Kabanata 17
Hindi pa man tuluyang nakakapasok sina Xiara at Eunice sa opisina ng doktor ay pinigilan na sila ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na sumbrero na sinamahan pa ng itim na T-shirt at maong. Sa paraan nang pagkakatayo nito ay halatang kanina pa siya naghihintay.
"What took you so long, Xiara? Hindi mo ba alam na kanina pa akong 1 p. m. dumating rito? Let's go. Siguradong naiinip na si Dad sa loob. May binigay naman sa iyong schedule pero mukhang hindi mo pinansin," biglaang sabi ng lalaki.
Mabilis siyang lumapit sa dalaga at walang pagdadalawang-isip na kinuha ang kanang kamay nito. Akmang hahatakin na niya papasok sa loob si Xiara nang pumagitna sa kanila si Eunice.
"At sino ka namang lalaki ka? Are you one of her stalkers? Sandali lang. I will give you a chance to get out of here. If you move out of our way, I won't call the police. Bitawan mo na siya," mariing sabi ni Eunice.
Mabilis niyang tinanggal ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kamay ni Xiara. Nang magtagumpay ay kaagad niyang hinatak ang kaibigan. Muli siyang tumingin sa lalaki at nginitian ito.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Don't worry, I won't tell anyone what you did to my friend. Go ahead. Get out of here. Kung gusto mo ng autograph ng kaibigan ko, bibigyan ka niya pagkatapos ng appointment niya rito," dagdag pang sabi ni Eunice.
Bahagya niya ring tinamaan ang balikat ng lalaki nang malampasan nila. Akmang pipihitin na ni Eunice ang pintuan nang muling bawiin ng lalaki ang kamay ni Xiara.
"Seriously? Hindi ako stalker niya. Ikaw, sino ka ba? Manager or PA? Bakit kasi nagsama ka pa ng PA? Nangingialam pa. Whatever. Bahala ka na sa gusto mong isipin. Xiara, tara na," may diin na sabi ng lalaki bago hatakin ang dalaga.
Hindi naman nagpatalo si Eunice at malakas na hinatak ang braso ng kaibigan. Pareho nilang hinahatak ang magkabilang braso ni Xiara at hindi na ito makayanan ng dalaga kaya mabilis siyang sumigaw para awatin ang dalawa.
"Leo! Eunice! Enough! Nasasaktan ako, ano ba! Can't you stop fighting? And especially in front of me? Bahala nga akro riyan," naiinis na sigaw ni Xiara.
Buong lakas niyang hinatak ang dalawang braso niya at hindi naman siya nahirapang gawin iyon. Pagkatapos nito ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng opisina at hindi na hinintay pa ang mga kasama.
"I'm really sorry for being late. Ang dami kasing nangyari. Sana hindi ko kayo gaanong naabala," humihingi ng pasensya na sabi ni Xiara pagpasok sa loob.
Ngumiti sa kaniya ang doktor at bahagya pang itinuro ang upuan sa harapan niya.
"Do not worry. I'm not busy this afternoon, so I don't mind waiting for you. Come, and take a seat. Marami tayong pag-uusapan," kalmadong sabi nito sa kaniya.
Naintindihan naman ni Xiara ang gusto nitong sabihin kaya hindi na siya nagdalawang-isip na umupo. Muli siyang ngumiti kaya na sobra na siyang nahihiya dahil pinaghintay niya ito nang matagal.
"Where's Leo? Did you see him when you were walking to my office? Hindi tayo makapagsisimula hangga't wala siya rito. Nasaan na ba ang batang 'yon? Sinabi ko naman na agahan ang pagpunta rito," nagtatakang sabi ng doktor.
Bahagya namang lumingon si Xiara sa pintuan pero hindi pa rin pumapasok sina Eunice at Leo. Nagtataka man siya kung anong nangyayari pero hindi na niya ito inalala pa. Masakit pa rin ang magkabilang braso niya hanggang ngayon.
"What the hell is wrong with you? Sinabi ko na sa iyong hindi ako stalker. Sige, tumawag ka ng guard. Tingnan natin kung sino ang mas paniniwalaan nila."
"Manyakis ka 'no? Kaya siguro inabangan mo kami rito. Don't even think about touching me. You pervert! Guard! Help me! Ano ba? Huwag mo sabi akong hawakan!"
"Shut your fucking mouth! Nakakarindi 'yang boses mo."
Kaagad na napatayo sina Xiara at ang doktor nang marinig ang mga sigawan sa labas ng opisina. Naabutan nilang nagsisigawan sina Eunice at Leo. Hindi naman nag-atubili ang doktor na awatin ang dalawa kaya agad siyang pumagitna.
