Chapter 32: KABANATA 31

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagtuonan ng pansin ang gustong sabihin ni Christian. Naghintay naman ako sa text niya kaya lang ay walang dumating.

Baka hindi naman totoo. Paano mo ba masasabing masama ang isang tao? Sa gawa? Sa ugali?

Napanguso ako at mariing tinitigan si Drake na nagkikilo ng mangga. That's something he's quite good at. Kung hindi sakto ang timbang ay alam niya kung gaano kalaki ang ipapalit na mangga makuha lang ang tamang timbang.

He doesn't look bad to me. Kahit na may stubble na at maraming tattoo ay hindi na ganoon kasama ang tingin ko sa kanya. He's even courteous and generous to his customers. Kaya paanong masama si Drake?

Nagiging masama lang naman ito sa paningin ko kapag nanghahaplos at nanghahalik siya ng walang paalam. But to Mareng? He's a good person.

Kiniling ko nang bahagya ang ulo ko at pinasadahan pa ito ng tingin mula ulo hanggang paa. I admit, sometimes his words are hurtful. Tipong walang preno, sinasabi kung ano'ng maisipan. Masamang tao na ba kapag ganoon?

Bumuntong hininga ako at tinitigan kung paano siya ngumisi at tumango sa bawat mamimili. Okay, his lips are sinful. Even his hands. Baka nga pati mga mata niya. But are those enough to say he's a bad guy?

Lahat naman nagkakasala. What's my difference? Hindi rin naman ako perpekto. At hindi ko rin naman aasahan na perpekto si Drake.

I let out a long sigh, naputol nga lang matapos lumingon sa gawi ko si Drake. Gumalaw pa nang bahagya ang panga niya at lumalim ang tingin.

Napatikhim ako at umayos ng tayo sa counter at inayos ang t-shirt kong suot. Kunwari ko pang liningon si Mareng na naglalaro gamit ang cellphone ni Drake.

Ako kaya, kailan iyon mahahawakan?

Shut it, Veron! Hindi naman siguro iyon ipapahiram sa akin ni Drake. Malabo. Hindi rin naman ako girlfriend para mag-demand.

"Verona."

"Girlfriend ni Drake!"

Nabibigla kong hinawakan ang dibdib ko na walang tigil sa pagtahip. Naitikom ko rin ang bibig sa nasigaw na salita. Mariin akong pumikit at hiniling na sana hindi niya narinig. Ngunit duda ako roon. Sa lakas ng sigaw ko ay panigurado, pati mga mamimili ay narinig iyon.

"I had no idea you were thinking of me."

Ngumisi siya at dumikit sa harap ng counter. Umismid ako at umiwas ng tingin.

"Hindi kita iniisip. Nagulat lang ako sa tawag mo."

Gusto kong sabunutan ang sarili. Bakit ba ganoon pa ang lumabas sa bibig ko? Hindi ko naman hinihiling na maging girlfriend niya.

"Hm. Nagulat ka? Kanina ka pa nakatitig, Verona. Nagulat ka pa?"

Nahimigan ko ng pang-aasar ang tono niya kaya naman naniningkit ang mga mata kong lumingon sa kanya. Yumabang na agad, iyon pa lang ang narinig.

"Bawal na bang magulat? Isa pa, hindi ko naman gustong maging girlfriend mo-"

"I know. Hindi rin naman kita inaalok, Verona. Iba ang alok ko na tinanggian mo," sa mariin niyang boses.

Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya at sa nahihimigang hinanakit sa mga salita niya.

Kasal nga pala ang alok niya.

Nahiya ako bigla na tinanggian ko nga siya pero heto at naiisip kong maging girlfriend niya.

Imbis na sa mga mata ang tingin ko ay lumiko iyon sa noo niya. Nagawa ko pang titigan ang ilang hibla ng buhok na bumabagsak doon.

"Nagbago ba ang isip mo, Verona?"

"Huh?" nalilitong tanong ko.

Nagbago ang isip? Na pakasalan siya?

Nangunot ang noo ko matapos niyang hulihin ang tingin ko at kinulong ang mga itim kong mata sa malalim na kayumangging mga mata niya. Tila ako nahipnotismo at hindi maihiwalay ang tingin ko. Pakiramdam ko ay hinihigop ng mga mata niya ang kaluluwa ko.

