CHAPTER 49 sad bennet
I roamed around the dark hallways of the house until my feet found its destination...
Nicky's room. I'm standing right in front of her door.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyun.
Amidst the darkness of the room... I can see an outline of figure lying on the bed. A figure of a woman I long to touch at night.
Dahil sa pagdagsa ng mainit na pakiramdam sa loob ko ay iginala ko ang paningin ko sa kuwarto. Inihakbang ko ang mga paa ko papasok ng silid ni Nicky.
Her room was small. Sinadya ko na ipagamit sa kanya noon ang pinakamaliit na kuwarto dahil alam kong sanay si Nicky sa marangyang silid. Her discomfort is what I want. Dahil gusto kong gumanti.
Pero ipinagtaka ko pa na wala akong narinig ni katiting na reklamo sa kanya. Minsan nga'y nakita ko pa siyang natutulog sa sahig na para bang mas komportable siyang mahiga roon kesa malambot na kama.
Doon ako nagsimulang magtaka sa kung sino ang totoong Nicky. Na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko pa rin.
Just like Nicky... simple lang ang silid. Ni hindi siya nag-abalang maglagay ng dekorasyon o ano. Nakita ko lang na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng lampshade ang dalawang picture frame.
Lumapit ako doon at nagmasid sa larawan.
Ang isa ay larawan ni Nicky na may kasamang chimpanzee at iguana. Ngiting ngiti si Nicky sa larawan na parang iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya.
Well... it must be. Sa nakita ko kanina sa Zoo, alam ko nang animal lover by heart si Nicky.
Ngumiti lang ako at nagmasid sa ikalawang larawan.
The moment my eyes landed on the next picture, my heart stopped.
It was a picture of...
ME and HER on our wedding day.
Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang bumalot sa 'kin. My inner core is flooded with this strange warm sweet feeling I can't name.
It's our wedding picture. Hindi ko akalain na may kopya siya nito. Ang alam ko'y pinatapon ko ang lahat ng pictures na kinunan nung araw na yun.
I just hate her that time. Ganun ko siya kinamumuhian noon.
Ngayon... ewan kung saan lumipad ang pagka muhing 'yun.
Nicky was grinning on the picture at naka-peace sign pa siya. Natatandaan kong wala rin siyang suot na sapatos noon dahil itinapon niya ang heels sa kung saan.
Tumingin ako sa imahe ko. I was disappointed nung makita kong seryoso ang mukha ko.
Teka... ganito ba ako ka-seryoso noon? Hindi man lang ako ngumiti kahit isang beses sa kasal namin? Damn. Nakakapanghinayang. Mukha tuloy akong galit na halimaw sa larawan.
But its a wedding picture anyway. At wala na akong magagawa dun.
Maybe I should ask Firenze about the wedding pictures. Baka magawan niya ng paraan na makuha ang kompletong kopya noon.
Napatingin ako sa dako ng kama nang gumalaw si Nicky. Nakita kong umunat-unat siya bago muling bumaluktot na parang pusa.
Nilalamig yata siya.
Ah. Kaya pala. The window is open. The blasting wind from the ocean roamed freely around her room.
Naglakad ako palapit sa bintana at sinara 'yun. Tapos lumapit ako sa kama at minasdan si Nicky habang natutulog.
My wife looked like an angel sleeping. Peaceful and deep. Some strands of her hair loosely scattered across her face giving her an extra fire of sexyness. I can't help but sighed. She's really pretty when she's simple.
She's not wearing any sexy lingerie. Just an old pair of blue pyjama with spongebob print. Tsk! Mahilig talaga siya kay Spongebob.
This woman. Nalilito na 'ko kung ano at sino ang totoong siya.
Na kung makipagbuno sa tigre akala mo'y dinosaur talaga siya.
Ano bang meron sa'yong babae ka? Na kahit si Mana ay napalambot mo ang puso. Si President Gunford. At kahit ako pa...
