Chapter 38: KABANATA 37

"Mimi, l-et's find, D-idi." Suminghot ito at ilang beses na hinila ang laylayan ng damit ko.

It's been a week, but she still wants to see Draco. She lost her appetite and that made me worried.

Hindi ko naman alam kung saan hahanapin ang isang iyon! Baka mamaya ay naghanap lang ng bagong girlfriend!

Bumuntong hininga ako at pinantayan si Mareng. Pinunasan ang mga luha at pilit nginitian.

"Magpapakita rin iyon, Baby. Baka nasa bakasyon lang tapos pag-uwi may dalang pasalubong na. Huwag ka masyadong maniwala kay Miss Kim. Stress lang 'yon at galing sa break-up. Sleep ka na." Sinubukan ko pa siyang nginitian.

Ngunit imbis na tango ay mas sumama ang tingin niya at mas nanginig ang mga labi.

"I s-till w-ant to l-ook f-or him. L-et's try, M-imi!"

Sumigok na ito at mas kumapit sa braso ko. Mas napuno na ng luha ang mga pisngi niya at halos mahirapan na sa paghinga.

Para rin akong sinasakal na kaya niyang iyakan ng ganito si Draco.

That man!

Inis akong napapikit. Nanggigil kay Draco at tingin ko ay masasampal ko oras na makita ko.

Nilandi na nga ang guro ng anak ko tapos ngayon ay hindi matigil sa pag-iyak si Mareng kahahanap sa kanya.

"Mimi-"

"Alright, Baby. Matulog ka na tapos hanapin natin bukas. Don't think too much about him." Nginitian ko siya bago pinunasang muli ang mukha niya sa damit ko.

"Baka nasa ibang apartment na iyon o naghahanap ng ibang guro," mahinang bigkas ko sa dulo.

"What, Mimi?" Kumunot ang noo nito at nanitig pa ang namumula niyang mga mata.

"Nothing, Baby. Come, I'll tuck you to sleep."

Mabuti na lang at nakatulog si Mareng. Napagod sa kaiiyak. Kaya lang kinabukasan ay nauna pa siyang nagising at nakapag-ayos.

"Let's go, Mimi. Let's ask Pareng Didoy!"

Lutang pa ako halos at humihikab pa nang pilit niya akong hilahin patayo.

"Mareng, that can wait. Mamayang hapon na lang, Baby-"

"No, Mimi. We have to hurry. This isn't a joke. What if he's never going to go back here? No way! We have to find him."

Nangunot ang noo ko at mas yumakap sa unan. Mas mabuti pa nga yatang hindi na bumalik iyon. Nagugulo lang ang buhay ko dahil sa kanya!

"Mimi!"

I hissed, "Fine!"

Mabagal pa akong nag-ayos at pilit pinapamadali ni Mareng. Kulang na lang bihisan ako makaalis lang kaagad.

Kay Aling Flor kami dumiretso at nagtanong. Nagwawalis pa nga ang ginang sa labas. Kahit nahihiya sa gulo ni Miss Kim noong nakaraang linggo ay lumapit pa rin ako.

"Veron? Saan lakad?" anito.

Nilingon ko si Mareng na nanghahaba ang nguso at pilit hinahatak ang kamay ko paalis.

"Sa palengke po, itatanong ko lang po si Draco kay Didoy. Hindi po ba iyon nagpaalam na hindi na mangungupahan?"

Sandaling nangunot ang noo ng matanda ngunit umiling din kalaunan.

"Hindi naman. Babalik pa iyon, baka may inasikaso lang."

Napangisi ako sa sinabi ni Aling Flor at agad na nilingon si Mareng.

"See, Baby? He's just out for a vacation. Uuwi rin iyon. Let's go back to the house."

Marahan kong hinila si Mareng pabalik sa bahay ngunit nagpapabigat ito. Nakasimangot na at paiyak na naman. Pilit pa nitong hinila pabalik ang kamay niya.

"No, Mimi! Let's ask Pareng Didoy. He knows where to find Pareng Drake. That is for sure!"

Napairap ako at hinarap ito, "Mareng that is just a waste of time. Uuwi rin iyon."

