Chapter 36: KABANATA 35
I wanna cry harder looking at them. Kung paanong binuhat ni Draco si Mareng at akbayan si Miss Kim.
How I wish it was me.
But, I will not hope for impossible things. Should I be contented with myself alone?
Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Nanlalabo ang paningin kong nakatanaw sa papalayo nilang likod. I'm ready to sob. Ngunit natigil matapos matanaw ang paghinto nila kahit malabo sa paningin ko.
Nangunot pa ang noo ko nang nagmamadaling bumaba si Mareng at tumakbo patungo sa akin. I hurriedly wiped my tears and smiled at her. I hope she will stay. For me.
"Mimi," mahina niyang tawag pagkalapit.
Pinantayan ko ng tangkad si Mareng na nangunguso. Inayos ko ang pulang bestida niya at maging ang buhok bago ko nilingon ang kinatatayuan nila Draco.
I found his solemn stares. Hindi man malinaw ay sigurado akong sa akin ang tingin niya. And I do not like it, because I know, he wants me to let Mareng go. To let her be with him.
Tila bumara na naman ang lalamunan ko sa naiisip. Kumurap ako agad at tinuon ang attentiom kay Mareng na naninitig sa mga mata sa akin. I am very sure they are bloodshot red.
I smiled at Mareng while her forehead knotted.
"Go to your Didi, Baby. You d-eserve i-t."
Sinubukan kong hindi pumiyok ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig niya. She looked at me confusing, but she managed to take a step closer.
"Aren't you going to go with me, Mimi?" she asked, sincerely.
Parang piniga ang puso ko sa tanong niya. I surely want to be with her, but I don't think Draco wants to.
I bit my lowerlip, trying to suppress my sobs. I shook my head as I declined her offer.
She pouted and even stomped her feet, but I encouraged her to walk. To go to him.
Winaksi niya ang kamay kong nasa braso niya at napalabi. Naipon ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
"I w-ant y-ou to be with me."
Kusang lumukso ang puso ko sa tuwa. Nagagalak at gusto na lamang sumama. Gusto kong um-oo ngunit ramdam ko ang paninitig ni Draco. And I know, he doesn't want me there. He only wants Mareng.
I'm sure.
"It's okay, B-aby. P-lease e-njoy e-ach m-oment." I smiled, but turned sour.
She looked at me, arguing. Gusto pang umapela ngunit nasa tabi na niya si Miss Kim na agad hinawakan ang palapulsuhan ni Mareng.
"Let's go, Mareng. My family is waiting. We should be home by now." Liningon ako nito bago simpleng ngumiti, "Merry Christmas, Veron."
Iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod habang akay si Mareng. Isang beses pa akong nilingon ni Mareng. And I can still see hope in her eyes. But, I think, I shouldn't meddle with them if I am not... welcome.
I smiled at her and motioned her to stop looking at me. She pouted, then nodded slowly. And as she turned her back, my tears automatically fall.
My heart tightened.
Tightened.
And tightened.
Nanghina ang mga tuhod ko at lalong sumakit ang lalamunan. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga labi ko sa paghikbi.
I sobbed harder as I get inside my apartment. Gusto ko mang kumontra at pigilan sila, na kauspain si Draco ngunit alam kong that would only go into the trash.
Useless.
He can't be mine as Mareng cannot be mine as well. They are owned.
Mahina kong linapat ang pinto sa sariling kwarto bago naupo sa gilid ng kama. I cannot stop myself from crying. Hikbi na lamang ang maririnig roon. Nananakit na ang mga mata ko sa bawat patak ng luha.
Sa bawat alaala.
And I can't help but to question everything.
Do I deserve it? Do I deserve to be alone? Do I deserve to wait?
Or Do they deserve me?
I cried louder one last time before I found myself fixing my old suitcase. I was eighteen when I first used this. And now, I am twenty-three. Hindi ko lubos maisip na ngayon ko ito magagamit.
But I had enough.
I wanna find my worth. To be free. To do the things I was unable to do. To fly, and search to whom I really deserve.
