Chapter 2

NAKASIMANGOT si Hara na bumalik sa lamesa nila."Oh, bat ganyan ang mukha mo, ha may nang away ba sa iyo?" tanong kanyang ate.

"Paano kasi, iyon kaibigan ni Kuya. Nakakainis talaga ang babaeng kasama!" Teka lang bakit sa babaeng kasama nito siya naiinis di ba dapat doon sa lalaki? Dahil sa ginawa nito kanina he's so close to her.

Napakunot ng noo si Harley sa sinabi ng kapatid. Teka parang nagseselos ito. Oh no maging karibal pa yata ito."So, kung nakakainis ito. Bakit ganyan ka kung mag-reach? Asyuming lang ang peg mo ha, Hara?"

"Ate, naman. Ah basta naiirita ako sa kanya period!"

"Type mo siya ano?" si Harold ang tinitukoy nito.

"Ate, no way cham ang gano'n mukha babaero mahilig sa babae!" Teka lang ano ba itong pinag-sasasabi niya shet naman takteng lalaki kasi iyon eh. Bigla siyang na bad mood tinawag pa kasi nitong young lady eh. Kahit yata mainip ang soup hindi na nahalata ni Hara ito dahil sa inis.

Napatawa ang ate niya."Cham ka diyan, hoy Hara, huwag kang ganyan baka mahulog ka sa sinabi nilang the more you hate, the more you love."

"It is a big no, Ate!" Pinanglakihan pa niya ng mata ito.

"Cham sinabi mo eh. Tutal ganyan ka kung mag-react. Para kang asawang nagseselos. Then I will gave him to you. I surrender."

Muntik ng maibuga ni Hara ang soup na nasa bibig. Ano raw? Asawa at ibibigay sa kanya ito. Kaloka naman din ang ate niyang ito. Aba super supportive."Ate, ang lakas mo naman maka-joke," napatawa siya ng peke.

"Oh, ano tapos ka na, Hara?" tanong ng ina galing ito sa restroom pati ang ama.

Napatingin si Hara sa hilera ng dessert, gusto pa sana niya ito kaso andoon ang dalawa."Tapos na po Ma."

"Okay, let's go. Kailangan na namin ng Papa mo na magpahinga."

Tumayo na sila."Oh, nasaan si Hero?" tanong ng ama nila.

Nagpalinga-linga si Hara, nakita ang kuya galing sa restroom. Kaso huminto ito sa lamesa kinakainan ng kaibigan si Harold."Hayon si Kuya, Pa, Ma." Nguso niya ang nagturo.

"Puntahan mo siya Hara, sabihin mong uuwi na tayo, sa labas na kami maghintay sa inyo."

"Ako po, Pa?" Tinuro pa niya ang sarili.

"Ayaw mo ako na lang, Hara." Agap na sabi ng kanyang ate.

Aba umeeksena pa yata ang ate niya akala ba niya surrender na ito. Hahakbang na sana ang ate niya."Ate, ako na masbata ang dapat na gagawa nito." Agad na siyang humakbang patungo sa kuya niya.

Napailing na napangiti si Harley. Sa tingin niya may crush ang kapatid kay Harold. Well hindi maitatanggi na malakas ang sex appeal ng lalaki.

Pagkalapit ni Hara sa kapatid."Kuya, tara na naghihintay na sina Mama, at Papa, sa labas."

"Hi, young lady," nakangiting bati ni Harold sa kanya.

Hindi pinansin ni Hara ito. Aba akala mo naman close sila."Kuya?"

"Oo na, Harold. Mauna na kami."

"Sige, Hero. Let's hang up another day."

"Okay, asahan ko iyan Harold, bye."

Aba itong kuya niya parang girlfriend kung makapaalam eh. Parang inlove na inlove sa Harold na ito kulang na lang ang halikan para maghiwalay na. Humakbang na siya para sumunod sa magulang na nasa labas na.

"Bye, young lady, goodnight" habol ni Harold.

Lokong ito nagpapapansin ba sa kanya may pa goodnight. Goodnight pang sinasabi. Hindi na nga niya pinapansin."Hara, bye raw sabi ni Harold," sabi ng kuya niya.

Abay paki ba niya. Humarap siya rito at nakita ang mata ng babaeng kasama nito. Naniningkit ito parang gusto siyang sabunutan eh. Kaloka kasi ang Harold na ito harap-harapan gustong makipag-flirting."Bye, Kuya Harold. Enjoy ha!" aniya at mabilis na naglakad papalayo.

Ngiting-ngiti naman si Harold sa sinabi ni Hara sa kanya. Well she's so cute lalo na kung naasar ito. Kanina ng tinawag niyang young lady ito alam niyang ayaw nitong matawag ng ganon. Pero gusto niyang tawaging ito ng ganon para mapansin siya ng babae epektib naman.

