CHAPTER 03
Tahimik na ipinasok ni Lucifer ang sasakyan sa loob ng malaking gate pagkauwi niya sa mansyon nila. Sinenyasan niya agad ang guard na huwag gumawa ng ingay dahil hindi alam ng mga magulang niya na uuwi siya ngayon.
"Sir Lucifer? Sir Lucifer kayo nga! Umuwi ho pala kayo," anang guwardiya nila na si Manuel.
Gulat na gulat ito nang makita siya.
"Yes Manuel, hindi talaga ako nagpasabi because I want to surprise them. Nariyan ba silang lahat?" tanong niya rito.
"Nariyan ho si Madam Dayana, si Sir Vandro ho ay maagang umalis kanina at nagtungo sa opisina nito. Si Sir Henry naman ay sinamahan ho si Sir Yvo sa munisipyo," paliwanag ni Manuel. Napatango siya rito. Ang Mommy lang pala niya ang nandito ngayon.
Nang maiparada niya ang sasakyan sa malaking garahe ay bumaba siya at agad na nagtungo sa loob ng malaking mansyon.
Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob. Tahimik lamang ang bawat lakad niya at bawat katulong na makakita sa kaniya ay nagugulat pero agad din niyang sinesenyasan ang mga ito na huwag gagawa ng ingay.
"Yaya Mercy, nasaan ho si Mommy?" tanong niya sa matandang katulong nila. Walo ang katulong nila sa mansyon at si Yaya Mercy ang pinakamatanda. Ito rin kasi ang pinakamatagal ng naninilbihan sa kanila mula noon pa man.
"Nasa garden po si Madam at inaayos ang mga halaman niya," sagot ni Yaya Mercy sa kaniya.
"Salamat Yaya Mercy. Gusto ko siyang i-sorpresa."
Ngumiti siya sa katulong at nilagpasan ito. Kaagad niyang pinuntahan ang garden kung saan sinabi ng katulong nila na naroon ang kaniyang ina.
Natanaw nga niya ito roon na abala sa mga makukulay na bulaklak.
Tahimik siyang lumapit habang nakatalikod ito. Hindi siya nito namalayan. Nang tuluyan niya itong malapitan ay marahan niyang tinakpan ang dalawang mata nito.
Nagulat ito at agad na kinapa ang dalawang kamay niya na nakatakip sa mga mata nito.
"Darling?" sambit ng ina niya sa pag-aakala nito na siya ang ama niya.
"Ano na naman ito, Henry? Ano ka ba hindi na tayo teenager ha?"
Natawa siya sa sinabi ng Mommy niya.
Ibinaba na niya ang mga kamay.
"Hindi mo talaga ako kayang hulaan, palagi mo na lang akong napagkakamalang si Daddy," naiiling na sabi niya sa ina. Nanlaki ang mga mata nito nang humarap sa kaniya.
"Lucy? Lucy my son!" gulat na gulat na sabi nito. Naroon ang kagalakan nito nang makita siya. Hindi ito makapaniwala na kaharap siya nito ngayon. Pero napasimangot siya sa pagtawag nito sa pangalan niya. Palagi na lang siyang tinatawag ng Mommy niya sa pangalang Lucy at naiinis siya dahil pambabae iyon para sa kaniya.
"Mom, how many times do I have to tell you to stop calling me that girly name? It sounds gay!" naiiritang sabi niya. Mahinang humalakhak ang Mommy niya at niyakap siya nito.
"What gay? It's so cute."
"No it's not, Mom!"
Napabuntonghininga siya.
"Why didn't you say you were going home? Nagulat ako sayo, anak. But I'm glad that you're here," anang Mommy niya.
"Gusto ko kayong i-sorpresa. Wala naman pala dito si Dad, even Kuya Vandro at Yvo," wika niya at tumingin sa paligid. Ilang taon rin siyang hindi nakauwi. Mas lalong gumanda ng garden ng Mommy niya. Hindi na siya magtataka dahil mahilig talaga ito sa mga halaman at bulaklak noon pa man.
"Maaga silang umalis pero mamaya ay uuwi rin naman ang mga iyon. Kumain ka na ba? Magpapahanda ako ng pagkain kila Sylvia."
"Okay Mom, pero kailangan ko rin pala munang umalis. Ipapaayos ko kasi yung sasakyan ko."
Kumunot ang noo ng Mommy niya dahil sa sinabi niya.
