Chapter 10 (OBVIOUS)
23rd Birthday Celebration of Paige
El Tierra City, Province of Salvacion
CHLOE
Trace kept on looking at me. Kanina pa ako naiilang sa mga tingin niya na parang pinapaalala niya sa akin ang nangyari sa kwarto niya at parang gusto niya akong hubaran. I can see how he passed the message to me, telling me he wants me.
God! That damn handsomeness of him and the thought of his hard length, na nahawakan ko sa kalokohan na 'nice meeting you' style niya, makes me feel excited everytime na nasa isip ko siya. Truth is, I wanna touch him more. Kung hindi lang dahil kay Carly ay siguro hindi na ako mag-aalangan pa na pagbigyan ang sarili ko. Alam ko na gusto niya ako at advantage ko sana iyon pero kapag ginamit ko ang pagkakagusto niya sa akin para makaganti ako sa ginawa niya kay Carly ay baka ako ang matalo sa sitwasyon namin.
Two weeks ago na mula nang mangyari ang nakita ko siyang hubad. Yes, two weeks ago na pero kapag naiisip ko ang nangyari ay para pa rin akong nililiyaban, parang nag-iinit ang katawan ko, my hand is missing the feeling of his hard...
Good gracious! Ano na ba ang nangyayari sa akin?!
Muli ay napasulyap ako sa kaniya at nakita ko na sa akin pa rin siya nakatingin. I need to talk to him kaya kailangan ko gumawa ng paraan pero hindi ko alam bakit nag-aalangan ako. Gusto ko siya makausap at iyon ang dahilan kaya ako narito sa Salvacion. I should think of Carly and not the lewdness in my mind every time I am looking at him.
Carly. I should think of Carly.
Si Carly ang dahilan kaya ako narito. May kailangan ako sa kaniya kaya ako sumama rito sa Salvacion. Three nights ago ay kausap ko si Mommy and I told her na malapit ko na mahanap ang nanloko kay Carly. I can't tell her na nakausap ko na, baka tanungin pa ako kung ano ang napag-usapan namin at masabi ko pa na napaka-sweet ni Trace Dimagiba at pinahawak pa sa akin ang ano niya na dahilan ng depresyon ni Carly.
Gosh! Nakakahiya na ako!
Actually ay noong isang araw pa kami dito sa Salvacion. Kami, as in me and Harriet, are already here for two days in Salvacion. Nadismaya nga ako nang hindi ko nakita si Trace pagdating namin. Akala ko ay makakausap ko siya before the party pero hindi pala. Awkward naman kasi kung dito ko siya sa party kakausapin.
"Chloe! Harriet!" Paige's voice made me and Harriet looked at her. Paige was so pretty in her dark red evening gown na ang tabas ay hindi gano'n ka-sexy. Of course, hindi pwede magpa-sexy masyado dahil may reputasyon na dapat pag-ingatan ang magiging next mayor ng El Tierra City.
"You're so pretty Paige!" puri ni Harriet.
"You look beautiful, smart and elegant," I said. Totoo naman, maganda si Paige at mukhang matalino at responsable unlike her kuya na kahit naka-tuxedo for tonight's party ay magulo pa rin ang buhok at hindi man lang nag-shave. I gave Trace another look at mukhang wala na sa akin ang atensyon nito, nasa mga kausap.
I sighed. What an unfair world! Kahit hindi maayos ang buhok nito at kahit hindi nag-ahit ay napakagwapo pa rin talaga. I saw him talking to a pretty teenager na katabi nito at ni Logan. I even saw him smiling at her showing his perfect set of white teeth. Bakit kasi niloko niya si Carly? Kung hindi niya niloko si Carly ay wala sana kaming problema. Sana ay
pwede ako makipag-usap sa kaniya kagaya ng pakikipag-usap niya sa katabi niyang babae.
