Chapter 37: KABANATA 36
Hindi ko alam kung tama ba na pakawalan si Draco. Na hayaan kay Miss Kim.
It made me sad. It feels like there's hallow inside my heart with every damn time I think about him together with Miss Kim.
Mas lalo na noong maaga nga itong pumunta kila Miss Kim pagkatapos ng Christmas eve. Para akong pinagtaksilan kahit na alam kong hindi naman kami.
Pinaasa sa kasal na tinanggihan.
Pinaasa sa pabigay-bigay.
Pinaasa sa pahaplos-haplos at halik.
Is it my fault that I didn't figure it out earlier than he did? Is it my fault that I haven't realized his worth as quickly as he realized his love for Miss Kim?
Tama lang pa lang hindi um-oo agad.
Tama lang pa lang magpakipot.
I noticed how feelings can change immediately. Draco offered me marriage, but then, his feelings changed. He loves Miss Kim now.
Pero bakit parang hndi naman mabilis na magbago ang nararamdaman ko? Bakit sa kanya, ang dali lang magpalit? Habang ako, nahihirapan pa ring tanggapin 'yon.
I smiled sadly, as my heart felt heavy. Why am I so easy to replace?
And why am I making a fuss about it?
Mabilis akong napailing. Hindi nga pala ako girlfriend na pinagpalit. Na pinagtaksilan.
But why am I feeling the same way?
I'm drowning...
"Mimi, are you sure you won't work again at the store?"
Mabilis kong sinara ang refrigerator bago nilingon si Mareng.
I tried to smile again, trying to hide my thoughts and loneliness.
"Uhm, hindi na, Baby. Susubukan ko na lang maghanap online. But please make sure to be home safe, always. Alright?" Minuwestra ko pa ang okay sign.
She smiled widely, then nodded her head, "Sure, Mimi. For you."
Mabilis siyang humalik sa pisngi ko bago tumakbo palabas.
I sighed. I am not sure if letting Mareng be with Draco is fine or safe. But I know how much Mareng adores him.
Hindi ko naman kayang hadlangan iyon. Hindi ko rin naman kayang manatili roon habang nandoon din si Miss Kim.
I know, Draco's confession about his feelings for Miss Kim warned me to leave them alone and to never meddle in their relationship. And, in order not to make Miss Kim envious, and yet, he made me. He made me jealous.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang mas masakit na hindi naman kami ngunit pinagpalit pa rin ako sa iba.
Nakagat ko ang labi ko at sinubukang kumalma.
This shouldn't stop me from living! And I don't have time to weep. And why would I weep for Draco? It's not my loss.
It was all his.
Kaya naman kahit na naguguluhan sa mga naiisip ay sinubukan kong maghanap ng trabaho online. Kahit simpleng typing jobs lang. Basta hindi ko na kakailanganin pang magtrabaho sa mango store. Kung hindi ko nga lang alam na malulungkot si Mareng kapag pinagbawalan ko ay hindi ko na rin sana hahayaan na sumama pa roon. Ayaw ko lang na magkaroon na naman ng gap sa pagitan naming mag-ina.
Hinayaan kong sumama sa palengke habang Christmas break pa. At hindi ko pagsisihan iyon... sa ngayon. Lagi siyang umuuwing masaya. Nakangiti.
And those are enough for me to let her be with Draco.
Kinagabihan, na-alarma ako matapos bigla na lamang bumukas ang pinto. Niluwa noon si Draco, bitbit si Mareng na natutulog. Ngunit imbis yata si Mareng ang pagtuonan ko ng pansin ay mas na-alarma ako sa itsura ni Draco.
He looked tired and exhausted. His hair is messy. His eyes are bloodshot red, but there's no single tear on his cheeks.
Nagtagal pa ang paninitig ko sa kanya. Hindi maiwasang isipin na pinabayaan yata siya ni Miss Kim. Sa pagkakaalala ko, matino at malinis siya tingnan noong ako pa ang kasama niya. Pero ngayon?
He looks like a waste. A waste of... time.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"Uhm, ibaba mo na lang sa kama niya." Tinuro ko pa ang kwarto.
Ngunit hindi siya agad na kumilos kaya naman nauna na ako sa kwarto ni Mareng upang sundan niya. Inayos ko ang kama at unan nito.
