Chapter 15-The Two Jerks
[Dion's Point of View]
"Faye?"
"Dion. B-bat ka nandito?" nauutal niyang tanong.
"Uhh," tumigil ako sandali para makapag-isip ng dapat ko ireason sa kan'ya. Sasabihin ko ba na tinapon no'ng pangit na lalaking 'yon ang letter na pinapabigay ko kay Vida?
"I just... I just want to talk to, Vida."
"Si Vida? Bakit? Ano'ng nangyari?" sunod-sunod niyang tanong.
"Well—uhm. Actually, mahabang kwento. I'll tell you once na makapag-usap na kami ni Vida."
"A, sige. Naiintindihan ko.” Napapaiwas s’yang tumingin sa akin nang nginitian ko s’ya.
“Halika na sa loob,” pag-akit n’ya sa akin. Binuksan n’ya ang gate pero s’ya ang pinauna kong makapasok bago ako.
“O, Kuya Vincent? Kanina ka pa nand’yan?” gulat na tanong ni Faye nang mapansin s’ya na nakatingin pala sa amin. So, he’s Vincent? Tss.
“Vida is resting. Kung balak n’yo s’yang kausapin, ‘wag na muna ngayon,” pag-iba n’ya sa usapan. He’s eyes were fixed on me. Hindi ako nagpatinag kaya’t nakipagtitigan rin ako sa kan’ya.
“E? Okay lang ‘yon, Kuya. Malakas ako sa bestfriend ko, wala kang dapat problemahin.”
Imbes na sagutin, basta lang n’ya kaming tinalikuran. He really is a rude!
“Ahh pasens’ya ka na Dion ha? Gano’n lang talaga si Kuya Vincent. Napakasuplado. Ang sungit-sungit. Maliban lang kay Vida, kasi close na sila ngayon.”
“Hindi ba sila magkapatid?” I curiously asked to her.
Natatawa itong nagsalita. “Hindi. Only child lang sa Vida. Si Kuya Vincent, pamangkin s’ya ng owner ng apartment na ito. “
“Really?” Tumango naman s’ya. I still have many questions in my head pero hindi ko na binanggit pa dahil baka magduda na sa akin si Faye. Umakyat kami sa second-floor kung saan daw nagistay sila Vida. The two-story building is big. Malawak ang space ng dalawang bahay. Kung sa paligid naman, Malaki tin ang space. Carabao grass ang nasa lupa at my garden rin sa harapan. Bumagay ang kulay nito sa gate ng apartment.
Pinapapasok ako ni Faye sa loob sa salas pero I resisted. Kaya pumunta na lang muna s'ya kwarto ni Vida para maconfirm kung natutulog ba talaga s'ya. And as Faye went back, sinabi n'ya na nagpapahinga nga si Vida.
"Wait mo lang, Dion. Gigisingin ko lang siya," aniya. Pero pinigilan ko s'ya at sinabi na bukas na lang kasi nagpapahinga pa s'ya. Kung gigisingin n'y pa si Vida baka mas lalong sumama ang loob n'ya sa akin.
"Sigurado ka ba? Sige, sasabihin ko na lang 'pag nagising s'ya." Ngumiti ako sa kan'ya at saka bumaba ng hagdan. Balak ko pa sana na tingnan sa basurahan ang tinapon ni Vincent na envelope ko pero hindi ko na ginawa. Baka pagtawanan n'ya lang ako.
[Vida's Point of View]
"Nakaalis na?" tanong ko kay Faye habang nakadapa dito sa aking kama.
"Yup," tipid niyang sagot.
Kanina pa lang nang magsisigaw si Dion, nagising na ako. Isa talaga s'yang malaking bwiset sa buhay ko.
Bumangon ako at uminom ng tubig.
"So, wala kang balak ikwento sa'kin ang nangyari, Vida?"
"Akala ko ba close na kayo ni Dion? Bakit hindi mo sa kan'ya pinakwento?"
