Kabanata 16

Tahimik na nakikinig si Xiara sa mga sermon sa kaniya ng babae. Hindi siya makatingin nang diretso rito dahil alam niyang wala siyang laban. Walang magagawa ang pagpapaliwanag niya sa pagkakataong ito.

"So, tell me, Mayenna. Kailan ka pa nagsimulang maglihim sa akin? I am so worried about you. I've been expecting a text or phone call from you. Pero anong napala ko?" naiinis na bulalas nito kay Xiara.

Bahagya pa itong nagpabalik-balik ng lakad habang sinasabunutan ang sarili niya. Halata sa boses niya ang sobrang pag-aalala para kay Xiara. Sa ikinikilos niya pa lang ay malalaman na kaagad na importante sa kaniya ang dalaga.

"Look, I-I'm sorry. Hindi ko naman gustong itago sa iyo. S-Sasabihin ko naman talaga. I am just waiting for the perfect timing. R-Relax, okay?" mahinang sabi ni Xiara.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at dahan-dahang lumapit sa babaeng nasa harapan niya. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito nang mahigpit. Naiintindihan niya na naiinis ito dahil nag-aalala sa kaniya.

"You really love me, don't you? Sasabihin ko na kaagad sa iyo sa susunod. But don't worry, I am completely fine right now. There is nothing to worry about," paniniguradong sabi ni Xiara habang yakap ang babae.

Unti-unti naman itong kumalma at mabilis na niyakap pabalik si Xiara. Hindi na niya napigilan ang sarili na mapaiyak dahil sa sobrang pag-aalala para rito.

"Halos mabaliw ako noong nalaman ko na isinugod ka sa ospital. Nasa Cebu ako no'n, pero umuwi kaagad ako rito para puntahan ka. Pero pagdating ko, wala ka na raw. Hindi ko na alam ang gagawin ko no'n," mahinang sabi niya habang humihikbi.

Makalipas ang ilang minuto ay ang babae na mismo ang kumalas sa yakap. Muli niyang hinarap si Xiara at nag-aalala itong tiningnan.

"Kahit na nagtatampo ako sa iyo, wala na akong magagawa. Kaya kahit anong tigas ng ulo mo ay iintindihin pa rin kita. You are the only best friend I have. We're against the rest of the world, right?" nakangiting sabi nito.

Hindi mapigilan ni Xiara na mapangiti. Pakiramdam niya ay isa siya sa masuwerteng tao sa mundo dahil nakilala niya ang babaeng kasama ngayon. Ang taong palaging nasa tabi niya at hindi kailan man ipinaramdam na nag-iisa siya.

"I am too lucky to have you. Sometimes, I can't thank God enough for bringing us together. Eunice, you were always there for me. Thank you," nakangiting pasasalamat niya rito at muling niyakap.

Natawa na lang si Eunice bago hawakan ang magkabilang pisngi ni Xiara. Sobra ang pagmamahal niya para sa kaibigan na para bang kapatid na niya ito.

"Kamusta ka naman? Saan ka pumunta kagabi? Lagi mo na lang akong pinag-aalala. Didn't you care about me?" mabilis na tanong niya kay Xiara.

Nagkunwari pa itong nalulungkot pero sa halip na maawa si Xiara ay kaagad niyang inakbayan ang kaibigan. Pumunta sila sa kusina at hindi nga nagkamali ang dalaga. May pagkain na nakahain na para bang naghihintay sa pagdating niya.

"You are so sweet! You really do know how to make me happy, don't you? Kaya sa iyo ako! The best ka talaga, Eunice! This feels like heaven. Gosh! All of my favorite foods are here," hindi makapaniwalang sabi ni Xiara.

Natawa na lang si Eunice habang pinagmamasdan ang kaibigan. Masaya siya dahil nakikita niyang masaya si Xiara. Hindi niya lang maiwasang na makaramdam ng lungkot dahil sa kondisyon nito ngayon.

"Ubusin mo lahat 'yan. Ipinagluto talaga kita kaya dapat walang matitira. Umupo ka na riyan at hayaan mo na pagsilbihan kita. I'll do what you want. Suit yourself," nakangiting sabi ni Eunice.

Pinaupo na niya si Xiara at mabilis naman itong kumuha ng kanin. Pinipilit naman ni Eunice na magpakatatag dahil alam niyang hindi gugustuhin ni Xiara na nanghihina siya dahil rito.

"What are you waiting for? C'mon, let's eat. Masyado itong marami para maubos ko. Tara na. Minsan na nga lang tayo magsama," pangangatuwiran pa ni Xiara kaya napilitan si Eunice na umupo.