Paglingon ko ay nasalubong ko pa si Draco na matalim ang titig sa akin. Nanlamig ang kalamnan ko at sinipa ng kaba ang dibdib. Sa tingin niya ay para bang may kasalanan ako.
"Uhm. Pakilapag na lang-"
"Did you two fight?" he asked, seriously.
Ni hindi ngumiti. Sa klase ng tingin niya ay tila itatakbo niya si Mareng kapag mali ang naisagot ko.
"Hindi kami nag-away. At bakit naman kami mag-aaway?" kinunot ko ang noo ko.
Sa alaala ko ay laging masayang umaalis si Mareng sa bahay. Mas lalo na kanina. At hindi ko aawayin ang anak ko.
It's the other way around. Because Mareng wants to get what she wants.
"Hindi? She kept on crying earlier before we left. She doesn't even want to talk to me and Kim. Did you scold her?"
Napamaang man ako ngunit agad ko rin siyang tinaasan ng kilay. Why would I scold Mareng? Oo minsan napapagalitan ko pero hindi kanina.
"Why are you putting the blame on me? Kayo ang hindi niya kinakausap. Baka sa inyo galit."
He looked at me immensely but didn't utter a word.
Tingin ba talaga niya pinapagalitan ko si Mareng?
Napailing ako sa akusa niya. Inilang hakbang ko rin ang pagitan sa aming dalawa upang kuhanin sana si Mareng. Ngunit iniwas niya at nilapag nang marahan sa kama. Mabilis pa siyang umalis at hindi na ako kinausap.
Pinagkibit-balikat ko iyon pero sa loob ko ay nakakatampo!
Alam niya kung gaano ko kamahal si Mareng kaya bakit pinag-iisipan niya ako ng masama?
Ang bigat sa dibdib. Ang bigat din sa damdamin na malamang umiyak ang anak ko. Sa ano'ng dahilan?
Maybe I need to talk to her tomorrow. I don't want Mareng to hide anything or feel hurt. I don't want her to lie or keep a secret.
Ang kaso ay hindi ko halos magawang makausap siya sa hapag kinabukasan.
She looks normal. I mean, she doesn't look sad. Her eyes, however, would tell you otherwise if you stared at her for more than a few minutes.
"Mareng?" I called her, softly.
Mula sa plato niyang may pritong manok ay nag-angat siya ng tingin. Ngumiti pa nang malawak ngunit hindi ko bibilhin iyon.
I looked at her intently and that caused her smile to fade.
Napalabi bago bahagyang nagyuko, "Mimi, I don't want to work at the store anymore."
Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Lalo yatang lumalakas ang kutob kong galit siya kay Draco. Pero bakit?
"Why, Baby? You want Mimi to work with you?" malambing kong tanong.
Pinaghimay ko pa siya ng manok ngunit nanatili siyang nakayuko. Iniisip ko kasi na baka kaya ayaw na niyang sumama sa palengke ay dahil hindi niya ako kasama.
"No, Mimi."
Umiling ito at pag-angat ng tingin sa akin ay nanitig pa.
Hindi ko alam kung na-alarma ang puso ko. Mas lalo na noong tumagal ang titig niya at paglungkot pa ng mga mata niya.
There is something in her eyes. I am sure of it. It's sadness.
"W-hat's wrong Mareng? T-ell me what's wrong."
Lumipat ako sa pwesto niya at mabilis siyang niyakap ngunit pilit siyang umiiwas.
"Mareng, sabihin mo kay Mimi kung bakit ka malungkot. Please, it's breaking me, Baby."
Halos maiyak na ako kakaisip sa problema. Masyado pa siyang bata para seryosohin ang lahat ng bagay!
Mas mahigpit ko siyang niyakap kahit na umiiling. Naitulak pa niya ang plato at halos makawala na sa bisig ko.
"Mimi! I can't breathe! Calm down! I'm fine."
Nilayo ko ang katawan niya at mas pinakatitigan ang mukha niya. Nilapad pa niya ang pagkakangiti at ilang beses na kumurap.
"See? I'm fine," pagmamayabang niya.
Pinaningkitan ko siya ng tingin at umakmang kikilitiin kung wala lang kumatok sa pinto.
"Mamaya ka sa'kin, Mareng. You almost made me cry."
Kita ko pa ang pagnguso niya bago ako tuluyang makalabas mula sa kusina. Tumalima pa ang tingin ko sa pinto.
