Chapter 35: KABANATA 34

Babe?

Babe, babe pa! Eh kung BABEbitayin ko sila?!

At talagang pinagdiinan pa ni Miss Kim!

Inis akong umatungal sa alaala. Malakas ko pang sinara ang refrigerator. Bahala na kung masira!

Nagtago lang ako ng isang linggo may ibang babe na agad?! May iba ng pinagbibigyan!

Does Miss Kim know his background?

I bet no!

Paano kung sabihin ko? Lalayo ba ang guro?

Urgh!

Napalabi ako at napasandal sa pinto ng ref. Ang bilis naman niyang sinagot si Miss Kim. Nakuha sa pa-cake! Hindi muna ako hinintay na matanggap ang nalaman sa kanya!

Wala na ba siyang mahalikan kaya't pinatulan na si Miss Kim? Tapos ano? Inalok na rin niya ng kasal?!

No way!

Mabilis akong tumayo at inilang hakbang ang kwarto ni Mareng. Nadatnan ko pa itong nilalaro ang malaking Peppa Pig stuff stoy niya.

"Mareng, get dress. Magta-trabaho tayo ulit sa mango store."

Namilog ang mga mata nito at napatayo pa sa kama.

"Really, Mimi?! Araw-araw ko na ulit makikita si Pareng Drake-"

"Draco, Mareng. Pareng Draco," pagtatama ko.

She knotted her brows as confusion spread on her pretty face.

"Draco? Pareng Draco? Ew, Mimi. It sounds Dracula. I prefer Pareng Drake."

"Whatever, Mareng. Hurry up! We're gonna work our ass off."

She beamed, then jumped a few times on her bed, "Coming!"

Sadya yatang pareho kaming sabik ni Mareng at nagawang kumilos nang mabilis. Hinawakan ko pa nang mabuti ang kamay niya habang papasok sa palengke.

Kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan na baka tanggal na kami sa trabaho o baka hindi na roon nagtatrabaho si Draco. I have not yet seen him in the apartment kahit ilang beses akong lumabas sa nakalipas na araw. Trying to at least take a glimpse of him. Kaso ay hindi ko mahagilap!

Binahay na yata ni Miss Kim!

At ngayong nasa palengke na ay kumakabog ang dibdib ko at kinikiliti ang tiyan ko.

Okay, fine. I'm excited to see him, but afraid to get ignored.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Mareng na kina-angat ng tingin niya sa akin.

"Mimi, are you backing out?" she asked.

Mabilis akong umiling. There's no backing out!

Kahit pa hindi ko lubusang natatanggap ang tungkol kay Draco ay hindi pwedeng umatras ngayon.

Hindi ko alam but there's this urge inside of me to take back Draco. To get him for Mareng. Yes, just for Mareng!

Kaya lang nang matanaw ang tindahan ay kusang bumagal ang paghakbang ko. Nanghina ang mga tuhod at kamay ko sa nakikita.

I blinked twice. No. Thrice. Just to confirm if I really see Miss Kim on the counter while Draco is in front of her fixing her hair.

Mas hinataw pa ng martilyo ang dibdib ko matapos makitang nagnakaw ng halik si Miss Kim sa mga labi ni Draco na kinangiti ng huli.

Bumigat ang paghinga ko at napalunok. Umiwas ng tingin ngunit nasalubong ang mga tingin ni Didoy na naaalarma. Napatayo pa ngunit mabilis akong umiling sa kanya.

"Mimi, why did you stop? Let's go, Mimi!" Pilit nitong hinatak ang kamay ko upang humakbang.

But I can't move. No. I don't want to move forward.

"Mimi, ayaw mo na po bang mag-work sa store?" humina ang boses ni Mareng na kinapikit ko.

I'm trying my best to be calm and be okay. Pero hindi ko nga yata kayang tumuloy. I can see it. And there's no doubt that Draco's attention is to Miss Kim only. Exclusively for her.

Hindi nga sila naghihiwalay kahit pa may ilan ng customer sa harap.

Sumama ang tingin ko sa nararamdamang bigat ng dibdib ko. Isabay pang bigla na lamang sumasakit ang ulo ko.