Sino ka ba talaga?
"Bennet..."
Napatda ako nang marinig ang mahinang tinig ni Nicky. Tama ba ang narinig ko o tinawag niya talaga ang pangalan ko?
"Bennet..."
No, she really said it.
Napangiti ako nang wala sa oras. Nicky must be dreaming of me. I wonder what she's seeing on her dream. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa panaginip niya.
"G-goodbye Bennet..."
That's when my head go black and my heart went numb.
She's saying goodbye to me on her dream?! No way! Hell, no way!
Nag-panic ang kalooban ko. Tutol na tutol sa narinig na pamamaalam.
Iiwan ako ni Nicky? Curse the hell but I will not let that happen!
Teka Bennet. Preno ka muna! Di ba darating ang panahon at talagang iiwan ka ni Nicky? Dahil may taning ang pagsasama niyo. Ikaw mismo ang naglagay nun!
The marriage will only last for three months. Three months and we're done.
Nalito ang isip ko pero mahigpit na tinutulan ang tatlong buwan ng puso ko. At inayunan pa 'yun ng damdamin ko.
Goodbye Bennet?
No fucking way!
Bago ko pa ma-realize ang ginawa ko, sumampa na ako sa kama ni Nicky at mabilis na humiga sa tabi niya.
Her warm and sweet scent immediately fills my nose. I inhaled in great satisfaction.
Hinikit ko 'yung comforter at ibinalot din doon ang sarili ko. My body feels the curve of Nicky's warm body.
Magaan na magaan ang pakiramdam ko. At nagugustuhan ko 'yun. I looked at Nicky's face. She's just breath away from mine.
Hindi ako nakontento. Dumikit ako sa kanya at dahan-dahang niyakap siya. My heart is throbbing like crazy at tila ang pagyakap lang sa kanya ang makakaalis ng frustration ko.
The feel of her in my arms is wonderful. My soul felt contented. It's almost indescribable.
Suddenly, biglang nagmulat nang mata si Nicky. Her great black eyes grew wide when she realized that I'm lying beside her.
Gulat na gulat siya.
"Bennet... anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa tinig na namamalat pa.
Creep. Her voice makes my testostherone dance errotically. Jesus Christ! Calm down, Bennet!
"Er... I... I just want to sleep beside you. Masama ba 'yun?" nasabi ko.
Napamaang si Nicky. "Huh? Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit sa tabi ko pa?"
"Eh 'yun ang gusto ko eh. Stop asking questions, will you?! And just sleep!" asik ko sa kanya.
Nakakaasar eh. Bakit? Bawal bang tumabi sa kanya?! Isa pa, asawa ko naman siya.
Tinitigan lang ako ni Nicky na parang iniisip niya kung totoong nasa tabi niya ako o nagha-hallucinate lang siya.
But after sometime, ngumiti lang si Nicky bago siya na rin mismo ang yumakap sa 'kin. Idinikit din niya ang pisngi niya sa dibdib ko.
I caught the waft of flowery smell on her hair, nasinghot ko tuloy siya nang wala sa oras.
Aah. That feels good.
I embraced her and buried my face on her hair. Her body next to mine just feel perfect. I could live with it... for eternity.
"Higpit makayakap ah... tyansing ka, bunny hubby!" reklamo ni Nicky maya maya.
Tumawa lang ako. "Gumanti ka na lang ng tsansing. You know, I'm a willing victim."
At napatawa si Nicky habang nakayakap sa 'kin.
Hmmmm. Perfect.
"Goodnight wife..." bulong ko.
"Goodnight, husband..." ganting bulong niya. She sounds very sleepy.
That's right. Just sleep. I'll be right next to you.
Nicky, kung wala ka talagang kasalanan sa pagkamatay ni Kelly... huwag kang mag-alala, sa mga susunod na araw, magkakaalaman na.
Wala na rin akong pakialam kung ikaw ang gusto ko o ang pagbabago mo.