"Vida?!" Humarap ako pero hindi ako tumitingin sa kan'ya. "Ano'ng nangyari?"
"Hindi na ako babalik do'n."
"Ano? Ano na naman ang reason mo?"
"Gano'n pa rin. Naiinis ako sa kan'ya."
"Ano bang klaseng dahilan 'yan, Vida?" may halo na ring inis sa kan'yang boses.
"Hindi mo kasi alam ang nangyari." Naglakad ako papunta sa salas habang patuloy lang n'ya akong sinusundan.
"Pa'no ko malalaman? Hindi mo sinasabi sakin." Dahil sa sobrang pursigido s'ya na makinig sa kwento ko at dahil sa ayaw ko rin naman na magtampo na naman s'ya, kinuwento ko na lang sa kan'ya. Pati s'ya inis na inis do'n sa babaeng bigla na lang sumulpot kanina sa bahay nila Dion. Wala naman akong nalalaman na may kapatid pa na iba sila Dion. Baka jowa n'ya yo'n.
"Grabe, dear. Hindi ko kinaya. Need natin magpalamig ng ulo. Feeling ang taas ng blood pressure ko," aniya. Ngumisi naman ako sa kan'ya.
Inantay n'ya ako na makapagligo bago kami pumunta sa kalye ng mga streetfoods malapit lang sa plaza.
After naming kumain, nagpunta naman kami sa peryahan para sumakay ng rides.
Una kaming bumili ng ticket sa carousel, sunod ay sa swan, sa vikings, sa perris wheel hanggang sa pinakaintense na octupos. Halos mahilo ako sa kakasigaw. At dahil may natira pa naman sa pera namin, naglaro na rin kami ng color games at bingo. Super nag-enjoy kaming dalawa ni Faye. Pansamantala nalimutan ko ang ginawang kawalang-hiyaan ng Cindy na 'yon.
"Aahh I love you, dearr!!" Mahigpit akong niyakap ni Faye na kinagulat ko.
“Ano'ng meron?”
“Kasi naman. Diba hindi ka mahilig sa mga gala-gala. Tapos kanina lang pinagbigyan mo 'ko. This time pinili mo 'ko kesa sa artworks mo," mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Agad ko naman s'yang piningot sa tainga.
“Arayyy!"
“Tumigil ka na d’yan, ang drama mo. Sumama ako sa’yo para mabawasan ang stress ko. Hindi dahil sa iniisip mo.”
“Harsh mo naman, dear. Hindi mo ba talaga ako mahal?”
“Hindi. No. Never.”
Nag-acting ulit s'ya na umiiyak kaya napatawa ako ng malakas. Super thankful talaga ako na friend ko ang babaysot na ito. Napapasaya n'ya ako palagi.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil Monday na at continuation na ulit ng pagpasok.
“Vida, ang aga mo ngayon a. Himala yata,” anang Lola habang nagkakape malapit sa bintana.
“Hindi naman kasi araw-araw tamad ako, La. Hahaha.”
“Teka, Vida. Mamaya 'paglabas mo, ilagay mo sa may gate ang basura natin na naroon sa labas ng pinto. Nakasegregate na 'yan lahat.”
“Sure, La. Aalis na ’ko. Bye.”
Dala-dala ko ang tatlong dalawang black garbage bag pababa ng hagdan.
After kong mailagay ang mga bag, ay naghintay na ako ng tricycle. Pero bago pa man ako makasakay, may isang maliit na envelope na nasa damuhan sa hardin ang nakaagaw ng atensyon ko.
Nagsabi ako sa driver na hintayin muna ako sandali para makuha ang envelope. Mukhang nalaglag lang sa basurahan kasi medyo madumi na s'ya. Pero kahit na gano'n may nagtulak pa rin sa'kin na kunin iyon at itabi.
“Okay na po," sabi ko sa driver nang tuluyan akong makasakay.