Lumipas ang isang araw. Sinamahan ni Hara ang ina na mag-grocery. Pag-uwi nila pagpasok sa loob ng bahay."Hi, Tita, Hi young lady." Bati ni Harold sa kanila at lumapit ito."I help you, Tita." Kinuha ang bitbit ng ginang.

"Oh, Harold. Mabuti naman at nakapasyal ka? Sa kusina na lang ang mga iyan."

"Oo, Tita. May gagawin kasi kami ni Hero today." Tinungo nila ang kusina.

Hindi magawang ihakbang ni Hara ang paa para sundan ang ina at si Harold. Anong ginagawa ng lalaking ito sa bahay nila?

"Hoy! Hara, may glue ba diyan sa inaapakan mo ha. At ng hindi kana makaalis diyan. Parang nakita mo si crush mo eh. We di nga crush mo si Harold?" deretsong turan ng kanyang kuya.

Namilog ang mata ni Hara sa tinuran ng kapatid."Kuya, ano bang pinagsasasabi mo." Napatingin siya sa may kusina."Baka narinig niya ang sinabi mo. Paniwala pa siya sa iyo. No way crush ka diyan."

"Anong masama roon crush lang naman, Hara. Every young woman and young men has a crush. Sabi nga ng mga kabataan nang-aaral ng high school noon crush is paghanga at ispirasyon hanggang doon lang iyon, I am right?"

Heto na naman ang young lady na words. She hate that dahil hindi na siya dalagita. Kundi Dalagang-dalaga na siya."Kuya, nakaupo ka lang diyan hindi mo ba ako tutulungan. Mabuti pa ang ibang tao marunong tumulong, Eh. Kadugo tamad!" sermon tuloy niya sa kuya.

Tamang bumalik si Harold sa sala. Akala ni Hara, uupo na ito sa tabi ng kuya. But she's wrong lumapit ito sa kanya."Akin na iyan." Kinuha ang bitbit niya. Aayaw pa ba siya binigay niya ang dalawang hawak na supot.

Tinungo muli ni Harold ang kusina. Sununod si Hara sa binata ng tumapat siya sa kinauupuan ng kuya."Young lady, hold your heart, baka tumalbog papalabas, sige ka sasaluhin ni Harold ito," pang-aasar ni Hero sa kapatid.

"Tseee! Tamad!" tugon ni Hara.

Tawa ng tawa ang kanyang kuya. Masarap lang kasing asarin ang kapatid. She's cute pag naaasar na.

"Harold, dito ka na kumain ng hapunan ha," anyaya ng ginang.

"Kung okay lang sa inyo, Tita." tugon nito pero ang tingin nakay Hara.

Hara did not like what her mother said. Makakasalo niya ito parang nakakailang. Tumingin siya sa ina. Tingin may pagtutol.

"Oo, naman. Lahat ng kaibigan ng mga Anak ko, welcome na welcome silang lahat dito sa bahay di ba, Hara?"

Ang ina talaga eh. Alangan naman sasagot siya ng hindi."Ha? O... o naman," buset bakit siya nabubulol.

"Tulungan mo akong maghanda ng lulutuin natin, Hara."

"Sige, Ma. Akyat muna ako sa kuwarto ko maaga pa naman eh."

"Sige, Hara. Tatawaging na lang kita mamaya."

"Tita, kay Hero, muna ako."

Tumango ang ginang kay Harold.

Lumabas na si Hara sa kusina nakasunod naman si Harold sa dalaga.

Harold look Hara back. And he's smiling. Masasabi niyang maganda ang hubog ng katawan nito kita naman kahit naka jeans at t-shirt na hapit sa katawan. Her butt hmm para sa kanya perfect. Even her legs just nice. He admitted he had a crush on her. Ang cute kasi nito she so look young sa idad na bente dos. She look like sixteen years old.

Nararamdaman naman ni Hara na tila may matang nakatutok sa likod. Bigla siyang humarap sa binata. At nakita ang ngiti nito sa labi. Pinaglakihan niya ito ng mata. May pagkamanyakis yata ito. Pero aminin niya guwapo talaga nito lalo pa't nakangiti kainis lang eh.

Lalong ngumiti si Harold. Ngiting iyon bang pag ang crush mo ngingitian mo sigurado she will crush you back.

Nag-iba ang timpla ng puso ni Hara, kanina kalamdo ito pero ngayon pipitik-pitik ito. Ang putik na ngiti kasi nito eh. Nakaka heart attack ba. Bago pa siya mangisay nagmamadaling umakyat na si Hara sa taas.

Naging masaya ang kanilang hapunan ng gabing iyon. Like they are complete and happy family together. At dito nag-umpisa na lagi na lang si Harold sa bahay nila Hara.