Chapter 8

NANG makita ni Hara, ang kuya Hero niyang kaylapad ng pagkangiti nito habang nakikipag-usap sa isang magandang babae. Kaagad na nilapitan ito."Kuya?" aniya.

Lumingon naman ito sa kapatid pero panandalian lamang. Agad na binaling ang mata sa kausap."Your sister?" tanong ng babaeng kasama ni Hero.

"Yes, my younger sister."

"Oh, she's pretty."

"Oo naman guwapo kaya ako," buhat bangko nito.

Ngumiti ang babae."I don't think so." biro nito.

Dumikit si Hara sa kuya niya."Kuya, hindi pa ba tayo, uuwi?" aniya.

"Maaga pa naman, Hara. At saka bukas na tatayo."

"Ha? Bakit, Kuya?" parang gustong hilain ni Hara ang kapatid papalabas na ng resort.

"Overnight tayo rito, Hara," hindi man lang tinapunan ng tingin ni Hero ang kapatid.

Kinalabit ni Hara ang kapatid."Kuya, gusto ko nang umuwi."

Dito na humarap si Hero."Bakit ba na gusto mo nang umuwi ha, Hara? Di ba ang sabi mo kanina maganda rito?"

"Oo, kaso..."

"Naboboring ka, puwede ka naman lumabas para maglakad-lakad muna." Nilapit nito ang bibig sa tenga ng kapatid."Look, Hara. May nakita na akong maging sister-in-law mo, tignan mo siya di ba ang ganda niya, kaya please lang lumayo-layo ka muna sa akin ha."

Nakatingin lang naman si Rod sa mag kapatid na nag-uusap.

Gustong tumutol ni Hara sa sinabi ng kuya niya. Kaya lang wala naman siyang magawa. Alangang naman na uuwi siyang mag-isa ang layo kaya nang Batangas sa kanila. Walang sabing iniwan ni Hara ang kapatid.

"Bakit umalis na ang sister mo, Hero," tanong ng babae.

"Naboboring, gusto nang umuwi."

"Oh, baka ayaw niya ng ganitong party, she's young pa kasi."

"Sinabi mo pa, teka bakit ba siya ang pinag-uusapan natin." Tinuro ni Hero ang sarili at ang babae. Sinabi niya sa ating na lang ang pag-uusapan natin.

Ngumiti naman ang babae kay Hero at tumango.

Dumeretso sa labas si Hara, talagang kailangang niyang makasagap ng hangin. Si Harold kasi pinapainit ang ulo niya. Ulo lang ba? Abay kasama na ang katawan lupa niya.

"Hara, saan ka pupunta?" tanong ni Rod na nakasunod pala sa dalaga.

"Diyan lang, Rod. Eh, ikaw saan ka rin pupunta?"

"Well, sasama ako sa iyo whatever you go, Hara."

Tumawa si Hara."Kung uuwi ba ako sasama ka sa bahay, Rod?"

Napatawa rin si Rod."Bakit hindi? If you allow me to come with you, why not."

Napailing si Hara hindi naman siya disperada para gawin ito."Maglakad-lakad lang ako, naiingayan kasi ako sa loob."

"Oh, I see. Hindi ka party girl kung ganon, Hara?"

Tumango si Hara. Dumadalo rin siya sa mga party pero hindi pang matagalan.

Naglakad-lakad sila hanggang sa dalampasingan."Ahhh! Ang presko rito!"

"Do you like beach, Hara?"

Napataas ang kilay ni Hara sa tanong nito. Kung sasaguting ba niya na Oo Eh, bibilhan ba siya nito. Asyumera yata ang isip niya baka tinatanong nito kung gusto niyang maligo ano pa."Hindi kasi, hindi ako marunong lumangoy. Bakit mo naman natanong do you have beach resort?"

"Hindi sa pagmamayabang, Hara. Yes, we own a beach."

Oh my gulay na pinakbet. Super rich pala nitong si Rod. Weh ano gora na ba siya sa kanya?"Talaga? Wow na wow yayamanin ka pala!"

Ngumiti si Rod."Well, maybe I am blessed."

Napatitig si Hara kay Rod. Sa tingin niya guwapo naman ito, he have a nice smile. Pero, lintik na puso niya namimili yata, wala man lang kagalaw-galaw na stroke yata. Naiisip niya kung si Harold ang kaharap abay gusto yatang makipag-away sa lalaki Eh. Buhay na buhay ba."Ay mapapasana all sana ako. Kaso, I am blessed din sa family ko, hindi lang kami rich like you."

"Oh, hindi naman nakikita na mahirap kayo, Hara. I can see it the way you look, you are from wealthy family."

"Wealthy talaga eh. Ikaw ang matatawag na wealthy, Rod."

"Okay sinabi mo, eh."

Hindi nila namamalayan napapalayo na pala sila napansin ito ni Hara."Oy, Rod. Ang layo na pala natin."

"Oo nga well napasarap kasi ang kiwentuhan natin, Hara."

"Kaya nga, eh."

"So, let's run, Hara?"

"Ha teka, dehado yata ako kasi, racer ka."

Tumawa si Rod."Sasakyan lang, Hara. Hindi ako racer sa takbuhan," biglang nagbilang si Rod."One, Two, Three..." Hindi na nito nasabi ang go dahil tumakbo na si Hara."Hey Lady. You are cheating!" Sigaw niya pero tumakbo na rin.

Tawa nang tawa si Hara. Kung hindi siya mandaya hindi niya maabutan ito. Todo takbo ang ginawa niya.

Nang marating nila ang entrance ng hotel. Habol hininga ang dalawa."Madaya ka, Hara! You run faster naman pala."

Tumatawa na hinihingal si Hara."Ang bagal mo naman pala."