All I know was that, this woman beside me... is the woman who's making me extremely happy.
Sleep tight...
And let me cradle you in my arms, tonight.
Cole's PoV
Hindi pa man ako nagmumulat ng mata, napapangiti na ako.
I just had a very good dream. Sa panaginip ko daw tumabi si Bennet sa 'kin at yumakap pa nang mahigpit. I swear I could smell his mint chocolatey scent. In fact, naaamoy ko pa rin siya kahit gising na ako.
Naaamoy ko siya sa unan ko.
But of course, it was just a dream so I just stretch my arms and yawn.
"Haaaaaay. Strange ah, hindi ata malamig ngayon compare kagabi---"
Napatigil ako sa pag-unat, may natamaan kasi ang kamay ko. Nagmulat ako ng mata at doon ko nakita ang isang pigura na balot na balot ng comforter at nakahiga sa tabi ko.
"Huh?"
Kinapa ko ang pigura at walang babalang hinikit ang comforter pababa. Nahigit ko ang hininga ko nang tumambad sa 'kin si Bennet na himbing na himbing ang tulog.
Napanganga na lang ako.
Ibig bang sabihin... hindi panaginip 'yun? Na totoong tumabi talaga si Bennet sa 'kin kagabi? At... at... yumakap pa siya sa 'kin?
Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil nanganganib umatungal si Goddess-Cole sa loob ko sa sobrang kilig.
Anak ng sampung tokneneng naman!! Anong nangyayari sa Bunny Hubby ko? Bakit bigla siyang naging ugaling tao? Tinabihan pa niya ako!
Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtitig sa natutulog na lalaki. Bihira lang ang mga pagkakataong ganito. Na matititigan ko siya na di niya ako sinisimangutan.
He was really cute when he's sleeping. Gulo gulo ang buhok niya. Bennet's like a child. Last time I saw him sleeping, mukha siyang pagod na pagod. Pero ngayon, peaceful at magaan ang aura niya. Na parang sapat ang naging tulog niya at nanaginip pa siya nang maganda.
Gumaan ang pakiramdam ko.
Bago ako tuluyang bumangon ay dinampian ko ng halik sa pisngi si Bennet tapos ay dahan-dahan akong bumaba sa kama.
Palabas na ako ng kuwarto nang biglang may magsalita...
"And where do you think you're going?"
Halos mahulog ang puso ko nang marinig ang tinig ni Bennet.
When I turned around, I saw him trying to sit on bed while scratching his eyes.
"Matapos mo akong halikan, iiwan mo ako?" dagdag pa niya bago ako kinunutan ng noo.
"Ay grabe! Para kang si Sleeping Beauty, nung hinalikan... nagising bigla!" angal ko para itago ang pagkapahiya.
Bumangon na rin si Bennet sa kama at naglakad papalapit sa 'kin. Medyo scary ang expression ng mukha niya. Scary kasi nung ngumiti siya... parang tinubuan siya bigla ng sungay. Sampu agad.
"Goodmorning husband!" Bati ko agad. Wala kasi akong maisip na sabihin.
But he still walk towards me and when he came face to face with me, hindi na ako nakapalag nang hawakan niya ako sa pisngi ko at biglang halikan...
SA LABI KO!!
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Malalim ang halik ni Bennet. Para siyang pating na sinalakay na lang ako bigla dahilan para hindi na ako makatakas pa. May kasamang panggigigil ang halik niya na parang gusto niya akong kagatin. But all in all, it was still gentle and sweet.
Nakakabaliw.
Kung kelan gaganti na sana ako nang halik at tsaka naman siya bumitaw. Napatanga tuloy ako.
My lips is numbing. Sheeet! Disoriented pa ako nang tumingin kay Bennet.
A playful smile was playing at the corner of his lips as he said, "Good morning wife!"
Once more, he brushed his lips against mine. Quickly, sending liquid fire on my inner core.
Then he withdraw, and walk off.
