Chapter 34: KABANATA 33
I'm keeping my distance. Iyon na lang yata ang magagawa ko upang hindi tuluyang magalit kay Drake. But still, I'm feeling furious! Ang lakas pa ng loob niyang idahilan si Mareng!
Na ano? Mareng changed him?!
Gaguhan yata ang gusto niya at pati anak ko ay dinadamay niya.
I sharply looked at the rice cooker. Galit ako sa nagbigay pero heto at ginagamit ko ang binigay. Hindi ko naman kayang bumili ng bago. Hindi naman siguro niya isusumbat ang mga bigay niya at nagastos.
But should I avoid using them because I'm angry? O ayos lang na gamitin ko?
Mabilis akong napailing at mariing pumikit. Kagat ko pa ang labi ko nang basta na lang hugutin ang saksakan ng rice cooker sa outlet. Nilingon ko rin ang refrigerator at inalis sa pagkakasaksak. Maging ang naka-display na isang plato ng mangga sa mesa ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Kinuha ko at balak na sanang itapon sa basurahan kung hindi ko lang nalingunan si Mareng na nakasimangot at kunot ang noo.
Tumikhim ako at marahang binalik ang mga hinog na mangga sa mesa.
"Mimi, are you planning to throw them away? Hindi naman po bulok. That's my favourite!"
Ngumuso siya at mabilis na umakyat sa upuan. Kulang na lang ay itulak ako sa gilid maabot lang ang mga mangga sa mesa.
"No, Mimi! Don't throw them away!"
Ilang beses siyang umiling. Nangislap pa ang mga asul niyang mga mata.
Conscience consumed me. Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. Pwede ko naman sigurong palagpasin ang mga bigay ni Drake. Pwede naman sigurong exempted sa galit ko?
I hissed. Bumibigat ang dibdib ko kakaisip na galing ngang kulungan si Drake at tumikhim pa ng bawal na gamot. Mas lalo pa iyong sumisikip kapag naaalala kong ginamit pa niya si Mareng.
How sure is he that Mareng changed him?
How sure is he that he changed for the better and not for the worse?
I breathed heavily and blinked back my tears. Pilit ko pang kinalma ang mga nanginginig kong kamay.
"Mimi, aren't we gonna work on the store? Baka po hinihintay na tayo roon ni Pareng Drake-"
"Don't call him that, Mareng! He's not your Pare. And no, we will not go back to work in that store. Better safe than sorry. "
Lumayo ako sa mesa at muling ni-plug ang rice cooker. Maging ang ref ay sinaksak ko rin ulit. Nilabas ko roon ang isang hita ng manok bago dumiretso sa lababo.
"But, Mimi! Gusto kong tawaging Pare si Didi. At gusto kong mag-work sa store niya. May mango shake doon dito wala. May money doon, dito wala. And Miss Kim might visit again and bring me another doll! Mimi, let's go to the store!"
Ilang beses na hinatak ni Mareng ang laylayan ng suot kong t-shirt at hindi yata titigilan kung hindi ako papayag.
Nagtitimpi akong pumikit. Takot na mapagbuhatan ko siya ng kamay.
"Mimi, let's visit Pareng Drake! I want to see Didi!"
"Stop, Mareng! And stop calling him Didi! He's not your father! Hindi lahat ng gusto mo pwede kong ibigay! And stop mentioning Miss Kim!"
Hindi ko napigilan at naisigaw ko lahat ng iyon. Ngunit nilukob ng konsensya ang puso ko matapos marinig ang mahihinang hikbi ni Mareng at unti-unting pagbitaw niya sa t-shirt ko.
Her baby blue eyes glistened with uncontrollable tears. Nanginginig ang labi niya at namumula ang mga pisngi. Maging ang paghinga niya ay namimigat.
What have you done, Veron?!
Inusig ako ng konsensya at mabilis na pinantayan si Mareng. I can't help but to cry with her.
Sumisinghot siya at hindi matigil ang paghikbi. Pilit kong pinunasan ang mga luha niya at pilit siyang niyakap kahit pa nagsisipaglaglagan din ang mga luha ko.
Bakit kahit para naman sa ikakabuti niya ay ang hirap pa rin kapag nakikita ko siyang umiiyak. Pakiramdam ko ay pinupunit ang puso ko sa bawat patak ng mga luha ni Mareng.
