KABANATA 6
TRAVIS EVAN RIOS
Nanghihina akong tumingin kay Treya kung nagawa na ba niyang kunin ang kutsilyo, tumango naman siya sa akin palatandaan na nakuha na niya.
Napahinga naman ako ng malalim dahil ro'n, nng hindi na nila ako binubugbog ay muli akong bumalik sa dati kong kinaroroonan.
Konting oras na lang...
"Tama na muna 'yan," pagtitigil ni Demya sa mga tauhan niya. "Aalis ako ngayon, kaya batayan niyong mabuti 'yang mga 'yan dahil kung hindi kayo ang malilintikan sa akin.
"Sumunod sa akin ang iba, tara na at lumabas. Magsikalat kayo, hayaan niyo munang mag-family reunion sila, hahaha!"
"Hahaha!"
"Hahaha!"
"Tara na."
Isa-isa nila kaming binalingan bago sila lumabas sa kuwarto ito.
Mahinang umiiyak ang mga anak ko habang nakatingin sa amin ng mommy nila.
Nakita kong tumayo ang asawa ko ngunit agad ring natumba, nakita naman 'yon ni Treya kaya tinulungan niya itong tumayo.
Nakita ko ring wala na siyang tali sa kamay, kaya kinalagan niya si Bel para malapitan ang mga anak ko.
"Ayos lang ba kayo mga anak?"
"M-mommy."
"Shh, huwag kayong mag-alala, gagaw kami ng paraan para mailigtas kayo ha?"
"Abela..."
Napatingin si Bel kay Treya ng tinawag niya ito.
"B-bakit?" utal niyang tanong.
Nakita ko pang napalunok si Treya bago magsalita.
"I h-have something to tell you..."
"A-ano 'yon?"
~~
ABELA SCHENEDER-RIOS
"I'm your sister, I mean step sister."
Kumunot ang noo ko dahil ro'n, anong kabaliwan na naman 'to?
Tumingin ako sa asawa kong nakatingin saaming dalawa ni Treya.
"W-what?"
"Yes, im your sister..."
"P-paano, teka, hubby?"
"That's true wife, she's your step sister."
"How?" tanong ko sa kanila.
"My father, I mean our father, you are his first daughter from his second wife, your mom. Ako ang unang anak ng daddy natin, 5 years ago. Nalaman ko na may kapatid ako sa ibang asawa ni daddy. Pero bago ang lahat, I wan introdce myself to you in person."
Tumango naman ako kahit na naguguluhan ako sa sitwasyon namin ngayon tapos dumagdag pa 'to.
"Im Agent Treya Abela Scheneder-Scourter, 38 years old, 18 years of married." Nanlaki ako mata ko dahil ro'n, p-paano?
"Yes, im totally married to man I love. Alam ko ang iniisip mo sa apat na taong nakikita mo ako." Bahagya pa siyang natawa dahil do'n. "Bago ko malaman na may kapatid ako, ay nag-imbistiga ako. No'ng una hindi ako makapaniwala n may kapatid pa akong babae bukod sa amin ng iba pa nating kapatid, 31 years old ka na ng tuluyan na kitang nakilala."
"Nando'n rin ako no'ng panahong naaksidente kayo ng mga anak at asawa mo, ako ang nagdala sa inyo sa ospital. Alam mo bang sobra akong nag-alala sa inyo ng mga oras na 'yon? Dahil hindi ko alam kung ligtas ba kayo o hindi."
"After 1 year na pagsubaybay ko sa inyo ay may napansin akong palaging nakasunod sa inyo kung saan man kayo pumunta. Palagi rin may nakatingin sa labas ng gate niyo kapag nasa loob kayo kaya kinutuban ako. Doon na rin ako nagpakilala sa asawa mo, sinabi ko sa kaniya ang mga napapansin ko."
"After ng ilang weeks, do'n na nakakatanggap ang asawa at mga anak mo nang mga death threats. Takot na takot ang asawa mo dahil ro'n, alam mo ba kung ano ang palaging nakalagay sa death threats na 'yon? BUHAY SA BUHAY, DUGO SA DUGO AT LAMAN SA LAMAN SA SUSUNOD ABELA SCHENEDER-RIOS BUHAY NA NG MGA ANAK AT ASAWA MO ANG MAWAWALA."
Kinilabutan ako sa sinabi niya, hindi ko maproseso sa utak ko ang mga 'yon. Natatakot ako dahil sa loob ng apat na taon ay may natatanggap na silang mga gano'n, hindi man lang nila sinabi sa akin.
"Kaya sinabi ko sa asaw mong magpanggap kami, alam rin ito ng mga anak mo, nagpakilala rin ako sa kanilang tita nila ako at kapatid kita. Nagsisi akong hindi namin sinabi sa 'yo ang mga nangyayari sa paligid mo. Ikaw ang pinaka-target ni Demya, sana sinabi na lang namin sa 'yo para hindi kana nasasaktan no'ng kailangang layuan ka ng mga anak mo. Kaya sorry sa ginawa ko, kasi ng dahil sa akin, kailangan pang lumayo ng mga anak mo para lang malayo sila/ikaw sa kapahamakan..." umiiyak niyang sambit.
Nakatungo lang ako habang may mga luha na namang tumutulo sa mata ko, hanggang kailan ba ako paglalaruan ng tadhana? Napag-isipan ko pa tuloy sila ng asawa ko ng masama...