Chapter 33: KABANATA 32
"He's name is Draco, Veron. An ex-convict. Galing kulungan. Matagal na nakulong. Masama, Veron. Masamang-masama."
Pilit iyong umuulit sa isipan ko. It's still hard for me to believe. Hindi ko mapaniwalaan. Ayaw kong maniwala.
Drake? Draco?
An ex-convict?
Alam ko namang wala akong background kay Drake o Draco o kung sino man siya. Baka nga palayaw niya lang ang Drake at Draco nga ang totoong pangalan niya.
Matatanggap ko pa na iba ang pangalan niya. Ngunit hindi na isa siyang ex-convict. Hindi ko gusto ng paratang ni Christian. Ayaw ko pang maniwala sa kanya. Nanginginig ang kamay kong binaba ang baso ng tubig sa mesa matapos maalala ang kanina.
"Baka nagkakamali ka lang, Christian."
Umiling ako ng ilang beses. Hindi talaga matanggap ng isipan ko ang paratang niya kay Drake. Mabigat iyon at nakakapanira ng dignidad.
"Maniwala ka, Veron. Kay Jim na mismo nanggaling na nakulong si Drake, Draco pala. Hindi ko pa nga lang alam ang buong pangalan niya at ang naging kaso. Pero totoo."
I stared at him in bewilderment. Baka kasi ibang tao ang tinutukoy niya.
"Hindi ba confidential 'yan? Bakit sinabi ni Jim sa'yo? Baka ibang tao ang tinutukoy niya, Christian."
He breathed, frustratedly. Napatingala at napapikit nang mariin. Tila hirap na ipaintindi sa akin.
"Gaano mo na ba katagal na kakilala 'yan, Veron? Alam mo ba kung tiga-saan? Edad? Pamilya? Baka nga kasal na 'yan sa iba tapos ginagawa ka lang na side chick niya! Sige nga, ano'ng alam mo sa lalaking 'yon?"
Napalunok ako at hindi makasagot. Totoo namang wala akong alam kay Drake. Naisip ko na rin iyon noon. Na baka masamang tao siya pero ngayong nakakasalamuha ko na ay mabuting tao naman. Naisip ko rin noon na baka may ibang pamilya na nga, kaso ay wala naman siyang suot na singsing.
Kahit ano pa! Hindi naman pwedeng husgahan na lang basta si Drake. Baka hindi naman siya.
Lumakas ang loob ko at tinapatan ng matapang na tingin si Christian. Hindi ako basta maniniwala kung walang pruweba.
"Hindi mo rin naman kilala si Drake, Christian. Gaano ka kasigurado na siya nga ang tinutukoy ni Jim? Hangga't walang pruweba, hindi ako maniniwala."
Dinig ko ang inis niyang pag-ungol at kita ko ang pagsabunot niya sa sariling buhok.
"Ano ba'ng pinakain sa'yo ng lalaking 'yan, Veron?! Maniwala ka. Kung gusto mo, hihintayin ko ang out mo sa bangko at tanungin nating dalawa si Jim sa kaso ni Drake-"
"Hindi, Christian." Umiling ako, "Hindi na'tin gagawin 'yan. Privacy ni Drake ang itago kung ano man ang gusto niyang itago. Wala tayong karapatang pasukin ang pribado niyang buhay-"
"Hindi, Veron! Importanteng malaman mo! Buhay niyo ni Mareng ang nakasasalalay dito. Paano kung isa pa lang mamamatay tao 'yan-"
"Tama na!"
Binigyan ko ng matalim na tingin si Christian na kinaawang ng mga labi niya. Umakma pang bubuka ang bibig niya ngunit inunahan ko na.
Napupuno na ako sa mga sinasabi niya!
"Hindi ko na aalamin 'yan, Christian. Hihintayin kong sasabihin niya-"
"Hindi niya sasabihin, Veron. Walang kahit sino ang gustong mabunyag ang sariling baho. Binalaan na kita. Hindi ko na kasalanan kung isang araw, iyang pinagkakatiwalaan mo ang sisira sa'yo."
Napalunok ako matapos makita ang pag-iling ni Christian at mabilis na pagtalikod sa akin. Ni walang lingon likod siyang umalis.
Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo. Along with my emotions, I could feel my breath becoming heavy. Ang bigat sa pakiramdam na kahit pilit kong sinsabing hindi si Drake ay umiikot pa rin sa isipan kong baka nga si Drake.