Iniwan niya ako at lumabas siya ng kuwarto. Naiwan akong... muntanga!
Anyare?
May ilang oras siguro akong tulala bago ko na-realized na nakatayo pa rin ako sa gitna ng kuwarto ko at nakatanga.
Ano bang nangyari?
Pinilig ko ang ulo ko at nag-internalized.
Get back to your old self, Cole! Hinalikan ka lang para ka nang tanga! Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan ka niya.
Oo, alam ko. Pero anong magagawa ko? Everytime he's kissing me, it always feel like first time!
Hay! Baliw na 'ko. Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko.
Dumeretso ako sa Bathroom at mabilis na naligo. Nilunod ko ang sarili ko tapos sinabon ko na rin ang nadudumihan kong utak.
Si Bennet eh, dinudumihan niya ang inosente kong pag-iisip. Kasalanan niya lahat ng 'to.
Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako.
6:45 am. 'Yun ang oras ayon sa wristwatch na suot ko. Maagap pa pala. Tsk! Sabagay, early bird naman talaga ako. Dahil sa trabaho ko, nasanay ang katawan ko sa maagang paggising.
Mukhang ganundin si Bennet. Early worm naman siya.
Speaking of Bennet... nasaan na kaya 'yun?
Nasagot ang tanong ko nang pumasok ako sa Dining Hall. Nandoon ang magaling na lalaki at nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.
Nakita ko rin doon si Mana na hinahainan ng pancake si Bennet.
"Goodmorning, Nicky..." bati ni Mana na ngumiti.
"Goodmorning din po!" bati ko sabay upo sa silyang katapat ni Bennet.
Hindi ako pinapansin ng lalaki kaya di na rin ako nag-abalang pansinin siya. Kumuha na lang ako ng tasa ng kape at humigop doon. Tapos dumampot ako ng isang magazine, newest issue ng National Geographic at nagbasa.
The issue is about how 'rape' is the most gruesome, cruel and undocumented tool of war.
Agad akong nadala sa mga nabasa ko. Hangang hanga ako sa pagkakagawa ng editorial at featured issue na tiningnan ko pa ang kung sinong sumulat noon.
Q. H. Wallace.
Ah. Si Miss Quintin pala. Isa sa mga hinahangaan kong writer ng NatGeo Mag. Nagkasama na kami sa isang project noon. Nang piliin niya ako bilang photographer para sa special issue noon tungkol sa Ancient Money Pit sa Peru at ang tungkol sa Mayan Empire.
The issue about Rape affected me so much. It tackles how this cruel crime is worst than death itself.
'It's better to die after you've been raped. Because when you survived, you're worse than dead. You've been curse, not just by the demon but also by our dirty judgemental society. People will talk about you.'
Tama. Tama. Grabe! Ang galing talaga ni Miss Quintin. Sana kapag bumalik ako sa NatGeo, makatrabaho ko ulit siya.
Maya maya inilapag na din ni Mana sa harap ko ang isang plato na may pancake.
"Parang iiyak ka na diyan sa binabasa mo, Nicky ah? O, kumain ka muna," ani Mana.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na di lang si Mana ang nakatingin sa 'kin kundi maging si Bennet na sa kung anong dahilan eh nakakunot ang noo sa 'kin.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit? Kumain ka ng breakfast!" angil ni Bennet.
Kumuha ako ng pancake at kumagat agad. Nang masiguro ni Bennet na kumakain na ako. Ibinaba niya ang dyaryo na hawak niya at kumain din siya.
Doon ko lang napansin na naka-suit na siya. Tsk! Papasok na pala siya sa RedSphere. Malulungkot na naman ako.
Tahimik na lang akong kumain.
Maya't maya ay nahuhuli ko si Bennet na tumitingin sa 'kin.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit?" ganting tanong niya.
"Parang may sasabihin ka eh," sabi ko.