"We are all pretty and fabulous," ani Paige na nagbalik ng atensyon ko sa kaniya at kay Harriet. "But I think the most exquisite tonight is the one who has the full attention of my dear brother. For the first time ay hindi ako ginulo ng kuya ko habang may kausap na lalaki dahil nakatutok ang atensyon niya sa isang babae lang dito sa party," nangingiti na sabi ni Paige at tumingin sa akin.
Bigla ako naapektuhan sa sinabi ni Paige. Napansin niya na pala na kanina pa mukhang masaya si Trace makipag-biruan sa kausap nitong dalaga na mukhang menor de edad lamang.
"Halos ayaw ka iwan ng tingin ni kuya. And even his friends... Look! Hindi nila kayo tigilan tingnan. Let us join them," aya ni Paige sa amin ni Harriet at muli kong nilingon ang mesa kung nasaan ang kuya nito.
"Yeah! Kanina ko pa rin napansin! Your kuya keeps on looking at Chloe. Kinikilig na nga ako eh!" segunda naman ni Harriet at nagtawanan ang mga ito na parang hindi nila ako kaharap.
"I hope na si Chloe na ang babago sa kuya ko," Paige said to Harriet and gave me a smile na may panunukso.
Yes. Indeed. Ako talaga ang babago kay Trace Dimagiba. Sisiguraduhin ko na magiging maayos siya bago ko siya maiharap kay Carly.
"Ladies and gentlemen," narinig namin na sabi ng emcee at napunta na roon ang atensyon naming tatlo. "A message from our honorable governor, Atty. Patricio Salvacion Dimagiba, Sr."
Nagpalakpakan naman ang mga bisita at gano'n na rin kaming tatlo. I saw the governor walked papunta sa gitna at nagpasalamat sa emcee bago kinuha ang microphone. Governor Patricio Dimagiba, Sr. is now stating his speech at hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa istilo niya sa pagsasalita. He was so dignified, respectable, and humble. No wonder at mahal siya ng mga taga-Salvacion.
I am amazed with the governor looks too, kaya pala maganda si Paige ay hindi lang dahil sa mama nito na Brazilian nagmana, her father is oozing with handsomeness and sexiness even in his age of fifty-eight. He was still fit at mukhang marami ang gustong pumila maging next wife nito, but sorry for those women who wanted to have the attention of the handsome governor, mukhang walang sinong babae ang kaya makipag-kompetensya sa napakaganda at napaka-elegante na si Louisianna, ang secretary, confidante at mukhang future stepmother nina Trace at Paige na noong dumating kami ni Harriet ay siyang nag-aasikaso sa amin. What a sweet lady! I like her so much!
The governor kept on giving his speech and when he started to announce that Paige will run for the mayoralty race of El Tierra ay nagpalakpakan na muli ang mga bisita. I saw Paige just raised her brows and faked her smile. Tama ang hinala ko na ayaw ni Paige sa pulitika pero wala magawa dahil ang pasaway na kuya nito ay hindi gugustuhin sumunod sa yapak ng ama nila.
Few good words pa ang sinabi ng gobernador para sa mga plano ng anak na bunso. Nang matapos nito papurihan si Paige ay ang pagbati nito kay Logan ang sumunod na sinabi nito, na sa wakas ay papasok na rin sa pulitika si Logan sa bayan naman ng mga ito. Logan will run for mayoralty race too.
I gave a look at Logan and saw him stand up and raise his wine glass to everyone and ended his gaze with Paige na tumayo rin at yumukod para magpasalamat sa pagbati ng mga bisita. The applauses and congratulatory words came continuously for Logan and Paige pero nakikita ko ang tawanan at kantyawan sa grupo nina Trace na parang may nakakatawa sa announcement.
My eyes went secretly to Trace and I saw him now talking again to the pretty teenager na natatawa pa rin. I saw the man named Lev na nilapitan ang mga ito at may ibinulong sa babae at iniwan itong muli kina Trace at Logan.
"Stop looking at kuya," bulong ni Paige sa akin. "Kapag nahalata ka niya na crush mo siya ay ewan na lang kung ano kaya niya gawin. Mas better na huwag ka papahalata."
