Chapter 16-Early Symptoms of Being Inlove

[Dion's Point of View]

“Sana ako’y pagbigyan ng pagkakataon na magpaliwanag

Ang iyong nasaksihan ay hindi sinasadya

Wala akong nalalaman na iyon ay mangyayari

Ako na ang humihingi ng patawad sa nagawa ni Cindy

Nagpadalus-dalos lamang s’ya sa kan'yang nadarama

At ang nagawa'y di sinasadya

Kung ako'y bibigyan mo ng pagkakataon

Na bigkasin ang mga salitang nabuo—hindi ng aking isip kundi ng puso

Humihingi ako ng kapatawaran

At iyon sana ay kaya mong maibigay.”

“Naks! Cool! Sana lahat binibigyan ng ganito hahaha. Nakakainggit naman,” ani Faye matapos n‘yang inagaw sa‘kin ang papel na mula kay Dion.

“Tss. Ano'ng nakakainggit don? Sabihin mo nakakainis. Akalain mo ba namang english, paano ko na ‘yan maiintindihan ngayon?”

Sa totoo lang hindi naman talaga naiinggit ang ekspresyon ng mukha n'ya ngayon. Parang inaasar n'ya lang talaga ako.

Hinampas n‘ya ako sa braso. “Seryoso ka ba? E basic lang naman itong mga english word na ginamit n’ya o. Ang ganda rin nga ng handwritting. Alin ang hindi mo magets?”

Hindi ako umimik bagkus ay nagpatuloy lang sa pagwawalis ng sahig. Cleaners ako ngayon at ilang beses na akong hindi nakakapagwalis kaya ako ang naiwan mag-isa dito sa classroom. Mabuti na lang dumating si Faye para tulungan ako.

“Vida, alam ko na kung ano ang di mo nagigets.” Napahinto naman ako sa ginagawa ko pagkatapos ay hinarap s’ya. “'Yang nararamdaman mo ang hindi mo naiintindihan.”

Biglang bumilis akong kinabahan sa sinabi ng bestfriend ko. Pinalo ko s'ya ng walis pero nailagan n'ya naman. “Ano'ng pinagsasabi mo d'yan?”

“Oy teka. 'Wag ka muna magreact. Ang Ibig-sabihin ko kasi, baka pinipilit mo lang ang sarili na magalit sa kan'ya—”

“Pinipilit? Kahit kailan hindi ko pinilit ang sarili ko na magalit sa isang tao. 'Yong galit ko sa kan'ya, kusa 'yon.” Nagkibit-balikat s'ya.

“O, sige na. Kalimutan mo na lang 'yong sinabi ko. By the way, alam mo na ba tungkol kay Kuya Vincent?” pagsisimula n'ya ng panibagong topic.

“Tsismosa ka talaga, Faye.”

“Ano? Hindi 'no! Sinabi lang sa'kin kanina ni Kenji, 'yong friend ko sa SNIHS kung saan nagtransfer si Kuya Vincent.” Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagwawalis.

“Ba't parang hindi ka nagulat dear?”

“Kasi alam ko na. Matagal na 'yang sinabi sa'kin ni Kuya. Actually, no'ng isang taon pa dapat kaso hindi lang natutuloy,” paliwanag ko.

Napatakip ako ng tainga nang bigla s'yang tumili. “Siraulo ka ba, Faye? Ba't bigla-bigla ka na lang tumitili?” iritang tanong ko.

“I smell something fishy, my dear. Sabi ko na nga ba, tama talaga ang hula ko.”

“Hula na ano?” mausisa kong tanong.

“Wala!! Hahahahaha,” sabay pasok nito sa cr.

Guard, may baliw dito.

...

Magkasabay kaming umuwi ni Faye after naming maglinis. Pagdating ko doon sa apartment, wala pa si Lola. Minsan nababahala na ko sa kalagayan n'ya kasi masyado na n'yang iginugugol ang oras n'ya sa pagtrabaho. Dati rati naman, kapag dumating na ang alas-tres ng hapon, nandito na s'ya sa bahay. Pero ngayon, mag-aalas sais na lang, nandoon pa rin s'ya sa sewing shop. Kailangan talaga na hindi ko na pakawalan ang trabaho ko kay Mr. Camero para makapagpahinga muna si Lola pansamantala. Bahala na kung ano pang kamalasan ang mangyari sa akin doon, ang mahalaga matapos ko 'yong mural painting. Pero ngayon, hindi muna ako makakapunta sa kanila. Medyo pagod ang katawan ko, imimessage ko na lang muna si Sir.