Nag-iwas ng tingin si Bennet. Dinampot niya lang 'yung kape tapos humigop siya. After some time, muli siyang tumingin sa 'kin at nakita niya akong nakatingin sa kanya.
Naparanoid yata ang loko, dinampot niya 'yung dyaryo at muling nagbasa.
Tsk! Mukhang wala naman talaga siyang sasabihin. Assumera lang ako. Kibit-balikat na lang akong kumain at nagbasa din.
Maya maya, tumayo na si Bennet kaya nag-angat ako ng tingin.
"Are you going?" tanong ko.
"Yeah. We have an early meeting with the Beckendorf," sagot niya habang sinusuot 'yung jacket ng suit niya.
Bahagyang nagusot ang jacket niya kaya tumayo ako at lumapit kay Bennet tapos ay inayos ko 'yun para sa kanya.
I could feel Bennet's gaze. He was staring at me. Hindi ko na lang pinansin ang pagtitig niya kahit pa nga nagne-new year's eve na naman ang dibdib ko.
"Sinong kasama mo? Si Fuji?" tanong ko.
"Nope," narinig kong sagot niya.
Inayos ko na rin ang necktie na suot ni Bennet dahil tumatabingi 'yun.
"Eh sino? Si Raul Frey?"
"Hindi rin, he's in Russia. Closing a deal with the Zobecks."
Ganun? Naglalagalag sa mundo si Raul Frey, kaya pala laging wala ang lokong 'yun.
"Paano ka? Sinong kasama mo?"
"I'm okay. I'll just go with the M. I. B--- I mean with the... boys," ani Bennet na biglang napakamot.
Pinigilan kong tumawa. M. I. B. Pfft! Nahawa ko na siya sa kakatawag ko ng MIB sa mga bodyguards ko.
"Okay," sabi ko. "Off you go, then."
Tumitig lang si Bennet sa 'kin.
"Hoy!" untag ko sa kanya.
"Mmmm. What's your plan for the day?" tanong bigla ni Bennet.
Napamaang ako. Plano ko? Hmmmm. "Ewan. Siguro, sasama na lang ako kina Mana sa Market."
Tumango tango si Bennet. "Alright. I should go, then," paalam niya.
Tumalikod si Bennet at naglakad palayo. Napanguso ako. Ang daya ni Husband, wala man lang goodbye kiss---
Biglang tumigil sa paglalakad si Bennet tapos nagmamadali siyang bumalik. Next thing I knew, he kiss me on my cheek.
Tumalbog na naman tuloy papuntang Pluto ang maliit na utak ni Cole.
Omo. He gave me a goodbye kiss. Sheeet na gumugulong sa puteeek!
Bennet's dark brown eyes meet mine. "I will send someone to fetch you later this afternoon. Make sure you're home. Huwag na huwag kang maglalagalag dahil pipilipitin ko talaga 'yang leeg mo."
Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at tuluyan nang naglakad palayo.
Okay. Ano raw? Ipapasundo niya ako mamayang hapon? Para saan? Tsk!
After ng breakfast, tumulong ako kina Mana sa paglilinis ng kusina. Itinataboy nila ako palayo pero para akong langaw na bumabalik pa rin kahit anong wasiwas nila.
"Doon ka na nga sabi sa kuwarto mo, babae ka! Ang tigas ng ulo mo!" angil sa 'kin ni Mana. "Bitawan mo 'yang walis!"
Ngumiti lang ako kay Mana. "Ano naman pong gagawin ko sa taas? Uugatan lang ako dun. At least dito makakatulong pa ako," katwiran ko.
Wala na ngang nagawa sina Mana kundi ang hayaan ako na tumulong. Pero pinagbantaan niya ako na isusumbong kay Bennet.
"Tssh! Si Bennet? Wala 'yun! Takot sa 'kin 'yun!" sabi ko.
Tawa tuloy nang tawa si Joyce pati na 'yung ibang katulong na nakikinig.
