo na akong iwasan," she said seriously that made me astounded. I don't get what is she saying. "Kapag nagawa mo 'yon, isipin mo na lang na okay na tayo. Pipilitin ko na, na alisin ang galit ko sa'yo," then turned her back and walked out from our house.
Did she just... did she really said that? What is she talking about? Relationship? Nino?
"Tinutukoy n'ya ba ako at si Cindy? For real?"
Wtf. Is she jealous?!
Mabilis akong lumabas ng bahay at hinanap si Vida.