Nagtingin ako ng pagkain sa ref dahil bigla akong nakaramdam ng gutom kaso sa kasamaang-palad, wala akong nakuha.

Hindi pa pala ako nakakapaggrocery ulit.

“Vida!” kumaway ako nang bigla akong tinawag ni Kuya Vincent mula sa baba. Kaya naman, dali-dali akong bumaba ng hagdan para puntahan s'ya. Kagagaling n'ya lang din sa school.

“Sa'n ka pupunta?”

“Hm? Balak ko sana Kuya na bumili ng makakain, bigla kasi akong nagutom.”

“O? Okay, let's go.”

“Ha? Hindi ka pa nga nakakapagpalit ng uniform mo. Baka madumihan 'yan,” babala ko sa kan'ya.

“It's okay. Let's go? My treat.” Ngumisi ako dahil sa sinabi n'ya. Unti-unti na kaming mas close pa ni Kuya Vincent, at habang tumatagal mas lalo kong nakikilala ang tunay n'yang ugali—napakabait sobra.

Sinamahan ako ni Kuya bumili ng pizza. S'ya ang nagbayad pati ng milktea. Doon na lang din namin kinain kasi nga nagugutom na rin ako. Medyo nailang pa nga ako sa kan'ya kasi wala s'ya masyadong umiimik. Kumakain lang s'ya habang nakatingin sa kung saan. Kaya ako na ang nagsisimula ng topic para naman 'di gaanong awkward.

“Kamusta unang araw mo sa SNIHS, Kuya?”

“It's great,” maikling sagot niya.

Kumurap-kurap ako kasi hindi ko na alam ang kasunod na sasabihin. Paano ba mag-open ng magandang topic sa isang katulad ni Kuya Vincent para magtuloy-tuloy ang usapan namin?

“May friends ka na ba agad, Kuya?”

“Wala pa... pero kaaway meron na.”

“Seryoso? Sino naman 'yon?”

“H's name is Dion.” Sunod-sunod akong naubo dahil sa sinabi ni Kuya Vincent. Pakiramdam ko biglang bumara ang pagkain ko sa lalamunan.

“D-Dion? Camero ba ang surname?”

“I don't know. All I know is anak daw s'ya ng client mo, 'yon ang pakilala n'ya sa akin at s'ya rin 'yong nagbigay sa'kin ng envelope kahapon. But I didn't give it to you because I don't trust him.”

Nanlaki ang mga mata ko sa ipinagtapat ni Kuya Vincent. So, s'ya pala ang inabutan ni Dion ng sobre na 'yon? Possible din na siya ang nagtapon no'n sa basurahan.

“That's why, I threw it in the trash can,” walang ekspresyon niyang sabi.

Tompak nga ako.

Bumuntong-hininga naman ako saka sumipsip ng milktea. “Salamat, Kuya. Mabuti na lang ginawa mo 'yon. Hindi naman talaga s'ya mapagkakatiwalaan. Mas mabuti sana kung iwasan mo s'ya kahit pa schoolmate kayo. Ikaw lang ang mapapahamak kapag hindi mo s'ya nilayuan,” payo ko sa kan'ya. At kaagad naman s'yang sumang-ayon.

After naming kumain ay dumiretso na kami pauwi sa apartment. Naglakad lang kami pareho kasi malapit lang naman daw, s'ya pati ang nagsuggest. Pagdating namin, naabutan ko na naroon na si Lola pero tulog na. Hindi ko na lang muna s'ya ginising kasi alam kong pagod s'ya. Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon upang magluto at maghanda ng hapunan namin. Sakto naman nang matapos ako, ay nagising si Lola kaya sabay na rin kaming kumain.

[Dion's Point of View]

“Dion, hindi ka ba papasok ngayon sa school?” Manang Felicita askee while she's making my coffee I requested.

“Half-day lang kami ngayon, Manang. Later, mga 1 pm pa ang klase namin.”

She then put the black coffee in front of me. Nagthankyou ako sa kan'ya.