Nagsimula siyang suminghot at humikbi. Halos mamilog pa ang mga mata ko matapos niyang ngumawa. Hiyang-hiya tuloy ako kay Aling Flor.

Sa huli para lang matigil si Mareng ay dumiretso kami sa mango store. Nadatnan pa namin si Didoy na nagkikilo ng mangga at isa pang lalaking bagong empleyado yata.

"V-eron!"

Halos mamilog pa ang mga mata nito pagkakita sa amin ni Mareng. Nilingon pa ang kasama at bahagyang may ninguso. Hindi ko lang sigurado kung ano.

"Bakit, Veron?" Binaba nito ang hawak na mangga bago lumapit.

"Si Pareng Drake po? Nasaan?" si Mareng na nanghahaba ang leeg katitingin sa loob.

"Tinanggal na ba rito? O nag-resign?" Tinaas ko pa ang isang kilay ko.

Walang bakas ni Draco ang tindahan kaya baka nga umalis na ito sa trabaho. Baka balak niya talagang magtago kay Miss Kim!

Napakamot sa batok niya si Didoy at naglumikot pa ang tingin.

"Ano. Nasa Guimaras. Kinailangan sa farm niya. May bagong pananim yata. Hindi ko sigurado."

Sa lahat ng sinabi niya ay natutok ang pandinig ko sa binigkas nitong farm niya.

"Farm niya? Anong pananim?"

Humigpit ang hawak ko sa palapulsuhan ni Mareng at halos kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Napangiti ito, tila sinapian yata ng yabang at hindi napigilan ang bibig niya.

"Farm ng mangga! Ang lawak ng farm ni Boss-"

"Boss?" pag-uulit ko.

Mas lalo yatang tumaas ang kilay ko dahil doon. Paanong naging Boss ang isang trabahador?

"Oo. Sa kanya rin itong tindahan-"

"Sa kanya?" paglilinaw ko.

Mas tumaas yata ang presyon ko sa nalaman. Hindi naman siguro magsisinungaling si Didoy!

Natahimik ito at doon lang yata napagtanto ang mga sinabi. Napaiwas ng tingin at napakamot sa ulo.

"Ano. Hindi. Kalimutan muna, Veron. Hindi si Drake ang tinutukoy ko-"

"Si Draco?" agad na putol ko.

"Oo. Ay hindi! Ano ba. Wala. Walang ganoon."

I looked at him sharply and that made him almost jump. I caught him and yet, he's denying it.

"Huwag mo sabihing sinabi ko, Veron. Mahal ko pa buhay ko." Tumawa pa itong wala sa tono at kulang sa sigla.

I rolled my eyes and hurriedly carried Mareng away from that store.

All this time! He's lying! That is why he is too boastful when it comes to money. That is why he can spend as if he has a lot of it. And yeah! He has.

Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw. Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko at tila pinipiga sa nalaman.

Why did he lie?! Did he think I was a gold digger?!

Ano pa ba ang hindi ko alam?

He's an ex-convict. He owns a large mango farm. He owns the mango store. What else? What else, Draco?!

Gusto kong maglupasay sa pag-iyak at sumigaw nang malakas. Bakit kailangan niyang magsinungaling?! Iniisip ba niyang peperahan ko siya?!

Kaya pala ang dali niyang magbigay ng kahit anong gamit at bilhin lahat ng gusto ni Mareng.

That is because he has all the perks.

Mas lalo lang yata akong nawalan ng ganang hanapin ang taong puro kasinungalingan lang ang alam.

He is not worth the fight.

But Mareng never stops weeping about him.

"I want Didi, Mimi!" Umupo pa ito sa sahig ng sala at nagsisipa.

"I w-ant my Didi!" mas malakas na sigaw niya.

Paano ko naman ibibigay ang gusto niya kung hindi ko naman din alam kung paano pauuwiin.

"G-imme b-ack my D-idi! I m-iss h-im! I w-ant him! B-ring h-im b-ack!"

Mas lumakas ang iyak niya at mas nagsisisipa. Magulo na ang buhok at napupuno na ng luha ang mga pisngi niya.

Nasapo ko ang noo ko at napailing.

