Chapter 39: KABANATA 38

"Daughter?" Mapakla akong tumawa bago napailing.

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Paanong nangyaring kaharap ko si Draco na naging asul ang mga mata? At bakit ngayon lang siya naghahabol kay Mareng?

I bit my lower lip before I stared at him for a while. There's no big difference in his physical appearance, aside from his eye color. His stares, however, are lethal, as is his aura.

"I think you're mistaken, Sir. You don't have a daughter here-"

"What do you call Mareng then?" Tumaas ang kilay niya at mas naging mapanganib ang mga tingin.

"Verona, don't lie to me. I was gone for a few weeks, maybe a month, but I know where I left Mareng."

Napirmi ang mga labi niya na siyang nagkapagpalunok sa akin. Unti-unti ring nabubuhay ang bawat dagang nakatago sa dibdib ko.

"Are you drunk? Mareng is not yours! You denied it a few times!"

Halos manginig ang kalamnan ko sa nararamdamang galit. Ngunit heto siya at hindi man lang natitinag.

His stare darkened as he moved closer. Trying to eat the space between us.

"Denied? Of course. Drake is not the father. Me, Draco... is the father," he confirmed that made me unable to move.

Nahigit ko ang sariling hininga at nanginginig ang kamay na napahawak sa doorknob.

Babawiin na ba niya si Mareng?

Mas namilog ang mga mata ko sa naiisip. Hindi malabong ganoon nga! He will not show himself in his true self if he doesn't have any agenda!

"A-re y-ou... a-re y-ou g-oing to t-ake her b-ack?"

Hindi ko halos iyon maitanong nang deretso. Nauunahan ako ng takot na namumuo sa dibdib ko. The coldness in my chest is winning over his literal coldness. I gripped the doorknob much tighter when he didn't give me any response.

"K-ukunin m-o n-a b-a ang anak ko?" Napayuko ako at pigil ang mga luhang tumulo.

I'm afraid, he will.

Mariin akong napapikit at mas humigpit ang kapit sa doorknob sa pananahimik niya. Takot akong marinig ang sagot mula sa kanya ngunit mas natatakot ako ngayong tahimik ito.

Nakagat ko ang sariling labi at pilit pinigilang kumawala ang hikbi. Tila hinahataw ng milyong martilyo ang puso ko sa kaisipang kukunin nito si Mareng. Babawiin na!

I sobbed lowly at that thought. How can I possibly fight for my daughter if Mareng also badly needs a father? She's requesting him! And he is now ready to claim his daughter.

I felt the hot tears traveling down my cheeks as I imagined the written happiness in Marengs' face as Draco took her away from me.

Ako lang yata ang magiging lugmok. Ako lang yata ang masasawi dahil pareho silang sabik. Gusto ko iyong pigilan at ayaw kong mangyari. Ngunit paano?! Here is the man infront me, waiting to see his daughter and take her home!

"Where is she, Verona?" he dangerously asked.

Marahas akong umiling at ayaw bitiwan ang door knob.

No way! He can't get my daughter!

Wala na yatang mas sasakit pa kapag kinuha niya si Mareng. Ikamamatay ko 'yon!

"Where is she, Verona?" he repeated.

Mas marahas akong umiling at kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pinilit ko pa ring higpitan ang kapit sa doorknob.

But with his strength? I didn't win.

Nagawa niyang haplusin ang kamay kong nasa doorknob at marahan nilukob ng kanyang palad. Natigilan pa ako sa init na naglakbay mula roon kahit na basang-basa ang palad niya.

And maybe, he took that advantage to continue his agenda. In just a blink of an eye, he managed to open the damn door and welcome himself.

Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong wala na ito sa harap ko at nakapasok na nga sa loob ng bahay.

No!

Binalot ng kaba at taranta ang pagkatao ko at marahas na lumingon sa bulto nitong papalapit sa kwarto ni Mareng.