"Hush, Baby. I'm sorry, Baby. I didn't mean to shout at you. Sorry, sorry." Hinalik-halikan ko pa ang pisngi niya.
She sobs harder.
Mali naman talagang sigawan ko siya. And I know that is not a good habit.
"Sorry, Baby."
Hinarap ko siya at pinunasan ang luha at sipon niya sa mukha. At nang kumalma ay hinalikan ko nang matagal ang noo niya.
She is still sobbing a little, but no more tears.
"M-imi, I j-ust w-ant t-o g-o o-ut. I-lang a-raw n-a p-o t-ayo r-ito s-a b-ahay. I m-iss g-oing o-ut. I m-iss Pareng Drake," she sobbed.
Ako yata ang nahihirapan sa putol-putol niyang pagsasalita.
Pinahinga ko siya nang malalim bago pinainom ng tubig. Nang ayos na ay saka siya nagsalita.
"Am I not allowed again to see Pareng Drake, Mimi?"
Tila tinusok ang puso ko sa tanong niya. Her face shows how much she misses him kahit wala pang isang linggo ang nakalipas. Naalala ko na ganito rin ang naging reaksyon niya noong pinagbawalan ko siyang lumapit kay Drake.
"What did Pareng Drake do to make you mad again, Mimi? Can I be the one to say sorry on his behalf?"
She blinked her long lashes and even held my hand.
Tumikhim ako at huminga ulit nang malalim. Ang hirap kumausap ng bata!
"Kasi, Mareng. Your Pareng Drake is a b-"
Bad guy.
I bit my lowerlip to stop myself from talking. Ayaw kong sirain si Drake sa kanya. As much as possible. I don't want to taint Drakes' name in her mind.
Sa huli ay sumusukong ngumuso na lamang ako, "Mag-grocery na lang tayo, then we're going to visit the mango store. Is that fine with you?"
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagliliwanag ng mga asul niyang mata. Maging ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nabura niyon ang kaninang luhaan niyang mukha.
My heart felt delighted. Napangiti rin ako at agad siyang niyayang maligo.
Gusto ko ring huminga. Lumabas at kalimutan pansamantala si Drake. Hindi naman din kasi ito nangulit at pinilit ang sarili. Maybe, he knows, I need space. At mahirap makisalamuha sa mga taong alam mong minsang nakulong.
I want to stop the stereotype of thinking bad about him, so I want to stop seeing him for awhile. But I guess, Mareng is the magic. The magic that binds us together. Laging nagiging dahilan upang magkita kami kahit labag sa loob ko na magkita kami.
"Huwag kang hihiwalay sa akin, Mareng," paalala ko sa kanya habang nila-lock ang pinto.
"Noted, Mimi! Oh My! Hello!"
Nangunot ang noo ko kay Mareng at sa narinig na pagsara ng pinto ng apartment ni Drake. Natulos ako sa kinatatayuan at pigil ang sarili kong lumingon.
Bakit ba hindi ko naisip na baka hindi naman siya umalis ng bahay?!
"Pareng Rigs, you're here!"
Rigs?
I heard Mareng giggle. Maging ang pakikipag-high five sa kaharap. Hinatak pa nito ng isang beses ang damit ko at pilit na hinaharap sa kausap niya.
"Mimi, si Pareng Rigs!"
Tuwang-tuwa si Mareng at halos kumapit na sa binti ni Rigel habang ako ay nangingiwi. I didn't know he's here. At bakit wala si Drake?
Bahagya kong nakagat ang dila sa naisip. Bakit ko ba hinahanap?! I shouldn't care about him!
"Hi, Veron. Pasensya na, nakigamit ako ng apartment. Paalis na rin ako. Saan ba kayo pupunta? Ihatid ko na kayo. There is no safe place," then he looked at me knowingly.
Napayuko ako at napakapit sa sling bag kong suot. His offer is harmless. Ngunit dahil kaibigan siya ni Drake ay nag-aalinlangan akong sumama lalo pa't baka nakasama rin siya ni Drake sa kulungan.
I may sound too judgemental, kaya lang hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilang mag-isip nang masama sa mga nakapalibot kay Drake.
"I'm safe, Veron. There's nothing to worry about."
