Kabanata 15
Kaagad na nagmulat ng mga mata si Xiara nang maramdaman niyang may naglalakad sa paligid. Unti-unti niya itong tiningnan at nakita niya si Leo na katatapos lang mag-shower. Kaagad na nanlaki ang mata ng dalaga.
"What's wrong with you, Leo? Gosh! B-Bakit ka naglalakad sa kuwarto nang topless?" hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki.
Mabilis siya napaupo nang dahil dito at kinuha ang kumot para ipangtakip sa mukha niya. Nagtataka naman si Leo dahil sa inasal ng dalaga. Ang buong akala niya pa kanina ay natutulog ito.
"What? Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko? This is where I live. Isa pa, palagi akong walang damit sa tuwing pupunta sa shower room. You reacted too much, Xiara," pagpapaliwanag ni Leo.
Bahagya pa siyang naglakad papalapit sa dalaga kaya mas lalong niyakap ni Xiara ang kumot at pilit na itinatago ang sarili.
"Don't come near me. I do understand that this is your room and you can do whatever you want inside it. Pero Leo, may babae kang bisita. Isang topless guy paggising ko? Gosh! You really freaked me out," mariing giit ni Xiara.
Hindi makapaniwalang nagkibit-balikat na lang si Leo. Bumalik siya sa closet niya para kumuha ng damit para makapagbihis na. Muli siyang bumaling sa dalagang nagtalukbong ng kumot bago bumalik sa shower room.
"Relax, Xiara. I will not do something to you. Magbibihis lang ako sandali. Sa may kitchen ka na maghilamos dahil mas makakagalaw ka roon. I also prepared breakfast for you, so have it while it is still hot," mabilisang sabi ni Leo.
Pagkatapos nito ay pumasok na siya sa shower room at tuluyang iniwan ang talaga. Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Xiara sa nasaksihan niya. Hindi mawala sa isipan niya ang maskuladong katawan ni Leo.
"Umayos ka nga, Xiara! Wala kang nakita. Makakain na nga lang," naiinis na sabi niya sa sarili bago bumangon sa kama.
Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at pumunta sa kusina. Hindi na siya nagdalawang-isip na pumunta sa dining table para tingnan ang pagkain na inihanda ni Leo. Kaagad na namula ang pisngi niya nang makita ang supot ng tinapay.
"P-Pandesal? M-Matigas na pandesal ni Leo? May gatas pa. Busog na yata ako," makahulugang sabi niya at bahagya pang lumapit para hawakan ang tinapay.
Dahan-dahan niyang isinawsaw ang pandesal sa mainit na gatas at hindi niya napigilan ang pag-alala sa topless na katawan ni Leo kanina. Tumatak sa isipan niya ang anim na pandesal sa tiyan nito. Hindi niya maitatangging naapektuhan siya.
"Hmm... ang sarap talaga ng pandesal!" nakangiting sabi niya at bahagya pang pumikit para namnamin ang lasa habang inaalala ang katawan ng binata.
Saka lang siya bumalik sa katinuan nang marinig niyang lumabas ng kuwarto si Leo. Halos mailuwa na niya ang tinapay dahil sa pagkagulat.
"Gosh! What are you doing Xiara?! Do you fantasize about Leo's body? Are you out of your mind? No, erase that. Be calm, Xiara," pilit niyang pagpapakalma sa sarili.
Nararamdaman na niyang papalapit sa kaniya ang binata kaya mabilis siyang umatras at tumakbo papuntang lababo. Natataranta niyang binuksan ang gripo at sinimulang basain ang mukha niya.
"A-Ang bilis mo namang magbihis, Leo. I am not yet starving, so I waited for you. Ikaw ang nagluto kaya dapat kasabay kita. Wait, I will just rinse my face with water. D-Do you have tissues or a face towel?" nagtatakang tanong niya sa binata.
Nanatili pa rin siyang nakatalikod at ramdam na ramdam niya ang mabibilis na pagtibok ng puso niya. Para na itong sasabog nang dahil sa presensya ni Leo. Hindi siya makapag-isip nang maayos.
"Just a sec. Does my presence make you feel uncomfortable? First time mo bang makakita ng isang topless guy? Pinagpapantasyahan mo ba ako? 'Yan ba ang dahilan kaya kanina ka pa hindi mapakali?" makahulugang tanong ni Leo.
Muling binasa ni Xiara ang mukha niya at mabilis itong kinuskos . Wala siyang ideya kung paano sasagutin ang binata. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng pagkakamali.
"A-Assuming ka. B-Bakit naman kita pagpapantasyahan? Your body is only average. I have already seen a lot of hot guys, and their bodies are better than yours," pagpapaliwanag ni Xiara.
Nakita naman niyang iniaabot ni Leo ang isang face towel sa kaniya kaya mabilis niya itong kinuha. Walang pagdadalawang-isip na ipinunas niya ito sa mukha bago humarap sa binata.