"Mareng, babalik din iyon. Maybe he needs some space since he just broke up with Miss Kim. At hindi mo naman tatay si Draco."

She sobbed harder and shook her head. And I really hate Draco now for having this effect on Mareng!

"Baby, malay mo bukas uuwi na 'yon.

Umupo rin ako sa sahig at marahan siyang niyakap. Kahit yata gaano siya kakulit at kamaldita ay baby pa rin ang tingin ko sa kanya.

I hugged her tightly and hussed her. I kissed her head more times and tapped her back softly.

Paunti-unti siyang uminahon at mahihinang pag-iyak na lamang. Ngunit iyon yata ang mas nagpasakit sa damdamin ko. And makitang tumutulo lamang ang luha niya ng tahimik.

And what she said next, almost broke me.

"I want to be like Chloe, Mimi. She has Didi," she said lowly.

"I want to be like Justine, he has Didi," mas mahinang bigkas niya.

Tumigil ako sa pagtapik sa likod at paghagod sa buhok niya. Ni hindi ko alam kung paano pipigilan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"I know what Teacher Kim said was not true." She stopped, then bowed her head.

"I know that my daddy isn't in the other place, working. I know because you don't have any pictures of him and you together or a picture of me and him together., Mimi."

Hindi ako nakapagsalita at napalunok. Kagat ang labing pilit pinipigilang lumabas ang mga luha sa pisngi ko.

It hurts me that she realized this at an early age. And I know it's my fault. And I can return her to her biological father at any time, but what about me? I can't do that.

Sorry, Mareng, but I will never do it.

Mariin akong pumikit sa nararamdamang bigat ng puso ko. Tila tinutusok ng milyon-milyong karayom.

"Mimi, I badly want a Didi."

I felt another needle inside my heart.

"Please, bring back my Didi, Mimi. Give him back to me."

But I can't do that, Baby.

I know I am being selfish, it's just that, I can't let go of Mareng.

Kahit yata agawin pa ng milyong babae si Draco ay ayos lang, huwag lang mawala sa akin si Mareng.

"I want my Didi back, Mimi."

She sobbed a little, but was too weak to continue her tantrums.

"He's my Didi. Welcome him back."

Matapos niyang umiyak ay halos makatulog na. That time, I let myself cry. To let the pain go. If I can't give her back to her father, maybe Draco will be enough for her. Si Draco lang naman ang hinihiling niya.

Tahimik akong umiiyak at pilit na kinakaya ang sakit sa dibdib ko habang binibihisan si Mareng.

Masama bang hilingin na ako na lang ang piliin niya kaysa sa tatay niya? Masama bang pangarapin na huwag na sana niyang hanapin pa?

Humigpit ang hawak ko sa kumot at pilit pinipigilan ang pagkawala ng mga hikbi. Pwede naman sigurong si Draco di ba?

And If I need to throw myself at Draco just so Mareng will have a father, then, I'm willing to do it. Kung matatahimik si Mareng at hindi na maghahanap ng tatay.

If Draco is enough for her, then fine! I'll take a risk on Draco.

Ilang beses yata akong bumuntonghininga bago ni-dial ang number ni Draco. Tunog lang nang tunog ngunit hindi naman niya sinasagot. Ilang beses na ganoon.

Sa inis ko ay tinigilan ko na at gumawa na lamang ng mensahe para sa kanya.

To: Drake

Please, go home. Mareng misses you and wants to see you. Please, go home as soon as possible.

Ilang beses ko iyong ni-send sa kanya. Sana lang ay mabasa niya.

But sadly, maybe, he didn't. Umabot na lang ng isang buwan ay walang Draco na kumakatok sa pinto. Halos matapos ko na ang internship ko ngunit wala pa rin. He's still nowhere to be found. And Mareng is still sad about it.

"Kailan ba babalik 'yang boss mo, Didoy?! Akala ba niya sobrang gwapo niya para paghintayin ako? Tapos ano? Uuwi lang basta na parang walang nangyari?!"

Tumataas yata ang presyon ko lalo sa kada araw na pagbabakasakali rito sa palengke. Sa lakas ng boses ko ay kusa nang lumalayo ang mga mamimili.

