KABANATA 46
"Ikukulong ka?" kinakabahang tanong ko.
Hindi na ako nagpaawat pa kay Christian at agad na sumunod dito sa presinto. Hinabilin ko lang muli si Mareng kay Aling Flor.
"Ano, Draco? Ikukulong ka ba?"
Nanghihina akong napahawak sa mesang nasa pagitan naming dalawa matapos ako nitong bigyan ng seryosong tingin. Ni hindi ko mabasa kung oo ba o hindi. Ang maganda lang ngayon ay hindi pa siya binigyan ng kulay kahel na damit at wala ng posas sa mga kamay niya.
"I don't know. I have no idea what that Christian idiot told them. But I already called Rigel to ask for an attorney if the worst comes to worst."
Mariin itong pumikit at minasahe pa ang pagitan ng mga kilay niya gamit ang hinlalaki at hintuturo. He looked stressed but still managed to take deep breaths. And he's fisting his hand.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwalang muli siyang ibabalik sa kulungan. Hindi ko rin naman sigurado kung hindi nga ito bumalik sa bisyo niya. Impossible namang nasa drug watch list ng walang dahilan.
"B-umalik ka ba sa bisyo mo?" mahinang tanong ko.
Napamulat ito at natutok sa akin ang seryoso niyang titig. Naibaba ang kamay sa mesa at bahagya pang kiniling ang ulo. Napalunok ako at hindi makaiwas ng tingin. Kailangan kong malaman.
He sighed, then looked at me more deeply, "Do you really think I got back on drugs?"
Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Hindi ko naman masabing hindi dahil pumapasok din naman sa isipan ko na baka nga bumalik ito sa bisyo niya.
"Yes, I've taken drugs before, when my life was still useless and meaningless. And yes, I was even jailed. But I am a changed man, Verona. I stopped tasting drugs or whatever addiction it was when Mareng was born. And up until now, I have never wanted or asked for it since I met you because I am only... addicted to you."
Namilog ang mga mata ko at agad na napabaling sa kanya ang atensyon. Malalim pa rin ang titig nito at hindi kababakasan ng kasinungalingan.
"The only addiction I want as of now and for the entirety of my life is you, Verona. Nothing else and no one else but you," he murmured.
Umawang ang mga labi ko at ni hindi nakabuo ng mga salita. Ramdam ko rin ang sakit sa lalamunan ko at bahagyang pagkahatak ng hininga. At alam kong nanunubig na ang mga mata ko nang mabilis itong tumayo, lumipat sa pwesto ko, kinabig ang batok ko at agad na hinalikan ang noo ko. Masuyo rin nitong pinunasan ang kaunting luhang kumawala sa mga mata ko.
"Just believe me that I am only addicted to you, Verona." He planted a soft kiss on my lips before he found my gaze.
I had difficulty swallowing and speaking, but I needed to, "How can I do that if you pushed me away before, Draco? How will I be able to believe you if you once told me you didn't want me to be Mareng's mother? Paano?"
Tuluyan na ako nitong niyakap nang mahigpit at dinantay ang kanyang noo sa noo ko. Hindi nito alintana kahit pa may mga pulis sa paligid at ibang inmates. Nagawa pa nitong halikan nang masuyo ang ilong at mga labi ko.
"I didn't mean all of those-"
Bahagya akong lumayo at hinuli ang mga tingin niya, "So it means you aren't serious today either." I looked at him, sharply.
He closed his eyes tightly and whispered a curse. Muli pa akong kinabig at siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Pilit ko siyang marahang tinutulak sa nararamdamang hiya sa mga tao sa paligid. Ngunit kulang na lang ay talagang sakupin nito ang buong katawan ko.
"I'm freaking serious, Verona. Today is different from those days." Marahan pa itong humalik sa leeg ko.
Kagat ko ang ibabang labing pilit pinipigilan ang sariling sumigaw sa ginawa nito. Tumikhim na lamang ako at bumuntong hininga upang hindi mapansin ng mga tao sa paligid ko na nagwawala ang aking buong sistema.
"Even if you're telling a lie or not, I think a baby is all I can win over to get you. But sadly, it was... negative, " I whispered, mirroring my disappointment.