I wanna go...
Because... I am not happy anymore.
And that hurts me a million times. To leave Mareng. Will she ever be happy without me?
Won't she look for me?
Isn't she going to chase me just like Draco did for her?
But my thoughts automatically stopped when I heard some knocks from the main door. I was even alarmed.
Who would knock at this time?
Si Aling Flor? I am not sure.
Dumoble ang kabog ng dibdib ko sa magkakasunod na katok. Humigpit nag hawak ko sa maletang ni hindi ko pa naisasara. Kalahati pa lang laman niyon.
Pinakinggan kong mabuti kung kakatok ulit. Ngunit pagbukas na ng pinto ang naririnig.
Did I forget to lock it?!
Namilog ang mga mata ko sa naisip. Hindi ko nga nai-lock! I was busy with my emotions that I forgot to lock it! Tapos ngayon binigyan ko pa ng panganib ang buhay ko!
Ayaw yata akong maging masaya ng langit. But I know He wants me to be happy as well.
"Mimi! I'm back!"
Umawang ang mga labi ko at basta na lang nabitiwan ang hawak na maleta.
My heart keeps on pumping faster with the excitement. Kusang naglaho ang lahat ng plano ko. Napahikbi ako at nagsipaglaglagan muli ang mga luha ko. But not of sadness. This time, I'm taking back my happiness!
Ilang beses akong suminghot upang matigil sa pagluha. Earlier, I was in my rock bottom, but now? My happiness is overflowing!
"Mimi! We're having Christmas together!"
Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi at binuksan ang pintuan ng kwarto. I readied my warmest smile to welcome her.
Mas lalo pa akong natuwa nang tumakbo ito mayakap lang ako.
"I love you, Mimi. I won't leave you," she whispered.
Mahina akong tumawa bago siya kiniliti sa tagiliran na sabay naming kinatawa. It feels nostalgic. And I miss this.
"Mimi, Pareng Drake is with me!"
Natigil ako sa pagtawa at agad na napa-angat ng tingin sa lalaki. He's there, standing on the side of the Cleopatra with his hand full of take-outs from a well-known restaurant here.
Natahimik ako at hindi alam kung paano babati. He's just simply looking at me. Iba sa kanina.
Tumikhim ako at umayos ng tayo. Nailang pa ako na baka amy bakas pa ng luha ang pisngi ko. But I know my eyes won't lie that I have cried enough.
"Uhm, hindi ka na sana bumili. Nagluto naman ako. Kakasya naman iyon sa aming dalawa ni Mareng." Nilingon ko pa ang mesang nakaayos na.
I didn't hear him speak. But I saw how he took steps closer to the table and fixed those paperbag he was holding. Nilabas doon ang iba't-ibang putahe. May ham at salad pa.
Ako pa yata ang mahihiya sa kanya. Hindi naman niya kailangang ipag-ayos pa kami. Baka rin, hinihintay siya ni Miss Kim.
Sa naisip ay agad kong binuhat si Mareng at nilapitan si Draco. Natataranta ko pang nilapag sa upuan si Mareng upang mapigilan si Draco.
"Kaya ko na 'yan. Ako na. Baka mainip si Miss Kim kahihintay sa'yo." Kinuha ko ang uling food container at nilapag sa tabi ng spaghetti.
"Salamat din pala sa paghatid kay Mareng. Akala ko ay magpapasko akong mag-isa."
Sinubukan ko pa siyang ngitian ngunit mabilis din akong nag-iwas ng tingin at hindi makayanan ang paglalim ng titig niya.
"Dalhin mo na lang kaya 'yong iba sa binili mo. Ang dami, hindi namin 'to mauubos ni Mareng," dagdag ko pa.
Napanguso ako at hindi alam alin sa mga food container ang ibabalik ko sa paperbag.
"Dito ako magpapasko."
Natigil ako sa pag-abot sa ham sa narinig. Tila nabingi ako. Naguguluhan ko pa siyang nilingon.
