Chapter 17-She Likes Him?

[Vida’s Point of View]

“Ready na baa ko?” Agad kong inirapan ng sarili ko sa salamin nang marealize ko ang sinabi ko. Bakit naman ako maghahanda? Ano ‘to competition? Hindi rin naman recitation at exam, pero bakit kinakabahan ako? Pupunta lang naman ako sa bahay nila Mr. Camero.

“Kalma, Vida. Dapat sila ang kabahan dahil makikita ka nila ulit. Dapat sila ang kabagin hindi ikaw,” pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Matapos kong mag-ayos, binitbit ko na ang bag ko palabas. Kanina pag-uwi ko wala na naman si Lola sa bahay. Pero hindi dahil sa nagtatrabaho pa s’ya, kundi aattend s’ya sa birthday celebration ni Lola Anesia. Actually, invited rin nga ako kaso hindi naman ako pwede pumunta kasi may trabaho pa ako. Pinaalalahanan ko naman si Lola Clarita sa mga pinagbabawal sa kan’ya. At sana mag-enjoy s’ya roon para bawas na rin ng stress.

Nagcommute lang ako papunta sa bahay nila Mr. Camero since may group project daw sila Faye kaya hindi n’ya ulit ako maihahatid. Naiintindihan ko naman s’ya, napakarami n’ya ring priorities, hindi lang naman ako.

…

Pagdating ko doon, halos walang tao kasi si Manang Felicita lang naman ang sumalubong sa akin. Bakit? May ineexpect ka bang iba na sasalubong sa’yo, Vida? Kakaunti lang naman talaga sila dito.

Bigla akong nainis sa naisip ko. Napapadalas na yata ang aking pag-iisip ng kung anu-ano, baka need ko na yata magpacheck-up.

“Hindi ako pwede ngayon…I am not really feeling well. Next time, Ate Sab.” Rinig na rinig ko ang boses ni Dion sa labas ng kwarto na kinaroroonan ko. Kausap n’ya siguro sa telepono ang Ate n’ya. But who cares?

Maya-maya ay narinig ko na lang ang kan’yang mga yabag papunta rito, kaya naman sa ‘di malamang dahilan, bigla akong kinabahan. Inabangan ko s’ya sa pintuan. At huli na nang maisipan ko na umalis, dahil nakahakbang na s’ya papasok.

“V-Vida? You’re here?” Base sa kan’yang ekspresyon, sobra talaga s’yang nasurpresa nang makita ako. Parang nakakita lang ng ghost? Ganern?

“Malamang. Nakikita mo ako ‘diba?” sarkastiko kong sagot.

Napakamot s’ya sa kan’yang batok at agad na umalis sa harapan ko. “Ano’ng meron’don?” Ah, baka naman kinakabag dahil sa nangyari last time.

Bumalik ako sa ginagawa ko, kahit pa nacucurious ako sa behavior ni Dion. Ganoon talaga kapag gonggong.

“Vida…” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Dion na may bitbit ng dalawang bag ang parehong kamay n’ya. “I bought these yesterday. You can choose whatever you want.” Tumitig ako na magkasalubong ang kilay. Ano sa tingin n’ya ang ginagawa n’ya?

Sinilip ko ang laman ng bag at namangha ako dahil ang laman niyon ay puro art materials. Gusto ko na halungkatin isa-isa ang mga iyon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Makakabili ‘din naman ako n’yan kapag nagkapera na ako. Hindi ko kailanman ipagpapalit sa anumang materyal na bagay ang aking dignidad.

“Alam mo, dapat ipinamigay mo na lang ‘yan sa mga bata na walang kakayahan bumili. Hindi ko ‘yan kailangan,” mariin kong tugon.

“But these are- I bought these for you.”

“Nang-iinsulto ka ba?”

Umiling s’ya. “Nooo. Please don’t think bad-“

“Akala mo ba tanga ako? Kung binibigay mo ‘yan sa’kin para mabawasan ang sama ng loob ko sa inyong dalawa ng CINDY na ‘yon, p’wes nagkakamali ka. Hindi ko ibebenta ang aking pagpapatawad, kahit kanino. NEVER.” Hindi s’ya makapaniwalang tumingin sa akin. Akala niya siguro madadala n’ya ako sa paganyan-ganyan n’ya. Style mo, bulok!!