After ng paglilinis, sinabihan ako ni Mana na magpahinga dahil pupunta pa raw kami sa Market sa San Jose. Pero imbes na sa kuwarto... sa tabing-dagat ako pumunta.
Naupo ako sa buhanginan at tumingin sa malawak na karagatan. Ang totoo, gusto ko lang munang huminga ng maluwag at paglinawin ang isip at puso kong nagbubuhol-buhol dahil sa mga pangyayari... sa pagitan namin ni Bennet.
Maliwanag ang kalangitan, pero sa di kalayuan ay nakikita kong may namumuong madilim na ulap. May bagyo kaya? Tsk!
Dumakot ako ng pinong buhangin at unti-unti iyong muling pinakawalan.
Naguguluhan ako ngayon, pero sa kabila nun... masaya ako. Masaya ako sa nararamdaman ko kay Bennet. Sigurado na ako sa sarili ko na gusto ko siya... na mahal ko siya.
Nakakatawang isipin na mararamdaman ko ang bagay na 'to sa isang tao na ni sa panaginip ay di ko inisip na makikilala ko.
Bennet and I both came from two different world. He's not a guy from my league at alam kong malayo rin ako sa mga babaeng nakakasalamuha niya.
He's from Venus, I'm from Mars.
Kaya lang, naglaro ang tadhana at ayun... nagkagulo ang dapat sanay maayos na sistema ng buhay namin.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Bennet para sa 'kin. Dahil maaaring nagpapanggap lang siya na gusto ako para lalong pasakitan.
But who are me to said that? Sa 'ming dalawa, ako naman ang unang nagpanggap. Ako ang unang nangloko.
Bumigat lalo ang dibdib ko. Mas komplikado na ngayon ang sitwasyon kesa dati. Ito yung sitwasyon na dapat aalis na ako sa eksena.
We've been together for a month. A month. Kaya ko naman palang makisama kay Bennet sa ganun kahabang panahon.
A month. Huh?
May pumitik bigla sa memorya ko. Something about a month.
Ano nga bang petsa ngayon? 4? 5? Yeah. It's the 5th day of the month. Same date na ikinasal kami ni Bennet. Ibig sabihin...
It's our monthsary?!
Da eff! Hahahaha!
Ano kami, teenager na may monthsary? Pwe!
Yeah. Corny. But my heart says the other way. At 'yung utak ko, umiisip na ng pwedeng ibigay kay Bennet bilang regalo.
Hmmmm. Ano kayang maganda? Tsk! Eh bakit ba ako mag-aabala samantalang 'yung asawa ko, hayun at subsob sa trabaho. Ni wala siyang ideya na one month na kaming nagtatiyagaan sa isa't isa.
Haaiisst! Kainis!
Humiga ako sa buhanginan at nagpagulong gulong. Hindi ako mapakali, naguguluhan ang utak ko. Ang dami dami kong dapat isipin. At hindi ko alam kung ano at sino ang uunahin.
Si Nicky.
Si Thurstin.
Si Kelly.
Si Martin.
Tapos may Benedict pa!
Arggh! Magpakalunod na kaya ako sa dagat?
Sige!
*kriing kriinng*
O? May tumatawag?
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon at tiningnan ang tumatawag.
-LeofwinDUh-
O? Si husband? Ano kayang kailangan niya?
Sinagot ko ang tawag. "Sorry. But the number you have dialled is unavailable due to the fact that she's very busy and very pretty---"
Narinig kong tumawa sa kabilang linya si Bennet. Magaan ang tawa niya at parang hinagod ang puso ko dahil dun.
"Stop being adorable, wife..." ani Bennet.
"Oh sorry husband, I can't. Adorable ako since birth."
Muling tumawa si Bennet dahil dun. Oh dear, I'm telling you... kaya kong hindi kumain basta naririnig ko ang tawa na 'yun ni Bennet.
"Napatawag ka?" tanong ko para itago ang dagliang pagdaan ng lungkot sa puso ko.