"Ayos lang naman kung nagbago. I can open... my proposal for you, Verona. Huwag mo lang sayangin. I am willing to be Mareng's father kung papayagan mo ako."

Hindi ako nakapagsalita. Binundol pa yata ng mga daga ang dibdib ko sa kaba. Nanlalamig din ang mga kamay ko at hindi maialis ang tingin sa kanya.

"Verona, you'll never meet a man who will completely devote himself to a lady na may extra baggage. Bihira kaming mga lalaking ganito. Minsan lang ako manuyo, Verona."

Mas lalo yatang ginambala ng insekto ang dibdib ko at napuno, nagawa pang lumipat sa tiyan ko.

Sa isip ko ay hindi naman siya nag-iisa. Maging si Christian ay ganoon din ang alok. Pero alam kong mas matimbang si Drake kumpara kay Christian. Kaya lang, hindi ko pwedeng basta na lang ipaako si Mareng kahit kanino pa sa kanila.

"Just let me know if I have a chance. Kahit matagal, Verona. Kahit mauna pa tayong magkaroon ng anak bago ang kasal-"

"Drake!"

Hindi ko mapigilang sigaw sa sinabi niya. Tumalim din ang tingin ko sa kanya matapos marinig ang mahina niyang pagtawa at pagkurot sa mga pisngi ko.

"Niloloko mo na naman ba ako?" Tinaas ko ang kilay ko at winaksi ang kamay niyang nasa pisngi ko.

Ngunit nawala sa akin ang atensyon niya matapos marinig ang malamyos na tinig ni Miss Kim.

"Drake, binisita na kita. Here, I brought you some cake. This time, mocha flavor."

Lumapit ito at nilapag ang box ng cake sa mismong counter. And I couldn't help but scoff. Mas lalo na noong yumakap ang braso ng guro sa bewang ni Drake.

I hissed. Hindi ko naman ide-deny na sexy si Miss Kim. Lalo na sa mga suot niyang hapit na dress. Tsk.

Naka-dress, pupunta lang ng palengke.

Napairap ako. Pagbalik ng tingin ko sa harap ay matutulis na tingin ni Drake ang nasalubong ko na nakapagpaatras sa akin. Napakurap ako na siyang kinanguso niya. Pilit tinatago ang multong ngiting gustong kumawala sa mga labi niya. Sa huli ay nahuli ko itong kinagat ang pang-ibabang labi at nang-iinsultong tingin na ang binibigay sa akin.

Umawang ang mga labi ko at hindi makahanap ng salita. Naunahan pa akong magsalita ni Miss Kim na nakalingkis na sa braso at bewang ni Drake.

Nag-aalok ng kasal ngunit pumapayag na may ibang kumakapit?!

"Hi, Veron!" Lumiko ang tingin niya at kumaway kay Mareng, "Mareng, I brought something too. I bought a Barbie doll for you!"

At saka ko lang napansin ang winawagayway nitong paperbag kay Mareng.

And Mareng, as a child, eagerly placed Drakes' cellphone on the table and dashed to get her gift. Niyakap niya pa ang paperbag.

"Thank you, Miss Kim! I'm loving everything you're giving me."

Binuksan nito ang paperbag at nilabas ang kahon ng manika. Napanguso pa ako matapos makitang hawig iyon ni Mareng. Maputi at asul rin ang mga mata. May pagkakulot pa ang buhok at halata ang mga cheekbones.

Napaiwas ako ng tingin at napirmi ang mga labi ko. Bakit ba niya pilit kinukuha ang loob ni Mareng?

Masyado namang halata. Ako lang yata ang hindi niya dinalhan lalo pa't nasulyapan ko rin ang iniabot niyang simpleng man cap kay Didoy.

Magaling sumipsip. Magaling magregalo.

Napailing ako at sinubukang lumabas sa counter area. Ang kaso ay nakaharang na si Drake sa daan at hindi na nakapalupot si Miss Kim sa kanya. At ang tingin pa ay nasa... akin pa rin.

Napaubo ako at kinagat ang ibabang labi ko. Bakit ba tingin siya nang tingin gayong nasa tabi niya lang din naman si Miss Kim?

"Drake, pag-slice kita ng cake." Tumalikod ito at naghanap ng gamit, "Next week, strawberry flavor naman. Then next next week, caramel flavor naman-"

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Miss Kim na mga flavor. Balak niya yatang patayin sa tamis si Drake. Si Drake na hindi rin nakikinig sa kanya. Nasa akin ang atensyon at pilit hinuhuli ang tingin ko.