Muli siyang sumiksik sa leeg ko at nagawa pang amuyin iyon, "Even without a baby, Verona."
Bumuhos man ang tuwa sa puso ko na hindi ito maghahanap ng baby ay natigilan din ako at naisip si Mareng. She is a miracle baby because even if Mara died, Mareng survived. And I think he said the same words to Mara, that the baby is not an issue.
"Ganyan din ba ang sinabi mo kay Mara?" mahinahong tanong ko.
I felt him freeze and didn't manage to plant another kiss on my neck. I even felt his hug loosen. Marahan itong lumayo at nag-angat ng tingin sa akin.
"Mara is a different thing."
"Yes, because you still love her, Draco. Kaya ka nga nagpagawa ng family portrait niyo di ba?"
Ngumiti ako kahit pa ramdam ko ang pagkapiraso ng puso ko nang rumehistro ang sinabi ko sa mga mata niya. Umawang ang mga labi at binalak na magsalita ngunit may makinis na mga braso ang humapit mula sa kanyang likod.
"Drake! What did they do to you?!" Umiyak ito at mas siniksik ang mukha sa likod ni Draco.
Napairap ako at pinaningkitan ng tingin si Draco. Tinaasan ko pa siya ng kilay matapos makita ang paghigpit pa ng yakap ni Miss Kim.
He cleared his throat and tried to get away from her grip. Ngunit misa-linta yata ang guro at humigpit pa lalo ang kapit.
"Papyansahan kita. Ilalabas kita rito, Drake."
Mabilis itong humiwalay at tumayo. Desido na makausap ang mga pulis ngunit natigilan ito matapos masalubong ang inip kong tingin. Bahagya ko pa siyang tinaasan ng kilay, hindi mawari kung paano niya nalamang nandito sa presinto si Draco.
"Veron," bigkas nito, tila hindi inasahang nandito rin ako.
Lumipat ang tingin ko kay Draco at tinaasan din ito ng kilay. Inuutusan na dapat niyang paalisin ang guro. Mariin itong napapikit at napahagod sa kanyang panga ngunit wala namang sinabi upang ipagtabuyan ang guro.
"Ako na ang magpapyansa kay Drake-"
"He's not Drake," malamig kong tugon na nakapagpatigil dito.
Marahan akong umirap kay Draco bago lumingon kay Miss Kim.
"W-hat d-o y-ou mean, Veron?" Napakurap ito at nangunot din ang noo kalaunan.
"See it for yourself." Humalukipkip ako at pinaningkitan din ng tingin si Draco na napahilamos ang mukha.
"Huh? Paanong hindi?"
Mabilis itong lumakad paharap kay Draco. Nanlaki ang mga mata at umawang ang mga labi niya matapos makita ang asul nitong mga mata.
"He's Draco, Miss Kim. Not your Drake. That Drake with brown eyes is already out of his shell."
Napangisi ako nang halos matulala ito at nagbukas-sara pa ang mga labi. At kahit pinaningkitan ako ng tingin ni Draco ay hindi ako natinag sa pagkakangisi.
"See? He's not your Drake. He is my Draco."
Ngunit hindi nito pinansin ang sinabi ko matapos lumapit kay Draco at mas tinitigan ito sa mga mata.
"Wow! These deep blue eyes suit you better, Draco. I mean, I'm falling more deeply in love with this version of you. Hot and cool."
Napanganga sa mga binigkas nito at napamaang nang ginawaran pa nito ng mabilis na halik ang panga ni Draco. Kung hindi lang mabilis umiwas ang loko ay magwawala talaga ako sa presinto.
"I think that is not appropriate to do, Miss Kim. Please, juts sit down," si Draco na tumayo na at lumipat sa kabilang bahagi ng mesa.
Napairap ako nang nagawa pang humabol ng haplos ng guro sa braso ni Draco bago umupo. Gusto kong manggigil kay Draco na hindi man lang nito pinaalis ang guro. Sinabihan pang umupo!
Ano 'yon? May reserba ang loko kapag nagsawa na ulit sa'kin?
