Chapter 33 Pretender

WE ARE dating for four months now. I pretended more than I originally planned. Magtatapos na naman ang sem.

Sa nakalipas na apat na buwan, napag-alaman ko na nasa parehong subdivision lang kami. Kaya pala ang lakas ng loob ni Kuya Nico na mag-suggest na doon sa bahay naming tumira si Ken.

Alam niya siguro na I will do every means para palayasin si Ken. But of course, we are talking about Ken, the forever shameless jerk. And he’s been doing well na magpakabait sa mga Kuya ko, saying na he will love me and only me.

Kaya kapag nagsasabi ako kay Kuya Nico na paalisin na si Ken, ang lagi niyang sagot sa akin, “the both of you are doing well. Bakit paalisin?”

Wala akong maisagot dito dahil botong boto sila kay Ken!

At isa pa na dahilan kung bakit napatagal ang pag-pretend ko ay dahil hanggang ngayon, wala pang kasalang nagaganap sa pagitan ni Kuya Liam at Vyra. Ang ending, Vyra and Ken are all friendly with each other na animo sila ang may relasyon, when my brothers are not around.

At ako namang sira, pilit na kinukuha ang atensyon ni Ken as if I am trying hard magpa-impress sa kanya, and make him look only at me.

Ngayon nga ay kaming tatlo na naman ang naiwan sa bahay. At para walang Ken-Vyra moments, niyaya ko si Ken na mag-date.

Ang kapal niya! Parang hinihintay niya na ako ang magsabi. Minsan iniisip ko, alam niya ang reasons behind my actions.

Wearing my super casual clothes, kasi hindi niya deserve ang effort ko na magpaganda – plain white fitted T-shirt, straight cut blue jeans and clogs. And I will never forget my thick glasses and kind of messy relaxed fishtail.

Bago mag-alas tres, which is kind of alanganin na date hour para sa park-mall na date, umalis na kami ng bahay. Dinaanan namin ang kotse niya sa bahay nila.

Now that I know where he lives, I will ask Kuya Liam later na lumipat na kami. For sure, hinding hindi na ito lalayo si Ken kaya kahit labag sa loob ko, ako ang mag-a-adjust. I will be the one to walk away.

“Aalis pa ba tayo o gusto mo, dito na lang sa bahay?”

Napapikit ako nang mariin sa tanong niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sooner or later, he will take his shamelessness to another level. I can’t tolerate this.

“Uhm, maganda siguro kung sa mas maganda na lugar tayo mag-usap. You know, ang tagal nating hindi nag-date.” I tried to smile as natural as possible, just to convince him.

Napakamot na lang siya sa batok niya. I guess I didn’t sugarcoat my words effectively. Dagdag pa iyong diin na naibigay ko sa word na mas.

“Yeah, you’re right.”

Nang makarating kami sa amusement park that is half an hour away from the subdivision, agad akong pumunta sa pinakaayaw niyang rides sa lahat– ang roller coaster. Kung dati, I will go with what he wants, ngayon hindi na.

Kung hindi siya makikisama sa akin, I will use it as a reason para sumbatan siya.

Hindi ko namalayan, nakasunod siya sa akin.

“I always know that you wanted to ride this, so I will overcome my fear and ride this with you, right here right now.”

Shit!

“You’re so sweet, Sir. Dahil diyan, sa front seat po kayo. If you want to enjoy this first time with your girl,” sabi ng babae sa ticket booth.

Gusto kong sabihin na mali ang iniisip niya, pero naisip ko rin naman na first time ito ni Ken, at sa pinakaunang seat pa talaga kami mauupo. Not the kind of first time one will enjoy, kahit gaano pa ka-romantic ang dating nang pagkakasabi niya.

I grin at the back of my mind. Let’s see kung kakayanin niya.

LAKING DISMAYA sa resulta. Pakiramdam ko, all those years, niloloko lang ako ni Ken about his fear. He was so calm and collected, it was not one’s reaction kung first time niya, lalaki man o babae.

“That was awesome!” nakangiting sabi niya.

I smile back. Nawalan ako ng gana para sirain ang mood niya. I might as well enjoy this na lang. sa nakikita ko, ako lang din ang masisiraan ng bait kung susubukan ko pa na hanapan siya ng mali. Maganda naman ang panahon, ire-relax ko na lang din ang sarili ko.

Pumunta kami sa isang café.

The kind of café every weeb would want to live in. Sa front door, may human-size cardboard ni Diane ng Seven Deadly Sins, welcoming us with a huge smile. Sa loob naman, mala-bar ni Meliodas. May figurine pa ni Ban na nakaupo kay Hawk sa may counter.

Hindi ko pinahalata kay Ken na I am so into place. Hindi niya alam na mahilig ako sa anime. Sa bahay kasi, may sariling kwarto ang mga anime merch ko.

“Anong gusto mong kainin?” mayamaya ay tanong ni Ken.

“Kahit ano.” A typical answer. I want him to decide something that will be best for my mood.

Naghanap na ako ng mauupuan. Pumunta ako sa pinakadulong part ng café, malapit sa glass wall. Tanaw ko ang labas. Nagsisimula nang magsibukasan ang mga light post at pailaw sa paligid ng amusement park.

Napangit na lang ako. This is the best part of the day – the sunset.

Hindi nagtagal, dumating na si Ken na may dalang isang tray. May laman itong two plates of lasagna, few slice of garlic bread, and two glasses of iced tea.

“Til now, I always think that all of this is just a dream. I can’t believe you accept me again in your life.”

My nose automatically cringes sa intro niya.

“Are you ok? Ayaw mo ba ng order ko para sa iyo?” nag-aalalang tanong niya.

“No, I’m fine.”

“Alam mo, hindi ko talaga inakala na mapapatawad mo ako pagkatapos mo akong bigyan ng pamatay na suntok. Muntik na mabasag mukha ko noon.” He chuckled.

I did not forgive you, not even for a second. “Ito naman. Everyone deserves a second chance, kahit pa ang mga katulad mo na gago.” I saw him flinch.

Uminom ako ng iced tea bago magpatuloy sa pagsasalita.

“Pareho tayong may pagkukulang sa isa’t isa. And we both deserve a second chance to make up for our mistakes so here we are, together again.” I said smiling to cheer up.

Sa totoo lang, nandidiri ako sa mga sinasabi ko.

Giving second chance, and forgiving this person – kung sana ganoon lang kadali iyon.

Maraming nasira – tiwala, pagmamahal, at iyong pag-asa na ako lang. Kung hindi man nasira, siguro, nasayang. Oras na nasayang sa kanya na dapat, ginugol ko na lang sa sarili ko o sa tamang tao na deserve iyon.

“Sabi nga di ba? Only time can heal the pain.”