Sumisikip man ang dibdib ko at nanlalambot man ang mga tuhod ko ay pinilit kong takbuhin ang distansya 'wag lang niyang mabuksan iyon ngunit huli na. Nabingi at natulos na lamang ako nang ilapat niya pasara ang pinto.

Kusang naglaglagan ang mga luha at kusa napaluhod ang aking mga tuhod. Nanghihina kong tinakpan ng mga palad ang aking mukha bago humagulgol.

I sobbed harder and harder.

Paano kung mas gugustuhin na sumama sa kanya ni Mareng? Paano kung mas piliin siya ng anak ko?

I will not have a fight with that. Because deep inside, I know that Mareng will choose him over me.

Iyon pa nga lang na hindi niya alam na tatay niya ay halos maglupasay na siya kaiiyak makita lang ito. Makasama lang ito. Ngayon pa kayang aamin na si Draco sa bata.

I clutched my chest as pain consumed my heart. Ramdam ko ang malaking paghiwa ng kutsilyo mula roon at ang patuloy na pagkadurog nito.

All my speculations are true. Why I was unaware?!

Nagbago lang ng mata, hindi na makilala!

Why did I even let Draco play with us? And get so close to us?!

Kumuyom ang mga kamao ko sa sakit. Ngunit hindi pwedeng makuha niya! Hindi pwedeng basta na lang ganoon!

I sacrificed everything for Mareng! And he doesn't have any help with that!

Kung ang rice cooker at ref na lang ang ambag niya ay kaya kong ibalik iyon sa kanya!

Think, Veron! Hindi pwedeng basta na lang sumama si Mareng!

Pinilit kong kumalma at mag-isip ng paraan. Alam kong meron!

"Mimi? Do you have some clothes for this Pareng Drake with blue eyes like mine?" Kumurap ito at nanitig pa.

Tumikhim ako bago mabilis na tumayo at pinagpag ang suot na bestida. Mabilis ko pang sinulyapan si Draco na walang ngiti at madilim ang titig sa akin.

His deep blue eyes feel like a warning to me to not make any mistakes.

Kinakabahan man ay umiling ako. Wala naman akong panlalaking damit.

"Wala, Mareng. Pwede namang kumuha ng damit ang Pare mo sa apartment niya." Umiwas ako ng tingin at binalak na maglakad patungong pinto.

"Uhm, the rain is heavy, and he is cold already," malungkot nitong bigkas.

I maintain my poker face. Ano naman pakialam ko kahit manigas pa ang lalaki sa kinatatayuan niya? Mas maganda nga iyon upang wala na akong kaagaw kay Mareng!

"It's okay, Mareng. I'll go get some clothes," paalam nito.

Dinig ko ang mga hakbang niya papalapit kaya naman nagmadali akong buksan ang pinto. Oras na makalabas siya ay hindi ko pagbubuksan pa ulit.

And maybe he knew too much about what was on my mind that he stopped midway and leaned closer to my ears.

"Don't you dare lock the door, Verona. Or you won't like it if I take legal action to claim Mareng. You don't like it, right? Behave," he whispered that made my stomach churn in a bad way.

Nakatalikod na siya bago pa man ako makabawi. Ramdam ko ang pagtatagis ng mga ngipin ko. Kung hindi lang ako takot na bawiin niya nga nang tuluyan si Mareng ay baka nasampal ko na ito.

Hindi naman pwedeng basta na lang siya lilitaw pagkatapos ay kukunin ang anak ko! Hindi pwede!

Sa inis ko ay pabagsak kong sinara ang pinto ngunit hindi ni-lock. Mariin akong pumikit at ilang beses na hinampas ang pinto.

That man! I curse you now, Draco!

"Mimi, is there something wrong?"

Napamulat ako matapos marinig si Mareng. Bakit ko nga ba nakalimutang nasa sala ito? Napailing ako at bahagyang inayos ang sarili bago ito hinarap at nilapitan.

Pinilit kong ngumiti nang malapad at niyaya ito sa mesa.

"Kain ka na ah? Nandiyan na si P-areng D-rake m-o." Muntik pa akong pumiyok kung hindi ko lang napigilan.