"I'm... I'm not looking at him," dahilan ko. "I am just amazed at the beautiful teenager he was talking to. Who is she? Parang ang bata niya to attend gatherings like this."
"She's Bree, Kuya Lev's girlfriend. You will like her, she's nice at siya lang malakas mang-asar kay Kuya Trace kaya kung gusto mo kakampi para maiwasan mga kalokohan ng kuya ko ay need mo patulong kay Bree."
"Bree is so young to be... to be Lev's girlfriend," hindi ko napigilan ikomento.
"She's eighteen, bata pa nga but legal age at least," Paige said with a gesture of shrugging her shoulders. "Pero kahit naman siguro ako sa kaniya ay hindi ko matatanggihan kung gan'yan kay Kuya Lev ang manliligaw sa akin," nakangiti na dagdag ni Paige at natawa na rin ako.
Oo nga naman, kahit man ako ay nagkagusto kay Oliver na malaki ang agwat ng edad sa akin. Siguro kung hindi nangyari ang second attempt ni Carly ng suicide ay baka kami na ni Oliver ngayon.
I gave a look at Lev, Paige is right. Lev's sexual appeal is something undeniably irresistible. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at ininom na lang ang natitirang white wine sa wine glass na hawak ko.
"Kuya Elliot!" patili na sabi ni Paige na ikinagulat ko at agad na sinundan ng tingin ang tinawag niyang Kuya Elliot.
And then I saw another handsome man in a tuxedo and my eyes glued to him. What a wonderful sight... Oh my God! Paige's party is now full of handsome men. But this man named Elliot, his handsomeness and appeal looked so dreamy. He looks so noble. A man every woman may want to have.
TRACE
"Wala ka yata epekto kay Chloe," natatawa na kantyaw ni Logan sa akin.
"May gusto sa akin 'yan, nag-iinarte lang." Inalis ko ang tingin ko kay Chloe na kanina ko pa gustong lapitan kung hindi lang ako magmumukhang katatawanan sa mga kasama ko.
Hinanap ng mga mata ko si Paige para tawagin sana at utusan dalhin sa amin sina Chloe at Harriet. I looked around at nakita ko siya na kasalukuyan na kinakausap si Beckett. Nangunot ang noo ko.
Bakit nandito si Beckett? Gago ito ah! Hindi na nga halos nagpapakita sa isla pero makikita ko rito. Si Beckett ay isa sa mga dealers na direkta nagre-report sa akin pero tatlong buwan na ito hindi nagpapakita sa dahilan na may mga shooting. Artista rin ito gaya ni Jeru at isa sa mga pinagkakaguluhan na leading man sa mga pelikula at teleserye ng bansa.
"Sino nag-invite kay Beckett? Ikaw ba, Jeru?" tanong ko kay Jeru na hindi pa natagalan dumating kasabay ni Daxon.
"I was five months in LA and haven't seen him that long. Kakatapos lang ng movie na ginawa ko kaya paano ko maiisip imbitahin 'yan," Jeru answered. "Si Paige ang nag-invite d'yan actually. She told me when we last talked on the phone."
"Pabayaan mo na si Beck, Trace. Friends lang naman sila ni Paige, I'm sure." Daxon stood up at lumapit sa wine counter at kumuha ng isang bote ng alak doon bago bumalik sa pwesto namin.
Friends? Mayro'n ba talaga babae at lalaki na magkaibigan lang? Ilang saglit ko pa inobserbahan sina Paige at Beckett na may pa-holding hands pa habang nag-uusap. Wow! And sweet ah!
Nang matapos mag-usap ang dalawa ay lumakad na si Paige patungo sa table nina Chloe at Harriet. Masama pa rin ang tingin ko na sinulyapan si Beckett na ngayon ay kausap ang DJ na sigurado ay kaibigan nito.