Baka nga totoong masamang tao. Pero hindi ko matanggap. Ang hirap tanggapin. How can I possibly look at him kung hindi na maalis sa isipan kong baka nga isa siyang masamang tao.
Nanakit ang lalamunan ko at nanlabo ang paningin. Ang hirap naman yatang isipin na ex-convict si Drake.
Kaya ba maraming tattoo?
Kaya ba agresibo?
Walang takot?
Kahit madali sa akin noon na husgahan siya ay iba naman ngayon. I don't want to judge him easily. Lalo pa't wala pang patunay. Mabigat lang talaga sa damdamin na nadungisan ang pangalan niya sa isip ko.
Ilang beses akong kumurap. Pilit pinipigilan ang mga luha ko. Nasabunot ko pa ang sariling buhok sa stress at frustration kaiisip. Hindi ko rin pinansin ang iilang hibla ng buhok na sumama sa palad ko. Pinagpag ko lang iyon bago huminga nang malalim.
Ayaw ko pang bumalik sa store. Bukod sa baka nandoon pa si Miss Kim ay alam kong mahihirapan akong tingnan sa mga mata si Drake. Lalo pa't pilit umuulit sa isipan ko na galing siyang kulungan.
Ano namang kaso?
That is the question that bothers me. Kahit nang bumalik ako sa store ay iyon ang tanong na umiikot sa isipan ko. Pilit ko pang iniwasan ang mga titig ni Drake. Pinagpasalamat ko lang na wala na roon si Miss Kim. Ngunit hindi ko talaga kayang pansinin si Drake hanggang sa makauwi.
I sighed. Maybe I need to talk to Jim? Pero maling manghimasok.
Umiling ako at muling nagbuhos ng tubig sa baso at inisang lagok iyon bago bumalik sa sala. Nadatnan ko pa si Mareng na sinusuklay ang barbie doll na bigay ni Miss Kim.
Saka ko na iisipin kung paano mailalayo si Miss Kim kay Mareng.
My mind is now in chaos about Drake being an ex-convict. And yes, I had sleepless nights because of that...
Ilang araw ko ring inisip at ilang araw din akong naghintay kay Christian sa bangko para lang makausap si Jim. And I decided to message Christian, kahit bago mag-christmas break. Mas hindi ko maaagilap si Jim sa Christmas break.
Kaya naman nanghahaba na ang leeg ko kakatingin sa labas ng bangko matapos ma-receive ang reply ni Christian kaninang lunch break. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Gusto kong hatakin ang oras at mag-out na agad kung hindi lang pinapaalala sa akin ni Miss Yumi na kailangan kong tapusin ang mga files.
"Bawal po ba undertime?" pilit ko pang tanong.
She knotted her forehead, and looked at me sharply, "Bawal. Dapat nga overtime ka pa."
Nanahimik ako matapos iyon. Ayaw salubungin ang galit ni Miss Yumi. Nagtiyaga na lang akong tumingin-tingin sa labas.
And when I saw the built of Christian, halos pumalakpak ang buong pagkatao ko. Hindi na makapaghintay ang mga paa ko at mas lalo na ang kaisipan ko. Kaya naman nang out na ay hindi ko sigurado kung na-fill up ko ba nang maayos ang DTR ko. Agad na akong tumakbo palapit kay Christian.
"Mabuti naman at nagbago ang isip mo. Sinasabi ko sa'yo, Veron. Hindi mabuting tao si Drake. Kapakanan ninyo ni Mareng ang iniisip ko."
I heard the sincerity in his voice. Tumango na lamang ako at hindi na makapaghintay.
Ang daming umiikot sa isipan ko na naging kaso ni Drake. And yet, I can't even address each of them as his sin. Laging baka hindi ang sagot sa bawat kasong naiisip ko.
"Na-i-message ko na si Jim, Veron. Hintayin na lang natin sa harap-"
Mabilis kong pinigilan ang braso niya sa paghakbang at umiling. Hindi pwedeng sa harap.
"Uhm. Pwede ba na sa kabilang shed na lang pag-usapan? Baka kasi biglang dumating si Drake at makita ka o si Jim," pakiusap ko.
Kita kong napirmi ang mga labi niya at nagsalubong ang mga kilay.
"Mas maganda nga iyon nang matanong ma na agad, Veron. Hindi iyon tatanggi, lalo pa't kaharap si Jim. Hindi siya pwedeng magsinungaling kay Jim.
Marahas akong umiling. Hindi ko iyon hihilingin. That is the last thing I want now.