"Sabi ko naman sa iyo, Hara."

Habang naglalakad sila papasok sa loob, hindi maipinta ang mukha ni Harold sa nakikitang masaya na nag-uusap ang dalawa. At sa tingin niya parang nagkakaigihan na sila. Well he will not allow it na mapunta si Hara kay Rod, it is a damn no.

Pakiramdam ni Hara nanglalagkit siya, kailangan niyang maligo. Pupuntahan niya muli ang kanyang kuya Hero ."Rod, doon muna ako sa Kuya ha," paalam niya sa binata.

"Okay, Hara. I need to change may clothes, my back is wet nabasa sa pawis ko."

Tumango si Hara. At tinungo na ang kuya Hero niya.

Nang makalapit na siya sa kuyang parang nanalo sa sugal ang itsura, he smile so bright and wide."Kuya, saan tayo matutulog? Di ba sabi mo overnight tayo rito?" aniya.

"Bakit inaantok ka na ba?"

"Hindi kaya lang gusto kung maligo muna."

"Kunin mo kay Harold, iyon susi ng kuwarto natin, Hara."

Ano raw kukunin niya kay Harold, eh. Iniiwasan nga niya ito."Kuya, ikaw na lang ang kumuha sa kanya please!"

Napakunot ng noo si Hero, feeling kasi niya natatakot ang kapatid kay Harold."Natatakot ka ba sa kanya? Meron ba siyang ginawang kalukuhan sa iyo ha, Hara?!"

Kinabahan bigla si Hara sa tanong ng kuya niya. Meron nga pero hindi naman niya puwedeng sabihin ito. Kilala niya ang kanyang kuya, magwawala ito. Baka magkasakitan pa sila ni Harold kung sasabihin 'yes kuya he kiss me hindi lang isa higit pa' patay na kung ganon maghala bira ang kuya niya"Hindi naman, Kuya, nahihilo kasi ako," alibi niya.

Bumaling si Hero sa babaeng kausap."Neri, maiwan muna kita, samahan ko lang ang kapatid ko."

Ngumiti ang babae."Okay, Hero. Take your time."

Tinungo nila ang lamesang kinauupuan nila kaso wala si Harold tinanong ni Hero si Farrah."Nasaan si Harold, Farrah?"

"I don't no, bigla na lang siyang umalis, bakit mo ba siya hinahanap?"

"Ah, kukunin ko lang sa kanya ang susi ng room namin."

"Oh, that. Kunin na lang ninyo sa counter deck. Sabihin mo lang mo lang ang pangalan mo they give your key."

”Oh, thank you, Farrah." hindi na ito umimik kaya umalis na sila.

Pagkatapos makuha ni Hero ang susi binigay agad kay Hara ito."Bababa ka pa ba mamaya?" tanong nito.

"Oo, Kuya. Kakain uli medyo nagugutom ako."

"Sige umakyat ka na."

Kaagad na tinungo ni Hara ang kanilang kuwarto. Pagpasok niya sa loob."Wow, ang ganda naman," sambit niya. Napatingin siya sa kama at gustong-gusto niyang tumalon dito. Pinigilan niya ang sarili pumasok siya sa banyo para maligo.

Sa sandali naman iyon naliligo rin si Harold, nang makita niya kanina na magkasama sina Hara at Rod. He feels so jealous and angry. Kaya naisipan niyang umakyat muna upang maligo to refresh him mind and body. When he finished he dry himself at nagsuot lang ng roba then nahiga na sa kama.

Sa kinaroroon ni Hara sa loob ng banyo habang siya ay nagkukuskos sa katawan pumasok sa isipan ang kanta ng K-pop girls group na Blackpink na Kill This Love. Hara make her own version. Yeah, yeah, yeah. Hara, in your area. yeah, yeah. Woah! Wala. kang magagawa kong ayoko sa iyo. Yeah, yeah. Kahit na guwapo ka pa' kay lakas nang tawa ni Hara sa sinasabi niya."Hay ano ba iyan naloloka na yata ako." tinapos na niya ang paliligo aba nakagagawa siya ng kanta na sintunado eh. Nag suot muna siya ng roba habang hinihintay na matuyo ang nilabhan panty. Huminga muna siya sa kama, hindi naman siya inantok. Nakakaboring din pala pag mag-isa ka. Tumayo siya tinungo ang balkunahe pagbukas sa sledding door."Ahhh! Ang lamig." Sigaw niya.

Napakunot ng noo si Harold sa narinig niyang boses mula sa labas. Bumangon siya tinungo ang balkunahe.

Yakap ni Hara ang sarili habang nakatanaw sa madilim na karagatan pero maririnig mo ang mga alon na humahampas sa dalampasingang.

"Oh, you are here, sweetheart?"

Namilog ang mata ni Hara. Well kilalang-kilala na niya kung sino ang may-ari ng boses nang nagsalita. Pinipigilan ni Hara ang ulo na huwag tumingin sa kanan niya kung minamalas nga naman siya akalain mong magkatabi ang kuwarto nila. Sa tingin niya sinadya yata nito.

"Oh, I think I see a ghost. Hindi yata ako naririnig." sambit muli ni Harold.

Putik multo raw siya? Sa inis niya humarap siya rito."Oo andito ako, dahil wala ako roon," pamimilosopo niya tuloy.

Napatawa si Harold ng malakas sa sinabi ni Hara."You know what, sweetheart. I think I already like you, dahil napapatawa mo ako."

Ano raw napapatawa niya ito anong akala nito sa kanya siya Joker na nagpapatawa."Oh, really. But I don't like you!" Inirapan niya ito sabay pasok na sa loob.

Harold still laughing."You are so cute, Hara." Pumasok narin siya sa loob. Hindi para huminga muli sa kama kundi para lumabas.