CHAPTER 10

Vandro is enjoying the game with Hasna by his side. Kanina pa siya nagpapakitang gilas sa dalaga. Tahimik lamang ito habang nanonood sa kanila. Si Yvo lang ang hindi nila kasama ngayon. Malamang na busy pa iyon sa party. Tumakas lang siya doon.

"Mukhang suko na talaga ako pagdating sayo, Kuya. Hindi talaga kita kayang talunin."

Itinaas ni Alaric ang dalawang kamay nito habang iiling-iling. Tanda ng pagsuko nito ang pagtaas nito sa dalawang kamay.

"Because you're weak," sabat ni Lucifer. Tumaas ang isang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. Mukhang hinahamon siya nito.

"Woah! Did you win over him? Sa pagkakaalam ko eh hindi ka pa rin naman nananalo kay Kuya Vandro." Binitawan ni Alaric ang tako na hawak nito at sumandal sa wall.

"Maybe, ngayon pa lang." Inayos ni Lucifer ang lamesa kaya silang dalawa naman ang maglalaro. Napangisi siya. Gusto siyang talunin ni Lucifer. Pagbibigyan niya ang mahal niyang kapatid. Obviously, hindi naman ito mananalo sa kaniya kahit ilang beses na siya nitong niyayabangan na tatalunin siya nito sa bilyar ay hindi pa rin nangyayari ang bagay na iyon.

Pinasadahan niya muna ng tingin si Hasna mula sa gilid niya. Ngumiti lang ito sa kaniya kaya napangiti rin siya dito. Si Lucifer naman ay napansin niyang nakakunot ang noo at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya habang nakikipagngitian siya kay Hasna.

"She's not going away, so can you please concentrate on our game?" Napailing ito at bumuntong-hininga. Bakit ba ang bitter ng kapatid niya? Sabagay, wala naman ng bago doon. Ganito na talaga si Lucifer noon pa man. Hindi na nga siya magtataka kung ito man ang pinakahuling mag-aasawa sa kanila. Lahat na lang yata ng babae ay mailap dito.

"Baka lang mapalingon siya sa iba," biro niya at nag-focus na sa bilyar. Pareho sila ni Lucifer na seryoso habang si Alaric naman ay nakahalukipkip at nanonood sa kanila.

"It will not happen if she truly loves you."

Tumingin si Lucifer kay Hasna matapos sabihin iyon kaya napatingin din siya sa dalaga. Kumunot ang noo niya dahil parang may kakaiba sa mga tingin dito ni Lucifer, pero nawala rin agad iyon ng ngumiti si Hasna at sinagot ang sinabi ng kapatid niya.

"Of course, hindi mangyayari iyon. Espesyal rin sa akin si Vandro."

Sa lambing pa lang ng tinig ni Hasna ay tila nawawala na lahat ng alalahanin niya. Kaysarap pakinggan ng sinabi nito. Mas naging ganado tuloy siya sa paglalaro. Masaya siya dahil sa narinig niya kay Hasna. Espesyal din daw siya sa buhay nito. Hindi niya akalain na maririnig niya iyon sa dalaga.

Pumito si Alaric sa hangin sa paraan na parang nanunudyo ito.

"Sana all!" sabi nito habang nangingiti.

"Ikaw na talaga, Kuya Vandro! Ikaw na ang panalo!" dagdag pa ni Alaric at lumapit sa kaniya saka tinapik ang balikat niya. Ang kapatid tuloy niyang si Lucifer ang tila hindi na makapag-concentrate ngayon sa laro.

"Alaric, get out of there! I can't concentrate because of you," masungit na sabi ni Lucifer.

"Sus! Ang sabihin mo, bitter ka lang Kuya Lucy."

"Shut up, Alaric! And can you please stop calling me Lucy? Ginagawa niyo na naman akong babae!"

Napahalakhak si Alaric dahil sa nagngingitngit na kalooban ni Lucifer. Natawa rin tuloy siya. Ayaw kasi talaga nitong tinatawag sa pangalan na Lucy. Ang Mommy nila ang salarin sa pagbansag dito ng Lucy, at naaasar ito kapag tinatawag rin nila ito sa pangalang iyon.

Inawat na niya si Alaric sa pang-aasar kay Lucifer para makapag-focus na sila pareho sa laro.

———

12 AM na pero hindi pa rin natatanaw ni Greco si Hasna. Medyo nahihilo na siya sa dami ng nainom niya sa party kanina. Nasaan na ba ang kapatid niya? Baka kung saan na ito dinala ni Vandro.

Wag lang talaga itong magkakamali na may gawing masama sa kapatid niya at hindi siya matatakot na iputok lahat ng bala ng baril niya dito kahit pa matanggal siya sa serbisyo.

Palakad-lakad siya sa loob habang ang mga mata niya ay malikot sa paghahanap kay Hasna.