"Will you both stop? Don't you know that you're in the hospital? Maraming mga pasyente rito ang nagpapahinga. Please have some respect and manners. Kung magsigawan kayo, para kayong nasa palengke," pag-aawat ng doktor at mabilis na hinatak ang braso ni Leo.
Hinatak niya ito papasok sa opisina at kaagad din namang sumunod si Xiara na hawak ngayon ang kaliwang kamay ng kaibigan. Nanatili silang tahimik hanggang sa makaupo sa couch. Hinihintay nila ang sermon ng doktor na ngayon ay nagpipigil ng galit.
"What is this behavior, Leo? You should be the one to stop this from happening. Kung makasigaw ka, para kang hindi tinuruang rumespeto. Hindi dahil anak ka ng may-ari ng ospital na ito ay p'wede mo nang gawin lahat ng pumasok sa isip mo," nagpipigil na sabi ng doktor.
Yumuko naman si Leo at mahinang humingi ng tawad sa tatay niya. Samantala, hindi makapaniwala si Eunice sa narinig niya. Mabilis niyang kinalabit si Xiara ang mahinang bumulong rito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na anak pala siya ng may-ari ng ospital? Gosh! This is so embarassing. Kung ano-ano pang sinabi ko kanina. Mayenna, p'wede bang umalis na tayo? Sa ibang araw ka na lang magpa-schedule ng appointment," nahihiyang sabi niya.
Pinatigil naman siya ni Xiara at sinabing makinig sa doktor. Wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang manahimik at makaramdam ng sobrang kahihiyan dahil sa pinaggagawa niya.
"Ako na po ang hihingi ng pasensya sa kanila. Can we just move on to what's important now? Why did you text me about this appointment out of the blue? Saka bakit kailangan na kasama pa si Leo? Anong kinalaman niya?" nagtatakang tanong ni Xiara.
Kaagad namang nakuha ni Xiara ang atensyon ng doktor kaya mabilis itong bumalik sa upuan niya.
"Pasensya na at medyo nawala ako. The reason why I invited you here is to discuss this matter. At kayong dalawa ni Leo ang priority rito. We will talk about some things about your moving into Leo's condo," mabilis na sabi ng doktor.
Kaagad namang napatayo mula sa pagkakaupo si Xiara dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan na ito ang pag-uusapan nila kaya siya pinapunta rito. Ang buong akala niya ay may importante itong sasabihin tungkol sa sakit niya.
"W-What? You must be kidding me. Wala pa naman akong desisyon tungkol sa bagay na iyan. Okay na ako sa ganitong set-up namin ni Leo. Hindi naman na kailangan pang sa bahay niya tumira," pagpapaliwanag ni Xiara.
Sinenyasan siya ng doktor na umupo kaya kahit nagtataka pa rin siya sa gusto nitong mangyari ay sumunod siya. Gusto niyang maintindihan ang gustong ipunto ng doktor kung bakit kailangan itong gawin.
"Nasubukan niyo na namang magsama sa iisang bubong kagabi. Isa pa, nakikita ko na ang progress kay Leo simula noong magsama kayong dalawa. Please, think about this, Xiara. Maganda na rin na may kasama ka sa bahay kung sakaling umatake ang sakit mo," pagpapaliwang pa niya.
Sa pagkakataong ito ay sabay na napatayo sina Leo at Eunice. Hindi nila inaasahan ang sinabi nito.
"H-How did you know that?" hindi makapaniwalang tanong ni Leo.
Bahagya pa siyang tumingon sa kinauupuan ni Xiara subalit hindi siya nito binalingan ng tingin. Napasabunot na lang si Leo ng buhok niya dahil sa nararamdamang inis ngayon.
"Bakit? Hindi ba nabanggit sa iyo ni Xiara na dumaan ako sa condo unit mo kagabi? Mukha pa nga siyang masaya na magkasama kayo," muling tanong ng doktor.
Kulang na lang ay isubsob ni Xiara ang ulo niya sa couch at takpan ang magkabilang tainga niya nang sa gayon ay wala siyang marinig. Ang buong akala niya ay magagawa niyang pagkatiwalaan ang doktor pero nagkamali siya.
"T-Totoo ba ito, Xiara? Kaya wala ka sa unit mo kanina dahil sa unit ng lalaking ito ka natulog at nagpalipas ng gabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Eunice sa kaibigan.
Tumango na lamang si Xiara dahil alam niyang wala na siyang lusot. Inihanda na rin niya ang sarili dahil siguradong sesermonan ulit siya ng kaibigan.
"Ikaw talagang babaita ka! Did you really think at all? What if this person is planning something bad for you? Paano ka na lang? Gosh! Hindi ko na alam ang gagawin sa iyo," naiinis na sabi ni Eunice.