KABANATA 4
THIRD PERSON'S POV
Continuation...
"Teka, doc! Sa'n ka pupunta?! 'Yung anak ko!" Sigaw nang babae sa doctor na umalis sa puwesto niya.
"Nurse! 'Yung anak ko, nahihirapang huminga! Tulong!"
Ngunit ilang minuto ang nakakalipas ay walang tumulong sa kaniya, kaya umiiyak siyang napatingin sa anak na namumutla, nagiging violet na rin ang mga labi nito at wala nang buhay.
Nanginginig ang labi niya dahil sa nangyari sa anak niya. "H-hindi, a-anak... g-gising t-tutulungan ka ni m-mama, ha? H-hihingi ako ng t-tulong..."
Ginigising niya ang anak ngunit hindi na ito magising. Ilang saglit pa ay natulala siya sa nangyari. Saglit lang niyang nahawakan at nasilayan ang anak ay kinuha na agad ito sa kaniya.
Labis ang sakit na nadarama niya dahil sa nangyari, napatingin siya sa mga nurse na nag-uusap sa isang tabi.
"Nakita mo 'yung pamilya Rios? Grabe 'noh? Nadinig kong naaksidente raw sila, kawawa 'yung mga anak nila. Grabe raw ang yaman ng mga 'yon, kaya hindi magkanda-ugaga ang mg doctor at iba pang nurse na umaasikaso sa kanila."
"Pamilyang Rios... Nang dahil sa inyo, nawala ang anak ko, magbabayad kayo, buhay kapalit nang buhay."
Nanggagalaiti sa galit ang babaeng namatayan ng anak dahil ro'n, at nang mga oras na 'yon ay nagplano na siya kung paano niya mapapatay ang pamilyang 'yon.
Buhay kapalit nang buhay...
~~
TRAVIS EVAN RIOS
"Ano, nahanap niyo na ba si Bel?" nag-aalala kong sambit sa mga kasamahang pulis ni Treya.
"Wala pa kaming lead, sa ngayon ay kailangan nating mabantayan ang mga bata, dahil masisiguro namin na sila na ang next target nang gustong pumatay sa asawa mo."
Si Treya Abelana Scheneder, ang step sister ni Bel. Hindi niya pa alam na kapatid niya si Treya, ang akala niya ay kabit ko ang ate niya ngunit hindi.
Isa siya sa mga tumutulong sa akin upang makilala ang gustong pumatay kay Bel. Alam kong malabong reason ang ginawa naming pagpapanggap na ito pero wala na kaming magagawa dahil palaging nasa paligid ang mga tauhan ang taong gustong pumatay sa asawa ko.
Isang Secret Agent si Treya, alam rin ito ng mga bata. Sa katunayan ay ang mga bata ang unang nakakatanggap ng mga Death threats, mabuti na lang at maaga nilang sinabi sa akin.
Natatakot ako para sa pamilya ko, mabuti na lang at nakilala ko si Treya ang ate ng asawa ko.
Ang buong mansion namin sa bahay ay may secrets cctv na sobrang liit, galing kay Treya 'yon.
Kaya nakikita ko kung paano masaktan ang mga anak ko kung paano nila iwasan ang mommy nila para lang maging safe si Bel.
Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan ang asawa ko, kailangan pa talaga naming magpanggap na nilalayuan namin siya upang hindi na gawin ang balak ng suspect.
Lahat ng 'yon ay isang acting lamang, kapag gabi at natutulog na si Bel ay saka pupunta ang mga anak namin upang tabihan siyang matulog, alam rin nilang palaging pumupunta ang mommy nila sa kuwarto nila kaya gumawa sila ng paraan upang hindi makatunog ang mommy nila.
Sobrang hirap na mag-panggap na parang wala kang paki-alam sa asawa mo. Dahil alam mong masasaktan siya.
"Daddy..." napatingin ako sa anak ko ng tinawag niya ako.
"I miss mommy... I wanna see her, I regret what we do to her para lang malayo siya sa kapahamakan." Naiiyak na sambit ng panganay namin ni Bel.
Nasaktan ako dahil ro'n, kahit ako ay pinagsisihan ang hindi namin pagpansin sa kaniya, pero kasi...
"Me too!" ang triplets at quadruplets ay sunod na umiyak, nilapitan ko sila kahit na parang mabubuwal na ko, hindi ako puwedeng panghinaan ng loob.
"Shh... Don't worry, huh? I'll look for your mommy, tahan na, tiba ayaw ni mommy na umiiyak kayo? I promise, hahanapin namin ang mommy niyo."
TREYA ABELA SCHENEDER-SCOURTER
Ilang araw na ng huling nakita ko ang kapatid, here I am ginagawa ang lahat para makabawi sa kaniya.