"What happened to your car?"
"It was hit by a rock. Napadaan ako kanina sa mga batang naglalaro ng tirador at tinamaan nila yung sasakyan ko. Hindi ko na nahabol kung sino man yung batang nakatama kasi ang bibilis na nagtakbuhan."
"Oh my god! Kung ganoon ay ipaayos mo na muna ang sasakyan mo. Tamang-tama magluluto pa naman kami. I will cook your favorite adobo," nakangiting sabi ng Mommy niya. Nawala ang inis niya kahit papaano. He loves adobo, lalong-lalo na ang luto ng Mommy niya na medyo spicy at manamis-namis. Kabaligtaran nila ni Vandro, ayaw nito ng adobong may kaunting tamis, pero paborito rin naman nito ang putaheng iyon basta ayaw lang nito ng adobong may lasang matamis.
"Thanks Mom. I'll be right back," aniya sa ina at humalik sa pisngi nito bago tumalikod.
———
Gabi na nang makauwi sila Vandro at Yvo, ang ama niya ay naunang umuwi kanina at nagkita na sila nito. Nasa loob lang ito ngayon at nanonood ng movie. Gulat na gulat si Yvo at Vandro nang makita siyang palangoy-langoy sa swimming pool. Hindi pa siya agad na nakilala ng mga ito. Tila inaaninag pa siya habang patuloy siyang naglalangoy sa pool.
"Is that Kuya Lucifer?" rinig niyang tanong ni Yvo kay Vandro. Medyo madilim kasi kaya hindi siya masyadong maaninag ng mga ito.
Kunot-noo naman si Vandro habang pinagmamasdan siya. Isinuot pa nito ang salamin sa mata. Natatawa tuloy siya sa dalawa niyang kapatid.
"What's up brothers?" nakangising sabi niya at umahon sa pool. Naglakad siya palapit sa mga ito. Namilog ang mga mata ni Yvo nang malinawan ito.
"What the? Kailan ka pa umuwi Kuya Lucifer?" gulat na gulat na sambit nito.
"Kanina lang," sagot niya at tinapik ang balikat nito. Si Vandro naman ay bahagyang lumayo sa kaniya sa pag-aakalang yayakapin niya ito. Mukhang natatakot itong mabasa. May pagka-masungit pa naman ang Kuya nila.
"Bakit hindi ka nagpasabi?" tanong ni Vandro.
"Aren't you happy? It's a surprise. Kung nagsabi ako eh hindi na sorpresa iyon," natatawang sagot niya rito.
"Anyway congratulations to both of you. Proud brother here!"
Pumalakpak siya.
"Thanks bro!" sagot ni Yvo sa kaniya.
"Thanks Lucifer. But where is Mom?" tanong ni Vandro.
"Nagluluto sila nila Yaya Mercy. Pinagluto niya ako ng adobo kanina. Grabe sobrang na-miss ko iyon! Kahit maghapon na yun ang ulam ko ay walang problema. Iyon na lang ulit ang kakainin ko," sabi niya.
Kumunot ang noo ni Vandro.
"What? I'm sure it's sweet and I don't like it," ani Vandro.
"It's ok because that's not the only dish we have, you know?" nagtaas-baba ang dalawang kilay niya. Napailing naman si Vandro sa kaniya.
"What ever Lucifer the philosopher. You can go up there so we can eat. I'm hungry," ani Vandro sa kaniya. Hawak-hawak pa nito ang hinubad na necktie.
Nauna na itong maglakad papasok sa loob. Sinundan na lamang nila ito ng tingin ni Yvo. Si Vandro ang medyo masungit sa kanilang magkakapatid. Siguro ay dahil panganay ito at mas matanda.
"We need to celebrate bro. Let's drink later," ani Yvo sa kaniya.
"Sure, brother. Lasingin natin si Senator bago pa man siya mabaliw sa Senado," tatawa-tawang sabi niya. Natawa lang din si Yvo at napailing.
"Good idea, we can go to the club later and party! I will also call my friends to bring girls to the club," ani Yvo sa kaniya.
"All right!" nakangiting sagot niya at kinuha ang tuwalya niya saka nagpunas ng sariling mukha at katawan.
"Susunod na ako para makakain na tayo. Magbibihis lang ako," paalam niya kay Yvo.
Tumango si Yvo sa kaniya at nagtungo na rin ito sa loob.