I sighed. Pinantayan ko si Mareng. Sinulyapan ko pa ulit sila Draco at Miss Kim na mukha namang masaya.

I hissed before I sighed again.

"Hindi na, Baby. Ikaw na lang. Sabihin mo ay ihatid ka ng buo sa apartment. And please, tell him to not let you see censored things. Cover your eyes if that happens."

"Censored, Mimi?" naguguluhang tanong niya.

Umiling ako. Inayos ang bestida at buhok niya.

"Basta sabihin mo iyon sa kanya. Then please, don't let Miss Kim lay a hand on you. Sumbong mo agad sa akin."

Mabilis kong hinalikan ang pisngi at noo niya bago siya hinayaang tumakbo papunta sa store.

My heart became heavy as I exited the market. Ayos lang naman siguro iyon. Mareng is safe with him.

I know.

Nangunot ang noo ko pagkauwi. Nataranta at napalunok matapos makita si Mama sa harap ng apartment ko. Bumilis ang lakad ko. Kumakabog pa ang dibdib ko nang makalapit.

"Ma, ano po'ng ginagawa niyo rito?"

Nangiwi ako sa talim ng tingin niya. Even her strict features tell me she's not in the mood.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin, Verona?" tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

Napayuko ako at tarantang hinanap ang susi sa sling bag ko. Nanginginig pa ang kamay kong binuksan ang door knob.

Mabuti na lang pala at nasa palengke si Mareng. Hindi ko yata kayang makarinig ng insulto para sa anak ko. Mas mabuting ako na lang ang pagalitan at husgahan niya.

"Tuloy po kayo-"

But I didn't finish my sentence when she invited herself. Napailing ako at pumasok na rin. Iniwan kong bukas ang pinto. For emergency purposes.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang paghagod niya ng tingin sa looban ng bahay. Nangunot pa ang noo niya sa isang cleopatra bago umupo roon.

"Dito ka nakatira? This is small," opinyon niya.

Tumikhim ako at gustong umiwas sa kanya. I don't want to elaborate things with her. Ayoko lang na may masabi pa siya.

"Uhm, ititimpla ko kayo ng juice."

Kahit hindi pa siya tumatango ay dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng baso. Palingon-lingon pa ako kung paano mag-tour sa maliit kong bahay si Mama.

I promised to buy myself a big house someday. Para walang masabi si Mama. Sana lang ay hindi ako maging tambay pagka-graduate.

I should plan it!

"Verona, kailan ka ikakasal at nasa'n ang anak mo?"

Namilog ang mga mata ko sa tanong nito at nang makita siya sa mismong harap ko. Hindi ko rin lubos akalain na itatanong niya ang anak ko. Mas lalo na ang sunod niyang sinabi.

"Gusto kong makita ang apo ko."

She arched her brow. At kahit mukha itong nagtataray ay umapaw ng tuwa ang puso ko.

Namasa ang mga mata ko at kumawala ang isang hikbi. But my Mom's eyes automatically sharpened.

"Kung iiyak kang ganyan hindi na lang kita iimbitahin sa pasko. Don't be weak, Verona. Be strong," sa matapang niyang boses.

Pilit kong pinigilan ang mga hikbi ko at balak na sanang yumakap kay Mama. Ang kaso ay umiling ito at mabilis pa sa alas kwatrong nakalabas sa apartment.

But that will not erase my happiness. Sooner, I know. They'll accept us wholeheartedly. Kahit pala sabihin kong galit ako sa kanila ay hindi pa rin iyon mananalo. My love for them is still winning.

I played that moment a few times in my mind. Pinag-iisipan ko na kung uuwi ba ako sa pasko at isama sila Mareng.

Excitement consumed. At kahit ilang araw na lang ang pagitan ay doon na nakatuon ang isipan ko. Nagmadali pa ako sa kwarto ni Mareng makapag-ayos lang ng gamit.