Hindi ako mapakalagay kaya binuksan ko na lang ang envelope. May nakuha along tinupi na papel at sinimulan itong basahin.
“Kay Dion ba 'to galing?”
Paano ko naman kaya ito maiintindihan? English tapos malalim pa ang mga word na ginamit. Tss.
[Dion's Point of View]
"Dion!” Taka akong nagtaas ng tingin sa taong nasa harapan ko.
"S-sir?" Agad akong tumayo. I forgot today's our recitation, tapos kung saan-saan lumilipad ang isip ko.
“Are you daydreaming, Dion?"
Naghagikhika naman ang mga classmate ko. "No. Sir."
"Then, sagutan mo ang nasa board. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman nakikinig. Sino ba ang umuukopa ng isip mo?"
"Si Vi—” muntik ko ng masabi ang pangalan ni Vida. Kasi si Vida naman talaga ang naiisip ko. Nagwoworry ako na baka hindi na s'ya bumalik sa amin.
“Who's that ‘Vi’?"
“Victorio, Sir!” sigaw ng Tristan. Nagkantyawan naman silang lahat na mga kaklase ko. Victorio kasi ang name ni Sir. Pati nga ako napangisi na rin.
“‘Wag mo akong bolahin, Dion. Sagutan mo na 'yong equation.”
Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa unahan. Mabuti na lang kahit papaano mayroon akong stock knowledge kaya nakasagot ako.
“Woyy Sis! Nakita n'yo ba 'yong transferee? Ang pogi n'ya shet."
"Sobra sis. Feeling ko talaga kanina malalaglag ba ang panty ko.”
“Grabe ang charm n’ya. Super nakakaattract. Tapos balita ko pa, singer daw ’yon at guitarist. Sheett!"
Halos nakakabingi lahat ng tilian at hiyawan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Lahat sila pinag-uusapan ang tungkol sa lalaking transferee.
Papunta ako ngayon sa cafeteria para kumain ng lunch.
“Sandwich lang sa'kin saka isang tubig." Nakaagaw sa'kin ng pansin ang lalaking umupo sa kabilang lamesa. He's not wearing school uniform. And I guess, s’ya ang tinutukoy mga estudyante na transferee. Magkatalikuran kami ng upo kaya hindi ko nakikita ang mukha n’ya.
“Hello po. Pwede pong magpaautograph," boses mula sa babae.
“Sorry. I don't do autographs,” sagot ng lalaking nasa likuran ko. His voice is familiar.
“Aww. It's okay po. Nice to meet you, Kuya Vincent.”
Muntik ko ng maidura ang pagkain sa bibig ko nang banggitin ng babae ang pangalan na 'yon. Si Vincent?
“How did you know my name?”
“Ah hahaha. Nakasulat po sa gitara n'yo ”
“Ah yeah.”
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumayo ako para komprontahin s'ya.
“Are you following me?” naniningkit ang mga matang tanong ko sa kan’ya.
Nagtaas s’ya ng tingin sa akin na para bang hindi s’ya nagulat sa presensya ko.
“Stop assuming,” he said in a serious tone.
“I do not assume dahil totoo naman talaga na sinusundan mo ako. Where's my envelope?”
“Envelope?”
“Give it back to me.”He smirked at nilipat ang tingin sa bag n’ya. “Diba nakita mo na kahapon ba tinapon ko 'yon. Why still asking about it?”
“You don't have the right to threw it away."
“I have. Sa binabalak mo pa lang na gusto mo 'yong ibigay kay Vida, mayroon na akong karapatan para hindi ito ibigay sa kan'ya,” aniya saka iniwan ako.
Bigla sobra akong nainis sa sinabi n’ya. I know to myself na humahanga ako kay Vida. At normal lang naman siguro na makaramdam ako ng selos lalo na sa Vincent na 'yon. Faye told me na pamangkin lang naman siya ng owner ng apartment na inuopahan ni Vida. Bakit umaasta s'ya na parang boyfriend?