Masaya silang kumakain nang bigla tumunog ang cellphone ni Xiara na nakapatong sa lamesa. Mabilis na hinablot ni Xiara ang cellphone pero kaagad na hinatak ni Eunice ang kamay niya. Mariin itong tumingin sa kaniya nang may pagtataka.

"Sino 'yan? I know you, Xiara. Something is up with the way you look. I'm sure of that. Tell me. Who is it?' nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

Hindi naman sumagot si Xiara sa itinatanong sa kaniya ni Eunice. Mabilis niyang hinatak ang kamay niya at nagtagumpay naman siyang mabawi ito. Kaagad niyang tiningnan kung kanino nanggaling ang message.

"Akala ko ba, hindi ka na maglilihim sa akin? Xiara, this is not you. You have never broken your own promises before. Nakakatampo ka na," mahinang sabi ni Eunice.

Kaagad na nabasa ni Xiara ang text mula sa doktor niya. May appointment siya ngayon at kailangan niyang pumunta sa ospital ng 2pm.

"Ito naman, nagtatampo kaagad. Here. Read as much as you want. Tiningnan ko lang dahil baka random number lang ang nagpadala ng message," pagpapaliwanag ni Xiara matapos iabot sa kaibigan ang cellphone niya.

Hindi naman nagdalawang-isip si Eunice at mabilis na tinanggap ang cellphone. Tahimik niyang binasa ang message bago tumingin sa wall clock na nakasabit sa pader. Napatayo siya nang makita na alas-una na ng hapon.

"Ikaw talagang babaita ka! Bilisan mo na riyan. You need to be there on time. Wait. Where is your car key? I will drive you to the hospital. Nakakahiya sa doktor mo kapag late tayo," nababahalang sabi niya kay Xiara.

Kaagad namang umiling anag dalaga na siyang ipinagtataka ni Eunice. Hindi niya maintindihan kung bakit ang kalmado lang ni Xiara na para bang wala itong importanteng pupuntahan. Hindi man lamang ito nag-alala na baka mahuli sila ng punta sa ospital.

"My car is not here, so the keys are useless. Relax, Eunice. Kilala ko na 'yung doktor ko. He wouldn't be upset if I wasn't there on time. Kumalma ka lang. Just let me finish what's on my plate," paliwanag ni Xiara.

Hindi makapaniwala si Eunice sa isinagot sa kaniya ng kaibigan. gusto pa sana niya itong tanungin pero muling bumalik si Xiara sa pagkain. Hinintay niya na lang itong matapos bago tulungang magligpit.

"Ako na ang maghuhugas. Just change your clothes and fix yourself. Kotse ko na lang ang gamitin natin papunta sa ospital. Hurry up, Xiara! 2pm na," mariing giit ni Eunice bago kuhanin ang plato at simulang hugasan.

Wala nang nagawa pa si Xiara kung hindi ang sumunod. Mabilis siyang pumasok sa kuwarto niya para mag-shower sandali at magpalit ng damit. Labinlimang minuto lang ang nakalipas at lumabas na rin siya sa kuwarto.

"Let's go. Sinasabi ko sa iyo, pagagalitan ka ng doktor mo. Late ka nas a appointment niyo. Sakit ka talaga sa ulo, Xiara!" naiinis na bulalas ni Eunice.

Nagmamadali silang pumunta sa parking lot para pumunta sa sasakyan ni Eunice. Hindi naman sila nahirapan na hanapin dahil nasa bungad lang ito. Hindi na nagdalawang-isip si Xiara na sumakay sa kotse dahil wala ang sasakyan niya ngayon.

"Relax, Eunice. Bakit parang mukhang ikaw ba ang may appointment sa ating dalawa? We do not need to hurry. Maiintindihan anman ng dokto ko kung mahuhuli tayo ng dating," pagpapaliwanag ni Xiara.

Hindi naman siya pinakinggan ng kaibigan. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan nang sa gayon ay makarating na kaagad sila sa ospital.

"Ewan ko sa iyo. If that's what you want to believe, I will not condemn you. Basta ihahatid kita sa ospital kahit na anong mangyari. Right now, our top priority is your health," matatag na sabi ni Eunice.

Hindi na sumagot pa si Xiara at hinayaan na alng ang kaibigan. Alam niyang desidido na ito kaya wala na siyang magagawa. May punto rin naman ito. Kahit na anong mangyari ay kailangan niyang maging malakas at matatag.

"Trust me. Everything will be all right. You have me. I won't let you fight by yourself. We will get through this together," dagdag pa ni Eunice na siyang lalong nagpagaan ng loob ni Xiara.