Chapter 4
I ran as far as I can. Umiiyak na umupo ako sa swing ng playground. Holding my wound, I’m a mess because of the blood. Sanay na ako sa ganito, kahit nga gaano pa kalaki ang sugat, ‘di ko na nararamdaman ang sakit. Mas masakit yung nararamdaman ko inside, mas matalim pa sa pinamatalim na kutsilyo.
May nakita akong mini house. Umalis ako sa swing. Lumapit at pumasok ako sa loob. ‘Yong ngayon ko na lang ulit sila nakita tapos ganito pa. Nakakatawa di ba? I pity myself, umaasa sa wala. Pinagdikit ko ang aking mga tuhod, ipinatong ko ang aking ulo dito. Hinayaan ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak.
“Nak,” narinig kong sabi.
Marahan kong inangat ang aking sarili, nakita ko si yaya.
“Ya,” sabi ko,
Suminok-sinok ako dahil sa sobrang iyak ko. Ngumiti s’ya sakin, I scan her body.
“I’m fine, halika. Lumabas ka na riyan, at ng magamot na kita. Madaming dugo na ang nawawala sayo.” mayroong bahid na pag-aalala ni yaya.
Sinunod ko ang sinabi niya, lumabas ako sa pinagtataguan kong mini house. Inalalayan n’ya akong umupo sa swing, agad naman n’yang inilabas ang medicine kit.
“Hindi mo na dapat iyon ginawa.” pag-aalala n’yang wika.
Hindi ako sumagot o kumibo. Tahimik lang akong naghihintay na matapos s’ya sa paglilinis.
“Hindi pa rin sila nagbabago, hanggang kailan kaya nila ito gagawin sa’yo? Paano nila nasisikmurang saktan ang kanilang sariling anak?” saad ni yaya,
“I don’t care about them. I’m fine with whatever they want to do to me, pero ang saktan ka nila ay ibang usapan na.” sabi ko,
“ Ikaw talagang bata ka. Sinabi ng ayos lang sakin. Mas lalo ka tuloy na napapahamak” sambit ni yaya.
“I’m not okay with it. You are the only family I have.” sambit ko,
I love her ng higit pa sa pagiging yaya ko. For me parang nanay ko na siya, hindi n’ya ako iniwan. Wala man ako ng mamahaling bagay, nasa tabi ko lang si yaya sapat na sa’kin.
“Ayan! Okay na. Tara na, uwi na tayo.” Tumayo s’ya pagkatapos n’yang malinis ang sugat ko.
Umiling ako
“Ikaw na lang po, Ya. Papasok pa po ako ng school.” sabi ko,
“Papasok? Pero ---” alinlangan n’yang sabi.
“Pwede po bang dalhin niyo po dito ang gamit ko?” tanong ko.
Ayaw kong umuwi ng bahay. Papasok na lang ako. Hindi ko s’ya gustong makita, lalo pa at nakagawa na naman akong mali. Alinlangan man ng una, pero umalis pa rin s’ya. Habang naghihintay ako, todo ang tago ko ng mukha dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Marahil sa itsura ng damit ko, may bahid pa kasi ng dugo tapos mayr’ong mga tapal pa ang sugat ko.
Nakakahiya!
“Nak, ito na.”narinig kong wika ni yaya.
Napa-angat ako ng ulo. Lumawak ang ngiti ko. Kaagad kong hinablot ang bag na dala niya, humanap ng mapagbibihisan. Nang makapagbihis na ako. Naghiwalay na rin kami ni yaya. Me, going to school. Tapos s’ya, umuwi na ng bahay.
-------- School --------
Pagkadating ko, napakunot-noo ako dahil napansin kong mayroong mga police cars na nakaparada sa labas ng gate. Mayroong ambulansya rin akong nakita. Nangyare? Anong event?
“Iha, wala kayong pasok ngayon.” saad ng kung sino.
Napalingon ako sa nagsalita, si manong guard lang pala.
