KABANATA 5
ABELA SCHENEDER-RIOS
Palabas na sana kami ng biglang may dumating na mga armadong lalaki, kinabahan agad ako dahil ro'n. Alam kong nandito rin ang boss nila.
"Tigil! Akala niyo makakatakas kayo rito? Hahaha! Hindi! Dahil lahat tayo ay mamamatay rito! Isasama ko rin ang mga anak niyo!" galit na sigaw ni Demya, nakilala ko na rin kung sino siya.
Naging yaya siya ng mga anak ko sa loob ng 4 years, nagmamanman na pala siya sa buhay namin. Hindi ko alam na nasa paligid lang ang hindi dapat pagkatiwalaan.
"Demya?" nagtatakhang tawag sa kaniya ng asawa ko.
"Ako nga, Mr. Rios."
"A-anong ginagawa mo rito at bakit kasama mo sila?"
Biglang tumawa ng demonyo si Demya dahil ro'n. "Hahaha! Hindi mo pa rin nararamdaman? Sabagay, isa ka lang namang walang kuwenta. Boys, kunin at itali sila, aalis na tayo rito dahil alam kong ilang saglit pa ay nandito na ang mga parak."
"Masusunod, Boss!"
Pinagtulungan ng mga tauhan ni Demya si Treya nang bigla itong manlaban, ngunit kalaunan ay hindi niya matalo-talo ang sankadamakmak na tauhang ito.
Nanginginig naman ako sa takot ng bigla nila akong nilayo sa asawa ko, tinali nila ang mga kamay ko at nilagyan ng busal ang bibig, maging ang mga mata ko ay nilagyan ng takip.
"Tara na!"
Naramdaman ko na lang na dinala nila kami sa isang kotse, hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga sugat ko, hindi pa rin ako nakakabawi ng lakas. Hanggang kailan ba ito matatapos?
Nang dahil na rin siguro sa pagod ay agad akong nakatulog. Nagising na lang ako ng may tubig na bumuhos sa akin.
Unti-unti akong gumalaw, pinakiramdaman ang paligid, maraming mga naglalakad. Maraming tao.
"Magsigising kayo! Mayroon akong surprise sa inyo, tiyak na matutuwa kayo, hahaha!"
"Tanggalan niyo ng piring at busal ang mga 'yan."
Naramdaman kong may nagtanggal ng piring sa mata ko at busal sa labi, sinanay ko ang mata ko sa liwanag na nababalot nitong buong sulok.
Nasa isang abandonadong ospital kami, dahil na rin sa mga gamit na nakapalibot rito, halatang mga luma.
"Gusto niyo na bang makita ang sorpresa ko? Siguro naman ay oo, hahaha! Ipasok na 'yang mga 'yan!"
Dahan-dahan akong napatingin sa pintuan ng pumasok ang mga ito.
Hindi, hindi puwede ito... Huwag...
"Trasha, Trei, Tres, Tran, Triv, Trej, Trav, Troy!"
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sumigaw. "Huwag mong idamay ang mga anak ko! Maawa ka!"
"Paano ba 'yan? Mas maganda kapag nandirito ang mga anak mo, tandaan, buhay kapalit nang buhay."
"Wala naman kasing kasalanan sa 'yo! Kaya bakit mo ito ginagawa?!"
"Walang kasalanan? Nagpapatawa ka ba? Nang dahil sa inyo, namatay ang anak ko! Kaya kailangn niyo ring mamatay, at uunahin ko ang mga anak niyo para maramdaman niyo kung paano mawalan ng anak!"
"Mommy, Daddy!" umiiyak na sigaw nila sa amin ng asawa ko.
Naaawa ako sa kanila dahil ang bata pa nila para maranasan ang bagay na 'to.
"Ako na lang, parang awa mo na! Huwag ang mga anak ko!"
Ngunit niya ako pinakinggang.
"Kunin niyo ang mga bata at ibitay isa-isa."
No...
"Mommy!"
"Daddy!"
"Huhuhu!"
"P-please h-help u-us, m-mommy, d-daddy!"
"Shh, mommy do everything para makaalis kayo ha?"
"Mommy!"
Umiiyak akong tumingin sa kanila, wala man lang akong nagawa para sa kanila. Hindi pa kaya ng katawan ko, parang unti-unti akong pinapatay dahil sa ngawa ng mga anak ko.
"Manahimik!" tatlong putok ng baril ang bumalot sa buong lugar.
"Ano bang kailangan kong gawin para huwag mo lang idamay ang mga anak ko?" halos pakiusap kong tanong.
"Magagawa mo bang ibalik ang anak ko?"
Hindi ako makasagot dahil do'n.
"Hindi tiba? Anong kayang puwedeng gawin sa mga anak mo?"
Umiiyak akong napatingin sa kaniya bago lumingon sa asawa kong bugbog sarado.
"Patayin."
Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya nang sambitin niya ang isang salitang 'yon.
"Pero syempre, dahan-dahanin natin para naman may thrill." Umiling-iling ako sa kaniya para hindi niya gawin 'yon. "Boys, simulan na."
No...
"Mommy! Daddy!"
"Trasha!" sabay na sigaw namin ng asawa ko at ni Treya.
"Stay away from me! Ahh!"
