Chapter 6
“P-Pangako, hindi ko sasabihin. Aalis din ako dito para makasigurado kayo na hindi talaga ako magsasalita.” patuloy na pagmamakaawa n'ong babae.
Nakaluhod siya sa harap nito.
“Okay, but in one condition.” saad n’ong feeling reyna.
Tinitigan kong maigi ang babaeng nakatayo. Siya ang tinaguriang queen of the campus namin dahil sa angking ganda nito. Hinahangaan siya ng lahat, mapalalaki man o babae. Siya ang nangunguna pagdating sa academic. Lahat sinasalihan niya.
“Kahit ano pong condition tatanggapin ko.” desperadang saad naman nung isa.
Ngumiti si feeling reyna.
“LICK. MY. SHOES!” mariin na sagot ni reyna.
Natuod sa pagkakaluhod ang babae. Nagdadalawang isip kung gagawin ba o hindi.
“Ayaw mo? Okay, madali naman akong kausap. Dar!” sambit ni feeling reyna.
Nakangiting asong kumilos ‘yong tinawag na Dar. Hahampasin na sana siya pero agad ng dinilaan ni girl ang sapatos ni feeling reyna.
Napangiwi naman ako. Uto- uto! Ngumisi naman siya sa ginawa ng babae. Tuwang-tuwa siya sa ginagawang paglinis ng sapatos niyang halatang dinumihan, gamit ang dila ni ate girl nilinis niya ang mga ito.
Tumingin si feeling reyna sa isa sa kasama niyang lalaki. Tumango na may pinahihiwatig. Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Binaril nito ang babae sa ulo. Kumalat ang dugo nito sa sahig.
Sa gulat ko, nakalikha ako ng ingay na ikinalingon nila. Sh*t! Tumalikod na ako at kumaripas ng takbo. Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo, narinig ko ang mga hakbang nilang papalapit sa’kin. Putcha! Hinahabol pa ako.
Malalaking hakbang ang ginawa ko, kumapit ako sa p’wede kong makapitan para mapabilis ang pag-akyat ko. Muntik na akong malaglag sa hagdan sa malakas na tunog na umalingawngaw sa buong school.
Hinanap ko naman ang pinagmulan. Nanlaki ang mata ko na galing ito sa fire alarm, at sa pinakamain fire alarm pa. Kapag ang main na ito ang pinindot mo, lahat ng fire alarm na mayroon ay sabay-sabay na tutunog. At pagnangyari ‘yon, it means serious matter na. Mayroong malaking sunog na kumakalat.
Nataranta ako na rinig ko pa rin ang mga hakbang ng mga humahabol sa’kin. Napaharap ako sa likuran sa mga nagsisigawan, mga tumpok ng mga studyanteng nagmamadaling lumabas sa kani-kanilang classroom. Nakisabay ako sa agos nila. Tumago ako para hindi ako makita.
Lahat kami pumunta ng field. AS IN LAHAT! Napalunok ako, what now Rhexyl? Nakagawa ka ng malaking gulo. Maya lang, nakita ko si Mrs. Villaruel, siya ang dean ng school.
“Relax, my fellow students. There is no fire in our university. It was a false alarm. We checked it and found nothing was wrong. So you can return to your classes.” Mrs. Villaruel announced.
Napakagat labi ako sa nerbyos, hindi rin ako mapakali. May mga narinig akong mga reklamo at hinaing pero ‘di ko na pinakinggan. Sasabay na sana ako sa mga nagsisibalikan ng ---
“Ms. Salvez,” Mrs. Villaruel called.
Nahinto ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong mangiyak, ito na yata ang pinakamalas na araw na meron ako. Marahan akong lumingon sa kaniya.
“B-Bakit po?” sambit ko,
“Follow me.” Seryoso niyang sabi saka naunang lumakad.
Napatingin ako sa ibang mga professor. Umiling-iling sila wari’y may bagay silang ‘di nagustuhan. Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko ng nandito na kami sa dean office. Sa kaka-isip ko ‘di ko na namalayan na narating na namin ang lugar na ito.
Nakaramdam ako ng panghihina ng tuluyan na kaming nakapasok. Hindi ko naman sinasadya na mapindot ang fire alarm. At saka, bakit ako lang ang nakita? Paano ‘yong namatay? Paano ‘yong nagpatay? Mananatili? Tapos ako? Kick out?
Nakakanerbyus pa ang mukha ni Mrs. Villaruel. Seryosong-seryos siya pero halata namang galit siya. Pagnalaman ito nila mom, double dead na naman ako.