“Uhm…sorry if you think that way. Well, I am not really forcing you. If you don’t want, then it’s certainly fine with me,” sabay ngiti ng gonggong. Parang nang-aasar pa yata.

After that, hindi na n’ya ako binalikan. Hanggang sa matapos ako, walang nagpakita na Dion sa akin. Much better na rin, kasi finally natapos ko na ang outline. At siguro bukas, makakapagsimula na ako magpainting ng buong design na inisketch ko.

Walang sumundo sa akin, kaya nagcommute ulit ako pauwi. Wala akong nadatnan na tao sa apartment. Pati sila Kuya Vincent at ang Tita Virginia n’ya, hindi ko rin nakita. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Hindi yata tama ito.

Kinontact ko ang phone number ng mga taong pwede kong tawagan pero walang sumasagot. Mabuti na lang naalala ko ang name ng anak ni Lola Anesia na minsang naikwento sa akin ni Lola Clarita.

“Trina Dela Fuerte.”

Sinearch ko ito sa social media account ko at agad ko namang nahanap. Minessage ko s’ya kahit pa hindi online ang kan’yang active status, malay mo lang naman baka naka-off active status n’ya. At habang hinihintay ko s’yang magreply, muli kong binasa ang message ko sa kan’ya at doon ko lang narealize na may nauna na pala s’yang mensahe para sa akin.

“Vida, ang Lola mo sinugod naming sa hospital kasi biglang nawalan ng malay. Sana makapunta ka kaagad,” pagbasa ko sa chat n’ya.

Hindi ako nagsayang ng oras. Dali-dali akong nagpunta sa hospital sa bayan. Iisa pa lang naman ang hospital dito sa bayan namin, kung kaya sigurado ako na hindi ako maliligaw ng landas.

…

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto kung saan ako itinuro ng nurse na kinaroroonan ng Lola ko. Pagkakita ko sa kan’ya ay gising na s’ya at kinakausap ng doctor.

“Vida…” Tumayo si Kuya Vincent sa kan’yang kinauupuan. Pero hindi ko s’ya pinansin at dumiretso lang sa tabi ng kama ni Lola. “Apo??” Mukhang hindi n’ya inaasahan ang pagdating ko.

“La…” Marahan ko s’yang niyakap. “Ano na naman ito, La? Akala ko ba inaalala mo mga bilin ko sa’yo. Pasaway ka talaga, sobra,” nagiging emosyonal na ako.

“Kararating mo laang Vida. ‘Wag mo naman agad ako sermonan,” saka siya payak na tumawa. Pero hindi naman ako natawa, naiinis ako sa kan’ya eh. Pinag-alala n’ya ako ng husto.

“Sobra kaya akong kinabahan. Tapos tatawanan mo lang ako? Ano ‘to, joke?” Pinunasan ko ang luha ko na dumaloy sa aking pisnge. Sa totoo lang, labis talaga akong nag-alala kay Lola Clarita. Minsan na kasi itong nangyari sa kan’ya at ayaw ko na umabot sa punto na lumala ang sakit n’ya.

Kinausap ako ng doctor at ipinagbilin sa’kin ang dobleng pag-iingat sa mga pagkain na dapat kainin ni Lola. Bawasan rin daw ang sobrang pagtatrabaho at ang stress na hangga’t maaari ay iwasan. Pati na rin daw ang kan’yang maintenance, dapat hindi makaligtaan. Actually, ‘yan naman ang paulit-ulit na naririnig ko, sa ilang beses ba naman naming nagpapauli-uli sa hospital at center.

Ilang sandali lang din ay dumating na rin si Ate Trina na anak ni Lola Anesia. Sinabi n’ya na sila daw ni Kuya Vincent ang nagdala dito kay Lola dito sa hospital. Kinailangan lang daw n’ya umalis kanina para maasikaso ang Lola n’ya pati na rin ang ibang mga bisita doon sa kanilang bahay. Nagdala pa nga s’ya ng mga prutas para kay Lola Clarita, kaya sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kan’ya. May mga tao pa palang mabubuti ang kalooban.