Napapakamot na lamang sa batok si Didoy habang pinanlalakihan ko ng mga mata.

"Ano, Veron. Tatawagan ko. Pauuwiin ko na agad-"

"Laging ganyan ang sinasabi mo! Hindi naman umuuwi 'yang amo mo! Bakit? Wala ba siyang tauhan sa farm niya?!"

Maging kasama nito sa trabaho ay pinanlakihan ko ng mga mata na kinaatras nito. Ilang beses na akong pabalik-balik dito ngunit wala naman ni anino ni Draco. Ngayon nga'y iniwan ko lang si Mareng kay Aling Flor. Ayaw kong bumagsak na naman ang mga balikat niya kapag nalamang wala na naman si Draco.

"Sure na 'to, Veron. Uuwi iyon ngayong gabi kapag hindi umulan-"

"Hindi iyon uuwi. Malakas ang ulan mamaya." Umirap ako at tinalikuran na sila.

Imposibleng makauwi iyon gayong ngayon pa lang ay makulimlim na. Akala yata ay pauuto na naman ako. Kung hindi lang ako nag-aaalala kay Mareng ay tiyak na hindi ko hihilingin na umuwi pa iyon! Baka mamaya kapag nalaman ni Miss Kim ay ako na naman ang sugurin.

Damn you, Drake!

Gaya ng inaasahan ko ay bumagsak agad ang balikat ni Mareng matapos makitang hindi ko kasama si Draco. Ni hindi ako nakapagsalita at basta na lang nagtatakbo sa kwarto niya. Maging ako tuloy ay nanlata.

This is all Draco's fault! Masyadong pa-importante!

Kinagabihan kahit sobrang lakas ng ulan at impossible nga na makauwi iyon ay tinadtad ko pa rin ng tawag at text. Nahahati ang atensyon ko kay Mareng na hindi pa kumakain at kay Draco na walang paramdam.

I sighed. This is not my dream life, but why am I trapped in this?

Naiinis kong binitiwan sa cleopatra ang cellphone at inis na suminghot. I messed my hair a few times with the feeling of frustration.

I don't know if I should blame Draco, or I should blame Mara for all of this. Kung hindi kaya iniwan sa akin si Mareng, magiging masaya kaya ako?

Ngunit sinagot ko rin sa kalooban ko ang sariling tanong. Sigurado akong hindi. Kahit mahirap, binigyan ng kulay ni Mareng ang buhay ko.

And that's what I am thankful for.

Kusa akong napangiti matapos maalala ang iilang memorya noong mas bata pa si Mareng. Her smile, her laugh, and tears put my heart in awe. Ngayon na lang nakaka-imbyerna dahil kay Draco.

Nangingiti pa akong napailing kung hindi lang naistorbo sa tunog ng cellphone ko.

I looked at the phone sharply when I saw Drake's number flash on my screen.

Naiinis man ay sinagot ko pa rin iyon. Mabuti na rin at nagparamdam!

"What?" bungad ko.

Kahit hindi niya kita ay kusang tumaas ang mga kilay ko.

"I'm outside. It's cold here," he said, in his raspy voice.

Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon. Akala ko ba impossibleng makauwi?!

Nakagat ko ang mga labi ko at ni hindi makahakbang ang mga paa ko.

"Verona, don't you want to open the damn door?" may iritang bigkas niya.

Nabawi ko ang pagkamangha at napairap, "Sandali, heto na."

Nangunguso man ay inilang hakbang ko ang distansya ng pinto at agad iyong binuksan. Nadatnan ko pa itong nakasandal ang noo sa pader at nakapikit. Basang-basa at may iilan pang tubig na tumutulo mula sa buhok niya.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa apartment mo?" kunwaring naiinis na tanong ko.

"That's not my apartment," he said lowly.

Nangunot ang noo ko at balak na sanang sumagot kung hindi lang niya minulat ang mga mata niya na nakapagpagimbal sa akin.

What I am seeing is surely Draco in different eye color. His deep blue eyes are staring straight into mine.

Umawang ang mga labi ko at hindi makabigkas ng mga salita. I am sure. The man infront of me is the same man in Mara's pictures.

"Where's my daughter, Verona?"