"If you say so. Tara, kumain na tayo. Sayang naman ang niluto kong bacon at eggs kung lalamig lang sa lamesa," pag-iiba ng usapan na sabi ni Leo.
Mabilis niyang inurong ang bangko bago anyayahan ang dalaga na umupo. Pagkatapos nito ay nilagyan niya ng sinangag ang plato ni dalaga. Hindi naman na tumanggi si Xiara at hinayaan ang sarili na kumain kasama ang binata.
"Huwag kang mag-alala dahil wala 'yang halong gayuma. Let's eat, so that I can drive you home afterward. Baka bumisita si Dad at makita niya tayong magkasama sa unit ko. Siguradong bibigyan niya ito ng malisya," biglaang sabi ni Leo.
Kaagad namang nabilaukan si Xiara sa kinakain niya nang dahil sa narinig. Naalala niya bigla ang naging pag-uusap nila kagabi ng tatay ni Leo. Samantala, mabilis naman siyang inabutan ni Leo ng tubig.
"Dahan-dahan lang sa pagkain, Xiara. We are not in a hurry. Maaga pa naman at wala akong ibang lakad ngayong araw. I can drive you home at any time," mariing sabi ni Leo na siya namang sinang-ayunan ni Xiara.
Tahimik silang natapos sa pagkain. Nakaligo na rin si Xiara kaya ngayon ay magkasama silang naglalakad sa hall way papunta sa parking lot. Alas-diyes pa lang ng umaga kaya iilang tao lang ang nakakasalubong nila.
"I had a wonderful time spending the night with you. Pakiramdam ko tuloy ay naiintindihan na kita, Leo. Ang dami kong nawala tungkol sa pinagdaraanan mo," biglaang sabi ni Xiara habang naglalakad sila.
Pilit namang ngumiti si Leo bago sila pumasok sa elevator at pindutin ang parking lot button. Pakiramdam niya ay para bang gumaan ang sakit na nararamdam niya. Mula noong namatay ang mama niya, hindi niya naranasan ang ganito kagaan na pakiramdam.
"Salamat din sa pakikinig mo. Even though I know it's hard, you still help me. Kailangan ko lang pala talaga nang makakausap para mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Thank you for staying by my side," sabi ni Leo.
Mabilis na niyakap ni Xiara ang kaliwang braso ng binata nang bumukas ang pintuan ng elevator. Masaya niyang sinabayan sa paglalakad si Leo hanggang sa tuluyan silang makapasok sa kotse ng lalaki.
"Talaga bang gusto mo ako? I mean, I'm getting used to being around you. Hindi ko lang mapigilang maisip na baka isang araw, paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Nothing stays the same. I just don't like the idea of you leaving me," makahulugang sabi ni Leo.
Bahagyang natigilan si Xiara sa paglalagay ng seatbelt niya. Hindi niya inaasahan na muli itong itatanong ng lalaki sa kaniya.
"Oo naman. I never break my own promises. Habang nabubuhay pa ako, sisiguraduhin ko na magiging masaya ka. Trust me. You will be happy again soon," mariing sabi ni Xiara bago ngumiti sa binata.
Hindi na lamang sumagot si Leo. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan at hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa condo na tinitirahan ng dalaga.
"Thank you for the drive, Leo. Dito na lang ako baba sa may entrance. Just text me kung kailan ihahatid ng driver niyo ang kotse ko. Mag-iingat ka pauwi," mabilis na sabi ni Xiara bago kuhanin ang bag niya at bumaba ng sasakyan.
Mabilis na pumasok si Xiara sa condo at ngumiti pa sa guard na nagbabantay bago pumirma sa log book. Muntik na niyang mabitawan ang ballpen nang makita na may bumisita sa kaniya kahapon at ngayon.
"Kuyang Guard, nandito siya? May sinabi ba kayo kung saan ako pumunta?" nababahalang tanong ni Xiara.
Umiling naman ang guwardiya. "Pumunta po siya rito kahapon pero hindi niya kayo naabutan kaya bumalik ulit siya ngayon. Kaninang alas-otso pa po siya naghihintay sa unit niyo," pagpapaliwanag nito sa kaniya.
Pagkatapos pumirma ay mabilis na tumakbo si Xiara papunta sa unit niya. Sakto naman nasa second floor lang ang puwesto ng unit niya kaya hindi siya nahirapang tumakbo sa hagdan.
Pawis na pawis at hinihingal siya nang makarating sa harap ng unit niya. Nagtatalo ang isip niya kung bubuksan na niya ba ang pintuan o maghihintay muna ng ilang minuto. Akmang ipapasok na niya ang susi sa door knob nang bigla itong bumukas.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Saan ka nanggaling na babaita ka?" seryosong tanong nito kay Xiara na siyang nagpaestatwa sa dalaga.