“O, pa’no Vida? Kailangan ko ng umalis. May trabahao pa kasi ako bukas. Ikaw na bahala dito,” paalam ni Ate Trina. Malugod naman akong ngumiti sa kan’ya.

“Sige, ate. Mag-iingat ka. Maraming salamat ulit.”

Pagkalabas n’ya ng pintuan, ay lumabas din ako pansamantala. Natutulog na kasi si Lola, ayaw ko makalikha ng anumang ingay. Isa pa gusto ko makausap si Kuya Vincent.

Nakita ko s’yang nakaupo sa bench sa labas ng room. Nakasalpak sa magkabilang tenga n’ya ang kan’yang earphone habang kinukutinting ang cellphone n’ya.

Umupo ako sa tabi n’ya at kinuha mula sa kaliwa n’yang tainga ang kabaak ng earphone bago isinuksok sa kanan kong tainga. Lumingon s’ya sa akin.

“Lola’s asleep?”

“Mm,” tipid kong sagot. Tumikhim ako ng tawa nang mapagtanto ko na wala pala s’yang pineplay na music.

“What?” aniya. Napansin n’ya pala ang pagtawa ko shuta.

“Ah, wala. Akala ko kasi nagpapatugtog ka.”

“I’m playing music. Kaso sira kasi ‘yang part na ‘yan— it's not working. You can use this.” Iniabot n'ya sa'kin ang kabaak ng kan'yang earphone pero tinanggihan ko naman.

“Ayos lang, Kuya haha,” sabay ngiti ko sa kan'ya. At dahil maganda na ang simula ng usapan namin, kinuha ko na ang chance na ‘yon para mapasalamatan s’ya sa kan’yang ginawang pagtulong sa pinakamamahal kong Lola. “Kuya Vincent... salamat. Super bait mo talaga.”

“Tss. Hindi ako super bait.” Pareho kaming humagikhik.

“Paano mo nalaman na nahimatay si Lola? Kinontact ka ba ni Ate Trina? Pero diba, hindi nman kayo magkakilala no’n?”

Ilang sandali bago s’ya sumagot. “Actually, wala pa mang nangyayari sa kan’ya, nandoon na ako. Hindi ko agad naitikom ang bibig ko dahil sa sinabi n’ya. “Umalis kasi si Tita Virginia kasi aattend daw s’ya ng seminar. While I’m doing my assignment, naalala ko ‘yong kin’wento sa’kin ni Lola na birthday celebration na kan’yang pupuntahan. So since mag-isa lang ako sa bahay, naisipan ko sundan si Lola Clarita para mabantayan ko s’ya while you’re not with her.”

Hindi ko alam kung paano magreact sa mga nasabi sa’kin ni Kuya Vincent. Napakabuti n’ya talaga. Hindi ko alam kung paano s’ya pasasalamatan.

“Hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa ginawa mo, Kuya. Ano ba gusto mo? Ikaw na lang mag-suggest.”

“Nope. No need. I did it for that’s what I think is good. Napamahal na rin sa akin si Lola, para n’ya na akong apo. I am not wanting any return from her or even from you. Ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob ko.”’Yan ang huling mga salitang binitawan ni Kuya Vincent kanina na hanggang ngayon ay nagpapabalik-balik sa pandinig ko.

Matutulog na lang ako’t lahat, hindi pa rin s’ya mawala sa isip ko.

Mukha yatang kinikilig na ako sa kan’ya. Shutaaaa. Pigilan n’yo ‘ko.

Pero sino ba naman ang hindi kikiligin sa kan’ya? Isa s’yang lumalakad na green flag.

Malayong-malayo kay Dion.

“Argh! Ba’t ko ba s’ya biglang naisip? Kahit kailan talaga, palaging sumusulpot ang kamalasan.”

Tumayo lang ako saglit para icheck si Lola pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa paghiga at pinilit ang sarili na makatulog.