She blinked her eyes twice and pouted, "Thank you, Mimi. You made him come home." She kissed me on my cheeks after that.

Suminghot ako at ilang beses na napakurap. How I wish we were his home.

Pinaghanda ko si Mareng ngunit hinintay pa niya si Draco na bumalik bago kumain. Balak ko sana itong bantayan at baka sabihin bigla kay Mareng ang totoo ngunit nang nasa harap ko na ay tumiklop ang lahat sa akin.

Bagong ligo ito at malinis na tubig na ang tumutulo mula sa buhok niya. Wala na ring buhok ang panga nito na mas lalong magpalitaw sa kakisigan niya. Hindi rin nakataas sa akin ang mas matipuno nitong mga braso. Marahil ay dahil sa trabaho sa farm nito.

At bakit ko ba pinupuri ang kaaway?!

Stop, Veron!

Lumalim ang titig ko sa kanya at pilit tiningnan nang mataray. Ngayon ay talagang pinapakita na niya ang asul na mga mata. Walang takot at talagang masama kung tumingin.

Natameme ako at mabilis na napatayo sa upuan. Kung noon ay nababahala na ako sa presensya niya, mas na ngayon!

His body exudes a dark aura, as if he could shatter me into pieces if I made a bad move. At paniguradong magagawa nga niya. Siguradong walang pag-aalinlangan.

Si Miss Kim nga ay nagawa niyang hiwalayan gamit ang cellphone, ako pa kaya na humahadlang sa kanyang maging tatay. Alam ko namang may karapatan siya kay Mareng, ngunit paano naman ako?

"You won't eat?" tanong nito nang mahuli akong pasimpleng lumalayo sa mesa.

Napalunok ako at tila namanhid ang mga binti at ayaw nang gumawa ng hakbang.

"Mimi, ayaw mo po ba sumabay?" si Mareng na nag-angat pa ng tingin sa akin.

Naglumikot ang tingin ko sa paligid ngunit sa huli ay nahuli ng mga maririing titig ni Draco. Nagbabanta ang mga asul niyang mga mata.

Gusto kong magmura at tumakbo na lang sana paalis ngunit hinawakan ni Mareng ang kamay ko at nginitian pa ako nang malawak. Paano ko ba tatanggian ang anak ko gayong puro saya ang nakapinta sa mukha nito?

Sa huli ay bumuntong hininga ako at naupo. Nanatili akong nakatitig sa mesa kahit na si Draco pa ang nag-asikaso at naglapag ng mga pagkain doon.

"Pare, saan ka po galing? I missed you so much," pag-amin nito.

Napansin kong napatigil si Draco at bahagyang dumukwang sa mesa. Pinatong ang siko at sunod na sulyap ko ay huli na nito ang mga tingin ko. Bahagya pang namilog ang mga mata ko na imbis kay Mareng ay deretso sa akin ang tingin niya.

"Galing akong Guimaras, Mareng," bigkas nito bago nilingon si Mareng. "Do you want to go there?"

Binalot ng takot ang puso ko sa tanong nito, mas lalo na sa maligayang pagtawa ni Mareng at natutuwang pagbigkas ng opo.

Tila ako naestatwa at hindi na makagalaw. Ni hindi ko magawang ngumuya nang maayos matapos iyon. Hindi ko man lang nagawang galawin ang pagkain. Maging ang tubig ay hindi ko malunok habang silang dalawa ay magana pang kumain.

"Mimi, don't you like the food?" si Mareng na tinuro pa ang pritong manok.

Napakurap ako at nasalubong muli ang mga tingin ni Draco. Tumikwas pa ang kilay nito.

"Huh? Hindi sa ganoon, Mareng. Kumain na kasi ako kanina." Ngumiti pa ako.

Totoo namang kumain na ako kanina hindi nga lang marami. Nag-aalala ako kay Mareng ngunit mas nababahala ako ngayon. Hindi ko matagalan na makita si Draco.