Hindi niya alintana na makakasalubong niya si Yvo Olivario. Natigilan ito pagkakita sa kaniya at parang sinusuri ang mukha niya. Siguro ay kinikilala siya nito.

"Excuse me? Do I know you?" tanong nito sa kaniya. Ngayon lang niya napagmasdan ang bunso sa magkakapatid na mga Olivario. May kung ano sa pakiramdam niya na hindi niya maipaliwanag. Hindi tuloy siya nakasagot agad.

"Hey!"

Kumaway ito sa harapan niya dahil hindi siya sumasagot sa tanong nito. Napakurap siya bago nagsalita.

"K-kapatid ako ni Hasna."

Ilang sandali na nag-isip si Yvo. Sigurado siyang kilala na nito ang kapatid niya dahil malamang na ipinakilala na ni Vandro si Hasna sa mga kapatid nito. Bahagyang namilog ang mga mata nito nang mapagtanto ang sinabi niya.

"Oh, you're her brother? I see. Hasna is a special woman in my brother's life."

Tumikhim siya at tumango sa lalaki.

"Yes and I'm looking for my sister. It's 12 midnight already and we need to go home."

"I'm so sorry. Come with me, they're probably in the billiard room."

Hindi na siya umimik pa at sumama na lang siya kay Yvo. Ilang silid rin ang dinaanan nila bago sila pumasok sa billiard room na sinasabi nito. Doon ay naabutan niya ang tatlong magkakapatid na Olivario. Naglalaro ng bilyar si Vandro at Lucifer habang si Hasna naman at ang isa pang kapatid nila Vandro ay nanonood sa mga ito. Gulat na gulat ang mga ito pagkakita sa kanila ni Yvo.

"Kuya Vandro, he's looking for Hasna," ani Yvo sa panganay na kapatid.

Napatayo naman si Hasna sa kinauupuan nito nang makita siya.

Kunot ang noo ni Vandro nang lumapit sa kanila at itinigil ang paglalaro.

"Who are you?" tanong nito sa kaniya.

"Vandro, he's my brother," mabilis na sagot ni Hasna. Pati yung Lucifer ay kunot na kunot din ang noo habang nakatingin sa kanila.

Napalunok si Vandro nang malaman nito na kapatid siya ni Hasna.

"Brother? May kapatid ka pala?" ani Vandro. Nawala na ang kunot ng noo nito.

"Yes, I'm Greco. Pasensiya na pero kailangan na naming umuwi ni Hasna. 12 midnight na at hindi maganda sa isang babae ang umuuwi ng ganitong oras."

Tila napahiya si Vandro sa sinabi niya.

"I'm sorry, I didn't mean to—"

"It's okay Mr. Senator. Masyado lang akong over protective sa kapatid ko. I hope you understand."

"Y-yeah, of course I understand. Kung ganoon ay ihahatid ko na kayo," pagpiprisinta ni Vandro pero tumanggi siya dito.

"Hindi na. May dala naman akong sasakyan. Ako na lang ang maghahatid sa kaniya."

"Are you sure?" paniniguro ni Vandro.

"Hayaan mo na ang kapatid ko Vandro. Kaya naman naming umuwi. Don't worry," ani Hasna at nakita niyang hinawakan nito ang kamay ni Vandro. Napaiwas siya ng tingin.

Iniwan na nila ang tatlong magkakapatid sa loob ng billiard room habang si Vandro naman ay inihatid silang dalawa ni Hasna hanggang sa gate.

"Greco, I'm really sorry, sana hindi mabahiran ng masama ang tingin mo sa akin. Hindi na ito mauulit."

Hindi niya akalain na hihingi ng sorry sa kaniya ang isang Vandro Olivario. Ngayon niya napatunayan na seryoso sa kapatid niya ang Senador. Natatakot yata ito na hindi siya maging boto dito dahil inabot ng madaling araw sa poder nito ang kapatid niya.

"Wag mo ng intindihin iyon Mr. Olivario."

"Masyado ka namang pormal, you can call me, Vandro. Maraming salamat sa pagpayag mo kay Hasna na magpunta sa party at sa pagsama mo na rin sa kaniya."

"You're welcome. Basta ikasasaya ng kapatid ko, gagawin ko."

"You're a sweet brother to Hasna."

Ngumiti ito sa kaniya at tinapik ang balikat niya, ilang sandali pa ay bumaling naman ito kay Hasna.

"Goodnight, Hasna. Thank you for coming and making my night complete."

Yumuko ito at gumawad ng halik sa noo ng kapatid niya. Hindi na niya tiningnan ang reaksyon ni Hasna at binuhay niya ang makina ng sasakyan niya para ihanda sa pag-uwi nila. Narinig na lang niya ang naging huling sagot ni Hasna kay Vandro.

"You're welcome Vandro. Goodnight."