Inayos ko na rin ang magulong mga damit niya. Tinupi bago nilapag sa kabinet. Nakuha pa ng atensyon ko ang gamit niya noong baby pa. And that brown envelope I only opened once. Birth Certificate lang ni Mareng ang kinuha ko at ayaw ko na ulit buksan iyon. And I know, once I open it again, Mareng needs to be home.

No! I am her home!

But I don't want to be selfish. Kaya lang hindi ko kayang malayo kay Mareng. Titingnan ko lang ang laman, but Mareng will remain by my side.

Kagat ko ang labi ko at pikit-matang kinuha iyon mula sa pinaka-ilalim. Maging sa pagbukas ay hindi maiwasang pangunahan ako ng kaba.

I successfully opened it without my hands shaking, but not when I scanned the pictures together with a document that made me breakdown.

Napangiti ako kasabay nang pagpatak ng mga luha ko. Nalasahan ko pa ang alat ng mga iyon sa bibig ko. My hands didn't stop shaking. Halos malukot na ang mga iyon at mabasa.

My heart is slowly torn into pieces. Binibiyak pang lalo. My breathing became heavy. Bumibigat at nahihirapan akong lumunok.

Mariin akong napapikit.

Don't be affected, Veron!

Huminga nang malalim bago napagpasyahang ibalik iyon at hindi na kailanman bubuksan. That will remain untold. I'll keep it with me alone.

Ilang oras din akong natulala at pili kinumbinse ang sarili kong walang gano'n. Nagawa ko namang magsaing bago dumating sila Mareng. She's even holding a bag of trolli candies. And maybe that added to my loneliness because I know that Miss Kim gave it to her.

Ilang beses na laging nasa palengke si Mareng at tuwing uuwi ay laging may bitbit. Kung hindi manika ay candy. It seems like Miss Kim is really trying to win her heart. But I ignored it. Ayaw kong mag-isip pa ng kung ano-ano. As long as Mareng is going home, that is fine with me.

"Mimi, are you sure you will not go with me to the store?" She looked at me, hoping.

Umiling ako bago tinuon ang pansin sa hinihiwang manok. I planned to cook spaghetti.

"Mimi, sama ka na po. We will go to Miss Kim house after. Pareng invited me there for the Christmas eve. Please, Mimi. Go with us. I want you to be there."

Ilang beses siyang kumurap at pinagkrus pa ang mga palad sa harap. Kaya lang ay mabigat na ang loob ko sa narinig. Nangunot ang noo ko at hindi maiwasan ang magalit.

He invited her to Miss Kim's house for Christmas Eve.

Paano ako?

Mag-isa sa pasko?

At bakit pati anak ko sinasama nila?

Nagtagis ang ngipin ko sa inis. Maybe it's my fault that I let Mareng stay with their company for a few days.

"Baby, I can't. Ikaw lang ang inimbitahan. Isa pa, baka family dinner nila iyon. We can't meddle with them."

"But I want to go, Mimi," humina ang boses niya at napalabi.

"I want to be with Didi," dagdag pa niya.

Kita ko pa ang pagdaan ng lungkot sa mga asul niyang mata. Nawala ang sigla at kinang sa mga iyon.

My conscience is slowly eating me up. But no, she's my family. She should stay with me.

"No, Mareng. Pwede ka sa palengke but you need to go home at ten pm. Be with me on Christmas eve, Baby. Hindi pwedeng mag-isa si Mimi." Pinalungkot ko pa ang itsura ko upang maintindihan niya.

She nodded her head, but I know, labag pa rin iyon sa loob niya.

"Okay, po."

She smiled, but that didn't reach her eyes.

Mariin akong napapikit. Kaya lang pagmulat ko ay nasa pinto na si Mareng at paalis na.

"Take care!"

I doubt if she heard me. Tuloy-tuloy na siya sa labas at hindi na ako liningon. Hindi ko tuloy magawang makampante buong araw dahil doon.

Should I let her?

Should I go with them?

Mas lalo lang yatang bumigat ang damdamin ko.

I feel like no one wants to be with me.

Pati anak ko mas gusto pang makasama ang ibang tao kaysa sa akin.

Nanghihina akong napapikit. Parang naubusan ng lakas. But I should be happy.