Tumikhim ako, "Uhm. May bisita ka. Lalabas muna ako."

Ngunit imbis na lumayo at hayaan akong makadaan ay mas hinarangan niya pa iyon. Buong katawan na niya ang nasa daanan.

"Drake, lalabas ako," may diing banggit ko.

Tumikwas ang kilay niya at ngumuso. Nilingon si Mareng na naglalaro ng manika bago ako muling tiningnan.

"Paalisin mo," mahinang bigkas niya.

Naguguluhan ko siyang tiningnan, "Huh?"

Sino'ng paalisin ko? Si Mareng?

"Paalisin mo si Miss Kim," mas malakas na bulong niya kaysa kanina.

"Huh? Bakit? Akala ko ba, gusto mo? Ayaw mo ng cake niya? At bakit ako ang magpapaalis?"

Umiling ako at tatalikuran na sana siya ngunit pinigilan niya ang braso ko.

"Alam ko namang nagseselos ka kaya paalisin mo na. Ayos lang, Verona, kahit walang cake. Your cake is much sweeter than-"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ang bibig niya. Na-e-eskandalo ko pang nilingon si Didoy na abala at si Miss Kim na nasa kabilang bahagi ng tindahan at doon nag-slice ng cake.

"Drake, ano ba! Pigilan mo nga 'yang bibig mo."

Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit naaaliw na tingin lamang ang pinalit niya. Namilog pa lalo ang mga mata ko matapos maramdaman ang senswal niyang pagdila sa palad ko.

Nahintakutan kong inalis agad ang palad ko sa bibig niya at binalak na lumayo. Ngunit agad din niyang nakulong ang bewang ko sa matipunong braso niya at niyuko ang mga labi ko. Kinagat at pinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.

"Hmp!"

Nababaliw na naman yata siya at basta na lang nanghahalik!

Pilit kong nilabanan ang lakas niya at pilit na tinulak ang dibdib niya. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba na mahuli ni Mareng o kahit sino kina Didoy at Miss Kim.

"Drake, dalawang slice ng cake ang para sa'yo," si Miss Kim.

Mas namilog ang mga mata ko at mas binalot ng kaba ang dibdib ko. Ngunit imbis na maalarma si Drake ay lumipat pa ang kamay niya sa likod ng ulo ko at pinalalim ang halik.

And I got carried away with the sensation. With the way his lips caressed mine, and how his tongue fought against mine.

Naipikit ko ang mga mata ko. Ang palad kong nasa dibdib niya ay kusang tumungo sa batok niya at doon kumapit. Ramdam ko rin ang kamay niyang mas humigpit ang kapit sa bewang ko.

"Oh my G! Mimi and Didi are K-I-S-S-I-N-G!"

Doon ako namulat at naitulak si Drake. Kinakabahan ko pang nilingon si Mareng na nangingiti. Agad pa nitong tinakpan ang bibig niya at umiling ngunit alam ko namang nakita niya.

Umiling ako at nilingon si Drake na nangingisi at pilyo ang mga tingin. Hindi pa nito pinapansin si Miss Kim na nasa tabi na niya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko lubos maisip na nagpa-ubaya na naman ako. Hinayaan ko na naman na mahalikan ako kahit pa alam kong makikita ni Miss Kim.

Maybe, I want that? To let Miss Kim see us. Baka nga.

"Drake, tikman mo ah. Tapos iuwi mo na lang 'yong sobra," si Miss Kim na nilagay ang kutsara sa palad ni Drake.

But Drake didn't bother to look at her. Nanatili ang tingin niya sa akin na kinailang ko. Nagulat pa ako nang ilapit niya sa harap ko ang platitong may cake.

"Sa'yo na, Verona. Kukuha na lang ako," aniya bago humakbang.

Ngunit mabilis siyang napigilan ni Miss Kim sa braso.

"Ako na lang, Drake. Ikukuha na lang kita."

Nanahimik ako matapos akong makahulugan na sulyapan ni Miss kim bago tumalikod at kumuha ng cake. Si Drake naman ay tumayo sa tapat ko.

"Uhm. Sana tinikman mo muna. Nakakahiya naman kay Miss Kim. Sa'yo niya binigay 'yan at hindi sa akin." Nginuso ko pa ang cake na nasa platito.