“Bakit parang bad mood ka ngayon?”

“I barely slept yesternight.”

“Hmm? Bakit naman? May problema ka ba? Kung mayroon, 'wag ka mahihiyang magkwento sa akin,” sabay hawak n'ya sa kamay ko. I really appreciate her caring side for us.

“It's about... Vida,” pasimula ko. Nakita ko naman kung gaano s'ya katutok sa akin kaya ginanahan ako na ipagpatuloy ang mga sasabihin ko sa kan'ya. “I think masama ang loob n'ya sa akin, lalo na kay Cindy. That day nang pumunta dito si Cindy, she acted rude towards Vida. Akala n'ya kasi kung ano na ang ginagawa namin.”

“Hindi mo ba sinabi sa kan'ya na ginagamot ka ni Vida?”

“No, Manang. I didn't tell her. Baka sabihin n'ya lang kina Mommy at Daddy. Besides, hindi naman s'ya marunong maniwala. Sarili n'ya lang pinaniniwalaan n'ya, hindi s'ya marunong makinig.”

“Ganoon naman talaga ang batang iyon. Hindi na nagbago.” Umupo s'ya sa tabi ko. “Nagkausap na ba kayo?”

“Ni Cindy?” Tumango s'ya. “Nope. I don't think kaya ko na s'yang kausapin.” To be honesy, I really don't know kung kailan ako papayag na makausap s'ya. I'm so pissed off.

“Si Vida?”

“Hindi pa rin, Manang. Tingin ko, wala pa s'yang balak na kausapin ako. Hindi nga s'ya dumating dito kahapon.” I think everybody could tell that I am sad right now. Cause I'm really is.

Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa labi ni Manang. My forehed creased.

“Pupunta s'ya rito mamayang hapon. Sinabi sa'kin ng Daddy Bruce mo na gabi na raw nakauwi si Vida galing sa school kung kaya hindi na s'ya nakapunta dito. Pero mamaya, sigurado nandito na 'yon.” I unconsciously pinched my nose. Hindi ko rin napigilang ngumiti. Just hearing those words from Manang that Vida would come over here, I felt so much excitement.

“Ayan, ngumingiti ka na ulit. 'Wag ka na sumimangot Dion, pumapangit ka kapag magkasalubong ang kilay mo.” Pareho kaming tumawa. Biglang gumanda ang mood ko kaya after kong magkape naisipan ko na lumabas.

I went shopping and bought some art materials for Vida. I know there's only 0. 01% possibility na tatanggapin n'ya ang mga ito, but I am not losing my hope. Para naman atleast mabawasan ko ang sama ng loob n'ya para sa akin. And I also came up with a decision na tawagan si Cindy para makapag-usap kami. Kahit pa labag sa loob ko, ginawa ko pa rin dahil ayaw ko ng lumala pa ang sitwasyon.

“I am really sorry, Cole. I didn't really mean it. I swear.” I can sense the sadness and regret on her voice.

“Yeah, I understand,” her whole face lit up.

“For real??” I nodded.

“But I am hoping na sana hindi na maulit, Cindy. Please don't just jump into conclusion without knowing the truth. I won't tell you about what's really happening with me and Vida by the time you saw us because I don't think I have to explain everything. Sana lang, matuto ka na this time. Hindi sa lahat ng oras, kaya kitang maintindihan. Hindi sa lahat ng oras kaya kong magpatawad, kaya please take this as a lesson.” Hindi s'ya makatingin sa akin kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita. “And I am asking you to do me a favor—ah no. It's not a favor because it's what you really need to do.”

“What is it?”

“Humingi ka ng tawad kay Vida.” She surprisingly looked at me.

“What?! I won't do that!”

“Cindy.” She shut her eyes a few times. I know she didn't like the idea of mine. But she must do it. She needs to do it dahil nagkamali s'ya and 'yon ang way para kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob ni Vida.

“Okay, fine,” then glared.

“M'kay. That's it. I have to go.”

“But wait.”

“Ano?” Hinintay ko s'ya na magsalita.

“Is Vida... your girlfriend?”

“It has nothing to do with you. I'm leaving.” Walang lingun-lingon ko siyang iniwan at nagmamadaling sumakay sa kotse ko.