I should be.

Huminga ako nang malalim at napanguso.

There's nothing to worry about, Veron!

I smiled. Pinilit kong mag-focus sa niluluto. Nanood pa ako ng youtube makuha lang ang tamang timpla. I also tried to make a salad and sandwiches.

Madilim na noong matapos ako. Pati paglilinis at pag-aayos sa mesa. Mabini ko ring nilapag sa kama ni Mareng ang regalo ko. It is a pair of jammies with a Peppa Pig design. Sana lang ay matuwa siya.

I hope so.

Naghintay pa ako ng ilang oras sa sala at halos makatulog na sa inip. Minsang uupo o hihiga sa cleopatra. Pasilip-silip pa ako sa oras at hindi mapakali. Nagdadalawang isip ako kung uuwi ba talaga si Mareng.

Napayuko at kinuyakoy na lamang ang mga paa.

Paano kung sinama pa rin ni Draco?

Bagsak ang balikat na napalabi ako. How cruel he is if he insists on that!

Ngunit mas lalong lumakas ang hinala ko nang lumagpas na ng limang minuto sa sinabi kong oras.

Sana iuwi nila bukas kung sinama nga nila.

Namigat lang lalo ang dibdib at mga mata ko. Sinulyapan ko pa ang kusinang nakaayos na at si Mareng na lang ang hinhintay.

Baby, won't you go home for Mimi?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. It's hard that I don't have a hold of Mareng. Kung sanang akin lang ay kaya kong mag-demand.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napabaling pa ako roon and I couldn't hide my smile when I saw Mareng with her baby alive doll.

Ngunit kusa ring nalusaw ang ngiti ko matapos makitang nakasimangot siya at lumilingon-lingon sa labas.

Did she really want to go with them?

Hinintay ko siyang makalapit at umupo sa tabi ko. I waited for her to say something, but she remained silent.

I sighed. Bumabalik na naman ang bigat sa damdamin ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago napapikit.

Why am I even in this situation? We were happy before we met Draco. But now? I don't think I am still happy.

"Do you really want to go with them?" I asked, lowly.

She didn't shake her head, but she didn't also answer me. She remained looking at the floor.

Napailing ako at mabilis siyang binuhat patungo sa labas.

"Mimi, put me down! Saan mo 'ko itatapon, Mimi?" she sobbed.

Saktong sa pinto nang matigil ako at agad siyang binaba. Napamaang sa sinabi niya at sa pag-iyak niya.

"What did you say, Mareng?"

She looked at me with her eyes clouded with tears.

"You're not going to throw me?"

"Of course not-"

Kusa akong napatigil matapos makita ang dalawang pares na mga paang lumabas sa apartment ni Draco. Napakurap pa ako nang makita silang dalawa ni Miss Kim. She's even hugging his waist.

Nasalubong ko ang tingin ng guro na agad na tumikwas ang kilay. Paglingon ko naman kay Draco ay kay Mareng ito nakatingin.

"Why won't you let her go with us? She's lonely with you," si Miss Kim na nilingon din si Mareng.

Hindi ako makasagot. Ni hindi ko mabalik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Let them, Babe. They are happy together. They don't need us, we don't need them," si Draco.

Natulos ako sa kinatatayuan sa sinabi niya. Did he really say that?

"Fine. I'm okay with you alone, anyway. Let's make our own Mareng, Babe," Miss Kik whispered.

Naalarma ako sa narinig na bulong nito at sa nakitang paghakbang nila.

Mukhang seryoso na ang relasyon na, but I won't allow that!

Draco shouldn't be own by anyone. No one, aside from Mareng.

Napabuntong hininga ako bago hinarap si Mareng.

"Baby, go with them. Make sure you have his attention."

I saw how her eyes shone with happiness.

"Really, Mimi?!" she exclaimed.

Tumango ako at minuwestra pa sila Draco na hindi pa nakakalayo.

"Go," I permit it.

She giggled, then kissed me soundly on my cheeks before she called them and ran towards them.

"Didi!"

I sighed.

The chase is over.