"I'm just teaching her not to be selfish," he groaned.

Napatango ako at hindi na nagkomento pa matapos matanaw si Miss Kim na pabalik. Dumiin pa ang tingin ng guro sa akin kaya nakakaintindi akong tumikhim at lumakad palabas sa counter.

Maybe, I should be sport. May the best woman win? Na-huh.

"Where do you think you're going, Verona?"

Tumigil ako sa paghakbang at hindi makalingon. Gusto ko lang naman hayaan na muna si Miss Kim. Hindi naman siguro siya hahalikan ni Drake gayong kahahalik niya lang sa akin.

"Hayaan mo na, Drake. Nandito naman ako. Isa pa gusto rin kitang imbitahan sa pasko. Ipakikilala kita sa mga magulang ko-"

Kusa kong nilunod ang boses ni Miss Kim. Edi sa kanya na si Drake sa pasko. Ibalot niya pa at ilagay sa ilalim ng christmas tree nila.

Nangunguso akong lumabas sa store at tumayo sa harap niyon. Pigil ko ang ulo kong lumingon sa counter. Gusto ko nga rin sanang kuhanin na si Mareng pero baka abala pa sa manika niya.

Binusog ko na lamang ang mga mata ko sa paligid. Nasulyapan ko pa si Didoy na tumayo at umalis.

I sighed. Kapag kaya sinusundo ni Drake si Mareng ay ganoon rin ka-sweet si Miss Kim? Pumupulupot din kaya sa katawan niya kahit nasa paaralan?

Kailangan ko na yatang magpareserba ng maraming cake para lang manalo kay Drake.

Urgh! This is frustrating!

Nawala lang yata ang isip ko matapos matanaw si Christian na papalapit. Balak ko sanang tawagin nang malakas kaya lang ay baka marinig ni Drake kaya simpleng kaway na lang ang binigay ko.

Nang makalapit ito ay agad na hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Bakit, Christian?"

Nangunot ang noo ko matapos nitong matalim na tumingin sa counter bago ako nilingon.

"May sasabihin ako. Importante, Verona. Hindi pwede rito."

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ang kamay ko palayo sa tindahan. Hindi ko pa masabayan ang mabilis niyang lakad.

"Uhm, Christian. Baka hanapin ako ni Mareng. Bakit ka ba nagmamadali?"

Ngunit hindi niya ako sinagot. Binitiwan niya lang ang kamay ko nang makarating sa bakanteng lote ng palengke. Sa likod iyon.

"Kailangan mong mag-ingat, Veron. Sabi ko naman sa'yo, masamang tao si Drake. Kilala ni Jim."

Napalunok ako at hindi talaga maintindihan ang punto niya. Nagtatanong ang tingin na ginawad ko sa kanya.

"Ano ba'ng problema mo kay Drake, Christian? Bakit mo ba pinipilit na masamang tao siya?"

Umakmang bubuka ang mga labi niya ngunit inunahan ko na.

"Hindi naman dahil galit ka sa kanya ay gagawan mo na ng kwento. He's a good man, Christian. I know." Ngumiti pa ako at marahang inalis ang hawak niya sa palapulsuhan ko.

Drake is a little bit of a jerk, but not a bad man. Hindi ko ito sinasabi dahil gusto ko siya. But because, that is what I saw in him. Ngunit hindi ata iyon nakikita ni Christian dahil tumatalim ang tingin niya at marahas pa akong hinawakan sa mga balikat.

"Maniwala ka, Veron. Masamang tao si Drake. Mali. Hindi Drake ang pangalan niya!"

Napakurap ako at kusang umawang ang mga labi sa narinig.

Hindi Drake ang pangalan niya? Paano? Ano?

Nanghina ako at parang dinaganan ng mabigat na bagay ang dibdib ko. Hindi ko mapaniwalaan. Mali. Hindi ako maniniwala.

Sinubukan kong ipunin ang lakas ko at pilit inalis ang mga hawak niya sa braso ko.

"Christian, nagkakamali ka lang. Kung hindi Drake ang pangalan niya, ano naman? At isa pa, ano'ng pruweba mo na masamang tao si Drake?"

Tinapatan ko ang tingin niya. But what he said next shattered my trust and reawakened my doubts.

"He's name is Draco, Veron. An ex-convict. Galing kulungan. Matagal na nakulong. Masama, Veron. Masamang-masama."