Gusto ko ng magpakilala sa kapatid ko, pero hindi pa ito ang tamang oras. Masiyado pang magulo ang lahat.
Sa ngayon ay wala pa kaming lead kung sa'n siya dinala ng may gustong pumatay sa kaniya.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nag-ring.
Agent Ramirez Calling...
"Hello? Do you have a lead on where my sister is?"
"Meron na po, Boss! Nagsalita na po ang isa sa mga nahuli nating nagmamanman sa pamilya ng katapid mo. Nasa xxx xxx xxx po ang kuta nila, sa gitna ng kagubatan, masyadong maraming tauhan. Mukha pong pinag-handaan nila itong mabuti."
"Good, stay there. Papunta na kami diyan, magdadala ako ng maraming back-up."
"Copy, Boss!"
"Evan," tawag ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin.
"Nalaman na nila kung nasaan ang kapatid ko. Pupunta na kami ng mga bata ko para puntahan kung nasaan ang kuta nila."
Dali-dali naman siyang tumayo at lumapit sa akin, makikita ang pag-asa sa mga mata niya.
"Sasama ako."
Umiling ako sa kaniya dahil hindi puwede.
"Hindi puwede, masiyadong delikado. Marami ring mga armadong lalaki ang nando'n."
"No, sasama ako, gusto kong ako ang unang makakakita sa asawa ko."
Wala na akong nagawa dahil sa determinadong boses niya.
"Ok."
Tumingin ako sa mga kasama kong secret agent.
"Kayo na ang bahala sa mga bata, hanggat maaari ay huwag kayong lumayo sa kanila. Huwag niyo rin silang pababayaan," isa-isa ko silang tiningnan bago maghanda.
"Copy, Boss!"
"Good," nauna akong lumabas bago sumunod si Evan saa akin.
"Mahaba-habang gabi ito para sa atin, kaya kailangan nating maghanda para sa oras na 'to. Kailangan nating dumating ng maaga bago pa mahuli ang lahat."
~~
ABELA SCHENEDER-RIOS
Ilang oras na ang nakakalipas ng dalhin nila ako sa torture room, ilang beses na rin nila akong nilulublob sa isang malaking drum na punong puno ng tubig.
Hindi na ako makahinga sa pinag-gagawa nila, nawawalan na ako ng pag-asang mahanappa ako ng asawa ko.
Ilang sandali na lang ay parang katapusan ko na, hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa nila sa akin, paulit-ulit na lang.
Sobrang dami ko na ring latay sa katawan ilang beses nilang paulit-ulit na hinampas ang likod ko.
Hindi na rin maitsura ang mukha ko.
Napahinto ang isang lalaki sa ginagawa niya sa akin ng may nakarinig kaming mga putok na baril.
Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa isiping may tumulong sa akin. Gusto ko ng umalis sa impyernong ito, masyado ng nakakasakal.
Gusto ko ng umuwi sa mga anak ko, miss ko na sila.
Pikit ang matang humihinga ako habang pinakikiramdaman ang paligid, narinig kong bumukas ang pinto at parang may hinagis na tao.
"Argh!" daing ng isang boses, parang huminto ang tibok ng puso ko ng mabosesan ang boses na 'yon, hubby...
Dahan-dahan akong tumingin sa mga taong hinagis kanina.
"Bel..." parang naiiyak na sambit ng asawa ko, nahagip ng paningin ko ang kasama niya.
Bakit hanggang dito magkasama pa rin kayo?
Nagpumilit ako ng ngiti kahit nanghihina dahil sa pagod, gutom, at uhaw.
"H-h-h-hubby," halos hindi ko na masabi ang katagang 'yan.
"A-anong... a-anong g-ginawa n-nila s-sa iyo?" Lumapit siya sa akin habang sinasabi niya 'yon.
Kita sa mata niya ang awa at sakit dahil sa dinanas ko sa kamay ng taong kumuha sa akin.
"D-d-d-dumating k-ka, h-h-hubby..."
"Shhh, h-huwag ka munang magsalita, h-huh? M-malalabas k-kita rito, wife..."
Umiyak ako sa rahan ng boses niya, para kang dinadala sa alapaap, idagdag mo pang tinawag niya akong wife. Parang nawala ang sakit na nasa dibdib ko dahil ro'n.
"B-b-bakit n-ngayon k-k-ka l-lang?" napaubo pa ako dahil sa hirap kong pagsasalita.
"I'm sorry." Hinalikan niya ang ulo ko at saka marahan hinagkan.
"Evan," napatingin ako sa babaeng nagsalita, Treya...
"Wala na tayong oras, kailangan na nating umalis rito bago pa tayo maabuta ng iba pang tauhan."
Tumango ang asawa ko sa kaniya at saka ako marahang itinayo.