“Wala? Bakit po?” tanong ko,
Sa halip na sagutin ako, sa ibang direksyon siya tumingin. Sinundan ko ang tinitingnan n’ya. Kusang tumabi ako para bigyan ng daan ang mga medic. Dumako ang tingin ko sa hawak nilang stretcher.
“Mayroong natagpuang ulit na patay.” sabi ni manong guard.
Nanlaki naman ang mata ko. Kahapon lang merong natagpuan, tapos ngayon meron ulit?
“May natagpuan bang ebidensya? I mean, nalaman po ba kung sino ang pumatay? “ pagtatanong ko,
Malungkot na umiling lang siya.
“Walang natagpuan ang mga pulis. Kaagad ngang nagsara ang kaso. Wala kasi talaga silang makuhang lead.” malungkot na wika ni manong guard.
Muli kaming tumabi dahil may dumaan na naman ulit bitbit ang mga patay.
“Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Late ka na naman!” pag-eenterogate ni manong guard.
Ngumiwi ako, napansin niya pa rin ang pagiging late ko.
“May emergency lang sa bahay, saka wala namang pasok.” pagpapalusot kong sagot.
“Eh, ‘yang kamay mo. Anong nangyari?” taas kilay n’yang tanong with pagdududa.
“Nahulog ako sa hagdan kanina sa pagmamadali ko.” palusot ko ulit.
‘Yan na lang dinahilan ko, alangan namang sabihin ko ang nangyari kahapon at kaninang umaga.
“Alis na po ako. Wala naman palang pasok.” walang gana kong sabi.
Pipihit na ako ng mapadako ang tingin ko sa isang patay, nahinto ako. Dumako ang tingin ko sa kaibigan nitong umiiyak. Yakap-yakap niya ito habang humahagulhul. Napapitlag ako ng may tumapik sa’kin. Agad na nabaling ang tingin ko sa kan’ya.
Bumungad sa’kin ang isang police officer, dumistansya ako sa kan’ya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya, titig na titig s’ya sa’kin. Ang gwapo n’ya, mala-anghel sa kagwapuhan. Ang tangos ng ilong n’ya, ang perfect ng pagkakahulma. Maging ang hugis ng mukha n’ya, mala-anime ang sukat.
“What are you doing here?” He asked.
Lihim na napangiwi ako, bagsak sa voice. Ang lamig, nakakatakot din siya kung makatingin, tagos sa kaluluwa mo. Napalunok ako.
“Ah, eh. A-ano?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
What the? What is wrong with me? I don’t know why, but I feel something for him. Am I feeling scared? Humakbang ako paatras, naitago ko rin ang kamay kong mayr’ong benda sa likuran. Ang talim kasi ng titig nito sa kamay ko. Hindi ko mapigilan na mapakunot-noo. Ang weird n’ya kasi, mayr’ong kakaiba talaga akong nararamdaman sa kan’ya.
“Ay! Pasensya na po. Studyante po siya dito, ‘di lang halata. Kararating niya lang, kaya hindi niya alam ang nangyayari.” Paghinging paumanhin ni manong guard.
Bait ni manong guard, ah. Nakain?
‘Yong tingin ni kuyang police officer ay hindi man lang naalis sa akin.
“Go home.” Mahinahon pero ramdam mo pa rin ang ang lamig sa boses niya.
“I ---- “ Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Kanina po ako di makabuo ng salita na sasabihin. Pagtingin ko sa kan’ya. Tumalikod na siya sa’kin.
“Everything is clear.” sabi ng kasama n’yang co-police officer.
“Umuwi ka na, iha.” sabi ni manong guard.
Pagkasabi niyang ‘yon ay umalis na rin s’ya, sinarado ang gate at pumasok sa guard post. Tumalikod na ako, pero muli akong lumingon sa police na nakaharap ko. Pasakay na siya ng police car. Paalis na rin ang ambulansya. Dumako naman ang tingin ko sa kaibigan ng namatay.
Weird?
Ay ewan! Bumuntong hininga ako. What a day! Ang ganda talaga ng buhay ko. Ipinilig ko ang aking ulo, inalis ang mga thoughts na pumapasok sa utak ko.
TheKnightQueen