"I'm just checking on you," sagot ni Bennet.
"Humihinga pa naman ako so far, so pwede ka nang bumalik sa trabaho mo," sabi ko.
"Ayaw mo 'kong kausapin?" himig nagtatampong angil ni Bennet.
Napabuntung-hininga ako. Kung alam mo lang na lalaki na, gustong gusto ko na kausap ka. Gusto kong naririnig ang boses mo... ang tawa mo.
"Oo, ayoko. Istorbo ka sa pagmumuni-muni ko eh. At tsaka ang pangit ng boses mo!" sagot ko.
Natahimik si Bennet sa kabilang linya. Pero naririnig kong humihinga siya kaya alam kong nandun pa siya. Nagkasya na lang ako sa pakikinig sa paghinga niya.
Damn! I don't know if I could ever tell you the truth, Bennet. I'm afraid, I don't have a chance anymore.
"Goodbye Bennet," sabi ko nang hindi pa rin siya magsalita sa kabilang linya.
"NO!" biglang sigaw ni Bennet. Nagulat tuloy ako.
"Aray naman! Mababasag 'yung eardrum ko sa sigaw mo eh!" reklamo ko.
"Don't you ever said goodbye, you freakin' woman!" sigaw pa rin niya.
"EH ANO BANG PROBLEMA MO?! HINDI KA NAGSASALITA DYAN NATURAL MAGPAPAALAM AKO! SAYANG 'YUNG LOAD MARAMING NAGUGUTOM SA MUNDO!"
Okay. Alam kong walang kinalaman ang load sa pagkagutom ng tao pero kahit na. Gusto ko lang ding sumigaw.
"Basta!" sagot lang ni Bennet.
Napakamot na lang ako sa ulo. "Eh ano ba talagang kailangan mo?"
"I just want to remind you later this afternoon... kailangan mong pumunta dito sa RedSphere. Three pm you should be here. Sharp! Don't be late."
"Okay. Okay," sagot ko parin.
Magtatanong pa sana ako pero narinig kong nag-beep na sa linya. Nang tingnan ko... wala na si Bennet. Pinatay na niya ang cellphone.
Nagkibit balikat na lang ako at matapos ibalik ang cellphone sa bulsa ko ay tumayo na ako sa buhanginan. Bumalik ako sa loob ng Mansion.
Sakto naman na ready na si Mana at si Joyce. Sinabi nilang pupunta na kami sa Market.
We ride a car to San Jose at habang nasa biyahe eh nagkakasiyahan kami. May gitara kasing dala si Joyce at dahil marunong akong maggitara, ako na ang tumipa doon.
"Kanta kayo ah!" sabi ko.
"Ay Ate Nicky, dapat 'yung alam ni Mana ang kakantahin natin!" singit ni Joyce.
"Sige! 'Yung Bad Romance ni Lady Gaga!" sigaw ko.
Hinampas ako ni Mana dahil dun. At tawanan na lang kami.
"Seryoso kasi!" singhal ni Mana sa 'kin.
Seryoso? Eh di seryoso.
Nag-umpisa akong mag-plucking ng isang piyesa. Tinuro sa 'kin ni Papa nung bata pa 'ko. At isa sa pinaka-paborito kong kanta.
Ang Downtown ni Petula Clark.
"~When you're alone and life is making you lonely, You can always go... downtown," umpisa ko sa mabagal na tono.
Parehas natahimik si Mana at Joyce. Nakatingin lang sila sa 'kin habang nakikinig.
"~When you've got worries all the noise and the hurry seems to help I know, downtown..."
Narinig ko na nag-hummed na rin si Mana at napapangiti na rin siya na parang may naalalang maganda sa nakaraan niya. Lovelife kaya?
Ginanahan ako sa pag-strum. Naalala ko rin kasi sina Papa at Mama.
"~Just listen to the music of the traffic in the city. Linger in the corner where the neon signs are pretty. How can you lose?"