“Ma’am dean, h’wag ni’yo po akong ipa-expelled. Hindi ko naman po ‘yon sinasadya.” Mangiyak-ngiyak kong paliwanag.
Ito ang pang dalampu’t lima kong pinasukan na university sa loob ng dalawang taon ko sa kolehiyo. Madalas nae-expelled ako, o kaya nakikick-out pero di ko naman kasalanan. ‘Yong mga nambu-bully sa’kin ang gumagawa ng paraan. Ang tingin nila sa’kin salot kasi may mga namamatay. Hawak ko ba buhay nila? Wala naman akong ginagawa, umiiwas na nga ako, kung pwede lang na di na pumasok, e. Dahil sa mahina ako at walang pera mabilis nilang nagagawa gusto nila. Minsan pabor naman sa’kin kasi gusto ko ring makalayo sa mga pambubully nila. Kaso lang mahirap makahanap ng mapapasukan ulit.
“Call your parents.” utos niya.
Nanlaki ang mata kong lumingon sa kaniya. Todo ang iling ko sa kaniya.
“H-Huwag po! Pagagalitan po ako kapag nalaman nila. Wala naman po akong ginagawang masama.” paki-usap ko.
“Ms. Salvez, this is not the first time you have been reported. At hindi na kita kayang pagbigyan.” sabi niya.
Na-report na ako ng maraming beses sa maraming dahilan. Gaya ng, tinulak ko ang isang babae sa hagdan dahilan para mapilay ito, binalian ko ang buto ng isa kong kaklase, may binulag ako, nangopya, hindi pagsuot ng proper uniform, palaging late etc. Inaamin kong ang dalawa sa huli ay ginagawa ko pero yung mga nauna, hindi ko naman ‘yon kayang gawin. Saka, sila ang gumagawa at ako ang pinagbibintangan nila.
Ni hindi nga ako aware ‘don, nagugulat na lang ako na pinatatawag ako sa dean office tapos may gan’ong kaso raw akong ginawa. Like what the hell! Paanong nangyari ‘yon samantalang nasa sulok-sulok lang ako. Umiiwas sa lahat. Natatameme na lang ako kasi may mga ebedinsya sila. Ebidensiyang hindi ko alam paano nila nagagawa.
“I won’t tolerate you this time. Kailangan mong maghanap ng magdidisiplina ng behavior mo.” seryoso at matalim niyang wika.
Wala na akong nagawa kun’di ang lumuhod at magmakaawa.
“Paki-usap po, ipagawa niyo na po lahat sa’kin. Kahit po ako na maglinis ng boung campus, loob at labas. Basta h’wag lang po ngayon. H’wag niyo pong ipaalam sa mga magulang ko.” paki-usap ko, tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ayaw ko ng makaranas ng sakit ng katawan mula sa kanila. Baka di na kayanin ng katawan ko bumigay na. Baka sa hukay na talaga ang bagsak ko.
“Hindi ko naman po kasi sinasadya. May humahabol kasi sakin, tapos po—” nag-aalinlangan akong sabihin ang nakita ko
“—tapos po,” hindi ko madugtungan ang sasabihin ko
Baka mangyari rin sa’kin ang nangyari sa babae. Malungkot na umiling si Mrs. Villaruel sa’kin. Hindi niya pinansin ang paliwanag ko.
“All the professors and I decided to send you to the other school. Paaralang magpapatino sayo. The University of Der Mord is willing to take you.” saad niya,
University of Der Mord? Ipatapon? Mukha ba akong basura? Basurang itatapon lang kung saan nila gusto. Kun’sabagay, basura ang tingin sa’kin ng lahat ng tao.
“I made a decision and it won’t change it.” Mrs. Villaruel na may final na desisyon.
“P-Please! Pagbigyan ni’yo pa po ako.” masinok-sinok kong sabi, hindi rin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko.
Hindi siya natinag sa pagmamakaawa ko. Bakit ganito lagi ang takbo ng buhay ko? Walang nakikinig sa’kin.
“Take your belongings and leave.” mariin niyang sabi.
Bakas ang pagkaseryoso sa boses niya. Tila kahit anong gawin ko, o sabihin ay hindi na magbabago pa ang desisyon niya.
Sunod-sunod ang pag-iling kong ginawa.
“Stand up and take this card.” sabi niya,
Nawalan na ako ng pag-asa. Kahit nanghihina ako, pilit pa rin akong tumayo. Tiningnan ko ang pinapakuha niya sa’kin. Isa itong itim na card.
“Ang card na yan ay nangangahulugang itinatapon ka sa ibang paaralan.” sambit niya,
Gusto kong matawa. Bakit kay dali sa isang taong magpatapon?
TheKnightQueen