CHAPTER 09
"Mom, why are you looking for me?" tanong ni Lucifer sa kaniyang ina pagkalapit niya dito.
"Hinahanap ka ng mga kaibigan ng Daddy mo. Ikaw lang ang hindi nila nakilala," sagot ng Mommy niya. Napatingin siya sa direksyon na tinitingnan ng mga mata nito. Doon ay nakita niya ang Daddy niya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan nitong businessman. Napakunot ang noo niya. Kasama nito ang kapatid niyang si Alaric na kauuwi lang galing sa ibang bansa. Umuwi talaga ito para sa victory party ng mga kapatid nila. Sorpresa rin iyon at hindi nila inaasahan ang biglaan nitong pagdating. Nandito lang pala ito at kasama ang Daddy niya, kanina niya pa ito hinahanap, napagkamalan pa niya yung isang lalaki kanina sa party dahil katindig ito ni Alaric.
"Lapitan mo na ang Daddy mo," sabi ng Mommy niya.
"Mom, alam mo namang ayaw kong ipinapakilala ako ni Daddy sa iba't ibang mga tao," sagot niya.
Noon pa man ay hindi na siya mahilig magpakita sa mga kaibigan ng Daddy at Mommy niya. Mas gusto niyang lowkey lang ang buhay niya. Isa pa ay masyado din siyang abala sa trabaho kaya bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nakakapag-enjoy siya. Katulad ngayon, pagkatapos siguro ng bakasyon niya dito sa Pilipinas ay tiyak na masusubsob na naman siya sa trabaho. Iyon naman talaga ang buhay niya. Umiikot lang sa trabaho. Sanay na siya sa ganito. Kaya nga siguro tumanda na siyang wala pa ring nobya. Palagi rin siyang nasasabihan ng masungit. Bilyonaryo nga daw siya ngunit masama naman ang ugali niya. Hindi niya alam kung dahil ba tumatanda na siyang binata pa rin kaya nagiging masungit na ang dating niya sa ibang mga tao. Wala siyang magagawa kung iyon ang tingin ng mga ito sa kaniya. Sabi nga nila, you can't please everyone.
Inayos niya ang sarili bago napipilitang lumapit sa kaniyang ama.
"Oh here's Lucifer, anak halika, I will introduce you to Mr. Sy. The CEO of Sy Corporation," saad ng ama niya. Pinilit niyang ngumiti sa lalaking singkit na sa tantiya niya ay hindi nakakahulihan ng edad ng ama niya.
"Mr. Sy, this is my son, Engr. Luficer Olivario. Actually sa Dubai talaga siya naninirahan. Umuwi lang siya para sa victory party nila Vandro."
Inilahad ng lalaking intsik ang kamay sa kaniya, pormal naman din niyang tinanggap ang kamay nito.
"It's nice to meet you, Mr. Sy." Ngumiti siya at nakipagshake-hands sa lalaki.
"Nice to meet you, Lucifer," sagot nito sa kaniya. Nakapagtataka na kahit intsik ito ay buong-buo ito magsalita. Hindi katulad ng mga tipikal na intsik na nakikilala niya, medyo bulol ang mga iyon.
Nagkwentuhan muna silang apat kasama ang kapatid niyang si Alaric.
"Mukhang lasing ka na ah?" bulong niya sa nakababatang kapatid. Ito ang sinundan ni Yvo. Si Yvo talaga ang pinakabata sa kanila, at si Yvo rin ang pinakabatang naging mayor ng Pampanga sa edad na dalawampu't tatlong taong gulang.
"Tipsy lang," nakangiting saad ni Alaric. Ibang-iba ito sa kaniya. Masayahin kasi ang dating ng mukha ni Alaric. Ito yung tipo ng tao na hindi ka matatakot tanungin or kausapin dahil magaan ang aura ng mukha nito. Hindi katulad niya at ng kapatid niyang si Vandro, silang dalawa daw ang may pagkakapareho na kinaaalanganan lapitan ng ibang tao dahil sa pagiging mukhang masungit nila.
"Huwag ka ng masyadong magpakalasing. Baka mamaya magsabog ka pa dito," paalala niya kay Alaric. Madalas pa naman kapag nalasing ito eh sagad na sagad. Yung tipong kinabukasan ay wala itong alam sa mga naganap.
"Parang may trauma ka na sakin Kuya ah?" natatawang sabi nito. Napailing siya.
"Sino naman ang hindi mato-trauma sayo sa ginawa mo noong huling beses kang nalasing na kasama mo ako? Nagpunta ka lang naman sa isang 24 hours convenient store at nagpumilit sa cashier na ikaw na lang ang gagawa ng trabaho niya kasi gusto mong tumambay doon magdamag. Imagine? Alaric Olivario, a multibillionaire, making a scene in that place? Jesus Christ, Alaric! Pinagagagawa mo that time? So embarrassing!"
Napahimas siya sa sentido at bahagyang lumayo sa Daddy nila. Buti na lang abala ito sa pakikipag-usap kay Mr. Sy.
Si Alaric ay mahinang napahalakhak dahil sa sinabi niya.
"Ginawa ko talaga iyon?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yeah, because you are overlyfocused on thewomanwhoworksthere. She's lovely, and you want to spend the entire night with her."
"Oh well. Hindi ko na talaga maalala. Pero napansin ba ako no'ng babae?"
"Yes. Pero wag kang matuwa kasi nabadtrip siya sayo."
Umawang ang labi nito at napahimas sa batok.
"Sablay ka kasi!" dagdag niya at umiling sabay pumamulsa saka hinila ito palayo sa Daddy nila. Nag-excuse naman si Alaric sa Daddy niya at kay Mr. Sy bago tuluyang sumama sa kaniya.
"Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ni Alaric sa kaniya. Magkasama na silang naglalakad at umalis sa pwesto nila kanina.
"Maglalaro tayo ng billiards. Ang boring ng usapan nila Daddy, puro tungkol sa politika."
"Hanggang ngayon talaga ayaw na ayaw mo pa rin sa politics. What if ikaw naman ang susunod na palabanin ni Daddy na maging mayor ng San Fernando after ni Yvo?"
"No way!"
Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging sagot niya sa tinuran ni Alaric. Ayaw niya ng politika, isa pa ay para saan pa ang magandang trabaho niya sa Dubai at ang kursong tinapos niya kung sa politika din naman ang bagsak niya? Ayaw niyang maging public figure. Mas lalong ayaw na ayaw niya ang pinag-uusapan siya ng mga tao.
"Alam ni Daddy na ayaw ko sa politika. Ikaw ang maghanda, baka ikaw ang isusunod," balik niya dito.
"No way. Mas masarap kayang magluto at mag-explore para makapag-aral ng iba't ibang mga putahe. Ayaw ko rin yang politika na yan no?"
Natawa siya sa sinabi ni Alaric. Parang diring-diri din ito sa politika. Silang dalawa lang yata sa pamilya nila ang may ayaw sa politics. Ayaw nilang pasukin iyon. Nagkatawanan na lang silang magkapatid at magkaakbay na nagtungo sa bilyaran.
"Hindi kaya tayo hanapin nila Daddy?" tanong ni Alaric sa kaniya.
"Hayaan mo sila. Busy naman iyon sa mga bisita niya," sagot niya. Binuksan niya ang silid ng laruan nila ng bilyar at nagulat pa siya nang makita ang kapatid na si Vandro sa loob. Naglalaro ito ng billiard pero may kasama itong isang babae na dahilan para matigilan siya.
Bakit kasama nito yung babaeng hinalikan niya kanina?
Tila napako tuloy siya sa kinatatayuan niya pagkakita niya dito.
"Kuya, okay ka lang? Ayun si Kuya Vandro oh! Tara na!"
Hinila siya ni Alaric. Saka lang siya bumalik sa sariling ulirat. Nakatingin din sa kaniya ang babaeng kasama ng kapatid niya.
Magkakilala ang mga ito?
"Hey, brothers!" bati sa kanila ni Vandro.
"Bakit ka nandito Kuya Vandro? Iniwan mo yung party eh party niyo ni Yvo yun?" Kumuha si Alaric ng tako ng bilyar at ibinigay sa kaniya ang isa.
"Halos wala naman na akong bisita doon. Puro bisita na lang ni Dad yung nandoon, saka ni Yvo. Isa pa ay nakadaupang palad ko na yata ang lahat ng tao doon. I'm tired."
"I see, kaya ka siguro nagtago na dito."
"Yeah..."
"Anyway, sino naman yung magandang binibini na kasama mo Kuya Vandro? Baka gusto mo kaming ipakilala sa kaniya or ipakilala siya sa amin?"
Siniko niya ang dibdib ni Alaric dahil sa tono ng pananalita nito ay parang interesado pa ito sa babae.
Napa-ouch na lang ito sa hangin dahil sa ginawa niya.
Ngumiti sa kanila si Vandro at hinapit ang baywang ng babae saka proud na ipinakilala ito sa kanila.
"Of course ipapakilala ko talaga siya sa inyo. This is Hasna. She's my special girl. Hasna, sila ang mga kapatid ko."
Parang may nagbara sa lalamunan niya nang marinig ang sinabi ng kapatid niya.
Special girl?
Natahimik siya bigla.
"Nice to meet you, beautiful. My name is Alaric. Pangatlo ako sa aming magkakapatid."
Nakipagshake-hands na si Alaric sa babae habang siya naman ay parang tinutubuan na ng ugat sa kinatatayuan niya.
"Nice to meet you, Alaric."
Matapos makipagshake-hands ang babae sa kapatid niya ay bumaling naman ng tingin sa kaniya ang babae.
Lumapit ito sa kaniya at inilahad ang kamay saka ngumiti. May kakaiba sa ngiti nito na mas lalong nagpadagundong ng dibdib niya.
"Pleased to meet you, you are?" wari ay tanong nito sa kaniya kahit alam naman niyang kilala na siya nito. Titig na titig ito sa mga mata niya kaya umiwas siya ng tingin.
"L-lucifer."
Pinilit niyang maging kaswal. Hindi siya dapat magpahalata na gulat na gulat siya. Hindi rin dapat malaman ng kapatid niya na nahalikan niya ang babaeng ito. Malaking gulo kapag nagkataon lalong-lalo at nakikita niya sa mga mata ng kapatid niya na seryoso ito sa babae. Kilala niya ito. Alam niya kapag seryoso si Vandro sa isang babae.
"Nice to meet you, Lucifer."
Pinisil nito ang kamay niya nang magdaupang palad sila. Ibinaling niya ang atensyon sa bilyar para mawala ang kabang nararamdaman niya.
"Let's play. Gusto kong patunayan kay Hasna na ako pa rin ang pinakamahusay maglaro ng billiard sa ating magkakapatid," hamon ni Vandro sa kanila. Halatang gusto nitong magpakitang-gilas sa babae.
"Well, let's see Kuya. Tara!" sagot naman ni Alaric kaya sinimulan na nilang maglaro ng billiard. Habang naglalaro sila ay iniiwasan niyang mapatingin sa gawi ni Hasna. Daig pa nito ang apoy. Tila napapaso siyang tingnan ito.
Bakit sa dami ng babae ay ito pa?
Bakit ito pa ang nagustuhan ng kapatid niya?
No, this is not happening!