Tinaasan ko agad ng kilay si Draco matapos siyang mapagbuksan. Seryoso at walang kurap man ang tingin niya ay hindi ako nagpatinag.
"What?"
I tried to raise my one eyebrow as high as possible.
Halos awayin niya ako kagabi tapos ngayon naman ay matapang pa rin ang tingin niya.
"I'm going to fetch, Mareng. It's already late. Baka naghihintay na si Kim. I don't want Kim to keep on waiting-"
"Mareng! Tawag ka ng Pare mo, Baby!" mabilis kong tawag upang hindi na marinig pa ang tungkol kay Miss Kim.
I don't care about them, anyway!
"Hindi po ako sasama, Mimi. I'll stay here!" sagot nito mula sa kusina.
Parehas na nangunot ang noo namin ni Draco at nabaling pa ang tingin sa kusina.
Did I hear it right?
"Tama ba iyong narinig ko? Ayaw niyang sumama?" wala sa loob na tanong ko.
Paglingon ko kay Draco ay matalim na ang tingin nito na kinakurap ko. Halos madikit pa ako sa pader nang basta na lang siyang pumasok at dumiretso sa kusina.
Umakyat yata ang inis sa ulo ko sa gigil.
How dare you, Draco!
Naging girlfriend lang si Miss Kim, pumangit na ang ugali! Dati medyo hambog lang, ngayon mala-demonyo na yata.
Urgh!
Mabilis akong nagmartsa papuntang kusina. Dinatnan ko pa itong halos nakaluhod sa harap ni Mareng.
"Ayaw mong sumama?" direktang tanong nito sa bata.
Ilang beses na umiling si Mareng at hindi na nagsalita. Nagawa pang ikiling ang ulo at iwasan ang mga tingin ni Draco.
"Okay, it's fine. Dadalhan na lang kita mamaya ng mango shake," pangako nito.
But Mareng didn't even move after hearing her favourite mango shake.
Bigo tuloy na lumabas si Draco. Iniwanan pa ako nito ng nagbabantang tingin bago tuluyang umalis.
Bakit parang kasalanan ko na naman?!
Hindi lang iyon isang beses na nangyari. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang reaksyon ni Mareng. Lagi pa rin naman siyang may pasalubong kay Draco sa mga naunang araw kaso ay ayaw niyang sumama. Dahil din siguro roon kaya't tumigil na ring magbigay ng mango shake si Draco kay Mareng sa mga sumunod na araw.
Pansin ko naman na malungkot nga ang bata. Ni hindi na nga rin nilalaro ang mga manika at stuff toy niya.
She kept herself busy reading and watching. That's why I can't help but get worried. But I'm trying my best to at least lessen her sadness.
"Mareng, mall tayo?" Kinindatan ko siya ngunit nanitig lamang.
"Ayaw mo? Bili tayong bagong books-"
"No, Mimi. I'm fine here. Will you go and get me tomorrow at school?"
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Dahil ayaw niyang sumama kay Draco ay pinapasuyo ko siya kay Aling Flor. Hindi ko rin kasi kayang mag-undertime sa OJT.
"Uhm. Labas na lang tayo sa weekends, Baby. Babawi ako. Mimi can't send and fetch you. Hindi kaya ng oras, anak."
Kita ko kung paano ito yumuko at mahigpit na niyakap ang mga tuhod. Agad na nanikip ang dibdib ko sa nagbabadyang paghalog ng mga balikat niya.
It's saddening me to see her like this. But I know, I am at fault.
Alam ko namang nagkukulang ako ng binibigay na atensyon sa kanya. Pero para rin naman sa kanya ang lahat ng ito.
I just want to graduate eagerly to find a better job for Mareng's future.
I sighed. This is harder than I thought. How can I make her understand things?
Sumusukong tumayo ako at dumiretso sa kusina. Tinitigan ko pa ang mayocheese na bote sa cupboard.
Sandwhich will do it. I just hope it will help Mareng brighten her mood.
Palingon-lingon pa ako sa sala at sinisiguradong ayos lang si Mareng. Hindi ko naman gusto na aabot pa ng isang buwan ang lungkot niya.
What should I do then?
Halos malunod ako sa kaiisip ng paraan. Bahagya pang nagulat sa mga malalakas at nagmamadaling mga katok sa pinakapinto. Nilingon ko agad ang sala. Maging si Mareng ay naroon ang tingin ngunit walang balak na buksan ang pinto.