"Kalokohan 'yang friends na dahilan na 'yan!" inis kong sabi. "Imposible 'yan. Friends with benefits o fucking buddies maniwala pa ako pero... putangina! Subukan lang ni Beckett magkamali at sisiguraduhin ko na ipalalapa ko 'yan sa mga alaga ko."
"May mga magkaibigan na babae at lalaki," sabat ni Bree the Daisy ni Lev. Sabi ko na nga at may relasyon ang dalawang ito eh. Kaka-eighteen lang nitong si Bree at mukhang nadali agad ni Lev.
"Wala! Kalokohan mo!" I said to Bree. "Tanginang Beckett ito!"
"Ewan ko sa'yo! Abnormal ka kasi eh! Pero sa mga normal na tao ay mayro'n magkaibigan na babae at lalaki. I know na friend ni Paige iyang si Beckett kasi nakwento niya sa akin dati. FYI, Patring... Hindi lahat kagaya mo!"
"Hanap ka kausap na unicorn at sama ka na. Puro ka fantasy! Iba ang realidad sa kwentong-pambata na alam mo!"
"Kwentong-pambata?! I'm grown up!"
"Oo, sabi ng tatay mong si Lev!"
"I hate you!" inis na sabi ni Bree sa akin at hinampas pa sa akin ang clutch bag na dala niya. Natawa na lang kami ni Logan sa reaksyon niya.
Lalo naman nainis si Bree dahil sa tinatawanan na lang namin siya ni Logan na mukhang magta-tantrums na, at muli sanang manghahampas nang magsalita si Lev.
"Enough, Bree. Huwag mo na pansinin ang mga gago na 'yan," awat ni Lev dito.
"Tama 'yan, makinig ka sa tatay mo!" dagdag pang-aasar ko pa.
"Tangina, Patricio! Tumigil ka na! This is Paige's party kaya huwag ka gumawa ng kalokohan muna," sabi ni Sugar Daddy Lev at lumapit sa akin para bumulong, "unless you want me to introduce myself sa magandang babae na nasa katapat na mesa. Her name is Chloe, right?"
I smirked with the sound of threat sa boses ni Lev. Tangina! Galing! Nahalata ako!
"Fuck!" natatawang sabi ko na lang. Tangina talaga! Hindi ako pwedeng mahalata ng gago na ito na apektado ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy kalokohan ko kay Logan nakaraan sa madre niya. "You like her? Ask Paige para maipakilala sa 'yo."
Matagal ako tinitigan ni Lev bago ngumisi at nailing. Tangina! Iba ang tingin nitong si Tanders sa akin! Mukhang nakahalata talaga na interesado ako kay Chloe. Puta! Hindi pwede!
"Bakit wala pa pala si Elliot?" Lev asked no one in particular at dahilan para hindi na masundan ang pag-uusap namin tungkol kay Chloe. Sinadya ni Lev na ibahin ang usapan.
"Bakit? Imbitado ba 'yon?!" asar kong tanong.
Hindi ko alam kung kanino ako mas naasar. Kay Eut na hinahanap ni Lev o kay Lev na mukhang nahalata ako kay Chloe? Badtrip pa rin naman talaga ako kay Eut kaya wala ako pakialam kung darating siya o hindi.
"Paige invited us all," Jake said na marunong pa rin pala magsalita at hindi puro patingin-tingin lang sa paligid ang ginagawa na parang doktor ng mga psychotic kaysa surgeon.
"Sana hindi na dumating," sabi ko at inubos ang laman ng wine glass ko sabay muling tingin kay Chloe na kausap si Paige.
"Elliot messaged me earlier at mali-late lang daw siya pero darating. He won't miss Paige's birthday. Parang hindi mo naman kilala 'yon pagdating kay Paige," Jake said to me.
"Huwag mo na isipin si Elliot," wika naman ni Logan. "Isipin mo 'yang babae sa katapat natin na table na kanina pa pinagtitinginan ng mga ibang lalaki. Baka maunahan ka," nang-aasar na bulong ni Logan pero narinig ni Bree dahil sadyang walang magawa itong sugar baby ni Lev kung hindi hahanap ng rason para asarin ako.