I looked at him straight in the eyes, only to find him looking at me sincerely.
And the next thing I knew, we were in his pick-up. Sinabi kong sa grocery ang punta namin na tinanguan lang niya.
Tumahimik ako habang si Mareng ay hindi matigil sa pagsasalita.
"I badly miss, Pareng Drake. Do you know where is he?" si Mareng na inabot rin ang mushroom chicharon sa dashboard.
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit sinubo niya lang sa akin ang isang mushroom chicharon. Dinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Rigel.
And I think, I am missing someone else's laugh. That low chuckle. And sinful smirk.
Hindi ko halos manguya ang chicharon sa bibig matapos gumuhit sa isipan ko si Drake na nakangisi at niyayakap ako. Parang piniga ang puso ko at gusto na lamang siyang makita upang mawala ang pangungulila roon.
"Really? Nandoon, Pare?! That's fine with me. I am also missing Tita Frey!"
Mas lalong tumawa si Rigel at nagnakaw pa ng kurot sa pisngi ni Mareng.
"I can't wait to introduce you to my Heaven. She will surely adore you too," ani nito kay Mareng.
Napakurap ako at hindi naman masundan ang usapan nila. Mas naalarma pa ako sa daanan nang makitang nalagpasan na namin ang isang grocery store.
"Sumobra na, Rigel. Diyan na lang kami sa tabi."
Ngunit hindi ito nakinig. Tumuloy pa rin sa pagmamaneho. Balak ko na sana ulit magreklamo ngunit nilingon ako ni Mareng.
"Mimi, kay Tita Frey tayo mag-go-grocery."
Pinirmi ko na lamang ang mga labi ko at umiwas ng tingin. Kinunot ko pa ang noo ko. Kahit hindi ko naman alam kung saang grocery iyon ay hindi na lang ako nagtanong. Duda rin ako kung pakikinggan ako ni Rigel. Kampon ni Drake ang isang 'to!
Hindi naman ganoon katagal ang byahe ngunit ang natatanaw ko ay sa kabilang bayan na.
Tumikwas ang kilay ko at umayos nang upo matapos mabasa ang Israel Grocery Store.
Ito ang grocery? Malapit iyon sa palengke at hindi naman mukhang pinabayaan.
"Baba na, Mimi. I'm excited to see Tita Frey and Didi."
Wala akong nagawa kung hindi bumaba. Inalalayan ko pa si Mareng na agad ring tumakbo palapit kay Rigel at sa lalaki nagpabuhat. Tahimik ko na lamang silang sinundan sa loob. Tinanguan pa ako ng isang babaeng empleyado na iba ang kulay ng uniporme kaysa sa iba.
"Tita Frey!"
Kita kong nagpumiglas pababa si Mareng na agad namang binaba ni Rigel. Nagtatakbo ito patungo sa babaeng mukhang strikto ngunit malawak ang pagkakangiti kay Mareng. Sumasabay sa lakad nito ang buhok na hanggang siko. Even her ironed white dress shouts strictness and professionalism.
"Mareng, how are you? Mabuti at naisama ka ni Rigel-"
She stopped when she noticed me. Umawang pa ang mga labi niya at napakurap. Hinila niya nang marahan si Mareng bago lumapit sa akin.
Maging ako ay napakurap. Nahiya sa bango niya at ganda. She looks intimidating. Tipong hindi mo gugustuhing kausapin.
Hindi ko alam kung yuyuko ako o iiwas ng tingin. Hindi ko rin mahanap ang dila ko upang makabati man lang sana.
"She's my Mimi, Tita. And she badly wanted to see Pareng Drake that's why we are here!" Mareng giggled and smiled at Frey.
Ako naman ay namilog ang mga mata at gusto na namang takpan ang bibig ni Mareng.
Pinapahamak na naman ako!
Sa pagkakaalala ko ay siya itong umaatungal kanina at nagpupumilit makita si Drake.
May kahinhinan ngunit malakas na pagtawa mula kay Frey ang narinig ko. Kusang nag-init ang mga pisngi ko nang marinig din ang mahinang pagtawa ni Rigel sa gilid.
"Draco should heer it," Rigel said before he messed Marengs' hair a little.
"I agree, Rigs. Draco will go insane about this," si Frey na bigla na lamang bumeso sa akin.