Nagtagis ang ngipin ko at handa na itong pagalitan kung wala lang naglapag ng folder sa mesa. Pag-angat ng tingin ko ay bruskong lalaki iyon. Magulo ang buhok at may katapangan ang hilatsa ng mukha. Tila kagagaling lamang niyon sa dagat sa suot na khaki short at preskong muscle tee.
"Hi. I'm attorney Delton Carancho, and I was sent by Rigel Skye to fix this mess. And please, don't speak lies, for I am in a hurry and need to get back to my secretary on the beach," malamig nitong tugon.
Umawang ang mga labi ko ngunit hindi magawang magtanong sa aburido nitong hitsura. Mabuti na lang at mabilis na tumayo si Draco at sumama kay Attorney palapit sa mga pulis.
Huminahon ako at dinasal na makauwi ito ngayon at hindi na ibalik pa sa kulungan.
"I've changed my mind," si Miss Kim na nakatanaw pa rin sa Attorney.
"Huh?"
"If I can't have Draco, I will run after that Attorney." Ngumisi ito at nilabas pa ang compact mirror at pinagmasdan ang mukha niya.
Napabuntong hininga ako at napailing, "You're crazy," hindi maiwasang komento ko.
Tumikwas ang kilay nito at sinilid muli ang salamin, "I am not. I am just appreciating his beauty."
Balak ko pa sanang sumagot kung hindi lang agad na nakabalik ang dalawa. Mahinahon na ang itsura ng Attorney at maaliwas na rin ang itsura ni Draco.
"How was it?" Tumayo ako at agad na lumapit.
He smiled, then abruptly intertwined our hands. Nahiya pa ako sa Attorney matapos nitong ngumisi sa nakita.
"Settled, Miss. They are looking for Draco batumbakal and not Draco Torres. They were misled."
Napangiti ako at kumaway nang mauna itong umalis.
"Uhm. Kailangan ko na ring umuwi. I'm glad you are safe now, Drake," si Miss Kim na umagaw pa muli ng halik sa pisngi ni Draco.
Tumalim ang tingin ko rito at kahit nang wala na ang guro ay sumama ang pakiramdam ko. Kahit nang makauwi sa bahay. Si Mareng lang ang masigla buong araw at na-miss yata ang Didi niya.
"Didi, don't be out again. You and Mimi have completely forgotten about me!" She rolled her eyes but then smiled when Draco kissed her on the forehead.
"It will not happen again, baby. Sleep now, hm? Didi needed to do some paper work."
"Alright, Didi." She planted a sweet kiss on Draco's cheeks, then on mine.
"Mimi, goodnight!"
Kumaway ako rito at sinabihang i-lock ang kwarto niya. And when Mareng was not around, I looked at Draco sharply when he fixed his laptop on the table and started scanning some papers.
"So, Are you not going to talk about what happened?" Pumwesto ako sa gilid niya at sinara ang laptop niya.
Nag-angat siya ng tingin bago marahang muling binuksan ang kanyang laptop.
"What for? That Christian set me up. He misled the police." Binalingan niya ng tingin muli ang mga papel at screen.
Nailing ako at naglakad sa kabilang banda niya, umupo sa mesa at muling sinarado ang kanyang laptop.
"What about talking things over to Mareng? Like, tell her the truth that you are her father."
Nangunot ang noo niya at tila napaisip pa, "Is there a need to? I think she knows it by heart."
Napamaang ako. Hindi niya ba talaga balak linawin sa bata? Sa tingin ko ay kailangan pa rin iyon.
Akmang muli niyang bubuksan ang laptop nang muli ko iyon isara at hindi hinayaan ang kamay niyang mabuksan iyon.
"You should still tell her." Tinitigan ko ito na malalim ang tingin sa kamay kong nakadantay sa kanyang laptop.
"Fine, I will. But how can I work now if you keep on bothering me?"
"Huh? Then don't work?"
He pursed his lips ferociously, "Alright, I won't. But I'll work you out."
Namilog ang mga mata ko matapos ako nitong hatakin at buhatin nang walang hirap.
"Fuck you, Draco! Ibaba mo ako!"