"Babae?" namimilog ang mga mata ni Bree na tumingin sa akin at kay Logan bago ibinaling ang tingin kina Paige. "Iyon ba siya, 'yang maganda na naka-white evening gown na backless? Na mukhang diwata sa kagandahan at hindi bagay sa engkanto na tulad mo?!"
"Kausap ka ba namin?" tanong ko kay Bree na ibinalik ang tingin kay Chloe.
Diwata? Mukha nga siyang diwata na naligaw rito sa party. At anong engkanto pinagsasabi ng daisy na ito? Siraulo rin eh! Bagay rin talaga kay Lev! Pareho siraulo kadalasan!
"Who's she, Logan?" tanong ni Bree na inginuso pa si Chloe at binalewala lang ang sinabi ko.
"Paige's friend named Chloe McIntyre," Logan said with a shrug. "She's hot, right?!"
"She is," Bree agreed at tiningnan ako at ngumiti. Gusto ko mainis!
Nang magsalita ang emcee at tawagin ang tatay ko para sa isang mensahe ay asar kong kinuha ang hawak na alak ni Daxon at pinuno ang wine glass ko. Nandito naman kami sa pulitikang buhay na ito! Nang mapatingin ako kay Chloe na ang mga mata ay naka-focus sa ama ko at mukhang manghang-mangha ay gusto ko mainis. Mamangha pa kaya siya kung malaman niya na ang butihing gobernador ng Salvacion ay walang isip na hinayaan ang asawa niya mapahamak sa kabit niya?
Nang sabihin ni Papa na si Paige ay lalaban bilang mayor ng El Tierra ay nagpalakpakan ang lahat at kasunod ay ang pagbati kay Logan sa napakagandang desisyon nito na sundan na rin ang yapak ng ama nito sa pagpupulitika.
Logan stood up at mukhang kaya na rin maging artista gaya nina Jeru at Beckett, nagpasalamat ito nang nakangiti sa mga tao na bumabati rito. Pormal na pormal magsalita samantalang kanina lang ay bulong ng bulong na parang demonyo sa gilid ko. Natawa na lang ako ulit at nang mapatingin ako kay Chloe ay gusto ko na talaga siyang lapitan.
I stood up para pumunta sana sa mesa nila nang biglang tumayo si Paige at patili na tinawag ang pangalan ni Elliot Palaiyot at tumakbo para salubungin ito at tuwang-tuwa na yumakap.
Lumapit naman si Eut sa emcee at kinuha ang mikropono. Eut said his greetings at pagkatapos ay mayabang na in-announce ang dalang regalo para sa kapatid ko kasabay ng pagdating ng sasakyan na dahilan para mapatingin ang lahat sa open entrance, lumabas mula sa kotse si Isauis na alalay ni Eut pagkatapos nito i-park ang regalo ni Paige sa entrada ng mansion.
"Really, Kuya Elliot?!" manghang usal ni Paige. "A Lambo? For real?"
"Yes, Paige. It's the latest Lamborghini Huracan Evo. I hope you like it!"
"Omigosh, Kuya Elliot! I love it!" Tuwang-tuwa na niyakap na ni Paige si Elliot. "Thank you!"
I smiled with Elliot's thoughtfulness towards Paige. Kahit naman talaga nakakainis si Elliot ay pagdating kay Paige wala ako masabi. He treated Paige as his sister. Gusto ko sana matuwa sa excitement ni Paige at nawala na sana ang inis ko kay Elliot nang napansin ko si Chloe na iba ang tingin kay Elliot. She was looking at Eut like someone being mesmerized, someone who witnessed a magical and wonderful creature sa katauhan ni Eut Palaiyot.
Fuck you, Eut! Nagpabida ka na naman! Okay ka na sana pero sinobrahan mo na naman at inaagaw mo pa atensyon ni Chloe! Tangina mo! Bakit nagpakita ka pa?!