Ako na mismo ang humila kay Christian papunta sa kabila. Hanapin man ako ni Drake ay matatagalan pa. Baka tapos na ang pag-uusap bago pa niya ako makita.
Wala mang isang minuto ay dumating agad si Jim. Nakangisi at namewang pa pagkadating sa harap ko. Ang mga mata ay kumikinang sa pilyo. Tila alam na agad ang sadya ko.
"Sino, Christian? Si Draco?" bungad na tanong nito.
Nagpantig ang tainga ko at naging interesado. Agad ko pang nabitiwan si Christian at pinokus ang tingin ko ay Jim.
"What about Draco? Ano'ng kaso?" natataranta kong tanong.
Kulang na lang ay hawakan ko rin ang braso ng pulis makuha lang agad ang sagot. Ngunit sadya yatang nang-aasar pa ito at nagawa akong tawanan.
Napirmi ang mga labi ko at sinamaan siya ng tingin. We waited for him to stop laughing. Sinulyapan pa ako ni Christian ngunit hindi ko binalik ang tingin sa kanya.
Paano masasabing seryoso ang kaso ni Drake kung ganito umasta ang pulis na kaharap. Parang noong una ko siyang makita ay seryoso ang itsura niya ngunit ngayon naman ay natatawa na.
Nang maramdaman niyang tahimik kami ni Christian ay tumigil din siya at tumikhim.
"Si Draco di ba? Matagal din na nakulong 'yan. Matagal din sa rehab. Probably three years."
Rehab?
Three years?
Pigil ko ang hininga ko at nagtitimpi na paulanin siya ng tanong. Kahit alam kong delikado at maaaring bawal na itanong ay gusto ko pa ring malaman.
"Ano ba'ng naging kaso niya?"
He smirked, then leaned a little nearer me. Kung hindi lang siya tinulak nang marahan ni Christian ay baka sumubsob na siya sa noo ko.
Nakakuha rin ito ng masamang tingin kay Christian ngunit tinawanan lamang nito.
"Hindi mo naman 'yan makukuha, Christian. Matagal na 'yang hinahanap at binabantayan," ani nito bago ako nginisihan.
Hinahanap? Binabantayan?
Sino? Ako?
Mas lalo lang yata akong naguluhan kay Jim. Nililiko niya pa ang usapan. Ayaw pa agad sabihin. Maging ako tuloy ay nawawalan ng pokus sa kaso ni Drake.
"Hindi pa naman sa kanya. Pwede pang agawin," mapangahas na sagot ni Christian.
Duda man sa usapan nila ay napalunok ako. Umiling at pilit hinarap si Jim.
"Pwede ba'ng sabihin mo na kung ano ang naging kaso ni Draco? Hindi iyong ang dami mo pang sinasabi. Kailangan ko pang umuwi."
Kung magtatagal pa ay aabutin na ako rito ng dilim. And I don't know what Drake can do with that. Baka rin umiiyak na si Mareng kakahanap sa akin.
"Chill. Madali naman akong kausap."
"Sabihin mo na, Jim, nang makapagdesisyon si Veron kung sasama pa ba kay Drake o hindi na," si Christian na palingon-lingon sa banda ng bangko.
Napahagod sa buhok niya si Jim at naging seryoso ang mga tingin. Bahagya pang bumalik ang pagkakakunot ng mga noo niya. Tila tinatanya kung interesado ba ako kaya naman tinapatan ko ang titig niya. Sa huli ay mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Fine. He was a drug addict."
He was a drug addict?
He was a drug addict?
"Veron! Why are you with them?"
Namilog ang mga mata ko at nilukob ng lamig ang dibdib ko. Natatakot ko pang nilingon si Drake na masama ang tingin kay Jim at Christian. Katulad iyon ng tinging binibigay ni Mareng na buhat ni Drake.
"Draco! Man, you've changed." Bahagya pa siyang sinuntok ni Jim sa balikat niya.
But Drake didn't make any response, nanatiling masama ang tingin niya sa dalawa. Nangilabot pa ako nang lumipat sa akin ang titig niyang nakakapanindig balahibo. Kaya naman takot man ay nagpaalam ako kay Jim at Christian.
Pinigilan pa ni Christian ang braso ko ngunit umiling ako sa kanya.
"Veron, pwede mo namang layuan. Baka hanggang ngayon, gumagamit pa 'yan."
Napalunok ako at nilingon si Drake na tumamlay ang tingin at mas niyakap na lang si Mareng na masama pa rin ang tingin kay Christian.