Walang tigil ang pagkatok na kinainis ko. Malabong si Draco ito. Hindi ganito kumatok ang lalaki.
Naaasar man ay halos takbuhin ko ang pinto mabuksan lang iyon. Nagsalubong nga lang ang kilay ko matapos makita sa harap si Miss Kim na magulo ang buhok, pawis, nanghihina, at umiiyak.
Napaawang ang mga labi ko at hindi alam kung paano siya babatiin. Halos mapaatras pa ako matapos nitong tumingin nang matalim.
"B-akit p-o?" kinakabahang tanong ko.
"Where's Drake?! He's not in his apartment! Hindi sinasagot ang tanong ko! He broke up with me over the phone, and now he's nowhere to be found! Saan mo tinatago, Veron?!"
Namilog ang mga mata ko sa akusa niya at sa paghawak sa magkabilaang balikat ko. Halos dumikit ako sa pinto sa higpit ng hawak niya.
"Veron! This is your fault! Hindi makikipag-break si Drake sa akin kung hindi dahil sa'yo! And now, you're hiding him?! Saan, Veron?! Hindi pwedeng mapunta sa iyo si Drake!" Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata.
Hindi ko alam kung ano'ng uunahin kong isipin. Binalak kong tanggalin sa pagkakahawak sa balikat ko ang mga mala-bakal na kamay ni Miss Kim ngunit nanghihina ang mga kamay ko. Ganoon din ang mga tuhod ko.
Drake is missing?
"Hindi na nga nagpakita sa akin ng isang linggo! Pagkatapos ay tatawag at ibe-break ako?! No! Hindi pwede!"
One week? He's been missing for one week? Kaya ba hindi na kumakatok dito sa apartment?
"Kasalanan mo 'to, Veron!"
Inalis nga nito ang hawak sa balikat ko ngunit dinuro naman ako ng daliri niya. Sa lakas ng boses niya ay pati sila Aling Flor ay nasa labas na.
"You betrayed me, Veron! Malandi ka!" mas malakas na sigaw niya.
Mas dumagundong ang dibdib ko sa mga paratang niya. Ako na nga ang umiwas pero ako pa rin ang may kasalanan? That's unfair!
"Miss Kim, Drake is not here-"
Sinubukan kong sumagot at ipagtanggol man lang ang sarili ko ngunit hindi niya ako pinagbigyan.
"Veron, ang landi-landi mo! Ikaw ang dahilan kung nakipaghiwalay si Drake sa akin! Tapos ngayon itatago mo?! Tapos ano? Magpapakasal kayo?! No way! I'm his girlfriend! Ako dapat ang pakasalan! Hindi ikaw na may anak na!"
Hindi ko mapigilang maluha. Bakit ba ako sinisisi gayong nananahimik ako? Hinayaan ko na nga sila kahit masakit at mabigat sa dibdib.
And then what? Is it still my fault? I kept my distance from them, but I am still the one to blame?!
"Miss Kim, you're accusing me of something I never do. Ikaw ang pinili niya at hindi ko kasalanan kung nagsawa na siya o nawalan na ng gana. I am not even seen him for awhile. Kaya please lang po, kahit hindi na kayo mag-sorry basta umuwi na po kayo," pakiusap ko.
Binaba ko pa ang kamay niyang nakaduro ngunit hindi ko naman naiwasan ang mas matalim niyang tingin.
"How dare you! Ikaw lang naman at iyang anak mo ang paniguradong dahilan! Bakit kasi hindi mo na lang hanapin ang tatay niyan at doon ka lumandi!"
"Miss Kim! You are overreacting! Wala naman po akong pakialam sa relasyon ninyong dalawa ni Drake. Please, leave us alone."
Balak ko na sanang pumasok kung hindi ko lang nasalubong si Mareng na nakatitig sa aming dalawa ni Miss Kim.
I hate that my daughter saw it and even heard the awful words.
"My Didi i-s m-issing?"
Namilog ang mga mata ko sa pagpatak ng mga luha niya. Para rin akong sinasakal sa nakikita kong panginginig ng mga balikat at labi niya.
"Yes, Dear. And it's your and your mother's fault. Matuto kasi kayong lumugar!"
Hindi ko alam kung sasabunutan ko ba si Miss Kim o mas uunahin na yakapin si Mareng.
I hate all of this! I hate Draco for this!