"What did you say?" Kinunot ko ang noo ko at hindi pinansin si Mareng na humahagikhik na.
He smirked, then move towards the dish rack to get himself a plate. Nilapag niya pa iyon sa mesa.
"Dito ako magpapasko, Verona. I'll spend Christmas Eve here, but tomorrow I'll spend Christmas day at Kim's house."
Umawang ang mga labi ko at napatango. Unang pangungusap lang yata niya ang naintindihan ko.
He will spend the Christmas here.
And that is enough to make my heart lifted.
Sapat na iyon. Na hindi lang kaming dalawa ni Mareng ngayong gabi.
I bit my lower lip to suppress my smile. Ilang beses pa akong tumikhim bago napagpasiyahang umupo na. Maging si Draco ay naupo sa tabi ko.
Hindi ko tuloy makalma ang puso ko. Gusto yatang magwala at magpa-ari na sa kanya.
Huminga ako nang malalim bago inasikaso si Mareng. After that, we pray, then start dinner. Hindi ko nga sigurado kung alas dose na ba. Ayos na kumpleto kami. It is enough to thank for.
"Uhm, akala ko kanina ay nakaalis na kayo. Atsaka, bakit wala si Miss Kim?" panimula kong tanong.
Draco twisted his fork on his own spaghetti before he answered me.
"I hailed a cab for her. She understood Mareng."
"Yeah, Mimi. I cried. Gusto ko talaga kayong makasama but you don't want to come. Kaya po sabi ko, hatid na lang po ako pabalik." Ngumusi ito bago kumagat sa slice ng ham sa sariling tinidor.
"Kim's parents are expecting you two tonight," si Draco na sinulyapan lamang ako nang mabilis.
They are expecting us? So I belong?
"Hindi mo sinabi. I thought you only cared for Mareng-"
"I didn't mention it since I don't want Kim to get jealous. But she knows that Mareng wants to be with you, so she let me go with Mareng, Verona."
Napayuko ako sa sinabi niya. Tila kasalanan ko pa na naudlot ang family dinner nila ulit. Pero hindi ko naman sinabing dito siya magpasko. It was his personal choice. Kagustuhan niyang manatili rito. Ayos lang naman sa'kin kahit wala siya ngayon rito.
Sanay na ako.
Naramdaman ko ang muling pamamasa ng mga mata ko kaya naman kay Mareng ko tinuon ang atensyon ko. Puro ham lang ang nasa plato niya at kaunting spaghetti na isang beses lang ata niya tinikman.
"Mareng, ayaw mo ba ng spaghetti?" mahinahon tanong ko bago siya binalak na bigyan pa ulit.
"No, Mimi! I'm fine with this." Tinaas pa nito ang ham gamit ang tinidor.
"Huh? Ayaw mo ng spaghetti?" Tinaasan ko siya ng kilay at malalim na tiningnan.
Naglumikot ang tingin niya na pilit kong hinuli.
"Uhm, it's sour and the pasta looks overcooked."
Napabaling ako kay Draco sa komento niya. Agad ding namula ang mga pisngi ko dahil doon.
Bakit nga ba ako nagtiwala sa cooking skill ko at youtube?! Pero bakit umasim?! Kulang sa kulo ang sauce?
Mas lalo pang namula ang mga pisngi ko nang makitang puno ng spaghetti ang plato niya at iyon lang ata ang kinakain niya.
Shame enveloped me.
Sa hiya ko ay binalak kong agawin at palitan ang plato niya ngunit agad niyang nahawakan ang mga kamay ko. He shook his head and continually ate the spaghetti.
"Huwag mo ng kainin 'yan. Hindi na nga masarap, kinakain mo pa rin? Madami naman itong binili mo. Dito ka na lang kumuha."
Ngunit hindi siya nakinig. He swallowed, then he spoke.
"It's fine. I can tolerate this." He stopped, then looked at me seriously, and said, "I don't want to be ungrateful. I don't want to put your effort to waste."