Sa lahat ng sinabi nila ay ang pangalang Draco lang ang tumatak sa isipan ko.
So it's true? Drake's real name is Draco?
Pinilit kong ngumiti kay Frey kahit pa bumibilis ang tibok ng puso ko sa nakumpirma. Iba pa rin kapag nanggaling mismo sa mga nakakakilala sa kanya. Ngunit nawala rin ang ngiti ko matapos matanaw si Drake, Draco pala na papalapit at may hawak na heart-shaped and rectangular box na tingin ko ay mga tsokolate.
Napakurap pa ako nang masalubong ang matiim niyang tingin. He didn't smile at me. Instead, he looked at Mareng and smiled at her. Nagawa pang buhatin bago binigay ang rectangular shaped na kahon.
"Thank you, Pare. I wanna say something. Can I whisper it?" tanong pa nito.
Draco nodded his head without taking his eyes off mine, "Sure. No problem, Mareng."
Lumapit si Mareng sa tainga niya at humagikhik pa bago nagsalita.
"Mimi, misses you! That's why we are here," bulong nito ngunit dinig naman naming lahat.
Pigil ni Frey ang mangiti at pigil ni Rigel ang matawa. Habang ako ay hiyang-hiya na sa walang katotohanang sinabi ni Mareng. Kahit nami-miss ko siya ay hindi ko sasabihin iyon!
Draco dangerously stared at me, then at the heart-shaped box he's holding.
And I won't lie that I waited for him to give it to me. Kaso ay hindi niya binigay. Kahit nang nasa opisina na ni Frey ay hawak pa rin niya iyon. Hindi binibitiwan kahit na nasa kandungan niya si Mareng.
"Hindi mo naman sinabing may tinatago ka pa lang anak, Draco." Tumawa si Frey bago nilapag ang baso ng juice sa harap ko.
Nagpantig ang tainga ko at mabilis na nilingon si Drake na kunot ang noo. Kita kong sasagot na siya kaya naman inunahan ko na.
"He's not the father," I said straightforward.
Dinig ko ang pagkasamid ni Rigel at kita ko ang lalong pagtalim ng mga tingin ni Draco habang si Mareng ay walang pakialam na kumakain ng mamon.
"And you're not the mother?"
Mabilis na dumapo ang tingin ko kay Frey sa tanong niya. Umawang pa ang mga labi ko at hindi makapaniwala.
How did she know?
"Just kidding! Ikaw nanay siyempre! Tsaka hindi naman kamukha ni Draco si Mareng," alanganin pa itong tumawa bago liningon si Draco na masama ang tingin.
I kept my mouth shut. Nakahinga nang maluwag ngunit hindi ko alam kung bakit mabigat pa rin sa dibdib.
How I wish Mareng is Mine.
Natahimik ang paligid matapos niyon at pawang walang balak magsalita. Kung hindi pa tumunog ang telepono ni Draco ay walang mag-iingay doon.
"Yes, come in. I am here," sagot nito sa tawag.
Mabilis nitong binaba ang hawak na cellphone at marahan ding nilipat sa upuan si Mareng na abala pa rin sa pagkain. Then he hurriedly opened the office door. Napunta pa roon ang tingin namin ni Frey. Only to find Miss Kim in her red fitted dress.
Hanggang dito nakahabol pa rin?
Nangunot ang noo ni Frey habang si Rigel ay napailing. Ako naman ay hindi maialis ang tingin sa dalawa. At kitang-kita ko kung paanong inabot ni Draco ang heart-shaped box kay Miss Kim.
My heart felt hammered. Sumisikip at tila inuubos ang paghinga ko lalo pa't nang makitang masuyo nitong hinalikan sa ulo ang guro.
"Drake, hinihintay ka ng mga magulang ko. Hindi na sila makapaghintay sa pasko at gusto ka na nilang makilala, so I set a family dinner for us," si Miss Kim na hindi ata kami titingnan.
Draco looked at me, then at Mareng. Tumikhim pa nang malakas si Frey na kinasalubong ng kilay niya.
Sa huli ay nilingon niya si Miss Kim, "Can I bring Mareng and Veron with me to that dinner?"
But Miss Kim eyes sharpened, "No, Babe. It's an intimate dinner. Family dinner. Only for us and my family, BABE."