Biglang sumingit si Mana at siya na ang kumanta ng sunod na linya.
"~The lights are much brighter there. You can forget all your trouble. Forget all your care. So go downtown... Things will be great when you're downtown... No finer place for sure downtown. Everything's waiting for you..."
Palakpak nang palakpak si Joyce at maging siya eh napapakanta na rin, bagaman at hindi niya yata alam ang lyrics ng lumang kanta pero sayang saya siya.
Nagpatuloy lang ako sa pagigitara. Sinasabayan ko rin si Mana sa pagkanta. Masaya ako. Dahil kailangang maging masaya ako. Kaunting panahon na lang ang nalalabi sa 'kin para makapiling pa sila. Susulitin ko na.
Nang matapos kami kumanta, ngiting ngiti si Mana na nagpasalamat sa 'kin. Napamaang tuloy ako.
"Salamat po saan?"
"Sa ganito. Sa kasiyahan. Napakabuti mong bata, Nicky. At pinasaya mo nang todo ang matandang 'to dahil sa awit na yan," sagot ni Mana. Malamlam ang mga mata niya.
"Ay wala po 'yun, mahilig lang po talaga akong kumanta ng lumang awitin dahil sa Papa ko," sagot ko.
Medyo nalungkot ako nang sumagi sa memorya ko ang alaala ng mga magulang ko.
"Bukod po sa Vixen Industries, ang pagkanta ang isa sa mahalagang legacy na iniwan ni Papa. At hindi gaya ng kompanya, walang makakakuha sa 'kin ng bagay na 'yun... kaya masaya ako na kahit papano napasaya ko din kayo, Mana!"
Itinago ko agad ang dagling pangungulila na naramdaman ko sa pamamagitan ng pagngiti. Kahit mabigat. Kahit masakit.
Nang makarating kami sa San Jose ay agad kaming bumaba ni Joyce sa Chinatown. Si Mana ang dumeretso sa suki niyang Market doon. Samantalang kami ni Joyce ay kumain ng chinese streetfoods at wanton noodles.
After naming kumain ay tsaka lang kami sumunod ni Joyce kay Mana sa Market.
Ang totoo, may hidden agenda ako sa pagsama sa San Jose. Gusto kong humanap ng bagay na pwedeng iregalo kay Bennet. Pero sawimpalad ako, wala akong nakita na magugustuhan ni Bennet. Tsk!
Maraming pinamili si Mana at medyo nahirapan kami sa pagbubuhat nun pero dahil masaya kami, walang nagreklamo kahit isa.
After we got to the Market, dumaan lang muna kami sa isang simbahan bago muling bumiyahe pauwi sa San Francisco Bay Area.
Two thirty na kami nakauwi. Just enough time para makapaghanda. Sabi kasi ni Bennet, three o'clock andito na 'yung susundo sa 'kin.
Nagbihis lang ako nang mabilis. Long-sleeve blouse at black pants paired with flat shoes. Simple. Dull. Pero at least komportable ako.
By three, may dumating ngang black bentley car. At medyo nagulat ako nang makita kung sino ang sumundo sa 'kin.
Isang pamilyar na lalaki na di ko maalala ang pangalan. But I know him as one of Bennets junior assistant.
"Good afternoon, Mrs. Leofwin," bati niya.
"Good afternoon," bati ko.
"Germany at your service, please."
"Hah? Ah. I'm from the Philippines!"
Napakamot ang lalaki. "No, I mean... I'm Germany. My name is Germany. Germany Edelman."
Toinks! Pangalan pala 'yung Germany. Akala ko bansang sinilangan niya.
"Oh? Sorry. My mistake," sabi ko.
"It's okay. Not the first time that it happens so..."
Pfft.
"Let's go, Mr. Leofwin is waiting for you," aya niya na agad binuksan ang pintuan ng kotse.
Tumango ako at pumasok na sa loob.