Does he look like a drug addict? Kaya ko bang sumama sa kanya? Kaya ko bang ipaubaya si Mareng sa kanya?
Paano nga kung hanggang ngayon ganoon pa rin siya? But Jim said, he changed. Paniniwalaan ko ba?
Sa huli, sumama pa rin ako kay Drake kahit na binabahayan ng takot at kaba ang dibdib ko.
Three years sa kulungan? Kaya ba siyang baguhin ng dalaawang taon lang?
Did he? Or did he hide it and still on it?
Hindi ko magawang malunok ang laway ko nang nasa loob ng jeep. Binabalot din ng pangamba ang puso ko sa gagawin niya ngayong kami lang tatlo ang nasa jeep. Hindi ko siya malingon kahit ilang beses pa niya akong sinulyapan.
Nangangatog ang mga tuhod ko at binti. Maging ang mga kamay ko ay nanginginig at hindi mayakap nang maayos si Mareng na nasa kandungan. Hindi yata nito maramdaman ang kaba ko kay Drake at ngiting-ngiti pa sa lalaki.
Kahit nang makarating sa apartment ay nahihirapan pa rin akong huminga. Hinintay ko lang na makapasok sa loob ng apartment si Mareng bago hinarap si Drake. And I think he knows what I'm going to tell him, or rather, ask him.
Nakayuko na ito at namumungay ang tingin sa akin. Kabaligtaran sa itsura niya kaninang galit kila Christian. What I'm seeing now is his weak side. Bagsak ang balikat at hindi pa yata makakapit nang maaayos sa pader ng sariling apartment.
"Are you afraid of me, Verona?" mahinang tanong niya.
Nanatili ang tingin ko sa lupa at napalunok. Takot na muling tumingin sa mga mata niya at hindi ko mapigilan ang sariling sabihing oo.
I still want to give him the benefit of the doubt. Ayaw ko pa rin manghusga ngunit kusa na ata iyong nabubuo sa isipan ko. He was a drug addict. He was an ex-convict. He was in rehab. But did he change?
Ano pa ba ang hindi ko alam sa kanya? At bakit niya ako linalapitan? To what? To harm me?
Kusang bumigat ang pakiramdam ko at nagtubig ang mga mata ko. Hindi ko lang matanggap na hinayaan kong lumapit si Mareng sa kanya without knowing that he could actually harm my daughter. Baka hindi ngayon, baka sa susunod.
Suminghot ako at kahit anong pilit kong pagpipigil na maiyak ay kusa ng nalaglag ang luha ko.
Pumikit ako nang mariin bago siya hinarap.
Ang bigat sa dibdib. Ang bigat sa damdamin. What else is true about him?
"Why, Drake?"
Umiling ako at mahinang tumawa matapos maalalang hindi Drake ang pangalan niya.
"Why, Draco? Totoo ba 'yon?! Totoo ngang galing ka sa kulungan?!"
Naging matalim ang tingin ko sa kanya at tumagos sa papadilim na niyang tingin.
"Paano ko masisiguradong ligtas ang anak ko sa'yo gayong galing ka sa kulungan?! Did you plan to harm me?!"
Hindi ko alintana kahit pa marinig ako nila Aling Flor sa sigaw ko. Gusto ko lang ilabas lahat ng nasa isip at puso ko.
Hindi ko matanggap at sa tingin ko ay hindi ko na matatanggap si Draco.
"H-ow d-are y-ou t-ouch me?! H-ow d-are y-ou k-iss me?! Tapos ano? Isa ka pa lang ex-convict at d-"
Hindi ko maituloy ang sinasabi. Ni ayaw ko nang lumabas pa iyon sa bibig ko.
I sobbed. I sobbed harder. I sat on the ground whipping. Bakit ko ba hinayaan ang sarili kong mapalapit sa tulad niya?!
And now, I'm feeling all the pain.
"Why, Draco?" sa nanghihina kong boses.
Ang akala ko ay hindi na siya sasagot. Ngunit naglagi sa tainga ko ang mga sunod niyang sinabi.
"I was lost, Verona. I was in the wrong direction. In the darkness."
He breathed heavily as he sat down and face me. Pilit niya pang hinawakan ang palad ko na pilit ko ring linalayo.
He looked at me straight in the eyes and spoke words that I didn't know would make my situation worse.
"But, I'm a changed man now, Verona. Life changed me. She changed me. Mareng changed me, Verona. "