Part of me missed him, but knowing that he was the real father of Mareng? I don't think I can still entertain him.

"Uhm. Magpapahinga muna ako sa kwarto. Babalik na lang ako mamaya kapag tapos na kayo."

Mabilis akong tumayo at nagawa pang halikan si Mareng sa ulo niya bago lakad-takbong tumungo sa kwarto ko. Ni-lock ko iyon nang maayos pagkarating.

Kaya ba nakipaghiwalay na siya kay Miss Kim dahil balak na niyang kunin si Mareng?

Nai-hilamos ko ang mga palad ko sa mukha sa naiisip na problema.

He's an ex-convict and a heart breaker. Sa credentials niya ay hindi siya papasang tatay para kay Mareng. Ngunit sumagi rin sa isipan ko na may sarili siyang negosyo at lupa. Iyon pa lamang ay kaya na niyang bigyan ng magandang buhay si Mareng.

Nanlalambot akong umupo sa kama sa naisip. Sigurado ring mananalo siya sa korte dahil ni isang katiting ay wala akong karapatan kay Mareng. Kaya pala ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niya akong bigyan ng karapatan kay Mareng.

Sana pala tinanggap ko na lang noon pa ang kasal. Iyon lang din naman na nahuhulog ako sa kanya, sana pala hindi na ako nag-inarte pa.

I felt my cheeks getting wet as tears streamed down my face. I can't believe I need to let Mareng go this early.

I bit my lip harshly as I could not stop myself from feeling the pain. I closed my eyes and let myself get drowned in it until I was hardly breathing.

Napamulat lang ako matapos marinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Mareng. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at lumabas ng kwarto. Tinungo ko agad ang mesa at nakitang malinis na iyon ngunit ang lababo ay marumi. Doon ang tungo ko upang hugasan ang mga plato.

At kahit yata abala na sa ginagawa ay hindi maalis sa isipan ko kung paano pipigilan si Draco. Sigurado namang hindi naman papapigil!

My choice right now is to be with Mareng, even if Draco will gets the legal rights. But how?

Imposible namang aalukin niya pa ako ng kasal gayong katatapos pa lang ng relasyon niya kay Miss Kim!

Worse, what if he changed his mind and proposed marriage to Miss Kim?

Baka nalinawan na siya at gusto na lamang na balikan ang guro. Baka isa rin iyong dahilan kung bakit gusto na niyang kunin si Mareng. Baka napag-isip na niyang gusto niyang maging nanay ni Mareng si Miss Kim.

Hindi ko naman mapapayagan iyon! Ngunit paano ko pipigilan?!

Inis kong binuksan ang tubig at marahas na sinabon ang plato. Puminta pa ang galit na itsura ni Miss Kim sa isipan ko. Hindi malabong masaktan lamang sa kanya si Mareng.

Maybe there's still a way. Maybe I can offer marriage to Christian and then we can legally adopt Mareng. But that will take so much time. Malabo rin dahil siguradong hahadlang si Draco.

Ngunit naglaho ang mga iniisip ko nang maramdaman ang malalaking palad na sumakop sa mga kamay ko. Kusa niyang sinikop ang mga iyon at pilit pinagkasya sa mga daliri niya.

Nahigit ko halos ang hininga nang maramdaman ang matipunong dibdib nito na lumapat sa likod ko.

What is he doing?!

"You're thinking too much, Verona," he whispered, huskily.

Bumagsak ang tingin ko sa magkahugpong naming mga palad matapos niyang banlawan ang mga iyon sa tumutulong tubig.

Hindi ko sigurado kung anong balak niya at hindi ko alam kung dapat ba akong magprotesta lalo pa't nagkakagulo ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Not until I felt his wet kisses on my bare shoulder and his sweet bites on my neck.

Namilog ang mga mata ko at handa na sanang magpadala kung hindi lang nahintakutan sa sunod niyang sinabi.

"Isasama ko si Mareng sa Guimaras. Be ready, Verona," he said that with so much power.