Umawang ang mga labi ko. What he said meant something for me. Sa palagay ko ay hindi naman spaghetti ang tinutukoy niya, pero nagawa niyang halos maubos iyon kung hindi lang masyadong marami.
That went smooth. Maging si Mareng ay hindi mapigil ang tuwa sa regalo ko para sa kanya. Hindi ko pa mapigil ang ngiti ko nang pinuno niya ng halik ang mga pisngi ko.
I am happy. I know, I am.
Hindi ko pala kayang lumayo kay Mareng. Hindi ko kayang iwan. She's a part of me. My source of life.
Nangiti ako matapos niyang makatulog sa kulit at tuwa. Inayos ko pa ang kumot sa katawan niya. Tinaas iyon hanggang sa bewang niya.
Naghikab at nag-inat pa ako pagkalabas sa kwarto niya. Nabinbin nga lamang sa ere ang mga kamay ko matapos malingunan si Draco na matiyagang naghihintay sa sala.
Umubo ako nang mahina bago nahihiyang binaba ang mga kamay ko. Mabagal pa ang naging paglapit ko sa kanya bago umupo sa tabi niya. There's only three inches space between us.
"Uhm, Thank you for this. Akala ko ay malamig ang pasko ko. Anyway, hindi ka pa ba uuwi?"
I looked at him sincerely. Ayos lang naman kung ayaw niya pang lumipat sa kabila. As long as he can manage to sleep in the cleopatra. Dahil hindi ko naman siya hahayaang makapasok muli sa kwarto ko.
Umiling siya bago pinatong ang mga siko sa bawat tuhod at pinagsalikop ang mga palad sa harap niya.
"Coffee? Baka gusto mo."
Muli siyang umiling bago huminga nang malalim.
"We need to talk, Verona."
Tila sinipa ang dibdib ko sa kaba. Ni hindi ko sigrado kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Nanlamig ang mga kamay ko. Napirmi ko ang mga iyon sa hita ko.
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?"
Mahinahon ang tanong ko ngunit ang kalooban ko ay nagwawala sa maaaring gusto niyang pag-usapan.
"I just want to ask a favor. Huwag mo na sana itong sabihin kay Kim. Hindi niya alam na rito ako nagpasko. She knows I am in my apartment."
Natigilan ako sa sinabi niya at nawala ang kaninang iniisip kong sasabihin niya. Napayuko ako.
She wants to secret this to Miss Kim?
Seryosohan na sila?
Hindi ko napigilan at nadulas ang dila ko, "Are you serious about Miss Kim?"
"Yes," mabilis niyang sagot.
Nabato-balani ako at pilit pinroseso ang mabilis niyang sagot.
"I know I have offered you marriage, but I'm sorry, let's forget about that, Verona. I want to try it. I want to try again to be loved. To be loved by someone. And I am serious about Miss Kim. I am trying to love her at my best, and I hope this will end up at the church."
Napapikit ako nang mariin sa nararamdamang pagsisimula muling paninikip ng dibdib ko.
"But-"
Gusto kong sumagot ngunit agad siyang nagsalita.
"She's worthy of my love, Verona. She's good at everything. She loves me dearly. Hindi nga yata natutulog kung hindi masiguradong tulog na ako." He chuckled.
He does really look happy with her.
"Even her parents are. They accepted me. Kahit na ex-convict ako. They are open-minded people. And I found my place, Verona. I felt like I belonged to them," he said, wholeheartedly.
Napalunok ako at hindi alam kung paano sisingit. Lalo lamang piniga ang puso ko sa mga sinabi niya.
"But, Draco-"
"Shh. I know I go beyond the limit with you. And I can accept if you continuously call me an asshole, because that is true. And it is not my intention to give you false hope. I'm sorry. I never saw it coming that I would slowly... love her."
I saw him smiled a little that made me broke into pieces. But I still tried my luck.
"Baka naman naghahanap ka lang ng init ng katawan-"
He chuckled, "No, Veron. That is not my favourite thing. Please, respect my decision. I'm sorry."
But what about Mareng, Draco?