~~
THIRD PERSON'S POV
Umiiyak na tiningnan ng mag-asawa ang anak nilang si Trasha, mayroong dalawang lalaki ang patuloy na humahaplos sa katawan niya.
"Tama na!" sigaw ni Trasha sa dalawang lalaking patuloy na humahaplos sa katawan ng dalaga.
"Ako na lang, huwag ang mga anak ko at asawa ko, please!" sigaw ni Travis ngunit walang nakinig sa kaniya.
Naaawa naman si Treya dahil sa sinapit ng pamangkin niya, gusto niyang tumulong pero hindi niya magawa dahil maraming tauhan ang nakabantay sa knikilos niya.
Paatuloy na sumisigaw sa pagmamakaawa ang mag-asawa dahil sa kalunos-lunos na nangyari sa panganay nilang anak.
"Ate!"
"Trasha!"
"Stop it!"
Sabay sabay nilang saad sa dalaga ng bigla itong hinampas ng isang bakal.
"Tama na! Mga putangina niyo! Huwag ang anak ko!"
"Ahh!!"
Patuloy na umiiyak si Abela dahil sa sinapit ng anak niya, muli na namang sumikip ang dibdib niya dahil sa nangyayari.
"Hahaha! Kamusta ang pakiramdam? Masaya ba? Ganiyang rin ang naranasan ko ng nasa binggit na ng kamatayan ang anak ko!"
"Kulang pa 'yan, paano ba 'yan? Nagsisimula pa lang tayo, tingnan natin kung kayanin niyo ang susunod kong gagawin."
"I-itigil mo na 'to, hindi sapat na rason ang pagkamatay ng anak mo nang dahil sa amin... Kulang ng sapat na rason para makapaghiganti ka sa amin ng sobra-sobra... Hindi naman namin alam na mayroong buhay ang nawalan ng dahil lang sa kami ang inasikaso ng mga doctor na 'yon... Kung kaya ko lang ibalik ang oras na 'yon para lang hindi nama----."
"Timigil ka! Nandito na ako, gusto mo pa akong tumigil?! Hahaha! Nakakatawa ka naman, sabagay sino ka ba naman para pakinggan, eh, 'yang asawa mo nga may kinakalantaring iba."
Nasaktan si Abela dahil ro'n, oo nga naman, sino ba siya para mag-demand.
Napatingin siya sa asawa niyang umiiyak na nakayuko.
"Tapusin na natin 'to, ako na lang ang magbabayad ng kasalanang hindi naman kami ang gumawa."
"Suko ka na? Puwes! Ako hindi pa!"
"Mommy!"
Ang triplets at quadruplets naman ang pinagbalingan nila ng pansin, sampal, tadyak, at suntok.
"Ahhhhh!!!!!"
~~
TRAVIS EVAN RIOS
Mga putangina nila! 'Yung mga anak ko, ang bata pa nila para maranasan 'to, sana hindi ko na lang sila iniwan sa mansion.
Sissiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan.
Napatingin ako sa asawa kong namamaga na ang mata dahil sa kakaiyak, naaawa at nag-aalala ako sa kalagayan niya, sobra na ang sinapit niy sa mga kamay ng mga kumidnap sa kaniya.
Punong-puno na nang dugo ang damit niya, ang dami niyang sugat at pasa.
Pangako, ililigtas ko kayo rito kahit kapalit n'yon ang buhay ko.
Nagmasid ako sa paligid, tinitingnan ang mga tauhang nakabantay sa kilos namin. Pasimple akong lumapit kay Treya para hindi nila ako mahalatang may binabalak.
"Treya... Nakikita mo ba 'yung lumang kutsilyo sa may gilid?"
Tiningnan naman niya 'yon at saka bahagyang tumango.
"Oo, bakit?" halos pabulong niyang saad.
Muli na naman akong tumingin sa paligid kung may nakatingin sa akin, mabuti na lamang at tutok sila sa harapan.
"Kunin mo 'yon mamaya, gagawa ko ng paraan para mabaling sa akin ang atensiyon nila. Ayoko nang makita pang sinasaktan nila ang mga anak at asawa ko."
"Ok."
"Magbibilang ko sa tatlo at saka tayo kikilos."
Tumango naman siya sa akin at saka muling nagmasid.
"One... Two... Three... Go!"
"Mga putangina niyo!" Tumayo ako at saka sila sinubukan libangin para hindi nila mahalatang may pinaplano ako.
Agad silang kumilos ng napansin nilang tumayo ako.
"Bugbugin 'yan!"
Apat na armadong lalaki ang lumapit sa akin at saka ako pinag-tulungan na bugbugin, tadyak, suntok at hampas ng bakal ang natamo ko sa kanila.
Napaubo ako ng dugo dahil sa natamo ko, rinig na rinig ko ang sigaw ng mga anak ko at asawa ko, pero hindi pa ako puwedeng sumuko dahil kailangan ko pa silang iligtas sa impyernong 'to.
"Hubby!"
Sinubukan kong manlaban ngunit hindi na kinakaya ng katawan ko, masyado na akong nanghihina. Ganito ba ang sinapit ng asawa ko sa ilang araw niyang nawala?
Nagpapasalamat akong nakayanan niya, at sana ay lumaban pa siya at kayanin niya.